Compartir

Chapter 5

last update Última actualización: 2026-02-08 09:43:16

Serena POV

Nagsimula ito sa maliliit na bagay.

Yung hindi mo agad mapapansin, pero mararamdaman mo na may mali na sa loob mo.

Isang umaga, nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pagod. Hindi rin masama ang katawan ko. Parang… iritable lang. Parang may kulang. Parang may sobra.

Bumaba ako para mag almusal at nadatnan ko si Lorna sa kusina, may kausap na staff.

“Siguraduhin niyo na organic lahat,” sabi niya. “Bawal ang bawal.”

Tumango ang staff.

Umupo ako sa mesa. Tahimik. Kinuha ko ang kutsara, pero bigla akong nainis sa tunog ng pinggan.

“Ang ingay,” bulong ko, masyadong madiin.

Lumingon si Lorna. “May sinabi ka, Serena?”

“Wala po,” sagot ko agad.

Pero ramdam ko ang inis. Hindi ko alam kung saan galing.

Pagdating ng pagkain, tinitigan ko lang ang plato. Oatmeal. Fruits. Juice.

“Wala bang asin?” tanong ko, may tono na.

Nagulat si Lorna. “Ay, bawal muna ang maalat.”

Bigla akong napasigaw. “Nakakasawa na!”

Tahimik ang kusina.

Napatingin silang lahat sa akin.

Napalunok ako. “Sorry,” sabi ko agad. “Hindi ko sinasadya.”

Tumayo ako at umalis.

Pagpasok ko sa kwarto, doon ako umiyak. Hindi ko alam kung bakit.

Kinabukasan, mas lalo akong naging moody.

Isang minuto okay ako. Next minute, galit. Tapos biglang malungkot.

Habang naglalakad ako sa hallway, napansin ko ang isang malaking picture frame. Baby nursery design.

Hindi ko alam kung bakit pero nainis ako.

Tinanggal ko ang frame at inilapag sa sahig.

Pagdating ni Rafael sa hapon, nakita niya iyon.

“Anong nangyari?” tanong niya, kalmado.

“Hindi ko gusto,” sagot ko. “Parang masyadong maaga.”

Tumango siya. “Sabihin ko sa kanila.”

“Bakit kailangan mo pang sabihin?” tanong ko, iritable. “Hindi ba pwedeng desisyon ko yun?”

Tahimik siya sandali. “Pwede.”

Napabuntong hininga ako. “Sorry. Hormones.”

Hindi siya ngumiti. “I know.”

Sa trabaho, mas lumala.

May guest na nag reklamo dahil hindi agad na asikaso. Dati, kaya kong ngumiti at mag apologize. Ngayon, gusto ko na lang sumagot.

“Ma’am, pasensya na po,” sabi ko, pero halatang pilit.

Pag balik ko sa staff room, bigla akong napaiyak.

“Serena, okay ka lang?” tanong ng ka work ko.

“Oo,” sagot ko, pinupunasan ang mata ko. “Pagod lang.”

Pero hindi totoo.

Pag uwi ko, nakita ko si Rafael sa sala, may kausap sa phone.

“Hindi muna,” sabi niya sa kausap. “She needs space.”

Pagkababa niya ng phone, tumingin siya sa akin. “May gusto ka bang kainin?”

Bigla akong nainis. “Bakit kailangan mo pang itanong?”

Nanlaki ang mata niya pero hindi siya sumagot agad.

“Sorry,” sabi ko agad, nagsisisi. “Hindi ko alam kung bakit ganito ako.”

Umupo siya sa tapat ko. “Serena,” sabi niya. “You don’t have to explain. I get it.”

Hindi ko alam kung totoo.

Isang gabi, bigla akong napaiyak habang nanonood ng One Piece.

“Bakit namatay siya,” singhot ko.

Napatingin si Rafael. “Anime character lang yun.”

“Hindi mo naiintindihan,” sigaw ko. “Ang sakit kaya.”

Tahimik siya.

Maya maya, tumawa ako bigla. “Ang dramatic ko.”

Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

May isang araw na nagising ako na galit.

Wala namang dahilan.

Nainis ako sa sikat ng araw. Sa kulay ng kurtina. Sa sarili kong buhok.

“Bakit ba lahat mali,” bulong ko.

Pagtingin ko sa salamin, hindi ko na kilala ang sarili ko.

“Hindi ako ganito,” sabi ko sa repleksyon ko.

Pero ganito na ako ngayon.

Sa dinner, napansin ni Don Ernesto ang pananahimik ko.

“Serena,” sabi niya. “May problema ka ba?”

Bago pa ako makasagot, sumingit si Lorna. “Normal lang yan. Buntis.”

Bigla akong nainis ulit. “Hindi lahat pwedeng idaan sa ganyan,” sabi ko.

Tumahimik ang lahat.

Napahawak ako sa tiyan ko. Huminga ng malalim.

“Sorry po,” sabi ko. “Hindi ko sinasadya.”

Pagkatapos ng hapunan, pumasok ako sa kwarto at isinara ang pinto.

Umiiyak ako. Tahimik. Walang hikbi.

“Hindi ko na kontrolado,” bulong ko.

Maya maya, may kumatok.

“Serena,” boses ni Rafael.

“Wag muna,” sabi ko.

Tahimik siya sandali. “Okay.”

Pero pagkatapos ng ilang minuto, naramdaman ko ang pag upo niya sa labas ng pinto.

“Hindi kita iiwan,” sabi niya, mahina pero malinaw. “Kahit galit ka. Kahit moody ka. Kahit hindi mo ako gusto.”

Napapikit ako.

“Hindi ko rin gusto ang sarili ko ngayon,” bulong ko.

“Temporary lang yan,” sagot niya. “Pero ikaw, ikaw pa rin.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Bound to Him by Accident   Chapter 5

    Serena POVNagsimula ito sa maliliit na bagay.Yung hindi mo agad mapapansin, pero mararamdaman mo na may mali na sa loob mo.Isang umaga, nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pagod. Hindi rin masama ang katawan ko. Parang… iritable lang. Parang may kulang. Parang may sobra.Bumaba ako para mag almusal at nadatnan ko si Lorna sa kusina, may kausap na staff.“Siguraduhin niyo na organic lahat,” sabi niya. “Bawal ang bawal.”Tumango ang staff.Umupo ako sa mesa. Tahimik. Kinuha ko ang kutsara, pero bigla akong nainis sa tunog ng pinggan.“Ang ingay,” bulong ko, masyadong madiin.Lumingon si Lorna. “May sinabi ka, Serena?”“Wala po,” sagot ko agad.Pero ramdam ko ang inis. Hindi ko alam kung saan galing.Pagdating ng pagkain, tinitigan ko lang ang plato. Oatmeal. Fruits. Juice.“Wala bang asin?” tanong ko, may tono na.Nagulat si Lorna. “Ay, bawal muna ang maalat.”Bigla akong napasigaw. “Nakakasawa na!”Tahimik ang kusina.Napatingin silang lahat sa akin.Napalunok ako.

  • Bound to Him by Accident   Chapter 4

    Serena POVHindi ko inexpect ang kasunod.Akala ko matapos kong sabihin kay Rafael, magkakaroon ng mahabang usapan. Akala ko may galit, may tanong, may bigat. Akala ko kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Ipaliwanag ang bawat detalye.Pero ang sumunod ay kabaligtaran ng lahat ng nasa isip ko.Kinabukasan, hindi pa man ako nakababa para mag almusal, may naririnig na akong boses sa baba. Masaya. Maingay. Parang may handaan.Akala ko may bisita lang.Pagbaba ko ng hagdan, doon ko sila nakita.Si Don Ernesto, nakaupo sa wheelchair, nangingiti nang sobrang laki. Si Lorna, ang nanay ni Rafael, hawak ang rosaryo pero parang may luhang saya sa mata. May ilang kamag anak, may staff, may mga kahon sa sala.At lahat sila… nakatingin sa akin.“Serena,” sabi ni Don Ernesto, halos nanginginig ang boses. “Totoo ba?”Hindi ko alam ang isasagot. Tumango lang ako, mabagal.At biglang parang may piyesta.“Salamat sa Diyos,” sabi ni Lorna, halos napaupo sa sofa. “Apo. Magkaka apo na ako.”Apo.Paran

  • Bound to Him by Accident   Chapter 3

    Serena POVMay mga araw talaga na bigla mong mararamdaman na parang may mali sa katawan mo pero hindi mo maipaliwanag kung ano.Ganon ang araw na iyon.Nagising ako na may kakaibang lasa sa bibig ko. Parang maasim. Parang may hinahanap ang dila ko na hindi ko alam kung ano. Umupo ako sa kama, hinimas ang sentido ko, iniisip kung dahil lang ba ito sa stress o kulang ako sa tulog.Pero habang bumababa ako papuntang kusina, mas lalo itong lumakas.“Ang asim,” bulong ko sa sarili ko.Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si Rafael na nagkakape, naka long sleeves kahit bahay lang, seryoso ang mukha habang may tinitingnan sa tablet.“Good morning,” sabi niya, hindi man lang tumitingin.“Good morning,” sagot ko pero hindi ako mapakali.Binuksan ko ang ref. Tumingin ako sa loob. May prutas. May mansanas. May orange. May ubas.Pero wala.Napairap ako. “Wala bang manga dito?”Tumingin siya sa akin sa wakas. “Manga?”“Oo,” sagot ko agad. “Yung hilaw.”Napakunot ang noo niya. “Hilaw na manga?”“Oo,

  • Bound to Him by Accident   Chapter 2

    Serena POVHindi ako nakatulog ng maayos nang gabing iyon.Paulit ulit sa isip ko ang boses niya sa telepono. Kalma. Diretso. Parang sanay na may kontrol sa lahat ng bagay.Rafael Monteverde.Ang pangalang iyon ay parang may bigat. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko agad na hindi siya ordinaryong tao. At mas lalo akong kinabahan dahil alam kong may kinalaman iyon sa gabing pilit kong binura sa alaala ko.Kinabukasan, pumasok ako sa trabaho na parang wala lang. Professional smile. Maayos ang postura. Walang bakas ng gulo sa loob ko. Pero sa bawat hakbang ko sa lobby ng hotel, parang may humihila pababa sa dibdib ko.“Serena, okay ka lang ba?” tanong ng isa kong ka work. “Parang maputla ka.”“Okay lang,” sagot ko agad. “Pagod lang.”Hindi ako pwedeng magkwento. Ayokong may makaalam. Ayokong maging tsismis.Pero hindi pa man natatapos ang umaga, tinawag ako ng supervisor ko.“May guest na naghahanap sayo,” sabi niya. “Personal request.”Nanlamig ang kamay ko. “Sino po?”“Monteverde,

  • Bound to Him by Accident   Chapter 1

    Serena POVHindi ko inaasahan na ang pinaka masakit na gabi ng buhay ko ay magsisimula sa isang ordinaryong trabaho.“Ms. Alonzo, VIP guest sa Suite 1809. Urgent request,” sabi ng supervisor ko habang inaabot ang tablet. Tumango lang ako kahit pagod na pagod na ang katawan ko. Isa pa. Isang huling request bago matapos ang shift. Kaya ko pa.Habang naglalakad ako sa hallway ng hotel sa Makati, maayos ang suot ko, plantsado ang uniporme, at naka practice ang professional smile. Ganito ako palagi. Maayos. Tahimik. Walang problema. O iyon ang akala ko.Pagdating ko sa harap ng pinto ng suite, kumatok ako ng maayos. Walang sumagot. Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako ng konti pero sinubukan ko ulit. Sa ikatlong katok, bahagyang bumukas ang pinto.At doon nagsimula ang lahat.Bumungad sa akin ang isang eksenang hindi ko kailanman makakalimutan.Si Marco.Ang boyfriend ko ng limang taon.Nasa loob siya ng suite, walang suot na polo, ang buhok magulo, at ang kamay niya ay nasa baywang ng isang

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status