Ginawa ni Georgina ang lahat para makawala sa pagkakahawak ng lalaki pero malakas ito. Dahil sa matangkad ito at matipuno ang katawan ay parang langgam lamang siya kumpara sa isang elepante. Kahit nagsisisigaw siya upang kunin ang atensyon ng mga dumaraan ay walang pakialam sa kanya ang lalaki at pabagsak siya nitong ipinasok sa loob bago ito sumunod para masiguradong hindi siya makatakas.
“Start the car.” Mawtoridad na utos nito sa driver na kaagad namang tumalima. Kahit hindi ito tumingin kay Georgina ay ramdam na ramdam ng dalaga kung gaano kalamig ang emosyon sa mga mata nito nang marinig ang matigas nitong boses. Nang umandar ang sasakyan ay sumunod ang mga tauhan ng lalaki. Ilang kotse rin ang nakasunod sa kanila kaya lalong nagduda si Georgina na miyembro ng isang mafia ang katabi niya. May alam siya sa self-defense, kaya niyang makipaglaban, pero matagal na niyang kinalimutan ang gawaing iyon dahil nagbibigay iyon nang masakit na alala sa kanya. “Saan mo ako dadalhin? Buksan mo ang pinto, bababa ako. Hindi tama ‘tong ginagawa mo, kidnaping ‘to!” Walang tigil ang bunganga ni Georgina habang niraratrat ang katabi. Sinubukan niyang buksan ang pinto kahit pa umaandar iyon pero hindi iyon bumukas dahil naka-lock at driver lang ang may access. “Kung hindi mo ‘to bubuksan, sisirain ko ang bintana at tatalon ako.” Yes, she was talking nonsense but was desperate to get out of the car. Nilingon siya ng lalaki at binigyan nang malamig na tingin. “Gusto mo bang i-tape ko ‘yang bibig mo para tumahimik ka?” Biglang naisara ni Georgina ang bibig at tumahimik. Lalong lumalakas ang hinala niya na miyembro ng mafia ang lalaki. Hindi lang basta miyembro, baka lider pa ito lalo na at narinig niya kanina ang isa sa tauhan nito na tinatawag itong boss. Nang hindi na siya nagsasalita ay muli siyang tinitigan nang matalim ng lalaki bago nito ibinalik ang tingin sa daan. Pero paano kakayanin ni Georgina ang katahimikan? Hindi siya sanay kaya muli siyang nagtatatalak at ininda ang matalim na tingin na ipinukol sa kanya ng lalaki. “Hindi ako titigil sa pagsasalita hanggang marindi ‘yang tainga mo at ibaba mo ako sa sasakyang ito!” pagpupumilit niya. Hindi siya pinansin ng lalaki bagkus ay kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Inignora siya nito na para ba isa siyang agiw na anumang oras ay liliparin ng hangin. Naiinis na bumuga ng hangin si Georgina at naikamot ang daliri sa buhok habang naiiritang nilingon ang lalaki. “Sinabi ko nang buksan mo ang pinto at bababa ako!” She insisted and waited. Hindi niya napansin na dahil sa pinagpawisan siya kanina, ang make-up na ginamit bilang bulutong ay unti-unting natutunaw at dumaloy iyon pababa sa kanyang pisngi, kaya nang humarap sa kanya ang lalaki ay nagulat ito at napamura. “Fuck! What the fuck!” Hindi maintindihan ni Georgina kung bakit ganoon na lang ang gulat ng lalaki pero malakas siyang napahagalpak ng tawa dahil sa nakakatawang ekspresyon nito. “What's with you?” tanong niya sa englis na may british accent. Alam niyang nakakatawa ang hitsura niya pero mas nakakatawa ang reaksyon ng lalaki. Naiinis siyang tinalikuran ng lalaki at nagsalita pero ang driver ang kinausap nito. “Unlock the door and let this woman jump out of the car, but don't stop driving. Let her do what she wants!” Napangisi si Georgina nang makita ang asar-talong mukha ng lalaki at tumingin sa labas ng bintana. Sa isang boss ng mafia na katulad ng katabi ay hindi ito ganoon kabrutal tulad ng mga naeengkwentro niya noong nasa trabaho pa siya. Nakita niya sa sulok ng kanyang mata na kinausap ng lalaki ang driver. Nang marinig niya ang pag-click sa lock ng pinto at tumingin sa salamin sa harap ay nagkasalubong ang mata nila ng driver. Binawi niya ang tingin ang tingin at muling sinulyapan ang lalaking katabi pero hindi ito nakatingin sa kanya. Hinayaan niya ito at mabilis na tinanggal ang suot na seatbelt, mabuti na lang at hindi siya nito pinosasan. Lumawak ang pagkakangisi niya saka mabilis na binuksan ang pinto at tumalon kahit umaandar pa ang kotse. Ang akala niya ay nagtagumpay na siya pero muli na naman siyang napigilan ng lalaki na dumukwang at niyakap siya sa beywang saka binuhat at pinaupo sa kandungan nito bago isinuot ang seatbelt kasama ang katawan niya. Mabilis namang inihinto ng driver ang kotse at bumaba upang isara ang pinto bago nagpatuloy sa pagmamaneho. “Are you trying to get yourself killed, woman?” may inis sa boses na sigaw nito sa harap ni Georgina. Bumubuga sa mukha niya ang mabangong hininga nito dahil gasino lang ang pagitan nila. “Ang sabi mo tatalon ako, e sinunod lang naman kita,” nang-aasar na sagot niya na lalong ikinagalit ng lalaki. Naningkit ang mata nito habang habol ang hininga sa galit. “Kapag inulit mo pa ‘yun ay hindi mo na makikita ang liwanag ng araw,” banta nito. Inirolyo niya ang mga mata bago ito sinagot. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito bago hinigpitan ang pagkakayakap sa beywang niya. “Tinatakot? Sa tingin mo sapat ang salita ko para takutin kita? Itanim mo sa kukute mo na mas ito ang nakakatakot.” Bahagya itong gumalaw at nanlaki ang mata ni Georgina nang matuklasan kung saan nakasentro ang upo niya. “Bastos!” Nagsisisigaw na pinagsusuntok niya ito sa dibdib. “Bitiwan mo ako, ano ba!” Pero hindi siya pinakinggan ng lalaki. At kahit naramdaman ng dalaga ang matigas na ugat nito sa ilalim niya ay hindi siya nito pinaalis sa pagkakaupo sa hita nito bagkus ay kinuha nito ang posas mula sa kung saan saka pinosasan ang isa niyang kamay ang ang kamay nito. Napamaang si Georgina sa nakita at wala na siyang nagawa dahil hanggang pagbaba ng sasakyan ay nakaposas ang kamay nila ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikilala. Sa isang hotel siya dinala ng lalaki at habang naglalakad ay sari-saring senaryo na ang bumubuo sa isip niya kung paano takasan ang lalaki ngunit imbes na dalhin siya nito sa kuwarto ay sa banquet hall siya nito dinala. Nang makapasok nga sila ay nakakalulang dekorasyon ang bumungad sa kanya. Marami rin ang tao sa loob na pawang nakasuot ng suits at gowns. Napatingin si Georgina sa sarili at nanliit pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit siya dinala dito. Umugong ang bulungan at pati ang malumanay na musika ay huminto dahil sa biglang pagpasok nilang dalawa. Hindi kaya ia-auction siya nito para sa malaking halaga? Hindi ba iyon ang karamihan sa mga mafia? Dire-diretso ang lakad nila hanggang makarating sila sa stage kung saan inabutan ng emcee ng microphone ang lalaki na agad naman nitong kinuha. “Maraming salamat sa pagpunta. Ngayong gabi ay nais kong ipakilala sa inyo ang babaeng aking pakakasalan.” Pagkasabi niyon ay humarap sa kanya ang lalaki at binigyan siya ng pekeng ngiti bago isinuot ang diamond ring sa kanyang daliri. Para iyong isinukat dahil tamang-tama ang sukat para sa kanya. Habang si Georgina ay nanlalaki ang mata at hindi makapaniwalang nakatingin dito. Babaeng pakakasalan? Ano ‘to?Lalong lumakas ang ugong sa buong paligid dahil sa sinabi ni Rhett. Ngunit wala siyang pakialam kung ano man ang hitsura ng babaeng nakuha niya. Ang mahalaga ay may maipakilala siya sa madla na babaeng papakasalan tulad ng hiling ng kanyang lolo. Kung hindi lang ito nagpumilit at kung hindi siya nag-aalala sa kalagayan nito ay suntok pa sa buwan na magpapakasal siya. Ibinalik niya sa emcee ang mikropono saka hinawakan ang babae sa braso na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan saka ito inalalayan pababa ng stage. Nang makapunta sila sa mesa at makaupo ay pinaupo niya ito sa kanyang tabi at dumukwang upang bumulong sa tainga nito. “Tell me your name,” utos niya. Hindi siya umalis hangga’t hindi ito sumasagot pero ang nakaagaw sa pansin niya ay ang mabangong perfume na gamit nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang amoy dahil produkto niya iyon at alam niya kung magkano ang presyo ng perfume na gamit nito. It was worth thousands. Ang perfume na ito ay ang bagong collection
Umaga na nang makauwi si Georgina dahil tumuloy siya sa kalapit na hotel upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Ang buong akala niya ay payapa na siya pag-uwi pero hindi pala dahil ang kanyang madrasta ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa gate ng mansyon nila. “Napaka-ingrata! Pinahiya mo na naman ako sa kaibigan ko at hindi ka nakipag-date sa kanya?” Malakas na sampal ang kasunod niyon na nagpabiling sa mukha ni Georgina.“Ingrata? Date? Bakit kaya hindi ikaw ang makipag-date sa matandang ulupong na ‘yon?” Nakaangat ang isang kilay na sagot niya. Mapang-asar ang tono ng boses niya pero ang mata niya ay matalim na nakatingin dito. Hinaplos niya ang pisngi na nasampal nito upang tanggalin ang sakit habang pinipigilan ang sarili na huwag itong patulan. Baka hindi niya mapigilan at mabugbog niya ito nang husto na matagal na niyang gustong gawin. “Pasalamat ka at may lalaki pang gustong makipagkita sa ‘yo. Ano pa bang gusto mo at lahat na lang ng n
Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas. Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspre
Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya. Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon. “Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki. Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.Inirolyo ni Georgina ang mata. “Na
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng ‘asawa’ ay kaagad na naningkit ang kanyang mata. Inilagay niya ang magkabilang braso sa harap ng dibdib upang harangin ang papalapit na katawan nito. “Wala sa usapan natin ‘to,” matigas na anas ni Georgina habang patuloy sa pagharang ang dalawang braso sa dibdib upang hindi makalapit ang mukha ng lalaki. Malakas ito pero kaya niya itong labanan. Hindi man siya aktibo ngayon sa dating trabaho ay hindi naman niya hinahayaan na basta na lang mawawala ang natutunan.“Wala akong sinabing hindi puwede. Mag-asawa tayo at katungkulan mo ang pagbigyan ang pangangailangan ko,” Rhett teases. May nakakalokong ngiti sa mata nito habang ang mukha ay pilit na ibinaba sa kanya nang paunti-unti. Georgina was not scared. Nilabanan niya nang mas nakakalokong ngisi si Rhett saka iniyakap ang dalawang paa sa baywang ng lalaki, at mahigpit na niyakap ang braso sa leeg nito saka mabilis na inikot ang katawan nilang dalawa. Ngayon ay nakapaibabaw na siya rito. “Saa
Chapter:Mapaklang napangiti si Georgina. Ito ang iniiwasan niya sa lahat, ang magkaroon ng kaaway sa bahay ng ibang tao pero tila hindi siya gustong patahimikin at bigyan ng kapayapaan dahil unang araw pa lang ay may gusto na agad sumubok ng kanyang pasensya. Matapos ang hagikhik na narinig ni Georgina ay sinundan iyon ng nang-uuyam na boses mula sa kanyang likuran. “Sa tingin mo may karapatan kang tumira sa pamamahay namin? Eh, ano ngayon kung ikaw ang asawa ng kapatid ko? Hindi ka pa rin nararapat dahil isa ka lang basura na pinulot ng kapatid ko sa isang tabi. Ni hindi ko nga kilala kung saang pamilya ka nanggaling. Hindi ako makapaghintay na pulutin ka sa kangkungan kapag pinalayas ka rito.”Kinalma ni Georgina ang sarili. Nakahanda na sana siya na patulan ito, pero nang marinig na binanggit nito ang salitang kuya ay binura niya ang ideyang patulan ito. Kalmado ang mukha at nakahanda ang pekeng ngiti niya nang humarap siya rito. Basang-basa ang buo niyang katawan at dahil bukas
Dahil walang ibang damit na masuot ay walang nagawa si Georgina kundi ang lumabas ng bahay na nakasuot ng polo at boxer ni Rhett. Hanggang hita lang ang haba niyon kaya kitang-kita ang mahaba at mapuputi niyang legs. Wala rin siya suot na bra kaya nang lumabas siya ng kuwarto ni Rhett at bumaba sa salas ay pinagtitinginan siya ng mga kasambahay pero nakataas ang noong nilampasan at hindi pinansin ang mga ito. Napaikot na lang ang kanyang mata nang marinig ang bulungan ng mga ito. Naghihintay na sa kotse sa labas ng gate si Kraven, ang dati niyang kasamahan sa trabaho. Kung hitsura lang ang pag-uusapan ay dumugin din ito ng kababaihan pero iba ang karisma nito keysa sa asawa niya. Kung si Rhett ay yung tipong malamig at suplado, si Kraven naman ay happy-go-lucky. Wala itong ibang hilig kundi makipag-sex, mapababae man o lalaki. Kaya nang makita siya nitong sa kapiranggot na suot ay napasipol ito. “Damn, so hot!” nakangising tukso nito nang makapasok siya sa backseat. “Scram! Nasaan
“Team leader, paano nangyaring nawala ang mga files? Paano ang PPT(powerpoint presentation) na pinaghirapan natin?” Binalingan ni Georgina ang team leader na ka-close niya sa trabaho dahil ito ang tanging tumulong sa kanya habang nangangapa pa siya sa trabaho. Naisuklay niya ang daliri sa medyo basa pang buhok habang nakapameywang ang isang kamay. Kung titingnan si Georgina ng mga taong hindi nakakilala sa kanya ay iisipin ng mga ito na siya ang boss ng kumpanya dahil sa postura niya. Dahil sa matangkad siya, kahit ano’ng istilo ng damit ay naayon sa kanya. Hindi lang ‘yon. Lumulutang ang ganda niya sa ibang mga empleyado kaya marami ang naiinggit sa kanya, lalo na ang pamangkin ng team manager nila na kapareho niyang nasa probationary period. Umiling si Divine, ang team leader, saka walang buhay na napaupo sa upuan nito habang ang kanilang team manager ay patuloy pa rin sa matalas na pagtingin sa kanya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Georgie. Kailangan na ang PPT ngayon dahil p
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k
***“Ollie! Why did you take so long to pick up your kite?”Isang estrangherong babae ang lumapit sa harapan ni Griffin at huminto sa harapan niya. Batay sa mukha nito ay mukhang galit ito. Agad na nabalot ng takot ang bata at akmang tatakbo pasunod sa kanyang mommy Georgina pero mabilis siyang pinigilan ng babae sa braso.“Saan ka pa pupunta, Ollie? Naghihintay na sa atin ang daddy mo,” muling saad ng estrangherong bababe na lalong nagpataka kay Griffin. Sinong daddy ang tinutukoy nito. He doesn’t have a daddy…“Bitiwan mo ako! Kailangan kong puntahan si mommy!” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng babae pero malakas ito at hindi siya nabitawan. “Mommy is here! Saan ka pa ba pupuna? Huwag ka nang makulit at naghihintay na sa atin ang daddy mo.”Ngunit mariing umiling si Griffin. “No, you are not my mommy. No!” Patuloy siya sa pagpupumiglas at kahit nagsisigaw ay walang tumulong sa kanya hanggang kargahin siya ng estrangherong babae hanggang sa may dumating na lalaki na nakaupo sa wh
“Fuck! Damn it!” Olivia mumbled angrily as her fist became tighter and tighter. Bigo na naman siya na amuin si Rhett. Kahit wala na itong alaala sa nakaraan ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni isang beses ay hindi pa siya nito hinalikan at ang mas malala ay wala pang nangyayari sa kanila. Ang buong akala niya ay matitikman na niya ang lalaking mahal na mahal niya kapag gumaling na ito pero matigas pa ito sa bato. Ang gusto niya ay magkaroon sila ng sariling anak ni Rhett para tuluyan na itong mapasakanya at ang anak nito kay Georgina ay itatapon niya. Kaso, inabot na ng limang taon ang pagsasama nila ay wala pa ring nangyayari!Isang oras ang lumipas bago lumabas ng banyo si Rhett. Nakadamit na ito dahil nag-insist siya na iwan iyon sa loob para hindi na ito mahirapan. Agad itong nilapitan ni Olivia at pinangaralan. “Felix, mag-asawa na tayo. Kung ano man ang imperfection mo sa katawan ay kaya ko iyang tanggapin. But why didn’t
Next:“Felix, we’re here!” Malakas na tawag ni Olivia sa asawang si Felix pagkapasok nila sa presidential suite ng hotel na tinutuluyan nila habang nasa Pilipinas. Nang hindi sumagot ang asawa ay binalewala niya iyon at inisip na baka natutulog sa kuwarto. Magkahiwalay ang kuwarto saka ang living room kaya nang makita na wala roon si Felix ay hinayaan niyang mag-isang maglaro si Ollie saka dumiretso sa loob ng kuwarto. Tama nga ang hinala niyang naroon ang asawa pero mali siya dahil hindi ito natutulog. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at tila tulala habang may malalim na iniisip. “Felix, what are you doing?”Hindi lumingon ang lalaki at nanatili sa pagkakatingin sa labas ng bintanang salamin. Madilim na kahit kakatapos pa lang ng takip-silim at ang nagkikislapang ilaw galing sa karatig na gusali at mula sa trapiko sa kalsada ay nagre-reflect sa kanyang mata. Pero ang tanging nararamdaman niya ay kahungkagan ng damdamin. Tila may kulang. At habang nakatitig sa labas ng bintana
Tuluyang napahinto sa paglalakad si Georgina at napatingin na lamang kay olivia habang pilit nitong pinapatahan ang batang karga na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Hindi siya nito napansin. Ang ipinagtataka niya ay bakit kahit iyak na iyak ang bata ay nakasuot pa rin ito ng mask. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakita ng babae at nagtagpo ang mga mata nila. Nagulat pa ang babae nang makita siya nito pero agad iyong nawala at napalitan ng ngiti bagama’t pansin ni Georgina ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ng bata na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito. Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki at bumilis ang tahip ng puso. Kasing tangkad ito ni Griffin, ang pangalawang anak niya. “Georgina!” biglang tawag ni Olivia sa pangalan niya kaya iniwas niya ang tingin sa bata at inilipat kay Olivia na may pekeng ngiti sa labi. “Hindi ko akalaing sa pagbabalik namin sa Pilipinas ay ikaw agad ang una kong makikita. Mukhang tinadhana talaga tayo, do you agre
“Hindi ko sinasabing ang isang babaeng kagaya mo ay naiintindihan kung ano ang nangyayari sa kumpanya. Ano ba ang alam ng isang probinsyanang katulad mo?” Ang unang kumontra kay Georgina ay isang matandang lalaki na puro puti na ang buhok. Mukhang ito ang lider ng oposisyon sa pamamalakad ni Rhett. “Kung nawawala pa ang asawa asawa mo, na hindi naman namin alam kung kailan babalik, dapat lang na kailangan mong mamili ng bagong presidente sa isa sa aming shareholders. Wala kang ni singkong duling na porsyento sa kumpanyang ito kaya ano ang karapatan mong umupo diyan sa upuan ng presidente?” The old man snorted and huffed after talking for so long. Mahinang napatawa si Georgina at nanatili sa relax na pagkakasandal sa upuan. “Walang karapatan, huh? Kung wala kang objection na si Rhett ang presidente ng kumpanyang ito well, I’ll tell you what. Asawa ako ng presidente at may-ari ng kumpanyang ito. Habang wala ang asawa ko ay ako ang mamalakad sa kumpanya niya.”Isa na namang shareholder
Five years later:Bago pumunta sa shareholders meeting ay nakipagkita muna si Georgina kay Rick. Nasa mansyon ng mga ito ang kaibigan kasama ang asawa nitong si Dr. Lacsamana na noong nakaraang buwan lang nila nailigtas mula sa kamay ng RDS. Kakabalik lang ng dalawa sa Maynila galing sa isla Thalassina dahil doon nagpapagaling ang kaibigan. May tama ito sa tiyan at mabuti naman malayo daw sa bituka nito kaya mabilis itong gumaling. Nitong nakaraang tatlong taon ay sumasama si Georgina sa mga misyon ng CSS basta bandang Africa ang trabaho nila at nagbabakasakaling masulyapan si Rhett. Tatlong taon na ang nakararaan mula nang umalis ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Ang huling impormasyon na nakuha nila ay nakapasok ito sa teritoryo ni Mr. Tai at kitang-kita rin nila kung paano ito hinagupit ni Mr. Tai ng latigo. May suot na maliit na camera si Rhett sa butones ng polo nito at iyon ang ginamit ni Rick upang ma-hack nila ang network sa mansyon ni Mr. Tai ngunit mat
Dalawang araw ang lumipas matapos ang nangyaring pagkawala ni Gaele at hanggang ngayon ay malumbay pa rin si Georgina. Nakalabas na sila ng ospital at nagpapagaling sa bahay. Kahit labis siyang nasaktan sa pagkawala ng anak ay kailangan pa rin niyang magpakatatag para kay Galya at Griffin. Kahit mag-iisang buwan pa lang ang dalawa ay tila ramdam na ng mga ito ang pagkawala ng kapatid lalo na sa gabi na silang dalawa lang ang magkatabing matulog. Malakas ang paniniwala ni Georgina kay Rhett na maibabalik nito ang panganay nila. Kung aabutin man iyon nang matagal ay maghihintay siya. “Rhett…” mahinang tawag ni Georgina sa asawa habang nakahiga sa kama at nagpapaantok. Kakapatulog lang niya sa dalawang sanggol na nasa loob lang din ng kuwarto at nakalagay sa malaking crib. Dahil wala na siyang tiwala na mapahiwalay siya sa mga anak niya ay sa kuwarto nila ni Rhett pinalagay ang crib para bantay-sarado niya ang dalawa. “Hmm?” sagot ni Rhett. Mula nang malaman nito ang tungkol sa pagkaw
Dalawang linggo na ang nakalipas matapos manganak ni Georgina at makaligtas si Rhett sa kamay ng kapatid nang dineklara ng doktor na pwede nang ilabas mula sa NICU ang mga anak niya. Dahil parehong nasa ospital ang dalawa ay iisang kuwarto na ang kinuha nila upang sabay na magpagaling at doon ay pinag-usapan na rin nila ang nakaraan nilang naging problema. Ang inaalala lang ni Rhett ay ang naging reaksyon ni Mr. Tai dahil sa pagkakasama nila ni Georgina. Ilang beses na rin itong nagpadala ng warning sa kanya na iwasan niya si Georgina pero hindi siya nakinig at patuloy pa rin siya sa pakikipaglapit sa asawa. He loves her so much that even a second apart from her is torture. Bagama’t may misyon siyang sagipin ang nanay nito ay hindi pa rin niya sinasabi sa asawa ang tungkol dito hangga’t hindi niya naiiuwi sa Pilipinas ang ina nito. “Rhett, are you sure na kaya mo nang maglakad at hindi mo na kailangan ng wheelchair?” Ito ang pangtatlong ulit na tanong ni Georgina kay Rhett habang n