Share

Chapter 16

Para bang nawala ang mga isipin ko sa buhay nang mai-kwento ko 'yon sa mga kaibigan ko. Hindi naman nila ako hinusgahan sa nangyari at tuwang-tuwa pa nga sila roon. Ang sabi pa sa akin ni Trisha ay hihingin niya ang buong pangalan ni Cris para ma-set up nila ang panibagong night out kasama sila. Tumanggi naman ako dahil that will be my last night out with those guys. Naki-usap din ako kay Trisha na sana ay 'wag na niyang banggitin ang kwento ko kay John.

Hindi ko alam kung sasabihin ba ni Cris sa mga kaibigan niya ang nangyari sa amin pero sana ay huwag na lang. Isa pa ay mukhang hindi naman 'yon ang first time niya at normal na lang sa kanila 'yon. Sigurado rin ako na hindi lang ako ang babaeng nakasama niya sa kama at baka hindi lang ako ang babaeng naidala niya sa mansion niya.

Iyon ang mga nasa isip ko habang nagtatrabaho ako at pilit ko naman inaalis 'yon sa isipan ko at nagco-concentrate sa ginagawa ko.

"Where are you?" si Stella nang tumawag siya sa akin.

Naka-loud speaker ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status