Share

Chapter 257: Talk

Penulis: SQQ27
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-13 22:33:31
Next:

“Saan ka galing, Felix?”

Hindi ipinakita ni Rhett ang pagkagulat sa mukha nang makita si Olivia na kakalabas lang ng kuwarto nito. Magulo pa ang buhok ng babae at halatang kakagising lang.

Imposibleng sabihin ni Rhett na sa kusina o sa kuwarto siya galing dahil saktong kakasara niya lang ng pinto nang makita siya ni Olivia. Mukhang narinig nito ang pagbukas at pagsara niya ng pinto kaya siguro ito napabangon sa kama.

“I’m taking in the morning air. Masiyadong maalinsangan ang hangin kapag tanghali kaya sinamantala ko ang pagkataong ito para umikot sa baba,” kaswal na paliwanag ni Rhett at pinaikot ang wheelchair sa direksyon ng kuwarto na inuukupa nila ng kanyang anak.

Noong bumaba siya sa fifteenth floor kagabi ay tulak-tulak niya ang wheelchair at kanina, bago pumasok ay saka lang siya sumakay ulit upang hindi siya mahalata ni Olivia. Madaling-araw na sila natapos ni Georgina at kahit halos wala siyang tulog dahil matagal silang nag-usap ay hindi siya nakaramdam ng
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (6)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Updated na po ang next chapter
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
kelan Ms. A ang update mo Ng The Martyr wife's Torment
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
more updates please Ms. A
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 321: Exposed

    Next:Tumango si Fredrick na ikinaguho ng pag-asa ni Everest. “Why…” tanging usal niya. Humugot nang malalim na hininga si Fredrick saka ito nagsalita. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya upang hindi siya makabitaw. “I did something dahil gusto ko lang protektahan ka. Nang marinig ko ang sinabi mong gusto kang pagsamantalahan ng lalaking iyon, hindi ko mapigilan ang galit ko kaya pinaghigantian ko siya. Pero may tao akong inutusan at ang taong ‘yun ang naghanap ng taong gagawa ng paraan para ika-aksidente ni Asher. Hindi nila alam ako ang pasimuno niyon. But Monique made lies out of it dahil kilala niya ako. Alam niya kapag may taong kumanti sa pamilya ko, o sino mang mahal ko sa buhay, ay siguradong gaganti ako. Kaya naman nagpagawa siya ng fake video na may ginagawa akong katarantaduhan sa kotse ni Asher.”Sandali itong napatahimik at napahigpit ang hawak sa manibela. “That video went trending online, attacking me and my company. Maraming investor ang nagpull-out at bu

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 320: Admit it

    NextMalawak na bulwagan na may magarang dekorasyon ang sumalubong kay Everest nang makapasok siya sa hotel kung saan gaganapin ang press conference at movie premiere nila. Ang title ng pelikula ay ‘The Maid’s Secret’. Tungkol ito sa isang bidang babae na inakusahan na isang kriminal dahil pinatay umano niya ang nobyo. Ang babaeng iyon ay isa palang secret agent at nagpapanggap laman na isang maid upang maisagawa ang misyon. Nagtagumpay nga ang babae pero siya naman ang hina-hunting ng kapatid ng kanyang biktima upang paghigantian. Ngunit parehong nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa kaya pinatawad siya ng lalaki… sa huli para sa babae, misyon pa rin ang importante kaya’t iniwan niya ito at nagpatuloy sa pagiging espiya sa iba’t ibang organisasyon sa ibang bansa. Ang babaeng espiya ang ginaganapan ni Everest. Maraming action scenes pero maayos niyang naitawid iyon.Bahagya siyang nakaramdam ng kaba ngayong ipapalabas na sa unang pagkakataon ang pelikula nila pero binalewala niya i

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 319: Doubt

    NextMabilis na lumabas ng kwarto si Fredrick matapos maghugas ng kamay sa banyo. Hindi niya alintana kung bakit naguguluhang nakatingin sa kanya si Everest. Ang importante ngayon ay makausap niya si Nolan. Bago iyon ay palihim niyang kinuha ang cellphone nito na katabi ng cellphone niya sa bedside table para hindi nito malaman kung ano ang nangyayari.“What's the situation?” agad na tanong niya kay Nola nang makarating sa study. Agad niyang binuksan ang computer at unang tiningnan ang stocks exchange ng kumpanyang hawak niya. Ganoon na lang ang galit na bumadha sa sa kanyang mukha nang makita ang mabilis na pagbaba niyon. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang lolo pero imposible na dahil ilang oras na ang makalipas bago pa ito nangyari. Naikuyom niya ang kamao saka malakas na naipukpok iyon sa mesa.“Damn it!” Hindi niya mapigilang mapamura. “Talagang sinusubukan ng babaeng iyon ang pasensya ko,” nanggigigil na saad niya. “Boss the post was from an anonymous person, but there was a vi

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 318: Call

    Next“Kapag ba sinabi kong may importante akong sadya sa kanya, maniniwala ka?” Nakagat ni Everest ang labi dahil sa sinabi ni Fredrick saka umiwas ng tingin. “Ano’ng importanteng sadya na kailangan pa ng ilang oras para pag-usapan?” may bahid pa rin ng tampo ang boses tanong niya. Yes, she knew that she was being petty. Pero hindi niya maiwasan na magselos kay Monique. Mas matagal ang pinagsamahan ng dalawa kaysa sa kanya. Hindi na niya namalayan pero, hulog na hulog na siya kay Fredrick. Hindi niya kayang makita itong kasama ang ibang babae lalo pa ang babaeng alam niyang may gusto rin sa asawa. Ito ang unang beses na nagkaroon siya ng taong nagmamahal sa kanya at hindi niya ito kayang pakawalan pa. Noong highschool siya at pinagtatanggol siya ni Pete ay labis na tuwa ang dala niyon sa kanya kaya nahulog ang loob niya sa lalaki pero umalis ito at iniwan siya sa ere… nagpapasalamat na lang siya dahil hindi ganoon kalalim ang nararamdaman niya para rito dahil naka-move on na siya. P

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 317: Do You Really Like Me?

    NextNapaismid si Fredrick nang marinig ang tanong ni Monique. Napataas ang isang kilay niya sa tanong nito pero hindi siya tumingin kay Monique at patuloy siyang nagbasa ng importanteng dokumento sa kanyang iPad. “Sinira mo lahat ng iyon mula nang kinanti mo ang asawa ko, Monique. Ilang beses ko nang sinabi sa’yo, magkaibigan lang tayo. Walang ano mang puwedeng mamagitan sa atin kahit kailan dahil kaibigan lang ang turing ko sa’yo. I can be with you when you need me, but that's all. I won't indulge myself in being with you so much. May asawa na ako at siya ang dapat kong kalingain.”Nagdilim ang mata ni Monique nang marinig ang sinabi ni Fredrick. Hindi niya matanggap na hanggang ngayon ay kaibigan pa rin ang turing sa kanya ni Fredrick. Mula noong mga bata pa sila ay pinapakita na niya rito kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Ginawa naman niya ang lahat para mapansin nito kung ano ang nararamdaman niya, pero bakit kaya siya nito ipinagpalit sa babaeng kailan lang nito nakilala?

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 316: She's back

    Next“Miss Everest, narinig mo na ba ang balita tungkol kay Asher?” Ito ang salubong na tanong ni Chammille kay Everest nang makababa siya mula sa kwarto. Hindi na niya naabutan ang asawa dahil maaga itong umalis at bumalik ng Maynila dahil sa trabaho nito. Hindi ko na maitago kay Chammille ang totoo kaya naman sinagot ko siya. “Oo, pero, Chammille….” Hinila ko siya upang mag-usap kami sa isang sulok kung saan walang ibang makakarinig. “Sa tingin mo kaya aksidente talaga ang nangyari kay Asher? Hindi ka ba naghihinala na may ibang taong involved tungkol sa aksidente niya?” Nakaawang ang labi na tiningnan siya ni Chammille. Tumaas ang isang kilay nito nang sumagot. “Ano’ng ibig mong sabihin, Everest? Bakit may ibang taong involved? Sa pagkakarinig ko, lasing siya noong nagmaneho pauwi kaya sigurado ako na aksidente ang nangyari sa kanya. Bakit mo naman nasabi ‘yon?”Nagkibit siya ng balikat. Hindi na niya maaaring sabihin kay Chammille na pinaghihinalaan niya si Fredrick at baka mag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status