Share

Chapter Three

"Huh?" Nakatingin ako sa kanya na puno ng pagtataka. Bakit niya ako binigyan ng pera para lang sa cellphone? Sigurado ba siyang tatanggapin ko ang pagpapakasal sa kanya?

"Hindi naman po ako sigurado na tatanggapin ko ang alok mo," sabi ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya at halata sa mukha na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Totoo naman, pag-iisipan ko pa lang. "Just buy your new phone and think to answer a yes to my offer," he said while frowning an eyebrow.

Bakit parang desisyon pa siya sa magiging sagot ko kung totoo naman talaga na hindi ako sigurado kung tatanggapin ko ang offer. Hindi ko pa nga nasabi sa magulang ko ang tungkol sa pagpapakasal. "Hindi ko tatanggapin ang offer mo at hindi pa kita kilala, sorry Sir kahit ganito ang trabaho ko, hindi mangaral ayaw kong madesisyon na isan bagay na mawawalan ako ng karapatan sa sarili ko." Mahabng sabi ko, I was about to get out of the car when he suddenly held me. "Aalis na ako," dagdag ko pa at pilit na inaalis ang pagkahawa niya sa kamay ko.

"Ang trabaho mo lang ay maging asawa ko, hindi kita tatanggalan ng karapatan sa sarili mo. Do whatever you want." Napatigil ako sa sinabi niya at may naisip na tanong tungkol sa karapatan ko sa sarili ko.

"Maaari pa rin akong magtrabaho rito kahit kasal na tayo?" I asked. He looks frustrated with my question, huwag niyang sabihin na pagbabawalan niya ako dahil siya na mismo nagsabi tungkol sa karapatan ko sa sarili ko, gawin ko ang gusto kong gawin.

"Except that," he said like he was done with me. Iyon pa nga lang ang usapan namin hindi na siya nakapagtimpi.

"I won't do it, maghananap ka na lang ng iba sa loob. I am so sorry, hindi pa ako handa sa ganitong obligasyon." Mabilis akong lumabas ng kotse at nag-abang ng taxi. "Kuya sa Sampaloc Street," I told the driver.

Bumuntonghininga ako at saka lumingon sa likod, nakita kong nakatayo siya sa labas ng kotse niya na nakatingin sa akin. Nangangailangan ako ng pera pero naisip ko rin na malaking desisyon ang kailangan kong gawin, hindi ko pa kilala ang lalaking iyon. Paano kung pag kasal na kami at nagsama ng ilang buwan ako ang kawawa, bugbogin ako o hindi kaya hindi na ako makabalik sa amin? Paano ang pamilya ko? Maraming tumatakbo sa isipan ko sa pagkakataong ito pero kung hindi ko rin tanggapin ang offer, paano rin ang pamilya ko? Paano sila Nanay at Tatay na kailangan maipagamot. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kasalanan ito ni Andrei. Kung hindi niya sinabi ang pangalan ko sa kaibigan niya hindi ako magkakaproblema ng ganito kalala.

"Nakauwi ka na pala, kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Nanay, hinalikan ko muna siya sa pisngi at ngumiti sa kanya.

"Kumain na po, Ma. Si Tatay po?" tanong ko. Nagtaka naman ako dahil tumingin siya sa akin na biglang sumeryeso ang mukha. "May problema po ba?" tanong ko ulit.

"Nasa loob ang Tatay mo, kausap ang bisita natin." Bisita? Sino na naman? "Ang sabi niya kaibigan mo siya, nasa loob. Iyon nga ang kotse niya." Agad akong lumingon sa tinuro ni Nanay sa likod ko at laking gulat ko nang makita ang isang pamilyar na kotse.

Kaagad akong pumasok sa loob, "Anak, nandito ka na pala. Hindi mo naman sinabi na mayroon kang mga kaibigan na mayayaman at gwapo," sabi ni Tatay na halos kinalaki ko ng mga mata. Lumingon ako sa dalawang lalaki na magkatabi at nakaupo sa maliit naming upoan. It was Andrei and Diego.

Anong ginagawa nila rito? Nakangiti pang tumingin sa akin si Andrei na akala niya ay nakakatuwa siya, inirapan ko siya at sinamaan ng tingin nang kumaway siya sa akin. Bumaling din ako kay Diego na seryso lang ang tingin sa akin.

"Good evening, Janella." Nakangiting bati sa akin ni Andrei.

"Anong ginagawa ninyo rito?" tanong ko sa kanilang dalawa sabay halik sa pisngi ng tatay ko. Tumayo siya at nagpaalam na sa kusina muna kasama si Nanay.

Umupo ako sa harap nilang dalawa at hindi pa rin nawawala ang masamang tingin ko sa kanila. Bakit nagpunta sila rito na nauna pa talaga sa akin? "Ito kasing kaibigan ko, gusto niyang pumunta rito dahil daw sabi mo ay hindi mo pa siya kilala kaya ito magpapakilala ulit siya sa iyo." Huminga ako nang malalim sa sinabi ni Andrei. Anong kalokohan ito?

Bumaling ako kay Diego na wala pa rin expresyon sa mukha. "Totoo ba?" tanong ko. Tumango lang siya at bumaling kay Andrei na tila ba nanghihingi ng sasabihin. Ano ba itong magkaibigan na ito, sinira yata ang gabi ko.

"Hindi pa raw kumain ang dalawa gwapo na ito kaya bumili na lang kami ng barbeque sa labas para iyon na lang ang kainin nila, pasensya na mga anak hindi namin alam na may bisita. Nakakahiya man pero sana tanggapin ninyo ang munti naming inihandang pagkain para sa inyo." Lumabas si Nanay mula sa kusina at sinabi iyon, napatayo ako at pinigilan siya.

"Uuwi na rin po sila, Nay. Huwag na po kayo mag-abala," sabi ko at sinenyasan ang dalawa na lumabas na ng bahay. Nakakahiya na nandito sila, ano bang gusto ng mga ito.

Nagkatinginan silang dalawa na tila nag-uusap gamit ang mga mata nila at sabay rin bumaling sa Nanay ko. "Gutom na talaga kami, maraming salamat." Napakagat labi ako at gustong-gustong tadyakan si Andrei. Sabay pa silang tumayo kaya tumingala kami ni Nanay sa kanila dahil sa tangkad na rin nilang dalawa, ngumiti sa akin si Andrei at inaya si Nanay sa kusina.

Naiwan kaming dalawa ni Diego, "Ano bang ginagawa ninyo rito?" Naiinis kong tanong.

"Si Andrei ang nagsabi na pupunta kami, sinama niya lang ako." Hindi ako naniniwala sa sinabi niya, if I were know siya mismo ang nag-utos kay Andrei na pumunta rito pero ang kapal naman ng mukha ko kung iyon ang iisipin ko. "I don`t want to go here but Andrei insisted," he said.

Inirapan ko siya at hinarap ng buong tapang ko ngunit natigil din dahil ang tangkad niya kaya umupo ako. "Umupo ka, mag-usap tayo." Hinila ko siya pababa para paupoin na agad ko rin inalis ang kamay kong humawak sa kanya.

Tumikhim ako ng dalawang beses at tumingin lang siya sa akin, nag-aantay ng sasabihin ko. "Look, kung nandito ka o kayong dalawa ni Andrei para habulin ako at umasa na pumayag sa offer mo, hindi ko gagawin. Mas mabuting umalis na lang kayo," I said.

Nanliit ang mga mata niya at kinunotan ako ng noo, napaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sa aki. "What are you doing?" Pilit akong umiiwas.

"You will marry me no matter what at kahit kailanga, basta magpapakasal ka sa akkin." He smirked.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status