***SEVEN YEARS AGO...Nakatayo si Ivor sa harap nang kaniyang boss habang binabasa nito ang project proposal niya. Kumunot ang noo nito at nang mag-angat ito nang tingin sa kaniya, masama ang mga titig nito.The next thing he knew, binato sa kaniya nang kaniyang boss ang folder kung saan nakalagay ang mga documents ng proposal na iyon.“What the f*ck is this, Ivor? Can you do your job better?” Hindi man siya sigawan nito, ramdam niya ang panggagalaiti sa boses nito.“I’m sorry, Sir,” he said. Almost a whisper.“Revised it! That f*cking trash can’t even be approved! I’ll give you five days!”“Limang araw lang?” Iyon ang pumasok sa isip niya. Halos dalawang linggo niya iyong ginawa at may overnight pa, pagkatapos sobrang iksi ng deadline para sa revision?Walang magawa si Ivor dahil ito pa rin ang senior manager nila habang assistant manager pa lang siya. Swerte pa nga siya dahil office worker siya rito sa U.S. Huminga siya nang malalim. “Yes, Sir.” Dinampot niya ang mga nahulog na pa
Humahangos na tumatakbo si Lily mula sa parking lot ng ospital hanggang pagpasok niya sa loob. Lumapit siya sa nurse’s reception para tanungin kung nasaan ang anak niya. Sinamahan siya nang isa sa mga nurse patungo sa emergency room.Nakasunod si Lily sa nurse at huminto sila sa isang kama. Nakahiga si Isaac habang tahimik na nakaupo si Ivor sa tabi ng ospital bed. Mabilis na nilapitan ni Lily ang natutulog niyang anak.Hinaplos niya ang buhok nito at naluluhang pinagmamasdan si Isaac.Lumingon si Lily sa nurse. “How’s my son? Kailangan niya ba ng surgery? May injuries ba siya? Anong kailangang gawin?” sunod sunod niyang tanong habang hindi maalis ang malakas na pagkabog sa kaniyang dibdib.“Gladly, Ma’am, your son is okay. May kaunti lang siyang gasgas sa noo pero maayos ang lagay niya. We’ve run several tests on him and there are not any findings. Nahimatay lamang po siya dahil sa pagkabigla ngunit maari niyo na po siyang i-uwi pagkagising niya,” mahabang paliwanag sa kaniya ng nurse
Sa loob ng kwarto, tinitingnan ni Lily ang sariling repleksyon sa harap ng isang human-size mirror. Nakasuot siya ng black-belted suit at ipinareha niya ang nude-colored stiletto. Katatapos lang niyang mag-ayos para sa isang charity event na pupuntahan niya. Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa living room. Naabutan niyang nakaupo sa mahabang couch ang kaniyang pitong taong gulang na anak na si Isaac Sales.Nang makalapit si Lily sa couch, nag-angat nang tingin sa kaniya si Isaac. “Kailangan mo po ba talagang umalis, Mommy?”Umupo siya sa tabi ni Isaac at hinaplos-haplos niya ang buhok nito. “I need to, Isaac. Nakakuha si Mommy ng invite sa event na ‘yon. Hindi magandang hindi ako tumuloy.”“But, it’s already late at night, Mommy,” sabi ni Isaac sa maliit nitong boses na naglalambing sa ina niya.Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Lily. “Alam ko ‘nak, pero huwag kang mag-alala, pinapunta ko rito ang Uncle Lian mo. Sasamahan ka niya habang wala ako.”Nabuhay ang excitement sa m
***SEVEN YEARS AGO.Nakaupo sa kama si Lily habang nakatayo naman sa harap ng bintana ng kwarto si Ivor. Walang kumikibo sa kanila.Binasag ni Lily ang katahimikan at kalmadong nagsalita, “Let’s get a divorce,” buo na ang desisyon niya.Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Ivor. “What did you say?”Inangat ni Lily ang ulo niya at diretso niyang tiningnan sa mga mata si Ivor. “Narinig mo ang sinabi ko, Ivor. Gusto ko ng divorce, maghiwalay na tayo.”“No,” pagmamatigas ni Ivor. Nag-iwas nang tingin si Lily sa kaniya kaya nagsalita siyang muli, “Kahit sa ganitong bagay? Ikaw pa rin ang magde-desisyon?”Binalik ni Lily ang tingin sa asawa. “Bakit? Ayaw mo? Hindi ka ba napapagod sa relasyon na ‘to?”“Pagod ka na, Lily? Sinasabi mong pagod ka na sa’kin?” hindi maitago ni Ivor ang sakit sa boses niya na nanggagaling mula sa puso niya.“Oo, Ivor! Pagod na ‘ko!” Lily burst out her frustration.Hindi na niya kayang kimkimin ang damdamin niya. “Hindi ko na kayang ayusin ang relasyon na ‘to
Nakatingin sa kawalan si Ivor na siyang nakaupo sa swivel chair ng kaniyang opisina. Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya iyong babaeng nakasalubong niya sa charity event. Alam niyang hindi niya ito kilala, pero familiar ito sa kaniya. Ilang araw na nga niyang iniisip na maaring nakita niya na ito kung saan. Isang taon na rin ang nakalipas simula nang makabalik siya sa Pilipinas galing sa USA at sigurado siyang ngayon lang niya nakita ang babaeng ‘yon, pero bakit pakiramdam niya ay hindi ito ang unang beses.“Sir Ivor?”Bumalik sa realidad si Ivor nang marinig ang boses nang kaniyang secretary na si Lian Andra.Nag-angat siya nang tingin dito. “Ano ‘yon, Lian?”“Lunch break na po, Sir. Saan po ninyo gusto kumain para makapagpa-reserve na po ako? After po niyan may afternoon meeting po kayo kay Mr. Cruz,” nakangiting sabi nito kay Ivor.“Magpa-food delivery ka na lang at dito na lang ako kakain. Sa conference room lang naman ang meeting namin, right?”“Y
“What?!” Gwyneth exclaimed. Hinawakan ni Lily ang kaibigan sa pulso nito saka ito hinila paupo sa couch ng opisina niya. Nandito na naman ang kaibigan niya para tumambay at ito ang naging reaksyon ni Gwyneth nang i-kuwento ni Lily ang nangyari sa pagitan nila ni Ivor limang araw na ang nakaraan.“Huwag ka naman sumigaw, Gwy!” pagsuway pa niya sa kaibigan.Malalaki pa rin ang mga mata ni Gwyneth na nakatingin kay Lily. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nalaman mula sa kaibigan. “Totoo ba talaga? May amnesia siya? Baka naman nagpapanggap lang siyang hindi ka talaga kilala para malagpasan niya ang ginawa niya sa’yo?” may pagdududa sa boses na sabi ni Gwyneth.“He seems to be telling the truth. Nakita ko kung paano siya maguluhan nang malaman niyang magkakilala kami. Ang mas nakakapagpa-bother sa’kin, ‘yong sinagot ko sa kaniya! Mukha akong tanga, para akong naghahabol na ewan. Ang lame pa ng excuses ko sa kung paano “kuno” kami nagkakilala,” Lily said. Nagpakawala siya nang malalim na pa
Nakatayo sa harap ng pinto si Ivor sa labas ng condo unit ni Lian. Hinihintay niya na pagbuksan siya nito ng pinto. Magdo-doorbell sana ulit si Ivor dahil inabot na siya nang ilang minuto sa labas, nang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang bata na sa tingin niya ay seven or eight years old.“Sino po kayo?” tanong sa kaniya ng bata.Tiningnan pa ni Ivor ang number ng unit sa gilid ng pinto para siguruhin na kay Lian itong condo unit dahil baka nagkamali siya.“This is Lian’s condo unit, right?” tanong ni Ivor sa bata.Tumango ito. “Opo. Uncle ko po siya. Nasa banyo po siya kaya ako na po ang nagbukas ng pinto.”“I see. Balik na lang—”Hindi na natapos ni Ivor ang sasabihin dahil nagsalita ang bata, “Sige po, pasok na po kayo. Maya maya po ‘tapos na si Uncle Lian maligo.”Nag-aalangan man, pero pumasok na si Ivor sa loob ng condo unit at sinenyasan ang bata na pumasok na sa loob at siya na ang magsasara ng pinto. Naglakad si Ivor patungo sa living room at naabutan niyang n
Nasa labas ng airport si Ivor para sunduin ang nakababata niyang kapatid na si Janelle Aquino. Hindi man niya ito kaparehas ng apelyido at hindi man sila magkadugo, tinuturing naman niya itong tunay na kapatid.Nakasandal siya sa hood ng kaniyang kotse habang matiyagang naghihintay. Ilang segundo pa ang lumipas, nakita na niyang lumabas mula sa loob ng airport si Janelle. Nililibot nito ang paningin sa paligid na tila hinahanap siya kaya naman isinigaw na niya ang pangalan nito para tawagin.“Jane! Over here!”Nang marinig ni Janelle ang pinaiksing pangalan niya, mabilis niyang nakita ang kinaroroonan ni Ivor. Naging malawak ang kaniyang ngiti nang makita ang kuya niya, sa kabilang banda ay ganoon din naman si Ivor. Nagsimulang maglakad si Ivor palapit kay Janelle at ganoon din ang dalaga. Nagkasalubungan sila sa gitna. “I’m back, Kuya! You miss me?” nakangiti at mapang-asar na sabi ni Janelle kay Ivor.Nginisihan ni Ivor ang nakababatang kapatid. “No, I’m not, but Mom and Dad miss y