Share

Chapter 84

—CAMILLA LOPEZ—

NAGISING ako na ibang kuwarto ang bumungad sa 'kin. Ang interior design ng kuwartong ito ay kakaiba sa silid namin ni Akihiro. Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Nang mapagtanto ko na gumamit si Brandon ng pampatulog, napabangon ako sa kama.

“Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo Brandon para gawin ito,” sambit ko.

Lumapit ako sa pintuan at ng mahawakan ko ang doorknob, napagtanto ko na hindi ako makakalabas dahil naka-lock ito.

Nag-umpisa akong kabahan at napalingon sa bintana. Mabilis akong nagtungo ro'n upang silipin ang labas. Pero nanlumo ako ng makita kong nasa ikatlong palapag ang kinalalagyan ko.

Hindi ako makakatakas dito. Kung dadaan ako dito sa bintana, baka mapahamak pa ang nasa tiyan ko.

Napalingon ako sa pinto, nang marinig ko ang pag-pihit ng doorknob. Hindi ako gumawa ng anumang hakbang nang makita ko kung sino ang taong nagbukas ng pinto.

“Gising ka na pala. Eat now, Cam Pinagluto kita ng almusal,” unang bungad niya sa 'kin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status