“Ano’ng nangyayari rito?” Ang malamig at seryosong boses ni Rhett ang biglang pumutol sa matalim na titigan nina Georgina at Celeste na sabay na lumingon sa bagong dating. “Ahh! Rhetty!” malambing na sigaw ni Celeste sa kay Rhett. Dahil mas malapit ito sa kinaroroonan ng lalaki ay mabilis nitong sinalubong ang papalapit na lalaki. Kumekembot pa ang beywang nito habang naglalakad na tila ba nagpapa-impress sa asawa ni Georgina. Habang si Georgina naman ay tahimik lang na pinagmasdan kung ano ang magiging reaksyon nito. Bago pa nga makalapit si celeste kay Rhett ay iniwasan na ito ng kanyang asawa at dumiretso ng lakad palapit sa kanya at tumayo sa kanyang tabi. “Why did you come out? Ang sabi ko ay pumirme ka sa loob at dadalhan kita ng pagkain!” Pinagalitan siya nito. Pero hindi nakatingin si Georgina sa asawa kundi kay Celeste na umasim ang mukha nang marinig ang sinabi ni Rhett. ”Ahh! Pasensya na, Rhettyy. Kami ang dahilan kung bakit nasa labas si Georgie. Gusto ko lang sana
Sa loob ng dalawang linggo na wala si Rhett ay inabala ni Georgina ang sarili sa paggawa ng disenyo para sa building na pinapagawa nito. Dahil sa hindi nito nagustuhan ang una niyang ginawa at ang feedback sa kanya ay wala raw passion o awra, ngayong inspired si Georgina ay nakagawa siya ng disenyo na maaring magustuhan ni Rhett. Ang disenyong ginawa niya ay medyo kahawig ng letrang G and R na magkatabi at may covered glass bridge na nagkokonekta sa dalawa. Ang sabi ni Rhett ay commercial residence ang ipapagawa nito at kailangan modern style kaya naman kinalikot na niya ang utak niya para makagawa ng unique na konsepto na pasado sa standard na hinahanap ni Rhett. Matapos ma-finalized ang disenyo ay saka niya iyon ipinasa sa email ni Rhett. Sa wakas ay makapagpahinga na rin ang isip niya mula sa ilang araw na pag-iisip ng disenyo na naayon sa panlasa ni Rhett. Nang tingnan niya ang oras sa cellphone ay napansin niya na ang date ngayon ay ang huling araw sa tatlong buwang kontrata ni
Ilang segundo na nanatiling tahimik si Kenneth na tila nag-aapuhap ng sasabihin pero matiyagang naghintay si Georgina. Hindi siya mang-iistorbo hangga’t hindi ito nagsasalita pero limitado ang pasensya niya. Kapag patatagalin nito ang pananahimik ay makakatikim ito sa kanya.Georgina may act soft and weak in front of Rhett, but to other people, she shows no mercy. Isang minuto ang lumipas na hindi pa rin nagsasalita si Kenneth at nanatili lang itong nakayuko sa upuan nito sa likod ng mesa. Nagsimulang magbilang sa isip si Georgina. Tatlong segundo ang lumipas at saka nito binasag ang katahimikan at namumutla ang mukha nang magsalita. “Ano ang nalalaman mo?” may nginig sa boses nito dahil sa takot na nabisto na niya ang tinatago nitong sekreto. Nagkibit ng balikat si Georgina at walang emosyon ang mukha, na tila ba hindi interesado sa sinasabi, nang magsalita. “Alam kong hindi ikaw ang aking tunay na ama. So, ‘wag na natin itong patagalin pa, Mr. Lucindo. Bakit hindi mo simulang mags
Namalayan na lang ni Georgina ang sarili na buhat-buhat ni Tony at isinakay siya sa kotse. Kahit nahihilo pa nang kaunti ay hindi pa rin niya nakalimutang pagsabihan ang dalawa na ayos lang siya dahil pinipilit ng mga ito na dalhin siya sa ospital. “No! Sa ayaw at sa gusto mo ay dadalhin ka namin sa pinakamalapit na klinika para matingnan ang kalagayan mo? Paano pala kung buntis ka?” Nagkasalubong ang kilay ni Georgina sa sinabi ni Vaia pero hindi siya sumagot dahil nakaramdam siya ng pangangalam ng sikmura. Nagugutom siya dahil ang spaghetti na in-order niya kanina ay halos hindi naman niya nagalaw. “Tama siya, G.,” sabad ni Tony at nilingon siya sa likuran bago ibinalik ang tingin sa kalsada. “Sheesh. I’m not pregnant. Low blood lang ako dahil ilang araw akong puyat sa paggawa ng desinyo ng Rhett na ‘yon. Isa pa, kanina pang umaga ako walang kain at gutom na gutom na ako.”Ngunit kahit ano’ng paliwanag ang ginawa ni Georgina ay hindi siya pinakinggan ng dalawa. Nagpumilit pa rin
Nang pinatay ni Georgina ang tawag ay lumamig ang mata niya at mapait na napangiti. Bagama’t alam niyang nagsinungaling sa kanya si Rhett, at niloloko siya nito ay hindi siya umiyak. Kalamado ang maganda niyang mukha bagama’t sa loob-loob niya ay kinakain na siya ng galit. Ang buong akala niya ay nagsisinungaling lang sa kanya si Celeste tungkol sa anak nito at ni Rhett pero hindi pala. Totoong may anak ang mga ito at hindi lang iyon. Malaki na ang bata. Kung ganoon, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Rhett kung may anak na rin naman sila? Bakit idinamay pa ang tahimik na mundo niya? Paano na ngayong magkakaanak na rin sila?Buo ang paniniwala niya na mabait at hindi manloloko si Rhett pero lahat ng akto nito ay purong kasinungalingan? Totoo rin kaya ang sinabi nitong gusto siya nito a kasinungalingan lamang para mapatagal ang pakikisama niya rito bilang asawa at mapaniwala ang lolo’t lola nito?“Georgina, let’s go.”Ang malamig at puno ng galit na boses ni Tony ang pumukaw s
“Any news about her?” malamig ang boses ni Rhett habang tinatanong si Archer. Kasama ang bagong assistant ay inutusan niya ang mga itong hanapin si Georgina pero dalawang linggo na ang nakakalipas wala pa rin siyang balita sa asawa. He was in a mess. Wala siyang maayos na tulog at ang tanging karamay niya gabi-gabi ay alak at sigarilyo. Nangangayayat na rin at kitang-kita ang pagkahumpak ng pisngi. Wala siyang alam na dahilan kung bakit bigla na lang naglaho si Georgina. Ang alam niya lang ay maayos sila nito. He even confessed to her that he liked her and Georgina liked him back! So, ano’ng nangyari? Saan siya nagkamali at bakit bigla na lang itong lumisan nang walang paalam? Sinubukan na rin niyang puntahan ang pamilya Lucindo ngunit wala rin siyang makuhang detalye kahit katiting mula sa mga ito. Mabuti na lang at mapagkakatiwalaan ang tauhan niya, kung hindi ay hindi na niya alam kung ano ang mangyayari sa negosyo niya. Lalo na ngayon at kasagsagan ng tagumpay ng bagong launch n
“Take the targets out, now!” mabilis na utos ni Dylan at agad namang tumalima si Georgina kasama si Paisley. Dahil nasa loob na rin ng basement ang mag-asawa ay silang dalawa ni Paisley ang tumulong sa mga kababaihan upang hindi ang mga ito matakot. Nasa pinto ng basement si Kraven at siyang nagbabantay sa paparating na kalaban samantalang sina Dylan at Hervey ay tinulungan silang alalayan ang mga kababaihan para makaakyat sa hagdan. Lima sa sampung kababaihan ay buntis ng halos pitong buwan at hindi niya alam sa iba kung pati ang mga ito ay nagdadalang-tao. “Kraven, what’s the situation up there?” tanong ni Georgina. Akay-akay niya ang isa sa mga babaeng buntis na tila hinang-hina. Halos lahat ng mga kababaihan ay malnourished at kahit nakakaintindi sila ng filipino dahil mga pinoy ay hindi makapagsalita ang mga ito sa takot. The trauma was clearly written on their faces. “Clear! Let’s go!” pero pagkasabi niyon ay malakas at sunod-sunod na pagsabog ang narinig nila. Kahit nasa ba
Next:“G! What’s wrong?” kaagad na dinaluhan ni Kraven si Georgina nang makita itong namilipit sa sakit. Ilang metro na ang layo nila sa kasamahan at dahil tumigil sila ay kinakalampag na ng kalaban at pinagbabaril ang lock ng pinto ng lagusan. Umiling si Georgina. “Kaya ko pa.” Pinilit niyang tumayo pero sumigid lang lalo ang kirot sa puson at paa niya na natapilok. Hindi na nakatiis si Kraven at lumuhod ito sa harapan niya upang pumasan siya sa likuran nito. “Get up and don’t be stubborn, G,” maawtoridad na utos nito. Gustuhin man ni Georgina na hindi sundin si Kraven ay wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa likuran nito. Nang masigurong maayos na ang posisyon niya ay malalaki ang hakbang na nilisan ni Kraven ang bukana ng tunnel. May kalayuan din ang tunnel at paikot-ikot iyon kaya lalong sumama ang pakiramdam ni Georgina. Halos may isang kilometro ang nilakad-takbo nila bago makarating sa dulo ng tunnel. Pagdating nga doon, kung saan naghihintay ang kasamahan nila, ay bumal
“Griffin?” Tawag ni Georgina sa anak nang makapasok sa loob ng banyo pero napahinto siya sa paglalakad nang makita ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair sa loob. Mukhang may hinihintay ito dahil panay ang tingin nito sa cubicle pero bakit hindi siya nito naririnig noong nagsalita siya sa labas?“Opps! Sorry! Tumawag ako sa labas pero walang sumasagot,” paghingi niya ng paumanhin saka agad itong tinalikuran nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nito. Mabuti na lang sa unang cubicle na pinuntahan niya ay nasilip niya ang sapatos ni Griffin sa ilalim kaya agad niya iyong kinatok. “Griffin, lumabas ka na riyan!”Hindi naman nagmatigas si Griffin dahil agad nitong binuksan ang pinto at sumama sa kanya. Ito pa ang humila para mapabilis ang paglabas nila ng pinto. “Miss, sandali!” Saka lang nagkaroon ng reaksyon si Felix nang makita ang bagong pasok na babae na kinuha ang anak niya. Dahil nakaupo siya sa wheelchair ay nahirapan siyang habulin ito. “Daddy! Who are you talking to?”
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k
***“Ollie! Why did you take so long to pick up your kite?”Isang estrangherong babae ang lumapit sa harapan ni Griffin at huminto sa harapan niya. Batay sa mukha nito ay mukhang galit ito. Agad na nabalot ng takot ang bata at akmang tatakbo pasunod sa kanyang mommy Georgina pero mabilis siyang pinigilan ng babae sa braso.“Saan ka pa pupunta, Ollie? Naghihintay na sa atin ang daddy mo,” muling saad ng estrangherong bababe na lalong nagpataka kay Griffin. Sinong daddy ang tinutukoy nito. He doesn’t have a daddy…“Bitiwan mo ako! Kailangan kong puntahan si mommy!” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng babae pero malakas ito at hindi siya nabitawan. “Mommy is here! Saan ka pa ba pupuna? Huwag ka nang makulit at naghihintay na sa atin ang daddy mo.”Ngunit mariing umiling si Griffin. “No, you are not my mommy. No!” Patuloy siya sa pagpupumiglas at kahit nagsisigaw ay walang tumulong sa kanya hanggang kargahin siya ng estrangherong babae hanggang sa may dumating na lalaki na nakaupo sa wh
“Fuck! Damn it!” Olivia mumbled angrily as her fist became tighter and tighter. Bigo na naman siya na amuin si Rhett. Kahit wala na itong alaala sa nakaraan ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni isang beses ay hindi pa siya nito hinalikan at ang mas malala ay wala pang nangyayari sa kanila. Ang buong akala niya ay matitikman na niya ang lalaking mahal na mahal niya kapag gumaling na ito pero matigas pa ito sa bato. Ang gusto niya ay magkaroon sila ng sariling anak ni Rhett para tuluyan na itong mapasakanya at ang anak nito kay Georgina ay itatapon niya. Kaso, inabot na ng limang taon ang pagsasama nila ay wala pa ring nangyayari!Isang oras ang lumipas bago lumabas ng banyo si Rhett. Nakadamit na ito dahil nag-insist siya na iwan iyon sa loob para hindi na ito mahirapan. Agad itong nilapitan ni Olivia at pinangaralan. “Felix, mag-asawa na tayo. Kung ano man ang imperfection mo sa katawan ay kaya ko iyang tanggapin. But why didn’t
Next:“Felix, we’re here!” Malakas na tawag ni Olivia sa asawang si Felix pagkapasok nila sa presidential suite ng hotel na tinutuluyan nila habang nasa Pilipinas. Nang hindi sumagot ang asawa ay binalewala niya iyon at inisip na baka natutulog sa kuwarto. Magkahiwalay ang kuwarto saka ang living room kaya nang makita na wala roon si Felix ay hinayaan niyang mag-isang maglaro si Ollie saka dumiretso sa loob ng kuwarto. Tama nga ang hinala niyang naroon ang asawa pero mali siya dahil hindi ito natutulog. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at tila tulala habang may malalim na iniisip. “Felix, what are you doing?”Hindi lumingon ang lalaki at nanatili sa pagkakatingin sa labas ng bintanang salamin. Madilim na kahit kakatapos pa lang ng takip-silim at ang nagkikislapang ilaw galing sa karatig na gusali at mula sa trapiko sa kalsada ay nagre-reflect sa kanyang mata. Pero ang tanging nararamdaman niya ay kahungkagan ng damdamin. Tila may kulang. At habang nakatitig sa labas ng bintana
Tuluyang napahinto sa paglalakad si Georgina at napatingin na lamang kay olivia habang pilit nitong pinapatahan ang batang karga na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Hindi siya nito napansin. Ang ipinagtataka niya ay bakit kahit iyak na iyak ang bata ay nakasuot pa rin ito ng mask. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakita ng babae at nagtagpo ang mga mata nila. Nagulat pa ang babae nang makita siya nito pero agad iyong nawala at napalitan ng ngiti bagama’t pansin ni Georgina ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ng bata na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito. Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki at bumilis ang tahip ng puso. Kasing tangkad ito ni Griffin, ang pangalawang anak niya. “Georgina!” biglang tawag ni Olivia sa pangalan niya kaya iniwas niya ang tingin sa bata at inilipat kay Olivia na may pekeng ngiti sa labi. “Hindi ko akalaing sa pagbabalik namin sa Pilipinas ay ikaw agad ang una kong makikita. Mukhang tinadhana talaga tayo, do you agre
“Hindi ko sinasabing ang isang babaeng kagaya mo ay naiintindihan kung ano ang nangyayari sa kumpanya. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad mo?” Ang unang kumontra kay Georgina ay isang matandang lalaki na puro puti na ang buhok. Mukhang ito ang lider ng oposisyon sa pamamalakad ni Rhett. “Kung nawawala pa ang asawa asawa mo, na hindi naman namin alam kung kailan babalik, dapat lang na kailangan mong mamili ng bagong presidente sa isa sa aming shareholders. Wala kang ni singkong duling na porsyento sa kumpanyang ito kaya ano ang karapatan mong umupo diyan sa upuan ng presidente?” The old man snorted and huffed after talking for so long. Mahinang napatawa si Georgina at nanatili sa relax na pagkakasandal sa upuan. “Walang karapatan, huh? Kung wala kang objection na si Rhett ang presidente ng kumpanyang ito well, I’ll tell you what. Asawa ako ng presidente at may-ari ng kumpanyang ito. Habang wala ang asawa ko ay ako ang mamalakad sa kumpanya niya.”Isa na namang shareholder
Five years later:Bago pumunta sa shareholders meeting ay nakipagkita muna si Georgina kay Rick. Nasa mansyon ng mga ito ang kaibigan kasama ang asawa nitong si Dr. Lacsamana na noong nakaraang buwan lang nila nailigtas mula sa kamay ng RDS. Kakabalik lang ng dalawa sa Maynila galing sa isla Thalassina dahil doon nagpapagaling ang kaibigan. May tama ito sa tiyan at mabuti naman malayo daw sa bituka nito kaya mabilis itong gumaling. Nitong nakaraang tatlong taon ay sumasama si Georgina sa mga misyon ng CSS basta bandang Africa ang trabaho nila at nagbabakasakaling masulyapan si Rhett. Tatlong taon na ang nakararaan mula nang umalis ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Ang huling impormasyon na nakuha nila ay nakapasok ito sa teritoryo ni Mr. Tai at kitang-kita rin nila kung paano ito hinagupit ni Mr. Tai ng latigo. May suot na maliit na camera si Rhett sa butones ng polo nito at iyon ang ginamit ni Rick upang ma-hack nila ang network sa mansyon ni Mr. Tai ngunit mat
Dalawang araw ang lumipas matapos ang nangyaring pagkawala ni Gaele at hanggang ngayon ay malumbay pa rin si Georgina. Nakalabas na sila ng ospital at nagpapagaling sa bahay. Kahit labis siyang nasaktan sa pagkawala ng anak ay kailangan pa rin niyang magpakatatag para kay Galya at Griffin. Kahit mag-iisang buwan pa lang ang dalawa ay tila ramdam na ng mga ito ang pagkawala ng kapatid lalo na sa gabi na silang dalawa lang ang magkatabing matulog. Malakas ang paniniwala ni Georgina kay Rhett na maibabalik nito ang panganay nila. Kung aabutin man iyon nang matagal ay maghihintay siya. “Rhett…” mahinang tawag ni Georgina sa asawa habang nakahiga sa kama at nagpapaantok. Kakapatulog lang niya sa dalawang sanggol na nasa loob lang din ng kuwarto at nakalagay sa malaking crib. Dahil wala na siyang tiwala na mapahiwalay siya sa mga anak niya ay sa kuwarto nila ni Rhett pinalagay ang crib para bantay-sarado niya ang dalawa. “Hmm?” sagot ni Rhett. Mula nang malaman nito ang tungkol sa pagkaw