“A-ako po?” napatingin ako sa secretary, tapos sa mga alta. Nagulat din sila—baka nagkamali lang ng tawag?
“Yes, ma’am.” Ngumiti ang secretary. “Mr. Alcantara called for you. You can now sign the contract.”
Nanlaki ang mga mata ko. Ako talaga? Ako ang grand champion?! Muntik na akong mapatalon sa tuwa.
Buti na lang napatingin ako sa gawi ng mga nasupalpal na alta—lahat sila parang nakalunok ng lemon—at agad kong naalala ang role ko.
Nag-stomach in, chest out ako, hinawi ang mahaba kong buhok papunta sa likod, at naglakad parang runway model pabalik sa opisina ni Mr. Alcantara.
“Well, well, well. I guess authenticity really cannot be bought with money,” sabi ko, sabay tingin sa kanila.
At bago ko pa buksan ang pinto, binigay ko ang pinakamatamis kong ngiti at dagdag pa:
“I’m sorry you failed the interview. Why don’t you try applying at call centers? I can give you referrals if you like.”
Halos magkanda-ubo sila sa pagkabigla. Yung isa napa-“Excuse me?!” habang yung isa naman napairap na parang mababali leeg niya. Yung pinakamestiza? Umikot ang mata nang perfect 360 na parang possessed.
Nakangiti ako pagpasok sa office ni Mr. Alcantara. This time, nakatayo na siya—at napaisip ako bigla.
Alam ko namang more than average ang height ko para sa normal na Pilipino, pero bakit parang dwarfed ako sa harap niya?
“Hello there, wife,” bungad niya agad.
Ako naman ang napaubo sa gulat.
Oo nga pala, marriage contract ang pipirmahan ko. Malamang tawagin niya akong wife. Pero iba talaga ’yung impact!
“Hello, h-husband.” Pilit ang ngiti ko, halatang hindi komportable.
Natawa si Mr. Alcantara. “Here’s our contract,” sabi niya sabay balik sa table.
“Sir… ako po ba talaga?” hindi ko maiwasang itanong. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.
Lumingon siya sa akin, may halong gulat sa mukha. “You’re not that confident you can make it?” Ngiti niya, parang nang-iinis.
“Hindi naman po sa gano’n,” sagot ko, sabay ayos ng dress kong galing Divisoria. Nakalimutan kong nagpapanggap nga pala ‘ko. “What I mean is…” bumalik na naman ang English kong pa-callcenter agent ang effect. “There are better candidates than me…”
“Yes, there are,” sagot niya agad.
Napatingin ako sa kanya. Aba, akala ko bobolahin ako. Hmph.
“Then why me?” irap ko pa.
Lumapit siya sa akin. Binaba niya ang mukha niya hanggang halos magkatapat kami—isang dipa lang ang pagitan.
Tinitigan niya muna ako, at halos lumabas ang puso ko sa dibdib sa kaba, bago siya sumagot.
“BECAUSE I LIKE YOU THE MOST.”
Parang nagka-power outage sa utak ko.
Did he just say LIKE? As in LIKE-like?
Napakagat ako ng labi. Kalma, Maya. Hindi ka teenager.
Ehem. C-in-ompose ko ulit ang sarili ko.
“What's there to like about me naman po? Hindi naman po ako ano… I mean, ako lang ‘to.”
“Sa ‘kin na ‘yun,” kindat niya, sabay balik sa table niya.
Hala, may pa-secret. Bakit hindi pa niya sinabi? Anu kaya ‘yun?
“Besides, wag ka na mag-po sa akin. I'm your husband, remember. Just call me Renzo. Or love, if you like.”
Biglang tumigil ang mundo ko—pero pilit akong kumalma.
"Love?" ulit ko, parang tinatantsa ko pa yung salitang hindi ko pa nasasabi kahit kanino.
"Yes, love?" sagot niya na nakangiti pa.
Napahugot ako ng malalim na hininga.
"I mean, Sir Renzo—este, Renzo. Pwede ko bang basahin muna yung contract?" dali-dali kong tanong, sabay upo sa harap ng table niya para lang matakpan yung kakaibang nararamdaman ko.
"Sure. As you can see there, I will pay you five million for a year's worth of taking up the role of my wife."
Tumango ako habang binubuklat yung papel. Okay, five million. Carry.
Condition 1: Kailangan kong sumama sa kanya sa lahat ng public events at family gatherings.
Keribels naman ‘yon. Wag lang ako pipilitin magsalita nang bongga.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
Condition 2: Kailangan naming tumira sa iisang bahay.
Tsk. Eh di kailangan ko talagang ipaalam ‘to kina Papa at Teo.
Then, Condition 3: Pwede kong gawin kahit anong gusto ko sa araw, as long as hindi makakasira sa image niya—BUT dapat every single day, matutulog kami sa iisang kama.
Nanlaki mga mata ko, muntik na talaga kong mahulog sa upuan.
“O-one bed? As in… isang kama?!”
Grabe, parang lahat ng dugo ko nag-migrate paakyat sa pisngi ko.
“Bakit naman kailangan pa ng ganyan? Di ba pwedeng separate rooms nalang?” bulong ko pero enough para marinig niya.
He smirked. “Ano na lang sasabihin ng mga maid kung hiwalay pa tayo ng kwarto? Baka isipin nila fake lang ang kasal natin. Para sa’n pa ‘to ‘di ‘ba? Or bawiin ko nalang kaya yung five million…”
Kukunin na sana niya ang papel pero mabilis ko itong hinablot.
“Ah, eh! Baka lang kasi… hindi kayo makatulog. Naghihilik po kasi ako sa gabi.”
“I don’t mind. I can put earplugs,” sagot niya agad.
“Malikot din po kasi akong matulog,” dagdag ko pa, hoping na may lusot.
Lumapit siya sa ‘kin, may ibang kinang ang mga mata. “Ako din naman. Malikot matulog.”
Nagtagpo ang tingin namin. Napalunok ako.
Shucks, bakit parang may ibang meaning yung sinabi niya?
Bigla akong tumayo, hawak ang dibdib ko, at nagpaypay ng sarili ko na parang nasa sauna.
“Woo! Parang ang init. Sira ba yung aircon niyo?”
Natawa si Renzo, parang siya lang ang nag-eenjoy sa panic ko.
“You can pack up your things tonight,” sabi niya habang inaayos ang contract sa table. “’Cause tomorrow, you’re moving in.”
Ang laki ng ancestral house ng mga Gutierrez. Mas malaki pa sa mansyon na tinitirhan namin ngayon. Nandun si Sir Rogelio na mas lalo pang nagmukhang mayaman ngayon at mukhang may-ari ng kalahati ng Makati. Yung kapatid niyang si Mitch ay mukha namang model na rumarampa sa mga fashion show. At yung tita niyang si Tita Margot, mukhang socialite na simula pa ng panahon ni Former President Ferdinand Marcos. “Maya,” tawag sa akin ni Tita Margot. “Have you been to the new Hermes boutique?”Napatingin ako sa kanya.Hermes.Bag yun di ba? Yung bag na ang presyo ay pwede ng pambili ng lupa?“Ah… hindi pa po.”Yung smile na ginagamit ko kapag kailangan kong maging plastic.“You should go! They have the new Kelly bag collection. Absolutely divine. Mitch, you went, di ba?”“Yes, Tita. Gorgeous.”Tumingin sa akin si Mitch. “Maya, you should come with me next time. I’m sure Renzo would love to get you one.”“Oh… thank you. But I’m not really into bags, eh.” Ngumiti ako.Pero deep inside, gusto
Congressman Salcedo. Parang kilala ko siya. Hindi ko lang matandaan kung saan.“Ay, sino ‘to?” Tuminingin sa aking yung congressman. Yung mata niya parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. “This must be your wife. I heard about your marriage. Congratulations.”“Thank you,” sabi ko nang nakangiti.Yung ngiting ginagamit ko sa mga taong ayoko pero kailangan kong kausapin. “Maya, this is Congrssman Salcedo,” pakilala ni Renzo.Flat lang yung boses niya. Parang suplado na hindi maintindihan. “An old family friend.”“Ah, nice to meet you po!” Iniunat ko ang kamay ko para makaipagkamay.Kinuha naman niya, pero yung hawak niya, matagal. Hindi komportable.“Beautiful and polite. Lorenzo, you chose well.”Hinila ko yung kamay ko pabalik. Dahan-dahan pero firm. “We actually need to go, Congressman,” sabi ni Renzo, sabay hakbang paharap na parang pinoprotektahan ako. “May dinner pa kami.”“Ay siyempre, siyempre! But before you go…”Lumapit siya kay Renzo na parang may sasabihing conf
Nag-iinit pa rin yung inis ko. Naka-full blast yung aircon pero parang hindi ko naman maramdaman. “Okay ka lang?” tanong ni Renzo habang nag-aayos ng rearview mirror. Nginitian ko siya. Yung tipong kapag hindi mo ako kilala, aakalain mong okay na okay lang ako.“Oo naman. Pagod lang siguro.”Pero hindi ako pagod. Galit ako. Galit na galit. “Maya?”Napalingon ako sa kanya. May something sa boses niya. Pero wala akong pakialam.“Hmm?”“May pupuntahan lang tayo sandali. Hope you don’t mind.”Tumango lang ako kasi wala naman akong choice, di ba? Part ito ng arrangement. Pero when he pulled up sa parking ng mall, nagulat ako. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman moves.Hay nako, Renzo. Nalito na naman tuloy ako!“Bakit tayo nandito?”“Let’s shop.”“Shopping?”“You moved in last week pero wala ka namang gamit masyado. You need to dress the part. Come on.”Napahinto ako. Kasi may parte sa akin na ayaw. Ayaw kong parang binibilang lang niya akong part ng assets niya. Pe
MAYA“Huy! Beh, okay ka lang?” tanong sakin ni Tina na nagpabalik sa’kin sa ulirat.“Hindi ko alam, Beh. Parang hindi ko na kayang harapin si Renzo…” Bigla kong nahampas yung mesa. “Alam ko na. Mag-impake na kaya ako! Wala pa naman panigurado yun sa bahay…”“Ano ka ba, mag-isip-isip ka nga muna,” tapik sa akin ni Tina, sabay higop sa milk tea niya. “Di ba na-send na niya yung five million. At napamahagi mo na din sa kinauukulan? Paano mo ngayon isosoli yun aber?”“Sinabi ko na kasi sa ‘yo, ‘wag ka na pumasok dyan,” bulong ni Lea habang nag-che-check sa cellphone. “Kung hindi siya pumasok dun, baon pa din sila sa utang,” ismid ni Tina. Si Tina at Lea ang mga bestfriends ko simula highschool. Buti na lang talaga at ngayon kami nagkaroon ng schedule na magkita-kita kung hindi mapa-praning ako. “Bakit naman kasi naging konektado pa yung kumpanya nila sa nangyari kay Tita Imelda,” buntung-hininga ni Tina. Sa nasabi niya, sumilakbo na naman ang galit sa puso ko para sa kumpanyang ganid
Nandito ang Chairman ng Alcantara Holdings Inc! Kailangan presentable ako!Dali-dali kong tinignan ang mga nakasampay sa closet. Nagulat ako—may mga bagong damit na pala ro’n. Amoy department store pa.Binili ba ‘to ni Renzo para sa’kin?Kinuha ko ang isang simpleng cream dress na may pearls sa kwelyo. Nagpalit ako at, grabe, parang tailored talaga para sa akin. Nilugay ko ang mahaba kong buhok na itim at naglagay ng konting pulbo at lipstick bago tuluyang lumabas ng kwarto.Pagkababa ko sa hagdan, muntik na akong mapatigil sa tindi ng aura ng isang lalaki katabi ni Renzo na nakaupo sa sala. At yung titig niya? Parang kaya niyang paaminin kahit sinong kriminal ng hindi nagsasalita.Ito na ‘yun! Ito na yung eksenang lagi kong napapanuod sa K-drama!Yung ama ng male lead na tututol, tapos hahampasin ako ng envelope ng pera. Worst case, bibigyan ako ng lason sa maliit na tasa ng tsaa.Napakagat ako sa labi at agad na inayos ang postura ko. Ngumiti ako nang pilit at nag-bow pa ng konti.
MAYA“Good afternoon, Sir, Ma’am,” sabay yuko ng isang dosena atang kasambahay nang pumasok kami sa mansyon“This is Maya, my wife,” pakilala ni Renzo.Nanlaki ang mga mata nila at nagtinginan, halatang nagulat—hindi ko alam kung dahil ikinasal na pala ang sir nila o dahil hindi sila makapaniwalang sa isang tulad ko siya nagpakasal.Sabay-sabay silang nagsiyukod at nagsabi ng, “Maligayang pagdating, Ma’am Maya.”“Naku, Maya na lang…” natawa ako. Pero nang mapansin ko ang kakaibang tingin ni Renzo, naubo ako. Nakalimutan ko na namang dapat alta vibes ako. “Well, good morning. I hope we all get along well.”“So,” sabi ni Renzo habang nakapasok ang mga kamay niya sa bulsa at naglakad papasok sa loob ng bahay na parang museum sa laki, “this is the main living area.”Pinigilan kong manganga. Pa’no ba naman—ang taas ng kisame parang cathedral, may mga paintings na mukhang kinuha pa sa Louvre, at ang sofa set na siguradong mas mahal pa kaysa pinagsama-samang kita ko buong buhay ko.“Okay lan