
Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets
Habang nakaupo si Thalia Briones sa burol ng kanyang ina, nakaitim at tahimik lang siyang umiiyak. Wala siyang ibang kasama kundi ang lungkot at mga alaala. Samantalang ang asawa niya ay nasa isang birthday celebration. Hindi sa kanya kundi para sa first love nito. Gabi ng halakhak, ilaw, at mamahaling alak habang siya'y nagluluksa mag-isa.
Pag-uwi niya ay hindi na siya nagsalita. Iniwan lang niya sa mesa ang divorce papers. Saka siya nagdesisyong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan at lumayo nang tuluyan.
Lumipas ang limang taon.
Sa isang exclusive na auction event, isang babae ang lumitaw bilang punong auctioneer. Nakasuot siya ng backless na modern Filipiniana, may slit sa hita, at nakatakip ang mukha ng manipis na puting belo. Tumahimik ang buong hall. Lahat ng mata ay sa kanya lang nakatingin.
Sa isang sulok ng silid naman ay nanigas si Isagani Castillo. Matagal na niyang hinahanap ang babaeng iniwan siyang walang paliwanag. Ngayon, nakaharap niya ulit ang isang anino ng nakaraan.
Read
Chapter: Chapter 4Humugot ako ng malalim na hininga.Ayokong umagawa pansin, ayokong may makakilala sa aki, at lalong hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito.Bumalik sa lugar nila? Imposible.“Wala akong katumbas na presyo.”Pagkasabi ko no’n, dahan-dahan akong lumihis sa daraanan at naglakad palayo mula kay Isagani.Hindi niya ako pinigilan, pero ramdam kong nakasunod ang mga mata niya sa bawat hakbang ko.May samyong naiwan sa hangin. Hindi pabango, pero pamilyar. At sa kung anong dahilan, hindi matukoy ni Isagani kung saan niya iyon una naamoy.Hindi nakalampas kay Isagani ang kilos ko, ang presensya ko na may kakaibang aura, katulad ng dati.‘Thalía.’ Iyon ang pumasok sa isip ni Isagani.I always appear calm on the outside, but I have a strong will within. I stand firm in my beliefs, and that’s what he always used against me, even back then.Pero ngayon, tila napigtas ang pasensya ng tadhana sa kanilang dalawa. Alam kong napansin niya na ang pagkakapareho namin ni Thalía. Kailangan niyang lumay
Last Updated: 2025-07-22
Chapter: Chapter 3Pinitik ni Lucas ang noo ni Isaiah at tiningnan ito na para bang nawalan na ng pag-asa sa kanya.“Lagi namang sinasabi ni Mommy na magbasa ka nang magbasa at bawasan ang paglalaro sa computer, pero palihim ka na namang naglaro, ‘di ba? Isa lang sa pitong salita ang hindi mo naisulat ng maayos tapos dalawa pa ro’n mali ang baybay.”“Kuya naman, huwag mo nang intindihin ang mga detalye,” sagot ni Isaiah habang nakangiti. Pagkatapos niyang magsulat, iginuhit pa niya ang isang pigurang baboy na sobrang abstract ang hitsura.“Hmmph. Tatay na aso,” irap ni Lucas sa kanya.Gusto talaga nilang malaman ng lahat na isa siyang malaking salbahe.Kahit hindi nila siya nakita sa mga nakaraang taon, kilala pa rin nila ang pangalan niya. Minsan nga, nakikita pa nila siya sa TV na masaya kasama ang ibang babae sa kung anu-anong event.Kaya nang una nilang makita si Isagani dito, agad nila siyang nakilala at walang duda.Hindi talaga binabanggit ng Mommy nila si Isagani sa kanila . Karamihan ng alam ni
Last Updated: 2025-07-22
Chapter: Chapter 2Limang taon na ang lumipas.Ako na ngayon ang pangunahing auctioneer sa pinakamataas na auction house sa buong Pilipinas.Puno ang maluwang na bulwagan ng mga kilalang personalidad.Nakatayo ako sa auction table, suot ang isang puting dress na hapit sa katawan at may mataas na slit sa hita. Nakasuot ako ng puting lace na belo at nakatali ang mahabang itim kong buhok. Hindi nila lubusang makita ang aking mukha, pero bawat galaw ko ay kaakit-akit sa kanilang paningin.May kumpiyansa akong ipinapakilala ang bawat item sa display stand sa maganda at maayos na paraan, kaya’t sabik silang makipag-bid.Ang malinaw kong mga mata ay tumitingin sa paligid ng entablado habang hawak ko ang gavel. Ako ang may kontrol sa buong sitwasyon.Sa ikalawang palapag, si Isagani ay nakaupo at lumingon nang bahagya."Siya ba ang taong gustong makilala ni Lolo?"Ipinasa ng assistant ang impormasyon. "Opo, Mr. Castillo. Ang pangalan niya ay Salome. Auctioneer siya na nagsimulang lumahok sa mga bidding limang t
Last Updated: 2025-07-22
Chapter: Chapter 1"Thalía, magsisimula na ang libing. Hindi pa ba dumarating si Isagani?"Nakadamit ako ng pangluksa habang nakaluhod sa harap ng burol ng aking mama. Ang apoy mula sa nasusunog na papel ang tanging nagbibigay liwanag sa maputla kong mukha.Muli akong tumingin sa cellphone kong halos malobat na. Wala pa ring sagot mula kay Isagani.Simula nang pumanaw si mama, nanatili akong nakabantay sa burol sa loob ng pitong araw. Pitong araw at kahit isang araw ay hindi dumalaw ang asawa kong si Isagani, na tatlong taon ko nang pinakasalan.Alam kong abala siya sa trabaho. Palagi ko naman siyang nauunawaan.Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka nga abala lang talaga siya sa trabaho."Siguro abala lang siya sa trabaho kaya hindi makakapunta."Basa na rin ng luha ang mukha ko. Sinindihan ko ang huling papel na pera sa kamay ko saka dahan-dahang itmamao ang mabigat kong katawan."Simulan na natin ang libing," sabi ko sa paos at putol-putol na tinigBiglang nagsalita si Tiya Isabel na nasa tabi k
Last Updated: 2025-07-22