Masuk
Nakatayo si Inara sa ilalim ng makinang na liwanag ng chandelier dahilan para ang simpleng suot niyang kulay puting bestida ay magkaroon ng mas eleganteng epekto sa mata ng mga taong nakakakita sa kan'ya. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng kan'yang mga kamay nang pagdikitin niya ang mga ito.
Araw ngayon ng celebration para sa napagkasunduang pagpapakasal niya pero hindi man lang niya kilala kung sino nga ba ang kan'yang mapapangasawa. Ang tanging alam lamang ni Inara ay kailangan ng kan'yang lola ng agarang operasyon at hindi niya kayang bayaran ang halagang iyon. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kan'ya ang ama ng estrangherong pakakasalan niya. “Pakasalan mo ang anak ko, at sasagutin ko lahat ng gastusin para sa operasyon ng iyong lola.” Hanggang sa mga sandaling iyon ay naririnig niya sa isipan ang alok ng ginoo. Noong una ay parang iyon na ang hinihintay niyang milagro na sasagip sa buhay nila ng kan'yang lola. Pero ngayong nasa harap na siya ng maraming tao, pakiramdam niya ay nakulong siya sa isang bitag na siya rin mismo ang pumili at tumanggap. Dahan-dahan siyang naglakad sa mahabang kulay pulang carpet. Pilit niyang pinagmumukhang kalmado ang sarili habang papalapit sa patriarch ng pamilya El Davion. Si Don Adalvino Khalif El Davion. Habang patuloy sa paglalakad ay pasimple niyang inilibot ang paningin upang hanapin ang lalaking napagkasunduang pakakasalan niya. Nasaan siya? Malapit nang magsimula ang seremonya pero hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ang lalaki. Ang upuan sa tabi niya para rito ay nananatiling bakante. Naging dahilan iyon para mamuo ang bulungan ng mga bisita. “Ano na ba ang nangyayari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang Young Master El Davion?” “Baka naman ayaw niya sa babaeng pakakasalan?” “Eh, sino ba kasi iyang babae na ‘yan? Wala naman akong nabalitaan na may girlfriend na pala ang Young Master. Hindi ko pa kahit kailanman nakita ang babaeng iyan.” “Nakakahiya naman. Kasunduan sa kasal pero wala ang groom?” “Parang hindi man lang pinapahalagahan ng pamilya El Davion ang babaeng iyan. Sa laki ng pangalan nila, nakakahiya ang ganitong klase ng party.” Ang bawat bulong ay parang matatalim na kutsilyo na tumatama kay Inara. Napakuyom ang kan'yang kamao at halos bumaon na ang mga kuko niya sa kan'yang palad. Calm down, Inara. Hindi ka pwedeng magpaapekto sa sinasabi nila. Hindi pwedeng ngayon ka pa susuko. Tandaan mo, para ito sa operasyon ni Lola. Bago pa man tuluyang mabura ang kanina pang pilit na mga ngiti ni Inara ay biglang tumayo si Don Adalvino at malakas na hinampas ang mga kamay sa lamesa. “Enough!” malakas niyang sigaw. “Anyone who dares to insult my daughter-in-law will be standing against the El Davion family. Let this be clear. Inara is the only woman worthy to carry our name. From this day on, she is to be given the respect that belongs to her!” The guests instantly fell silent. Huminga naman ng malalim si Don Adalvino bago pinagpatuloy muli ang pagsasalita pero sa pagkakataon na iyon ay mas banayad na ang tono. “As for my son, Kaizan, his flight was delayed due to the branch company’s initial public offering. He’ll return as soon as he finishes his work there.” Inara felt relief. Ibig sabihin lamang niyon ay hindi darating ang lalaki ngayong gabi. Mas mabuti na iyon dahil hindi pa rin naman siya handang harapin ang isang estrangherong bigla na lamang niyang naging fiancé. Matapos utusan ni Don Adalvino ang mga servant para asikasuhin ang mga guest ay muli niyang hinarap si Inara. “You are now the future daughter-in-law of our family, Inara. Once you and Kaizan wed on the 28th of next month, you’ll officially become a member of the El Davion household. Should anyone dare to wrong you, come to me and I’ll make sure they face the consequences. But for now, I’ll have the servants take you to your room so you can rest early. You must be exhausted.” Napalunok si Inara. Next month na agad ang kasal?! Diyos ko! “S-Salamat po, D-Dad.” As she nodded obediently, tinatago naman niya ang nananatili pa ring kaguluhan sa isipan niya. Pero isa lang ang sigurado, whether it was fate or opportunity, she would marry into the El Davion family. Dahil iyon lang ang paraan para mailigtas niya ang kan'yang lola. Pagkarating niya sa silid ay napagtanto naman niyang naiwan niya pala ang kan'yang cellphone sa ibaba. Agad siyang bumalik at habang kinukuha ito mula sa lamesa ay narinig niya ang pamilyar na boses ni Don Adalvino mula sa study room nito. “Hindi ka pumunta sa sarili mong engagement party. Talaga bang pinaninindigan mo ang katigasan ng ulo mo, Kaizan?!” galit na galit ang boses ng ginoo. “Listen to me, Arlend Kaizan El Davion! Pakakasalan mo siya sa ayaw mo man at sa gusto! Wala kang karapatang tumanggi!” Sandaling katahimikan ang nanaig. Sa tingin ni Inara ay ang anak ng ginoo naman ang nagsasalita sa kabilang linya. “Wala akong pakialam kung nasaang lupalop ka ng mundo ngayon. Umuwi ka rito sa loob ng isang oras at humarap sa fiancée mo. Naiintindihan mo ba ‘ko?” Lumipas muli ang ilang segundong katahimikan pero nang oras na muli ni Don Adalvino na magsalita ay naging malamig ang tono nito. “Akala mo ba talaga ay hindi ko alam kung ano'ng ginawa mo? This marriage is for your own good. One hour, Kaizan. No excuses!” Pagkatapos noon, narinig niya ang malakas na pagbagsak ng telepono. Nanigas si Inara sa kinatatayuan. Hindi niya sinasadyang makinig pero ang mga salitang narinig niya ay tila nagpalamig ng kanyang dugo. Kung ganoon ay hindi dahil sa delayed na flight kaya hindi siya nakarating kundi dahil ayaw niya pala talagang magpakasal? Buong akala ni Inara, abala lang ito sa trabaho. Ngayon, malinaw na ang lahat. Tulad niya ay hindi rin nito gustong makasal sila sa isa't isa. Pero kung ayaw niya, bakit ganoon na lamang kapilit si Don Adalvino para mapakasal kaming dalawa? May tinatago ba siya? Paulit-ulit na umikot sa isip ni Inara ang mga tanong na iyon hanggang sa mapagod na siya sa kakaisip. Bahala na. Isa-isa ko na lang haharapin ang lahat kapag nandiyan na. Tonight had already drained her completely. She sank onto the bed, her nerves finally loosening. Sabi ni Don Aldavino ay darating si Kaizan sa loob ng isang oras kaya naman napagpasyahan niyang hintayin ito kahit pa inaantok na siya at hindi mapakali. Lumipas ang isang oras. Dalawa. Wala pa rin. Dahan-dahan siyang nakahinga nang malalim sa pag-iisip na siguro nga ay hindi na darating ang lalaki. Pinatay niya ang ilaw, humiga sa kama, at binalot ang sarili sa malambot at makapal na kumot. Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata, at tinangay siya ng antok. Ngunit bago pa man tuluyang makatulog ay may bigla na lamang siyang naramdaman na kakaiba sa paligid. May biglang bigat na dumagan sa kanyang dibdib. Mabigat at nakakasakal. Napakislot siya, halos hindi makahinga. Then, through the darkness, she felt it. A presence. Nanlalaki ang mga mata na dumilat siya. “Ah—!” Ang sigaw niya ay bumasag sa katahimikan ng gabi. Because in the pitch-black room, someone was there. Someone was on top of her!“Your little act of playing it safe isn’t clever at all. But now that you’ve achieved your goal, you don’t have to keep pretending,” saad ni Kaizan sa paraang animong inaamo si Inara. Malumanay ang tono ngunit may nakatagong pwersa at kapangyarihan sa bawat salitang lumalabas sa labi niya. Habang si Inara ay mapula pa rin ang parehong pisngi dahil sa halik kanina. Masiyado iyong matamis, malambot at nakakaadik. Hindi man niya gustong isipin, ngunit ang sensasyon ng labi ni Kaizan sa kaniya ay nananatili pa rin at animong nag-iwan ng bakas sa labi niya. I still can't believe this woman could taste like a temptation itself. Para siyang diwata na nagtatago sa katawang tao. Nakakamangha. Masiyadong kakaiba. “Anong pinagsasabi mong I don’t have to keep pretending? Are you saying na nagpapa-hard to get lang ako?” kunot ang noong tanong ni Inara, halos mapuno ng pagkadismaya at panggigigil ang boses niya. Kaunti na lang ay sasabog na talaga siya sa inis, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon
Kinabukasan, maagang dumating si Inara sa El Davion Group Tower kasama si Tatiana. Habang nakatayo siya sa harap ng malaki at makintab na glass facade ay hindi niya maiwasang huminga nang malalim. Masyadong engrande ang kumpanyang ito. Nakakita naman na ako ng napakatataas na gusali pero ang isang ito ay parang ibang mundo. Tsk. Ano pa nga bang dapat asahan sa pamilya El Davion? Halos kabuuan ng Dumaguete ay pagmamay-ari nila.Lahat ng taong dumaraan ay mukhang abala, propesyonal, at nakataas ang noo. Samantalang siya ay hindi na malaman kung saan pa ilulugar ang kaniyang kaba.Final na ba talaga ‘to, Lord? Wala na ba talagang way para hindi ito matuloy? I suggest lamunin na lang ako ng lupa if wala na talagang way, Lord, dahil mukhang doon din naman ang punta ko after ng interview na ito. Diyos ko!Pagpasok nila sa conference room, halos hindi siya mapakali. Ang lamig ng air conditioner ay parang hindi man lang nakatutulong sa init ng kaba sa dibdib niya. Basa na ng pawis ang kaniy
Pagbalik nina Inara at Tatiana sa kompanya, agad kumalat ang balita na sila ang nakakuha ng exclusive interview kasama ang presidente ng El Davion Group. Lahat ay nakatingin sa kanila nang may halong inggit at paghanga. Sino ba naman ang hindi kung ang makapapanayam nila ay walang iba kundi si Arlend Kaizan El Davion, ang misteryosong presidente ng El Davion Group, isa iyong karangalan. Kung magagawa nila nang maayos ang interview na iyon, tiyak na lalampas sa inaasahan ang performance ng buong team ngayong taon. Ang bigat ng pangalan ni Kaizan ay mas mahalaga pa kaysa sa lahat ng mga taong na-interview nila sa loob ng isang taon na pinagsama-sama. Sa mesa ni Liora, ang matalik na kaibigan at kapwa intern ni Inara, agad siyang hinila nito palapit, nakangiti at puno ng kuryosidad. “Inara, bilis! Sabihin mo sa ’kin, gwapo ba talaga si Mr. El Davion? Grabe ang mga naririnig kong papuri sa kan'ya!” Napahinto si Inara sa pag-inom ng tubig. Kung tutuusin ay oo, sobrang gwapo ng lalaking
Biglang sumagi sa isip ni Kaizan ang isang imahe, at sa isang iglap, nagbago ang kanyang isip. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa malamig ngunit banayad na tinig. Nang lingunin siya ni Inara at magtama ang kanilang mga mata, parang huminto ang oras. Napatigil siya, at hindi niya napigilang bumilis ang tibok ng puso niya. Susmariyusep! Napakagwapo naman ng lalaking ito, Lord! Matangos ang ilong, matalim ang panga, at bawat linya ng kanyang mukha ay parang hinubog ng isang bihasang iskultor. Ang kanyang mga mata na kulay itim ngunit may kakaibang lalim na mahirap basahin ay may misteryong tila nang-aakit. Nakasuot siya ng itim na suit na halatang sukat na sukat sa kanya. Malapad ang balikat, makitid ang baywang, at mahahaba ang mga binti, perpektong proporsyon, parang modelo sa mga mamahaling magasin. Ang tindig niya’y matikas at puno ng awra ng awtoridad. Ang lalaking ito ang tipo ng tao na hindi mo basta makakalimutan hindi lang dahil s
Pagkalabas ni Kaizan mula sa kuwarto ni Inara, sinalubong naman siya ng butler ng kan'yang ama sa pasilyo. “Butler Renan,” turan niya rito. “Young Master, pinapatawag ka ng iyong ama sa opisina niya.” Tahimik siyang tumango at sumunod. Pagbukas ng mabigat na pinto, bumungad ang amoy ng mamahaling alak at nagkikintaban na mga wooden furniture sa loob ng opisina ng ama. Nakaupo si Don Adalvino sa likod ng mesa, kalmado pero matalim ang presensiya. Pinunuan nito ng alak ang dalawang baso bago iniabot ang isa sa anak. “Na-meet mo na ba siya?” tanong ng matanda habang tinititigan siya. “Mabait ‘yong bata. Magalang at marunong rumespeto. Huwag mo siyang sasaktan.” Tinanggihan ni Kaizan ang baso, malamig ang tinig. “Sinabi ko na sa inyo, hindi ko siya pakakasalan.” Nanigas ang mukha ng ama. “Kailangan mong pakasalan siya, Kaizan. Wala kang pagpipilian.” Napangiti ito nang mapait. “Walang pagpipilian?” Mahinang tawa ang lumabas sa labi niya. “Mukhang madidismaya ka sa bagay na iyan, Do
“Tulong! Tulong! Sino ka?!” Naghahabol ng hininga si Inara habang pilit niyang tinutulak ang lalaking nasa dilim at nakadagan pa rin sa kan'ya. “Tumahimik ka…" Mababa at malamig ang tinig ng lalaki. Kumikirot na rin ang ulo nito sa ingay ng babae dahilan para agad siyang mapasimangot. Inis na inis si Kaizan. Napahinto naman si Inara. Lalaki?! Paanong nakapasok ang lalaking ito sa kuwarto ko?! Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung sino ang lalaki at ano ang pakay nito sa kan'ya. Kinuyom niya ang mga kamao, pilit pinapakalma ang sarili kahit nangangatog ang kalooban. “Sinasabi ko sa’yo,” matapang niyang sambit kahit nanginginig ang tinig, “ako ang mapapangasawa ng anak ni Don Adalvino Khalif El Davion. If you dare hurt me, you’re dead..” Ang pamilyang El Davion ay isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa Dumaguete City. Wala nang may matinong pag-iisip ang mangangahas na kalabanin pa sila. Alam niyang ginagamit niya ang pangalan ng mga El Davion para lang







