Share

Chapter 4

Author: Zerorizz
last update Last Updated: 2025-10-21 21:54:05

Nakaupo si Elena sa isang upuang gawa sa marmol, nakatanaw sa mga ilaw ng lungsod sa ibaba.

Sa likod niya, marahang lumapit si Nathan. Hindi niya kailangang lingunin, kabisado na niya ang bigat ng bawat hakbang nito, mabagal, matatag, parang laging nasa kontrol ng lahat.

“You like the view?” tanong ni Nathan, mababa at malamig ang boses pero may kakaibang lambing sa dulo.

“Yes,” maikling sagot ni Elena, hindi inalis ang tingin sa malayo. “Maganda ang tanawin…”

“I had this place built because I like silence,” sagot nito habang naupo sa tabi niya. “Ito ang tanging lugar na hindi ko kailangan mag kunwari sa lahat”.

Napalunok si Elena. Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat pagkakataong nagsasalita si Nathan ng ganitong tono, may kakaibang kirot at kaba siyang nararamdaman sa dibdib. Hindi ito takot—ibang klase. Kakaiba.

“Why are you looking at me like that?” tanong ni Nathan nang mapansin ang bahagyang paglingon niya.

Bigla siyang napatawa. “Wala naman, di ka lang maintindihan minsan.”

Lumapit si Nathan, sapat para maramdaman ni Elena ang init ng hininga niya sa balat nito. “Mula pa noon, malinaw na ako sa gusto ko… at gusto kita, Elena.”

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya ito gusto… pero hindi rin niya ito kayang pigilan. Get yourself together, bulong niya sa sarili. This is not love. This is a game.

“Hindi mo ako kilala sa buong pagkatao ko,” mahinang sagot niya, halos pabulong.

“I’ve known you long before you even noticed me,” bulong ni Nathan habang hinahaplos ang gilid ng kanyang kamay.

“Alam ko kung paano ka lumalaban. Kung paano ka muling bumabangon. Kung paano ka nagliliyab tuwing sinusubukan kang durugin ng mundo. Kaya gusto kita.”

Bahagya siyang umatras, hindi dahil ayaw niya, kundi dahil natatakot siya sa nararamdamang hindi dapat. “And if one day… I disappoint you?”

Dumilim ang tingin ni Nathan—matindi, mapang-angkin, at puno ng damdamin. “Then I’ll fight harder to keep you. I don’t let go of what’s mine.”

Ang salitang mine ay tumama nang diretso sa kanya. Isang salita lang, pero parang tali na nakapalibot sa kanyang leeg. Mag-ingat ka, Elena. Hindi ka pwede mahulog sa mga salita niya.”

“Hindi ako madaling ariin, Nathan,” mahinang sagot niya, pilit pinatatag ang boses.

Ngumiti ito, mabagal, mapanganib, at nakakakilabot sa ganda.

“Good. I like a challenge.”

Makalipas ang ilang minuto, naglakad silang dalawa papasok sa loob ng mansyon. Tahimik lang silang dalawa, pero mabigat ang hangin sa pagitan nila, parang may apoy na tahimik na kumikislap.

Sa loob ng malaking silid-kainan, naghanda si Nathan ng isang dinner na parang galing sa isang pelikula. May mga kandila, mamahaling wine, musika sa background.

“Kailangan pa ba ‘to?” tanong ni Elena, bahagyang nag-aalangan habang nakatingin sa mga nakahain.

Ngumiti si Nathan nang bahagya, may halong yabang at lambing. “Hindi naman. Pero deserve mo ‘yan.”

Hindi niya alam kung bakit, pero napalunok siya. Walang ibang lalaki ang gumawa nito para sa kanya. Hindi ganito. Hindi kailanman ganitong klaseng pagtrato.

“Hindi ako sanay, Nathan” bulong niya habang dahan-dahang nauupo.

“I know,” sagot ni Nathan. “But you will be.”

Habang kumakain sila, tahimik lang si Elena, pero ang isip niya ay naglalaro. This is not part of the plan. Hindi kasama sa plano niya ang mga ganitong kilig na lumalambot ang loob niya. Pero bawat ngiti ni Nathan, bawat paraan ng paghawak nito sa kanyang tingin, ay parang unti-unting tinatanggal ang pader na itinayo niya.

“Ang tahimik mo” sabi ni Nathan. “Ano ang iniisip mo?”

“Wala” mabilis niyang sagot.

Mahinang natawa si Nathan. “Sinungaling. Masyado kang maingay mag-isip.”

“Siguro… kasi hindi ako sanay sa mga lalaking katulad mo.”

“Masasanay ka rin,” sagot nito, diretso at puno ng tiwala sa sarili.

“Dahil sisiguraduhin kong walang sinuman ang muling makakatrato sa’yo nang mas mababa sa nararapat.”

Pagkatapos ng hapunan, dinala siya ni Nathan sa maliit na greenhouse sa likod ng mansion. Doon, libu-libong puting bulaklak ang namumukadkad sa ilalim ng ilaw ng buwan.

“This is my favorite place,” sabi ni Nathan habang nakatayo sa gitna ng mga bulaklak. “Every empire I built… started with nothing. Just like this garden.”

“Bakit mo pinapakita sakin ang mga ito?” tanong ni Elena, pinipigilan ang puso niyang tila lumalambot.

Humarap si Nathan sa kanya, lumapit hanggang halos maglapat ang kanilang mga katawan.

“Dahil simula ngayon, lahat ng meron ako at lahat ng itatayo ko pa, gusto kong kasama ka.”

For a moment, tahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Dapat ay puro plano lang sa isip niya. Paghihiganti. Kapangyarihan. Kontrol. Pero ngayong nasa harap siya ni Nathan… parang may isang maliit na piraso ng puso niya ang gustong kumawala sa plano.

Ngunit hindi, hindi ngayon. Hindi dapat.

Tinitigan niya ito sa mga mata. “Paano kung hindi ko kayang ibigay ang klase ng pag-ibig na gusto mo?”

Hinawakan ni Nathan ang kanyang baba, marahan ngunit matatag. Mababa ang boses nito. “Hihintayin kita. Dahil hindi ako ‘yung lalaking basta sumusuko.”

Napasinghap si Elena. Hindi niya alam kung paano haharapin ang ganitong klaseng presensya, isang lalaking kaya siyang gawing sandata pero kaya ring gawing mahina kung gugustuhin niya.

Habang mag-isa siya sa kwarto kinagabihan, nakasandal sa headboard, hindi niya mapigilan ang sarili na hawakan ang dibdib niya. Kumakalabog. Mabilis.

Hindi ito takot. Hindi ito galit.

Ito ang bagay na matagal na niyang iniwasan. Ang matutong maramdaman ulit.

Pero mahigpit niyang pinikit ang mga mata.

Hindi ka pwedeng madala. Hindi ka pwedeng matalo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 174

    Hindi sumabog ang balita kinabukasan—unti-unti itong kumalat, parang alon na hindi marahas pero hindi rin mapipigilan. Sa industriya, ganoon talaga ang tunay na impluwensiya. Hindi kailangang sigawan; sapat na ang marahang pag-usad para maramdaman ng lahat.Maaga muling nagising si Elena, pero hindi na iyon dahil sa adrenaline o tensyon. May kakaibang steadiness sa kilos niya habang naghahanda ng kape. Tahimik ang umaga, at sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi niya iniisip kung ano ang magiging reaksyon ng mundo sa susunod niyang galaw. Ang iniisip niya lang ay kung ano ang tama.Si Nathan ay nasa balcony, nakatayo, nakatanaw sa lungsod. May hawak siyang phone pero hindi ito bukas—parang dekorasyon na lang. Nang maramdaman niyang lumapit si Elena, ngumiti siya nang bahagya.“Alam mo,” sabi niya, “may nagtanong sa’kin kagabi kung kailan ka magsasalita. Kung kailan ka lalaban nang harapan.”Umupo si Elena sa tabi niya. “At anong sagot mo?”“Sinabi kong hindi

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 173

    Hindi agad nagbukas si Elena ng social media kinabukasan. Hindi na iyon bahagi ng umaga niya. Mas mahalaga sa kanya ang unang oras ng araw—ang malinaw na isip bago pumasok ang ingay ng mundo. Tahimik siyang nagkape habang nakaupo sa dining table, pinagmamasdan ang liwanag na dahan-dahang pumapasok sa bintana. Si Nathan ay nasa kabilang dulo ng mesa, may hawak na tablet, pero ramdam ni Elena na hindi rin talaga ito nakatuon sa binabasa. Pareho silang nakikinig sa katahimikan—isang katahimikang punô ng kahulugan.“May update,” sabi ni Nathan matapos ang ilang sandali. Hindi niya tinaasan ang boses, parang ayaw gambalain ang balanse ng sandali. “Yung mga articles… nagsisimula nang mag-backtrack ang ibang outlets.”Hindi nagulat si Elena. Tumango lang siya at humigop ng kape. “Natural lang. Ang ingay, may expiration.”“Pero alam mo,” dagdag ni Nathan, “hindi pa tapos ‘to. Hindi titigil sina Veronica at Vanessa sa ganitong klase ng galaw.”Ngumiti si Elena—hindi mayabang, kundi malinaw ang

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 172

    Hindi pa rin sinagot ni Elena ang mensahe ni Vanessa kinabukasan. Hindi dahil wala siyang lakas ng loob, kundi dahil mas malinaw na ngayon sa kanya ang isang katotohanan: hindi lahat ng imbitasyon ay paanyaya—ang iba, bitag.Maaga siyang nagising, mas maaga kaysa karaniwan. Tahimik ang apartment, at si Nathan ay nasa kusina na, nagtitimpla ng kape. Walang usapan muna. Walang tanong. Isang sulyap lang na sapat na para magkaintindihan sila—pareho nilang alam na may paparating na mas mabigat na yugto.Habang umiinom ng kape si Elena, binuksan niya ang tablet. Hindi social media. Hindi balita. Internal reports. Confidential summaries. Dito siya mas nakatutok ngayon—sa mga galaw na hindi nakikita ng publiko.May bagong update mula sa team niya.“Ma’am,” saad ng mensahe, “may indikasyon na sinusubukan ng kabilang kampo na pumasok sa network ng isa sa potential partners natin. Hindi direkta, pero obvious ang intensyon.”Hindi nagulat si Elena. Hindi rin siya nainis. Bahagya lang siyang humin

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 171

    Hindi agad sumagot si Elena sa mensaheng iyon. Hindi dahil wala siyang sasabihin—kundi dahil alam niyang minsan, ang hindi pagsagot ang pinakamalinaw na tugon.Ilang oras ang lumipas bago niya tuluyang ibinaba ang phone at tumingin sa kisame ng kwarto. Tahimik ang gabi. Naririnig niya ang mahina at pantay na paghinga ni Nathan sa tabi niya, mahimbing ang tulog matapos ang mahabang araw. Sa sandaling iyon, ramdam ni Elena ang bigat at linaw ng lahat ng nangyayari—hindi bilang pressure, kundi bilang confirmation.Tama ang galaw niya.Kinabukasan, muling bumalik ang mundo sa normal nitong bilis. Mga meeting, emails, deadlines—pero may kakaibang pagbabago sa hangin. Sa bawat tawag na pumapasok, sa bawat pangalan na lumalabas sa screen, ramdam ni Elena na may pag-iingat na ngayon ang mga tao. Hindi na sila basta nagtatanong. Hindi na sila nagdidikta. Mas madalas, nakikinig.Sa opisina, habang nakatingin siya sa floor-to-ceiling window, pumasok si Mia na may hawak na tablet.“Ma’am,” wika n

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 170

    Hindi agad naramdaman ng publiko ang epekto ng gabing iyon. Walang headline kinabukasan. Walang leaked photos. Walang blind item na sapat ang detalye para makabuo ng kwento. At iyon mismo ang dahilan kung bakit naging epektibo ang lahat.Sa mundo ni Elena, ang pinakamapanganib na galaw ay iyong hindi napapansin.Sa mga sumunod na araw, tila walang nagbago sa ibabaw. Patuloy ang ingay nina Veronica at Vanessa—mga interviews na puno ng malalaking salita, collaborations na ipinipinta bilang “game-changing,” at curated posts na may eksaktong timpla ng mystery at arrogance. Ngunit sa ilalim ng lahat ng iyon, may bahagyang pag-alog. Maliit. Halos hindi makita. Pero sapat para sa mga marunong tumingin.Sa opisina ni Elena, tahimik ang umaga. Walang emergency meetings. Walang raised voices. Ngunit bawat departamento ay gumagalaw na parang iisang organismo—may ritmo, may direksyon.“Mia,” wika ni Elena habang tinitingnan ang dashboard sa malaking screen, “status ng third-party partners?”“Two

  • Bound to the Billionaire's Desire   Chapter 169

    Hindi agad dumating ang sagot matapos ipadala ni Elena ang Set the terms.At iyon ang eksaktong inaasahan niya.Ang mga taong sanay magkontrol ng sitwasyon ay hindi komportableng hinahamon. Kailangan muna nilang timbangin kung paano babawiin ang kapangyarihang akala nila ay hawak pa rin nila. Sa pagitan ng katahimikan at paghihintay, doon nasusukat kung sino ang unang kakurap.Sa loob ng tatlong araw, walang mensahe. Walang follow-up. Walang kahit anong indikasyon ng direksyon. Ngunit sa mundo ni Elena, ang kawalan ng sagot ay sagot na rin.Sa ikaapat na araw, dumating ang imbitasyon.Isang pribadong dinner. Walang press. Walang entourage. Neutral ground—isang bagong bukas na restaurant sa itaas ng isang gusali na tanaw ang buong siyudad. Hindi iyon basta pagpupulong; isa iyong pahayag. Isang pagtatangkang ilagay ang lahat sa parehong mesa, sa parehong ilaw, sa parehong distansya ng kapangyarihan.Binasa ni Elena ang detalye nang walang pagbabago sa mukha. Isinara niya ang tablet at t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status