Share

56 (Unedited)

Sumulpot sa harapan ko ang taong hinahanap ko kanina. Mula nang lumabas sila kanina sa opisina kasama ang iba'y hindi ko na siya nakita.

Nandito lang pala siya't naghihintay sa napakalaking bahay na pag-aari ng mga De Guzman.

"Ano? Kumusta ang byahe ninyo? Nakakapagod diba? Natural lang iyon dahil mahirap talaga ang byahe papunta dito. Ngunit masisiyahan ka naman at sulit din dahil magagandang tanawin ang bubungad sa iyong harapan sa pagpasok!"

Iyang kadaldalan niya, hindi na talaga naalis. Samantalang kanina'y napakaseryoso niya at tahimik. Naninbago ako bigla kung siya bang nasa opisina at nasa harap ko'y iisa.

"Hey! Come on! Magsalita ka naman! Ang tahi-tahimik mo!" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Bakit? Natakot ka ba ng husto Kay Don Alfredo?"

Ngumisi siya. "Mukhang nakakatakot lang 'yon pero isa na siya ngayong matandang uugod-ugod."

"Pfft!" hindi ko napigilang tumawa sa isinaad niya. Kay tapang naman nit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status