Share

Chapter 3

last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-08 09:42:35

Serena POV

May mga araw talaga na bigla mong mararamdaman na parang may mali sa katawan mo pero hindi mo maipaliwanag kung ano.

Ganon ang araw na iyon.

Nagising ako na may kakaibang lasa sa bibig ko. Parang maasim. Parang may hinahanap ang dila ko na hindi ko alam kung ano. Umupo ako sa kama, hinimas ang sentido ko, iniisip kung dahil lang ba ito sa stress o kulang ako sa tulog.

Pero habang bumababa ako papuntang kusina, mas lalo itong lumakas.

“Ang asim,” bulong ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si Rafael na nagkakape, naka long sleeves kahit bahay lang, seryoso ang mukha habang may tinitingnan sa tablet.

“Good morning,” sabi niya, hindi man lang tumitingin.

“Good morning,” sagot ko pero hindi ako mapakali.

Binuksan ko ang ref. Tumingin ako sa loob. May prutas. May mansanas. May orange. May ubas.

Pero wala.

Napairap ako. “Wala bang manga dito?”

Tumingin siya sa akin sa wakas. “Manga?”

“Oo,” sagot ko agad. “Yung hilaw.”

Napakunot ang noo niya. “Hilaw na manga?”

“Oo,” ulit ko, mas mabilis na ngayon. “Yung maasim. May asin.”

Tinitigan niya ako na parang may nakita siyang kakaiba. “Hindi ka naman mahilig sa manga dati.”

“Hindi ko rin alam,” sagot ko, medyo iritable. “Basta gusto ko.”

Tumayo siya at kinuha ang susi ng kotse. “May malapit na tindahan. Hintayin mo.”

Napatingin ako sa kanya. “Hindi naman kailangan.”

“Okay lang,” sagot niya. “Sandali lang.”

Habang wala siya, naupo ako sa mesa, hawak ang tiyan ko nang hindi ko namamalayan. May kakaibang kabigatan doon. Hindi sakit. Hindi rin gutom lang.

Pagbalik niya, may bitbit siyang plastik na puno ng hilaw na manga at maliit na lalagyan ng asin.

Parang gusto kong umiyak sa tuwa.

“Kainin mo na,” sabi niya.

Hindi ko na hinintay pang mag thank you. Kumuha ako agad ng isang piraso, isinawsaw sa asin, at kinagat.

Grabe.

Parang biglang naging tahimik ang mundo. Parang lahat ng ingay sa utak ko tumigil.

“Ang sarap,” sabi ko, halos pabulong.

Nakatayo lang siya sa gilid, nakatingin sa akin. “Okay ka lang?”

Tumango ako habang ngumunguya. “Oo. Sobrang okay.”

Pero sa loob ko, nagtataka na ako.

Bakit hilaw na manga.

At bakit pakiramdam ko parang kailangan ko talaga siya.

Pagdating ng hapon, naka upo ako sa sala, hawak ang remote. Hindi ko alam kung anong papanoorin. Bigla na lang huminto ang daliri ko sa isang anime app na matagal ko nang hindi binubuksan.

One Piece.

“Bakit ko ba ‘to bubuksan,” bulong ko.

Hindi naman ako fan ng anime. Alam ko lang na sikat siya. Mahaba. Maraming episode. Hindi ko tipo dati.

Pero ngayon, parang may humihila sa akin.

Pinindot ko ang play.

Isang episode.

Dalawa.

Tatlo.

Hindi ko namalayan ang oras.

Bigla akong natawa sa eksena kahit hindi naman sobrang nakakatawa. Tapos bigla naman akong nalungkot sa isang backstory.

“Ang emotional ko,” sabi ko sa sarili ko, pinupunasan ang mata ko.

Narinig ko ang yabag ng paa. Si Rafael.

“Nanonood ka?” tanong niya.

“Ewan ko,” sagot ko. “Bigla ko lang naisip.”

Tumingin siya sa screen. “One Piece?”

“Oo,” sagot ko. “Weird nga eh.”

Umupo siya sa kabilang sofa. “Hindi ka naman nanonood ng ganyan.”

“Hindi ko rin alam,” ulit ko.

Tahimik lang siya. Pero ramdam ko ang tingin niya.

Kinagabihan, habang nagsisipilyo ako sa banyo, bigla akong nasuka.

Wala man lang warning. Bigla na lang.

Napaupo ako sa sahig, hingal na hingal, pawis na pawis.

“Ano ba ‘to,” bulong ko.

May kumatok sa pinto. “Serena?”

“Okay lang ako,” mabilis kong sagot kahit hindi totoo.

Paglabas ko, namumula ang mata ko. Tinitigan niya ako.

“Sure ka?” tanong niya.

“Oo,” sagot ko, iwas tingin.

Pero kinabukasan, mas lumala.

Nahihilo ako sa umaga. Maselan ang sikmura ko. Ang amoy ng kape na dati kong gusto, ngayon parang nakakasuka.

At ang hilaw na manga.

Parang hinahanap ng katawan ko araw araw.

Habang nasa trabaho ako, napaupo ako sa locker room, hawak ang phone ko. Bigla kong binuksan ang calendar.

Napakunot ang noo ko.

Tahimik akong nagbilang.

Isang linggo.

Dalawang linggo.

Tatlo.

Nanlamig ang mga daliri ko.

“Hindi,” bulong ko agad. “Impossible.”

Hindi pwedeng ganon kabilis.

Hindi pwedeng ganon kadali.

Pero habang iniisip ko ang gabi na iyon. Ang pagkakamali. Ang kasunod na mga araw.

At ang katawan ko na parang may sariling isip.

Parang may bumuo ng larawan sa isip ko na ayokong tapusin.

Pag uwi ko, nakita ko si Rafael sa kusina.

“Rafael,” tawag ko.

Lumingon siya. “Yes?”

“May itatanong ako,” sabi ko, kabado.

“Go ahead,” sagot niya.

Huminga ako ng malalim. “May idea ka ba kung bakit bigla akong nahihilo, nasusuka, at gustong gusto ang hilaw na manga?”

Hindi siya agad sumagot.

Parang may gumalaw sa mukha niya. Isang segundo lang pero nakita ko.

“Hindi ako doktor,” sabi niya. “Pero may iniisip ka na bang posibilidad?”

Napalunok ako. “Meron. Pero ayokong sabihin.”

Tahimik siya sandali. “Then maybe you should confirm it.”

**************

Hindi ako gumamit ng pregnancy test.

Hindi dahil ayaw ko. Kundi dahil natatakot ako sa dalawang guhit na pwedeng sumigaw ng katotohanan sa banyo ng bahay na hindi naman talaga akin.

Gusto ko ng sagot na galing sa isang lugar na seryoso. Tahimik. Walang emosyon. Isang sagot na hindi pwedeng balewalain.

Kaya habang tulog pa si Rafael, nag bihis ako at umalis ng bahay ng maaga. Hindi ko siya ginising. Hindi ko rin sinabi kung saan ako pupunta. Ayokong may makasama. Ayokong may makaalam habang wala pa akong lakas ng loob.

Sa loob ng sasakyan, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang bag ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng aircon o sa takot na unti unti nang kinakain ang dibdib ko.

Sa isang clinic sa Manila ako pumunta. Hindi kilala. Hindi sosyal. Sapat lang.

“First time check up po?” tanong ng nurse.

“Opo,” sagot ko, halos pabulong.

“May delay po ba sa period?”

Tumango lang ako.

Habang nakaupo ako sa maliit na waiting area, pinagmamasdan ko ang mga babaeng pumapasok at lumalabas. May iba na may kasamang asawa. May iba na may hawak na ultrasound photo. May iba na mukhang masaya.

Ako?

Parang baliw.

Paulit ulit ang tanong sa utak ko. Paano kung hindi. Paano kung oo. Paano kung mali lang lahat ng pakiramdam ko.

“Ms. Alonzo,” tawag ng nurse.

Tumayo ako na parang mabigat ang paa. Pumasok ako sa consultation room at naupo sa harap ng doktor.

“So, Serena,” sabi ng doktora, kalmado ang boses. “Ano ang nararamdaman mo?”

Nilunok ko ang laway ko. “Nahihilo po. Nasusuka. At may… cravings.”

Ngumiti siya ng bahagya. “I see. Ilang linggo na ang delay?”

Sinabi ko ang bilang.

Tumango siya. “We’ll do some tests just to be sure.”

Just to be sure.

Parang kutsilyo ang mga salitang iyon sa tenga ko.

Matagal ang proseso. Blood test. Ultrasound. Tahimik akong nakahiga, nakatingin sa kisame, pilit na hindi umiyak.

Nang bumalik ang doktora, may hawak na papel.

Umupo siya sa harap ko. “Serena,” sabi niya. “Congratulations.”

Parang huminto ang mundo.

Hindi ako agad nakapagsalita.

“Confirmed,” dagdag niya. “You’re pregnant.”

Parang may sumabog sa loob ng ulo ko.

“Ha?” yun lang ang lumabas sa bibig ko.

“Early stage,” paliwanag niya. “But everything looks normal so far.”

Normal.

Paano naging normal ang isang bagay na kayang baliktarin ang buong buhay ko.

Tumango lang ako. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit.

Paglabas ko ng clinic, naupo ako sa bangketa. Hindi ko na napigilan.

Tumawa ako.

Isang maikling tawa na parang wala sa sarili. Tapos bigla akong umiyak.

“Buntis ako,” bulong ko. “Buntis ako.”

Hinawakan ko ang tiyan ko. Parang may kakaibang init doon. Parang may nararamdaman akong presensya kahit wala pa naman.

“Anong gagawin ko,” tanong ko sa hangin.

Rafael.

Ang pangalan niya ang unang pumasok sa isip ko.

Bigla akong kinabahan.

Paano ko sasabihin sa kanya.

Paano ko ipapaliwanag na ang gabing akala naming pagkakamali ay may bunga na hindi namin napag usapan sa kontrata.

Bumalik ako sa bahay na parang multo. Mabagal ang hakbang. Mabigat ang dibdib.

Nandoon si Rafael sa sala, may kausap sa laptop. Pagkakita niya sa akin, tumayo siya agad.

“San ka galing?” tanong niya.

Sa tono niya, walang galit. May pag aalala.

“May inayos lang,” sagot ko agad. Iwas tingin.

Tinitigan niya ako. “Okay ka lang ba?”

“Oo,” sagot ko pero halatang hindi.

Gusto kong sabihin agad.

Gusto kong isigaw.

Pero natakot ako.

Pumasok ako sa kwarto at isinara ang pinto. Napaupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.

“Paano ko sasabihin,” bulong ko.

That night, sabay kaming kumain ng hapunan. Tahimik. Walang imikan.

Tuwing gagalaw siya, napapatingin ako. Tuwing magsasalita siya, parang nawawala ang lakas ng loob ko.

“Serena,” bigla niyang sabi.

Napapitlag ako. “Ha?”

“May sasabihin ka ba?” tanong niya.

Nanlaki ang mata ko. “Wala.”

Hindi niya ako pinilit. Tumango lang siya.

Pagkatapos ng hapunan, umakyat siya sa study room niya. Naiwan akong mag isa sa sala.

Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang tiyan ko ulit.

“Baby,” bulong ko, halos walang tunog. “Ano ba gagawin natin.”

Kinabukasan, mas lalo akong naging praning.

Sa trabaho, wala akong focus. Muntik na akong mahilo sa lobby. Mabuti na lang at may sumalo sa akin.

Pag uwi ko, nadatnan ko si Rafael na may kausap na matandang lalaki sa sala.

Ang ama niya.

“Serena,” tawag ni Don Ernesto. “Halika.”

Lumapit ako, pilit na ngumiti.

“Masaya ako,” sabi niya. “Mukha kang blooming.”

Nanlamig ang likod ko.

“May balita ba kayo?” tanong niya kay Rafael.

“Wala pa,” sagot ni Rafael. “Pero okay siya.”

Okay.

Kung alam lang niya.

Kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama, hindi na ako makatiis.

Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa pinto ni Rafael.

“Come in,” sabi niya.

Pagpasok ko, nakaupo siya sa mesa, may hawak na papeles.

“May sasabihin ako,” sabi ko agad.

Tumingin siya sa akin. “Ano yun?”

Huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

“Rafael,” sabi ko, nanginginig ang boses. “May nangyari.”

Tumayo siya. “Ano?”

Hindi ko kayang tumingin sa mata niya.

“Buntis ako.”

Tahimik.

Sobrang tahimik.

Pakiramdam ko isang oras ang lumipas kahit ilang segundo lang.

“Are you sure?” tanong niya sa wakas.

“Opo,” sagot ko agad. “Nagpa check up ako. Confirmed.”

Hindi siya agad nagsalita. Umupo siya ulit. Hinimas ang noo.

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin,” mabilis kong dagdag. “Hindi ito planado. Hindi ko rin ginusto na mangyari ng ganito.”

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi galit. Hindi rin masaya.

“Serena,” sabi niya, mababa ang boses. “Hindi ka nag iisa.”

Parang may nabitawan sa dibdib ko.

“Natakot ako,” sabi ko, umiiyak na. “Hindi ko alam kung anong iisipin mo.”

Hinawakan niya ang balikat ko. Hindi mahigpit. Hindi rin malamig.

“Anuman ang mangyari,” sabi niya. “Responsibilidad ko ito.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bound to Him by Accident   Chapter 5

    Serena POVNagsimula ito sa maliliit na bagay.Yung hindi mo agad mapapansin, pero mararamdaman mo na may mali na sa loob mo.Isang umaga, nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pagod. Hindi rin masama ang katawan ko. Parang… iritable lang. Parang may kulang. Parang may sobra.Bumaba ako para mag almusal at nadatnan ko si Lorna sa kusina, may kausap na staff.“Siguraduhin niyo na organic lahat,” sabi niya. “Bawal ang bawal.”Tumango ang staff.Umupo ako sa mesa. Tahimik. Kinuha ko ang kutsara, pero bigla akong nainis sa tunog ng pinggan.“Ang ingay,” bulong ko, masyadong madiin.Lumingon si Lorna. “May sinabi ka, Serena?”“Wala po,” sagot ko agad.Pero ramdam ko ang inis. Hindi ko alam kung saan galing.Pagdating ng pagkain, tinitigan ko lang ang plato. Oatmeal. Fruits. Juice.“Wala bang asin?” tanong ko, may tono na.Nagulat si Lorna. “Ay, bawal muna ang maalat.”Bigla akong napasigaw. “Nakakasawa na!”Tahimik ang kusina.Napatingin silang lahat sa akin.Napalunok ako.

  • Bound to Him by Accident   Chapter 4

    Serena POVHindi ko inexpect ang kasunod.Akala ko matapos kong sabihin kay Rafael, magkakaroon ng mahabang usapan. Akala ko may galit, may tanong, may bigat. Akala ko kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Ipaliwanag ang bawat detalye.Pero ang sumunod ay kabaligtaran ng lahat ng nasa isip ko.Kinabukasan, hindi pa man ako nakababa para mag almusal, may naririnig na akong boses sa baba. Masaya. Maingay. Parang may handaan.Akala ko may bisita lang.Pagbaba ko ng hagdan, doon ko sila nakita.Si Don Ernesto, nakaupo sa wheelchair, nangingiti nang sobrang laki. Si Lorna, ang nanay ni Rafael, hawak ang rosaryo pero parang may luhang saya sa mata. May ilang kamag anak, may staff, may mga kahon sa sala.At lahat sila… nakatingin sa akin.“Serena,” sabi ni Don Ernesto, halos nanginginig ang boses. “Totoo ba?”Hindi ko alam ang isasagot. Tumango lang ako, mabagal.At biglang parang may piyesta.“Salamat sa Diyos,” sabi ni Lorna, halos napaupo sa sofa. “Apo. Magkaka apo na ako.”Apo.Paran

  • Bound to Him by Accident   Chapter 3

    Serena POVMay mga araw talaga na bigla mong mararamdaman na parang may mali sa katawan mo pero hindi mo maipaliwanag kung ano.Ganon ang araw na iyon.Nagising ako na may kakaibang lasa sa bibig ko. Parang maasim. Parang may hinahanap ang dila ko na hindi ko alam kung ano. Umupo ako sa kama, hinimas ang sentido ko, iniisip kung dahil lang ba ito sa stress o kulang ako sa tulog.Pero habang bumababa ako papuntang kusina, mas lalo itong lumakas.“Ang asim,” bulong ko sa sarili ko.Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si Rafael na nagkakape, naka long sleeves kahit bahay lang, seryoso ang mukha habang may tinitingnan sa tablet.“Good morning,” sabi niya, hindi man lang tumitingin.“Good morning,” sagot ko pero hindi ako mapakali.Binuksan ko ang ref. Tumingin ako sa loob. May prutas. May mansanas. May orange. May ubas.Pero wala.Napairap ako. “Wala bang manga dito?”Tumingin siya sa akin sa wakas. “Manga?”“Oo,” sagot ko agad. “Yung hilaw.”Napakunot ang noo niya. “Hilaw na manga?”“Oo,

  • Bound to Him by Accident   Chapter 2

    Serena POVHindi ako nakatulog ng maayos nang gabing iyon.Paulit ulit sa isip ko ang boses niya sa telepono. Kalma. Diretso. Parang sanay na may kontrol sa lahat ng bagay.Rafael Monteverde.Ang pangalang iyon ay parang may bigat. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko agad na hindi siya ordinaryong tao. At mas lalo akong kinabahan dahil alam kong may kinalaman iyon sa gabing pilit kong binura sa alaala ko.Kinabukasan, pumasok ako sa trabaho na parang wala lang. Professional smile. Maayos ang postura. Walang bakas ng gulo sa loob ko. Pero sa bawat hakbang ko sa lobby ng hotel, parang may humihila pababa sa dibdib ko.“Serena, okay ka lang ba?” tanong ng isa kong ka work. “Parang maputla ka.”“Okay lang,” sagot ko agad. “Pagod lang.”Hindi ako pwedeng magkwento. Ayokong may makaalam. Ayokong maging tsismis.Pero hindi pa man natatapos ang umaga, tinawag ako ng supervisor ko.“May guest na naghahanap sayo,” sabi niya. “Personal request.”Nanlamig ang kamay ko. “Sino po?”“Monteverde,

  • Bound to Him by Accident   Chapter 1

    Serena POVHindi ko inaasahan na ang pinaka masakit na gabi ng buhay ko ay magsisimula sa isang ordinaryong trabaho.“Ms. Alonzo, VIP guest sa Suite 1809. Urgent request,” sabi ng supervisor ko habang inaabot ang tablet. Tumango lang ako kahit pagod na pagod na ang katawan ko. Isa pa. Isang huling request bago matapos ang shift. Kaya ko pa.Habang naglalakad ako sa hallway ng hotel sa Makati, maayos ang suot ko, plantsado ang uniporme, at naka practice ang professional smile. Ganito ako palagi. Maayos. Tahimik. Walang problema. O iyon ang akala ko.Pagdating ko sa harap ng pinto ng suite, kumatok ako ng maayos. Walang sumagot. Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako ng konti pero sinubukan ko ulit. Sa ikatlong katok, bahagyang bumukas ang pinto.At doon nagsimula ang lahat.Bumungad sa akin ang isang eksenang hindi ko kailanman makakalimutan.Si Marco.Ang boyfriend ko ng limang taon.Nasa loob siya ng suite, walang suot na polo, ang buhok magulo, at ang kamay niya ay nasa baywang ng isang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status