로그인“Pero gusto kong sumama sa iyo.” Bahagyang nagbago ang tinig ni Hailey, at may pahiwatig na ng pagmamakaawa sa mga mata niya. “Hindi ba puwedeng kahit ngayon lang?”“Miss Hailey.” Kalmado ang tinig ni Jaelan, ngunit malinaw ang distansiyang inilalagay niya sa pagitan nila. “Ang pagpapahintulot kong
Bahagyang kumunot ang noo ni Adrian. Malalim ang naging tingin niya kay Fiona, na para bang sinusubukan niyang unawain kung ano talaga ang nais nitong makamit sa pag-uusap nila.“Fiona, ano ba talaga ang gusto mong sabihin?”Sa halip na sumagot agad, biglang ngumiti si Fiona. Humakbang pa siya palap
Nang halos kalagitnaan na ng hapunan, dumating ang pamilya Alonzo sa bulwagan ng piging.Nang pangunahan ni Fardo ang asawa niyang si Malina at si Fiona papasok sa bulwagan, wala roon si Fierra. Nakasuot si Fiona ng mapusyaw na dilaw na bestida, habang maayos na nakapusod sa isang elegante at pinong
Hindi maiwasan ni Adrian na bahagyang kumunot ang kaniyang noo.Naalala niya ang tagpong nasaksihan niya sa ospital kanina, kung paano inilayo ni Jaelan si Fierra mula sa kaniyang mga bisig at pinrotektahan ito sa pamamagitan ng pagtayo sa harapan niya. Hindi rin niya malilimutan ang malamig na ting
Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Tinapos niya ang paghuhugas ng mga pinggan, maingat na inilagay ang mga iyon sa patungan, at pinunasan ang kanyang mga kamay bago bumalik sa sala.Madilim na ang kalangitan sa labas ng bintana. Sa di-kalayuan, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod
Ilang segundo ring nanahimik ang kabilang linya matapos ang tanong ni Fierra. Ngunit nang muling magsalita si Fiona, ibang-iba na ang tono nito. Matalim at walang bahid ng pagtatago ang emosyon sa tinig nito, isang bagay na ngayon lamang narinig ni Fierra mula sa kanya.“So what if I do?” matapang n
Napakalapit nila, halos magdikit ang hininga. Bigla niyang naalala ang sinabi nito noon.Sa sandaling iyon, mas naunawaan niya ang uri ng pagmamahal ni Kian. Gusto nitong umasa siya sa kanya. Kahit magtampo, magalit, o magpabebe, basta totoo ang emosyon niya, tatanggapin niya lahat.Kaya tumango siy
Sa isang sulyap lang, nakilala na agad ni Kerstyn kung sinu-sino ang mga taong iyon.Si Christine, ang tinatawag na first love ni Dwyn, ang babaeng minsang minahal at hindi kailanman lubusang nakalimutan. At ang lalaking kasama niya, walang iba kundi ang kapatid niyang si Christian.Ang hindi mainti
“Tama.” Hindi man lang siya nagtanong kung paano nito nalaman. “I’m eating out with friends.”“Via?”“Oo.”Bahagyang tumigil si Kian doon, pero hindi nagkomento. “Kailan ka matatapos? I’ll send someone to pick you up.”“Restaurant One kami.” Panlabas, kalmado ang ekspresyon ni Kerstyn, pero ang tini
Agad na itinabing ni Via ang katawan niya kay Kerstyn, para protektahan ito. Nakapulupot ang mga braso niya sa dibdib, at lantad ang pagkainip sa boses.“Bernard, gusto kong bilhin ang shares ng Lozada Corp.. Bakit mo dinadamay si Kerstyn?”“Alisin muna natin ang usapang acquisition.” Malamig ang to







