Mag-log inMAYA
“Huy! Beh, okay ka lang?” tanong sakin ni Tina na nagpabalik sa’kin sa ulirat.
“Hindi ko alam, Beh. Parang hindi ko na kayang harapin si Renzo…” Bigla kong nahampas yung mesa. “Alam ko na. Mag-impake na kaya ako! Wala pa naman panigurado yun sa bahay…”
“Ano ka ba, mag-isip-isip ka nga muna,” tapik sa akin ni Tina, sabay higop sa milk tea niya. “Di ba na-send na niya yung five million. At napamahagi mo na din sa kinauukulan? Paano mo ngayon isosoli yun aber?”
“Sinabi ko na kasi sa ‘yo, ‘wag ka na pumasok dyan,” bulong ni Lea habang nag-che-check sa cellphone.
“Kung hindi siya pumasok dun, baon pa din sila sa utang,” ismid ni Tina.
Si Tina at Lea ang mga bestfriends ko simula highschool. Buti na lang talaga at ngayon kami nagkaroon ng schedule na magkita-kita kung hindi mapa-praning ako.
“Bakit naman kasi naging konektado pa yung kumpanya nila sa nangyari kay Tita Imelda,” buntung-hininga ni Tina.
Sa nasabi niya, sumilakbo na naman ang galit sa puso ko para sa kumpanyang ganid na hindi man lang inisip ang epekto ng kasakiman nila sa buhay ng mga taong nakatira sa mga binabahang lugar.
“Kaya naman pala napakayaman nila!” nanggigil kong nasabi.
“Wait lang, sigurado ka na bang sila talaga ang may kasalanan?” tingin sa akin ni Lea.
Napaisip ako. “Sa totoo lang… hindi pa naman ako ganun kasigurado.”
“Eh akala ko ba…” tanong ni Tina.
Huminga ako nang malalim. “Ang hawak ko lang ngayon ay mga initial reports. Oo, may red flags—overpriced yung mga kontrata, tapos ang dami pang questionable entries sa accounting records.”
“So… sila nga?” singit ni Lea.
“Hindi pa pwedeng sabihin na diretso silang sangkot,” sagot ko, sabay kagat labi. “Pwede ring may ibang tao sa ilalim na gumagawa ng kalokohan nang hindi alam ng pamilya.”
“Exactly. Hindi mo rin alam kung aware si Papa Renzo sa lahat ng ’yan,” sabi ni Tina.
Sa sinabi niya, bigla kong naalala ang gwapong mukha ni Renzo, yung paghaplos niya sa likod ko nang masamid ako… at yung muntik na niyang paghalik sa akin.
Alam niya kaya o hindi ‘tong sitwasyong ’to?
“Naalala ko ulit yung last question ni Renzo sa interview—“What if my company is involved in corruption? Would you still stand by me?”
Tumango si Lea, “Anong sagot mo?”
“No.” Ang sagot ko, matigas at walang halong pag-aalinlangan.
“No?! Bakit mo sinabi ‘yun?!” gulat na bungad ni Tina, halos tumayo dahil sa disbelief.
“Alam mo ang sagot d’on Tina. Ang nakakataka nga, kahit gano’n ang sagot ko, ako pa rin ang pinili niya.”
“Hmm.. baka din hindi niya alam. Baka sinusubukan ka lang,” sabi ni Tina, pilit na humahanap ng paliwanag.
Biglang lumamig ang katawan ko. Bumalik sa memorya ko ang huling araw ni Nanay: yun rumaragasang tubig, yung pag-iyak namin ni Teo habang hinihila siya ng agos. Yung pagsigaw niya ng mga pangalan namin ni Teo…
Tumindig ako, hindi sinasadya. Napakapit ang kamay ko sa mesa habang kumakabog ang dibdib ko sa galit.
“Kung involved si Renzo? Pagbabayarin ko sila. Babayaran nila ang kamatayan ni Nanay at ang pinsalang ginawa nila sa lugar namin!”
Biglang natahimik ang café kung nasaan kami. Hinablot ako ni Tina pababa.
“Girl, nagwewelga ka ba? Wag dito. Labas tayo.” Hinila niya ako palabas, habang si Lea naman bitbit ang bag ko, kalmado pa ring humihigop sa milk tea niya.
“Feeling ko mas okay nga na nandun ka,” sabi ni Lea habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep. “Para malaman mo kung ano talaga ang totoo.”
“Tama! Tama!” agad na sang-ayon ni Tina, taas-kilay pa. “Malay mo, in-allow ‘to ni Lord para makapaghiganti ka. Talk about divine intervention, diba?”
Napatingin ako sa kanya nang nakakunot-noo. “Akala ko kakampi ka ni Papa R?”
Inirapan niya ako. “Syempre kung pipiliin ko kung siya o ikaw, bestie, ikaw pa rin. Alam ko yung hirap mo simula nung mawala si Tita. Hustisya!” tinaas pa niya ang kamao niya na parang nasa rally.
Natawa ako kahit papaano.
“Or,” sabat ni Lea na may kalmadong tono pero diretsong tingin, “baka naman in-allow ni Lord para matutunan mong magpatawad.”
Pareho kaming natahimik ni Tina.
Kapatawaran?
Kaya ko nga ba ‘yon ibigay?
“Anong patawad-patawad? Hindi masusuklian ng pera yung taon ng paghihirap ni Maya, no!” giit ni Tina, malakas ang boses. “Naku, kapag nakita ko yang Papa Renzo na yan at totoo ngang korap siya, makukulong talaga—”
Hindi na niya natuloy dahil biglang may pumaradang kotse sa harap namin. Bumaba ang bintana at sumilip ang nasa loob.
Si Renzo. Mukha pa ring male lead sa mga online pocketbooks na binabasa ko.
“Going home, love?” tanong niya, nakangiti.
“Makukulong talaga yan… sa braso ko!” biglang nag-shift ang tono ni Tina. “Sa piling ko! At hinding-hindi ko na siya bibitawan pa!”
Halos mabuga ni Lea ang sagong iniinom niya nang marinig ‘yon.
Ako naman napapailing.
“Hindi mo naman sinabing naka-jackpot ka pala,” bulong agad ni Tina sa akin, nakatitig kay Renzo na parang ice cream. “Gusto mo, palit nalang tayo. Ako na lang titira sa bahay ni Papa Renzo.”
Napatawa ako sa inasal niya, kahit sa loob-loob ko ay bumibigat ang dibdib ko.
Ayoko pa talaga siyang makita sa totoo lang.
“Mamaya pa ‘ko, mauna ka na,” sabi ko.
Pero sumagot si Tina. “Actually, kaya na namin ni Lea, ‘di ba?” sabay kindat niya kay Lea.
Tumango naman si Lea, nakikisama.
Pero bago pa ako makatanggi, binuksan ni Tina ang pinto at marahas akong itinulak papasok.
“Paki-ingatan po ang kaibigan namin, Sir,” nakangiting wika ni Tina, parang proud na proud pa. “Mahalaga po ‘yan sa’min.”
“Of course,” walang-alinlangang sagot ni Renzo. “Of course. As she is to me.” Sabay tingin sa akin.
MAYA:Vikings - SM MOA 7pmPrivate room. Long table. Buffet setup.Dumating kami ni Renzo. Maaga kami. Then dumating si Lea at Tina nang magkasama. “Maya!” bati ni Lea sabay yakap.“Bhe,” sabi naman ni Tina habang bumebeso-beso. “Iba ang glow ha. Iba talaga kapag may dilig.”“Huy!” Hampas ko sa kanya. “Totoo,” sabi ni Lea. “Masaya kami ni Tina para sa inyo.”“Wala pa naman kasi…” sabi ko sabay tingin kay Renzo. Hindi naman siya nakatingin sa amin dahil paparating na rin ang mga kaibigan niya. Si Michael at si… Anton?“Lorenzo!” Sabi ni Michael, sabay bro hug. Nagkakamot ng ulo si Anton habang papalapit. “Maria, I mean, Maya, pwede ka ba makausap saglit?” Sabi niya. Tumingin ako kay Renzo. Tumango naman siya. “We already talked about it.”Tumango ako. May permiso naman pala niya. Baka naman okay na siya.Pagkatapos kasi ng insidente sa bar, hindi ko na siya nakita ulit. Nalaman ko nalang na nag-abroad pala siya. At ayon sa mga kwento, utos daw yun ni Renzo. Ngayon ko lang nalama
MAYATahimik yung drive pauwi. Pagkatapos ng sagutan nila ni Carlos. Pagkatapos kong ma-suspend. Pagkatapos ng lahat. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse ni Renzo. Nakatingin lang sa labas ng bintana. “Maya,” sabi ni Renzo.“Hmm?”“Stop thinking.”“Hindi ako nag-iisip.”“Nakikita ko yung mukha mo sa side mirror. You’re overthinking. Is it about Carlos? Stop.”Huminga ako ng malalim. “Hindi naman tungkol kay Carlos. Pero siguro kasama na rin siya. Hindi ko naman akalain na gagawin niya yun.”“He just cares about you.”Napatingin ako sa kanya.“Akala ko galit ka sa kanya?”“Iba lang kasi yung way niya of showing his love. And that’s what made me angry. Pero I’m glad that you have someone who cares for you deeply… But don’t get me wrong. I won’t give you to him.”“Give me? Nasaan na yung ‘respecter of choice’ kamo?” Biro ko. “Oo nga pala. You’re not mine anymore.”Tumahimik siya. Awkward moment. Iniba ko nalang yung usapan.“Isa pa sa iniisip ko ay yung suspension ko. Apektado yun
MAYANapaisip ako. May point naman siya. Pero…“Pero may iba namang paraan. Yung ipaglaban yung katarungan. Yung makulong sila. Hindi ganito.”“Tingin mo ba talaga mas mataas ang katarungan kesa sa pera? Lalo sa sitwasyon ng bansa natin ngayon? Walang hindi kayang bilhin ang pera, Maya. At merun sila nun!”“Pero kung hindi natin, susubukan, paano natin malalaman? Habambuhay nalang ba tayong magpapailalim sa kanila? Kung hindi si Nanay, si Tita Loring, at iba pang biktima? Paano kung ang mga anak natin at magiging apo natin naman ang mabiktima nila?” “May ibang gagawa nun. Hindi kailangang ikaw, Maya.”“Bakit hindi ako?”“Kasi mahal kita. Hindi ko kayang panuorin kang masira. Deserve mo ng isang magandang buhay. Yung maranasan mo yung bunga ng lahat ng pinaghirapan mo. Yung hindi mo kailangang lumaban. Yung kaya mong makisama ng walang complications.”“At hindi rin ikaw yun.” May boses kaming narinig.“Your relationship will not work either.”Napatingin kami. Si Renzo. Nagulat kami
MAYAHindi man lang ako pinansin ni Carlos. “Yung timing ng kasal nila. Six months ago. Exactly bago na-assign si Ms. Cruz sa Alcantara audit. Coincidence ba yun o planado?”“Carlos! Alam mo ang lahat. Hindi ako aware na siya si Mr. Alcantara. Alam mo yung sitwasyon…”“Ang alam ko,” putol ni Carlos. “Ay nagpakasal ka sa CEO ng kumpanyang iimbestigahan mo. Kahit ano pang sitwasyon, conflict of interest yun. Ang tanong, kasama ba ang kasal sa plano mo? Para ma-abswelto si Mr. Alcantara?”Napaupo ako. HIndi makahinga. Tini-twist niya ang kwento. Pinagmumukha niyang pinlano ko ang lahat!“Sir,” dagdag pa ni Carlos kay Sir Patrick. “Based sa observations ko, naniniwala po ako na yung audit ni Ms. Cruz, kahit technically sound sa documentation ay na-compromise ng personal bias. At yung reputasyon po ng firm, especially ngayon sa pag-withdraw ni Congressman Salcedo. Nari-risk yung company dahil dito.”“I see,” tango ni Sir Patrick at tumingin sa akin. “Ms. Cruz, may sasabihin ka ba?”“Sir,
MAYA“Maya,” sabi ni Monette. “Mag-ingat ka. Alam kong tama yung ginawa mo. Pero si Sir Patrick, stressed. At kailangan niya ng masisisi.”“Naiintindihan ko,” bulong ko. Tumayo ako. Humanda for the meeting. Pagpasok ko sa office, andun si Sir Patrick. Galit na galit.“Sit down, Ms. Cruz,” sabi niya. Umupo naman ako. Formal.“I’ll be direct,” sabi niya. “Congressman Salcedo pulled out all his accounts. Approximately forty million pesos in business annually. Dahil sa conflict of interest na claim niya. Na ikaw, uimh auditor na nag-handle ng Alcantara case, ay may undisclosed relationship sa company.”“Sir,” sabi ko. “yung relationship ko is personal, hindi professional. At lahat po ng ginawa ko, by the book. Independent po. At may documents. Merun din pong third-party verification…”“Hindi mahalaga yun!” sigaw niya, sabay tayo. “Ang mahalaga kung paano tinitignan yun ni Congressman Salcedo! Yung desisyon niyang mag-pull out! Yung forty million pesos na nawala dahil sa’yo!”Tumayo rin
RENZO“Okay,” sabi niya. “Hihintayin kita.”I felt relieved. “Magpahinga ka na,” sabi ko. “Take the bedroom. I’ll stay here.”“Hindi,” sabi niya. “Dun tayo sa bedroom. Matutulog lang tayo. Wala ng iba. Tara….”Tumingin ako sa kanya.Part of me wanted to say no. Wanted to maintain distance. I can’t control my body with her.But part of me wanted to say yes. To the closeness. I wanted to hold her. “Okay, come on.”Ngumiti siya. Noong nasa bed na kami, we went to both sides of the bed and magkatalikod kami.May space sa gitna.The atmosphere was tensed and awkward. “Renzo?” Bulong niya after a few minutes.“Yes?”“Thank you ha,” sabi niya. “Sa pangalawang pagkakataon. Kahit alam kong galit ka pa at nasasaktan sa nagawa ko sa’yo.”Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Totoo kasi. Pero I chose to give her the forgiveness kagaya ng sinabi nung pastor at ni Mom. Forgiveness hindi dahil sa okay na ako. Pero dahil sa effort niya na ipakita yung remorse niya. At dahil mukhang gi







