Share

Chapter 4

last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-08 09:42:56

Serena POV

Hindi ko inexpect ang kasunod.

Akala ko matapos kong sabihin kay Rafael, magkakaroon ng mahabang usapan. Akala ko may galit, may tanong, may bigat. Akala ko kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Ipaliwanag ang bawat detalye.

Pero ang sumunod ay kabaligtaran ng lahat ng nasa isip ko.

Kinabukasan, hindi pa man ako nakababa para mag almusal, may naririnig na akong boses sa baba. Masaya. Maingay. Parang may handaan.

Akala ko may bisita lang.

Pagbaba ko ng hagdan, doon ko sila nakita.

Si Don Ernesto, nakaupo sa wheelchair, nangingiti nang sobrang laki. Si Lorna, ang nanay ni Rafael, hawak ang rosaryo pero parang may luhang saya sa mata. May ilang kamag anak, may staff, may mga kahon sa sala.

At lahat sila… nakatingin sa akin.

“Serena,” sabi ni Don Ernesto, halos nanginginig ang boses. “Totoo ba?”

Hindi ko alam ang isasagot. Tumango lang ako, mabagal.

At biglang parang may piyesta.

“Salamat sa Diyos,” sabi ni Lorna, halos napaupo sa sofa. “Apo. Magkaka apo na ako.”

Apo.

Parang hindi ko narinig ang sarili kong pangalan. Parang lumutang lang ako sa gitna ng sala.

Rafael lumapit sa tabi ko. “Paalam ko na sa kanila kagabi,” sabi niya, mahina. “I hope okay lang.”

Hindi ako nakasagot.

Biglang may staff na pumasok, may dalang tray ng tsaa. May isa pang pumasok, may hawak na malaking kahon.

“Ano yan?” tanong ko, pero parang walang lumabas na tunog.

“Gifts,” masayang sabi ni Lorna. “Hindi pa natin alam kung lalaki o babae, so we prepared for both.”

Parang may tumunog sa ulo ko.

Isa isang binuksan ang mga kahon.

May mga damit na kulay asul. May kulay pink. May maliit na sapatos. May mga laruan. May kumot. May stuffed toys.

Ang dami.

Sobrang dami.

Para akong nanood ng eksena na hindi ako kasali.

“Ang cute nito,” sabi ng isang kamag anak. “Bagay pag baby boy.”

“Pero ito,” sabi ng isa pa, hawak ang maliit na dress. “Mas gusto ko pag girl.”

Tumawa sila.

Ako hindi.

Sumikip ang ulo ko. Parang may humahampas sa sentido ko. Humigpit ang dibdib ko.

“Serena,” sabi ni Lorna, lumapit sa akin. “Masaya ka ba?”

Gusto kong magsinungaling.

Gusto kong sabihin oo.

Pero hindi lumabas ang salita.

Ngumiti lang ako ng pilit.

“Normal lang yan,” sabi niya, hawak ang kamay ko. “First time mom ka. Pero wag kang mag alala, andito kami.”

Andito kami.

Pero bakit pakiramdam ko mag isa ako.

Biglang lumakas ang sakit ng ulo ko. Parang may pumipiga sa utak ko. Nahilo ako.

Rafael napansin agad. “Ma, sandali,” sabi niya. “She needs to sit.”

Hinawakan niya ang braso ko at inakay ako papunta sa sofa. Naupo ako, hawak ang ulo ko.

“Masakit po ba ulo mo?” tanong ni Don Ernesto, nag aalala.

“Opo,” sagot ko, mahina.

“Buntis talaga,” sabi ni Lorna na parang tuwang tuwa. “Sensitive na.”

May nagbigay sa akin ng tubig. Uminom ako, pero parang hindi sapat.

Ang ingay.

Ang saya nila.

At ako, parang wala sa sarili.

“Gusto mo bang magpahinga?” tanong ni Rafael, bulong.

Tumango ako agad.

Pagpasok namin sa kwarto, doon lang ako nakahinga ng malalim. Umupo ako sa kama at hinawakan ang sentido ko.

“Sorry,” sabi ko agad. “Hindi ko sinasadya.”

“Wala kang dapat i sorry,” sagot niya. “Overwhelming lang talaga.”

Tumingin ako sa kanya. “Bakit parang mas masaya sila kaysa sa akin?”

Tahimik siya sandali. “Matagal na nilang hinihintay ito.”

“Pero ako,” sabi ko, nanginginig ang boses. “Hindi pa ako ready.”

Umupo siya sa tabi ko. “Hindi rin ako.”

Napatingin ako sa kanya.

“Pero nandito na,” dagdag niya. “So we deal with it one step at a time.”

Huminga ako ng malalim. “Parang hindi ko pa ramdam na totoo.”

“Normal yan,” sabi niya. “Hindi mo kailangang maging masaya agad.”

Pero sa labas ng kwarto, rinig ko pa rin ang tawanan. Ang mga plano. Ang mga pangalan na binabanggit nila.

“Pag lalaki, Ernesto,” sabi ng isang boses.

“Pag babae, Liana,” sabi ng isa.

Parang may kumurot sa dibdib ko.

Hindi pa nga ako handa, may pangalan na sila.

Kinagabihan, bumalik sila sa sala para ipagpatuloy ang selebrasyon. Ayokong bumaba pero pinilit ko ang sarili ko.

Pagdating ko, may mas dumating pang regalo.

Mas marami.

Mas malalaki.

“Hindi naman kailangan,” sabi ko, pilit.

“Kailangan,” sagot ni Lorna. “Ang apo ko deserves everything.”

Apo ko.

Parang may pader sa pagitan namin.

May isang kahon na binuksan sa harap ko. Isang maliit na kuna.

“Too early ba?” tanong ni Lorna, nakangiti.

Tumitig lang ako sa kuna.

Biglang parang umikot ang paligid ko.

“Serena,” tawag ni Rafael.

“Sorry,” sabi ko agad. “Masakit lang talaga ulo ko.”

Hinawakan ko ang tiyan ko.

Hindi ko alam kung nararamdaman ba ng baby ang gulo ko.

Pagkatapos ng gabing iyon, mag isa akong nakahiga sa kwarto. Nakatingin sa kisame. Tahimik na ang buong bahay.

Hinimas ko ang tiyan ko.

“Hindi pa kita kilala,” bulong ko. “Hindi ko pa alam kung paano maging nanay.”

May luhang tumulo sa gilid ng mata ko.

“Pero andito ka na.”

Kinabukasan, pag gising ko, may mga bagong gamit na sa kwarto. Baby books. Vitamins. Listahan ng doctor.

Parang may plano na ang lahat.

Maliban sa akin.

Habang nagbibihis ako, biglang sumakit ulit ang ulo ko. Umupo ako sa kama, napapikit.

“Huminga ka,” bulong ko sa sarili ko.

Sa salamin, nakita ko ang sarili ko. Pareho pa rin ang mukha. Pareho pa rin ang mata.

Pero alam kong may nagbago na.

Hindi lang ang katawan ko.

Kundi ang mundo ko.

Sa baba, naririnig ko ulit ang boses ni Lorna. “Kailangan na natin maghanda. Everything must be perfect.”

Perfect.

Hindi ko alam kung magiging ganon ba ang lahat.

Ang alam ko lang, sa gitna ng sobrang saya ng lahat, ako ang tahimik.

Ako ang natatakot.

At sa gitna ng mga regalo para sa lalaki at babae, ako ang walang masabi.

Parang bato.

Pero sa ilalim ng katahimikan ko, may isang bagay na dahan dahan ring umuusbong.

Isang takot na may kasamang pag asa.

Isang tanong na hindi ko pa kayang sagutin.

Paano kung ang baby na ito ang magbabago ng lahat.

Hindi lang para sa kanila.

Kundi para sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bound to Him by Accident   Chapter 5

    Serena POVNagsimula ito sa maliliit na bagay.Yung hindi mo agad mapapansin, pero mararamdaman mo na may mali na sa loob mo.Isang umaga, nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pagod. Hindi rin masama ang katawan ko. Parang… iritable lang. Parang may kulang. Parang may sobra.Bumaba ako para mag almusal at nadatnan ko si Lorna sa kusina, may kausap na staff.“Siguraduhin niyo na organic lahat,” sabi niya. “Bawal ang bawal.”Tumango ang staff.Umupo ako sa mesa. Tahimik. Kinuha ko ang kutsara, pero bigla akong nainis sa tunog ng pinggan.“Ang ingay,” bulong ko, masyadong madiin.Lumingon si Lorna. “May sinabi ka, Serena?”“Wala po,” sagot ko agad.Pero ramdam ko ang inis. Hindi ko alam kung saan galing.Pagdating ng pagkain, tinitigan ko lang ang plato. Oatmeal. Fruits. Juice.“Wala bang asin?” tanong ko, may tono na.Nagulat si Lorna. “Ay, bawal muna ang maalat.”Bigla akong napasigaw. “Nakakasawa na!”Tahimik ang kusina.Napatingin silang lahat sa akin.Napalunok ako.

  • Bound to Him by Accident   Chapter 4

    Serena POVHindi ko inexpect ang kasunod.Akala ko matapos kong sabihin kay Rafael, magkakaroon ng mahabang usapan. Akala ko may galit, may tanong, may bigat. Akala ko kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. Ipaliwanag ang bawat detalye.Pero ang sumunod ay kabaligtaran ng lahat ng nasa isip ko.Kinabukasan, hindi pa man ako nakababa para mag almusal, may naririnig na akong boses sa baba. Masaya. Maingay. Parang may handaan.Akala ko may bisita lang.Pagbaba ko ng hagdan, doon ko sila nakita.Si Don Ernesto, nakaupo sa wheelchair, nangingiti nang sobrang laki. Si Lorna, ang nanay ni Rafael, hawak ang rosaryo pero parang may luhang saya sa mata. May ilang kamag anak, may staff, may mga kahon sa sala.At lahat sila… nakatingin sa akin.“Serena,” sabi ni Don Ernesto, halos nanginginig ang boses. “Totoo ba?”Hindi ko alam ang isasagot. Tumango lang ako, mabagal.At biglang parang may piyesta.“Salamat sa Diyos,” sabi ni Lorna, halos napaupo sa sofa. “Apo. Magkaka apo na ako.”Apo.Paran

  • Bound to Him by Accident   Chapter 3

    Serena POVMay mga araw talaga na bigla mong mararamdaman na parang may mali sa katawan mo pero hindi mo maipaliwanag kung ano.Ganon ang araw na iyon.Nagising ako na may kakaibang lasa sa bibig ko. Parang maasim. Parang may hinahanap ang dila ko na hindi ko alam kung ano. Umupo ako sa kama, hinimas ang sentido ko, iniisip kung dahil lang ba ito sa stress o kulang ako sa tulog.Pero habang bumababa ako papuntang kusina, mas lalo itong lumakas.“Ang asim,” bulong ko sa sarili ko.Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si Rafael na nagkakape, naka long sleeves kahit bahay lang, seryoso ang mukha habang may tinitingnan sa tablet.“Good morning,” sabi niya, hindi man lang tumitingin.“Good morning,” sagot ko pero hindi ako mapakali.Binuksan ko ang ref. Tumingin ako sa loob. May prutas. May mansanas. May orange. May ubas.Pero wala.Napairap ako. “Wala bang manga dito?”Tumingin siya sa akin sa wakas. “Manga?”“Oo,” sagot ko agad. “Yung hilaw.”Napakunot ang noo niya. “Hilaw na manga?”“Oo,

  • Bound to Him by Accident   Chapter 2

    Serena POVHindi ako nakatulog ng maayos nang gabing iyon.Paulit ulit sa isip ko ang boses niya sa telepono. Kalma. Diretso. Parang sanay na may kontrol sa lahat ng bagay.Rafael Monteverde.Ang pangalang iyon ay parang may bigat. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko agad na hindi siya ordinaryong tao. At mas lalo akong kinabahan dahil alam kong may kinalaman iyon sa gabing pilit kong binura sa alaala ko.Kinabukasan, pumasok ako sa trabaho na parang wala lang. Professional smile. Maayos ang postura. Walang bakas ng gulo sa loob ko. Pero sa bawat hakbang ko sa lobby ng hotel, parang may humihila pababa sa dibdib ko.“Serena, okay ka lang ba?” tanong ng isa kong ka work. “Parang maputla ka.”“Okay lang,” sagot ko agad. “Pagod lang.”Hindi ako pwedeng magkwento. Ayokong may makaalam. Ayokong maging tsismis.Pero hindi pa man natatapos ang umaga, tinawag ako ng supervisor ko.“May guest na naghahanap sayo,” sabi niya. “Personal request.”Nanlamig ang kamay ko. “Sino po?”“Monteverde,

  • Bound to Him by Accident   Chapter 1

    Serena POVHindi ko inaasahan na ang pinaka masakit na gabi ng buhay ko ay magsisimula sa isang ordinaryong trabaho.“Ms. Alonzo, VIP guest sa Suite 1809. Urgent request,” sabi ng supervisor ko habang inaabot ang tablet. Tumango lang ako kahit pagod na pagod na ang katawan ko. Isa pa. Isang huling request bago matapos ang shift. Kaya ko pa.Habang naglalakad ako sa hallway ng hotel sa Makati, maayos ang suot ko, plantsado ang uniporme, at naka practice ang professional smile. Ganito ako palagi. Maayos. Tahimik. Walang problema. O iyon ang akala ko.Pagdating ko sa harap ng pinto ng suite, kumatok ako ng maayos. Walang sumagot. Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako ng konti pero sinubukan ko ulit. Sa ikatlong katok, bahagyang bumukas ang pinto.At doon nagsimula ang lahat.Bumungad sa akin ang isang eksenang hindi ko kailanman makakalimutan.Si Marco.Ang boyfriend ko ng limang taon.Nasa loob siya ng suite, walang suot na polo, ang buhok magulo, at ang kamay niya ay nasa baywang ng isang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status