Share

179 (Unedited)

Sumusukong napabuntong-hininga ito bago lumabas kasama ang doktor.

Nang mapag-isa siya ay unti-unti siya napaluha.

Wala na siyang maramdamang pisikal na sakit pero sa loob niya, parang kinukuyom ang puso niya. Hindi siya makahinga sa sobrang kakaiyak niya.

Gusto niyang magwala pero hindi naman siya makagalaw.

Lahat ng pinapangarap niya ay nawala na lang na parang bula dahil lamang sa isang pangyayari.

Galit siya. Galit na galit siya.

Galit siya sa tatay niya. Hindi man ito ang tumulak sa kanya pero para sa kanya, kasalanan ng kriminal niyang ama lahat ng nangyayari sa kanya.

Kung hindi sana ito kriminal, marahil ay sana maganda ang buhay niya. Singer na sana siya.

Kung hindi sana walang kwenta ang ama niya na puro utang lang ang dulot sa kanya, marahil sana ay may pera siyang pam-paospital. Naagapan sana ang mga injury niya.

Kasalanan talaga ito ng ama niya.

ONE WEEK passed and Suzette is still in Palawan. Nagsimula ng tumawag si Direktor Albert sa kanya pero di naman niya ito masagot
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status