LOGINHindi maalis ang tingin ko sa lalaking mabagal ang lakad papunta sa mesa. Habang papalapit sila, parang may humihigpit na lubid sa dibdib ko.
Kahit parang ang bigat ng katawan ko, tumayo ako, at agad kumapit si Ferly sa braso ko. “Jyrone, this is my stepdad, Papa Daniel,” sabi ni Ferly. Naglahad si Daniel ng kamay. Napatingin ako sa kamay niya, hindi ko alam kung hahawakan ko o hindi. “Jyrone…” Hinaplos ni Ferly ang braso ko. Ngumiti ako. Nakipagkamay sa kanya, sinusubukang maging normal ang pakikitungo ko. “Good morning po…” bati ko, pero agad akong umiwas ng tingin. Ibinalik ko ang tingin kay Ferly na napapatingin sa Mama at Lola niya. “Sit down…” Sumenyas ni Daniel. Inalalayan ko si Ferly na umupo, at umupo na rin ako. Pero palihim kong pinahid ang palad ko sa pants ko. Gusto kong maalis ang kahit anong bakas ng kamay ni Daniel sa palad ko. Tumikhim siya. Napaangat ako ng ulo at napalingon sa kanya. Pero napalingon kay Ferly nang tumunog ang phone niya. “Excuse me, po… sasagutin ko lang ‘to.” Hinaplos ni Ferly ang hita ko bago siya tumayo. Sinundan niya ng tingin si Ferly, saka muling tumingin sa akin. “What’s your name again?” tanong niya. Diretso, madiin, parang pulis na ini-interrogate ako. “Jyrone Winston Carte Policarpio po.” Walang kurap akong tumitig sa kanya habang sinasabi ang buo kong pangalan. Gusto kong makita kung may mababago sa mukha niya, kahit anong ekspresyon na may bahid ng nakaraan… pero wala. Bakit ba ako nag-expect na makilala niya? It’s been nineteen years… Nakuyom ko na lang ang kamao ko. ‘Yong dismaya ko, parang sumingaw sa tuktok ng ulo ko. “Carte?” sabi ng tito ni Ferly. Nakatingin siya sa akin. “Do you know someone named Jena Carte?” Napatitig ako sa kanya, pero mabilis kong ibinalik ang tingin kay Daniel nang malaglag ang kutsara niya. Kumalansing iyon nang malakas. “Daniel, what happened?” tanong ng mama ni Ferly, halatang nag-aalala. “Are you okay?” Napatingin sa kanya ang lahat. At muntik ko nang hindi mapigil ang ngiti ko. Ang reaksyon na gusto kong makita kanina, ngayon ko nakikita. Parang nagmistulang tunog ng kampana para sa kanya ang pangalang binanggit ni Arlan. Umiling si Daniel. “Nothing. I’m alright.” Pero nakatutok na sa akin ang mata niya. Nang sinalubong ko ang tingin niya, agad siyang umiwas. “Yes po,” sagot ko sa tito ni Ferly, “Jena Carte is my mother—” Napaubo nang malakas si Daniel. Parang nabilaukan talaga. Tumayo ang mama ni Ferly para haplusin ang likod niya. “Daniel… are you sure na okay ka lang? Baka tumaas na naman ang presyon mo…” “Ma, what happened?” saktong bumalik si Ferly, bakas din ang pag-aalala sa mukha. Hinaplos din niya ang likod ni Daniel. “I’m fine,” sagot nito, pilit na ngumiti. “Just choked a little.” Tinapik niya ang kamay ni Ferly. “Sige na, Anak… sit down.” “Anak…” tahimik kong inulit ang salitang ’yon. Ang pait ng lasa. Halos napangiwi ako. Hinaplos niya rin ang kamay ng asawa niya, at ngumiti ito. Hindi siya nagsalita, pero parang naintindihan agad ng mama ni Ferly ang ibig sabihin ng ngiti ni Daniel. Umupo na rin si Ferly sa tabi ko. “Kain na…” sabi niya at nilagyan ng kanin ang plato ko habang nakangiti. Tumikhim ang lola ni Ferly. Napaupo nang maayos si Ferly at napatingin sa lola niyang walang ka-ngiti-ngiti, para bang may malaking kasalanan siyang nagawa. “Ilang buwan ka pa lang sa Manila, pero nawala na ang manners mo. Nakalimutan mo na ang mga nakagawian mo,” sabi ng lola niya, mahigpit ang tono. Umangat-angat ang mga kilay. Napayuko si Ferly. “Sorry po, Lola Paz.” Matalim at seryosong tingin ang sagot nito sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, pero namumula ang mga mata na parang maiiyak. Bakas din sa mukha niya ang hiya. Ngumiti rin ako. Hinaplos ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Pinisil ko nang marahan para pawiin ang hiya at lungkot niya. “Felicia…” Nakatingin ang matanda sa mama ni Ferly at ikinumpas ang kamay. Napatingin silang lahat sa akin. Kabado akong napatingin sa kanila, parang kinakapos ng hininga. Bakit ba nila ako tinitingnan? Magtatanong na sana ako, pero sabay-sabay silang yumuko. Nag-sign of the cross at nagsimulang manalangin. Dahan-dahan kong pinakawalan ang naipong hangin sa dibdib ko. Akala ko gigisahin na nila ako sa tanong. Nakayuko pa rin sila, nakapikit ang mga mata, pero hindi ako yumuko. Tiningnan ko lang sila, lalo na si Daniel na parang kung sinong maka-Diyos. Wala palang puso. “Amen…” sabay-sabay nilang sabi matapos ang ilang minuto. “Kain na…” sabi ni Felicia. Inilahad ang kamay sa mesa at sumulyap sa amin ni Ferly na may magaan na tingin. Pinisil ko muna ang kamay ni Ferly bago ko siya binitiwan, at sabay na kaming kumain. Kaya lang, halos wala akong nalasahan. Tahimik ang lahat habang kumakain; ang mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Napasulyap uli ako kay Ferly, na halatang napipilitan lang ding kumain. Sa nakikita ko ngayon, mas determinado akong ilayo si Ferly sa nakasasakal na pamilyang ’to. Naiintindihan ko naman ang mga tradition, mga nakasanayan, pamahiin, o whatever… kaya lang, sobra na. Sa nakikita ko, parang bawal sumaya rito. Bawal maging taong malayang ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman mo. Ang mas nakakagalit… may isa ritong banal sa harap nila, pero demonyo pala. Napakurap ako nang mapansing nakatingin sa akin ang tito ni Ferly. Hindi ko alam kung pansin niya bang mainit ang dugo ko sa bayaw niya, o may itatanong lang pero hindi alam kung paano simulan. Nilapag ko ang kubyertos. Tumingin ako nang diretso sa kanya. “May gusto po ba kayong itanong?” Bahagya akong ngumiti. “Wala naman… I’m just happy for my niece. She’s lucky to be marrying a Policarpio.” Ngumiti rin siya, pinunasan ang labi. “’Yong alam naming sa mabuting tao makakasal ang Ferly namin, nakakapanatag ng loob.” “Opo,” sagot ko. “Totoong maswerte po siya. Hindi dahil Policarpio ako o mabuting tao kami. Maswerte siya dahil mahal ko siya. Kahit kailan, kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan.” Hinawakan ko ang kamay ni Ferly. Ngumiti ako ng matamis. “Sila ng magiging mga anak namin…” “Daniel…” bulalas ni Felicia habang mabilis na pinupunasan ang natapon na tubig sa mesa. Hindi sumagot si Daniel. Nagpunas siya ng bibig. Pinipilit maging natural ang galaw, pero hindi nakatakas sa mata ko ang mga kamay niyang nanginginig. Tumayo siya. Diretsong tumitig sa akin, wala ni katiting na ngiti. “I need to speak with you,” sabi niya. Humigpit ang hawak ni Ferly sa kamay ko. Tingin niya, parang natatakot, nag-aalala. Sumulyap din siya sa mama at lola niya. Hinaplos ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. “I’ll be fine,” bulong ko. Tumango-tango siya at bumitiw sa kamay ko. Sumunod ako kay Daniel. Tahimik ang hallway. Mga yabag lang namin ang maririnig. Lumingon siya nang makarating sa pintuan nang kwarto at binuksan ’yon. Pagkapasok ko, marahan niyang sinara ang pinto at humarap siya sa akin. Hindi man lang nag-ayang umupo. Hindi ko rin nagawang igala ang paningin sa silid na pinasukan namin dahil sa tingin niya. Kung kanina ay malamig at seryoso na ang tingin niya, mas lumala ngayon. May kasama nang talim at pag-igting ng panga. “Leave Ferl,” diretso niyang sabi. Umigting ang panga ko habang matiim siyang tinitigan. “Leave her?” Umangat ang sulok ng labi ko at humakbang ng isang beses palapit sa kanya. “Gusto mong iwan ko siya, gaya ng ginawa mo noon?”“Jyrone…”Saglit akong lumingon kay Ferly nang tawagin niya ako, pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa kalsada.Pabalik na kami sa Manila. At kanina ko pa napapansin na panay ang sulyap niya sa akin.Matapos kasi ang pag-uusap namin ni Daniel. Hindi na ako makatingin nang diretso sa kanya. Pinipilit ko namang maging normal pa rin ang kilos ko, pero ang galit na naipon dito sa dibdib ko, hindi ko maalis.Nakikita ko pa rin ang mukha niya. Ang mga titig niya habang sinasabi niyang layuan ko si Ferly.Damn it.Sobrang kapal ng mukha niya.Hindi ko maintindihan… anong klaseng laro ng tadhana ito?Bakit ang hayop na lalaking iyon pa ang naging stepfather ni Ferly?Okay na ang buhay ko. Masaya na ako, kasi may isang taong itinuturing akong anak kahit hindi ko kadugo.Napahigpit ang hawak ko sa manibela.“Anong sinabi ni Papa?” tanong ni Ferly.Muli akong sumulyap sa kanya at pilit na ngumiti.“Jyrone, tell me…” bakas ang kaba sa boses niya. “May ginawa ba siya? May masakit ba siyang s
Tumiim ang panga niya. Mas tumalim ang tingin sa akin. Pero hindi nagawang sumagot.Umangat ang sulok ng labi ko.“Cat got your tongue?”“Jyrone… just leave.”“Why?” tanong ko. Malamig ang boses ko, pero buong katawan ko nag-iinit. Ramdam ko ang kada pintig ng ugat sa sintido ko.“You know why,” sagot niya.“Wala akong alam… hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo…”Gaya ng ginawa ko kanina, lumapit siya nang isang hakbang.“Don’t make things complicated. Don’t make this situation harder—”“Harder?” Putol ko sa sinabi niya. “Ano ba ang ginawa ko? Kung mayro’n mang nagpapahirap at ginawang komplikado ang sitwasyon, ikaw ’yon!” Diniin ko ang daliri ko sa dibdib niya.Hinayaan niya lang. Pero sa titig niya sa akin, parang gusto na niya akong itapon palabas.“Stepfather ka lang, pero kung umasta ka, parang tunay na ama!”Kita ko ang pagtiim ng panga niya. Kumuyom ang kamao, na parang isang maling salita ko pa, lilipad na ang kamao niya sa mukha ko.“Yes, I’m just a stepfather, but I’m s
Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking mabagal ang lakad papunta sa mesa. Habang papalapit sila, parang may humihigpit na lubid sa dibdib ko.Kahit parang ang bigat ng katawan ko, tumayo ako, at agad kumapit si Ferly sa braso ko.“Jyrone, this is my stepdad, Papa Daniel,” sabi ni Ferly.Naglahad si Daniel ng kamay. Napatingin ako sa kamay niya, hindi ko alam kung hahawakan ko o hindi.“Jyrone…” Hinaplos ni Ferly ang braso ko.Ngumiti ako. Nakipagkamay sa kanya, sinusubukang maging normal ang pakikitungo ko.“Good morning po…” bati ko, pero agad akong umiwas ng tingin. Ibinalik ko ang tingin kay Ferly na napapatingin sa Mama at Lola niya.“Sit down…” Sumenyas ni Daniel.Inalalayan ko si Ferly na umupo, at umupo na rin ako. Pero palihim kong pinahid ang palad ko sa pants ko.Gusto kong maalis ang kahit anong bakas ng kamay ni Daniel sa palad ko.Tumikhim siya. Napaangat ako ng ulo at napalingon sa kanya. Pero napalingon kay Ferly nang tumunog ang phone niya. “Excuse me, po… sasagutin k
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang mga kahon ng regalo bago ko inutusan ang mga kasambahay na ihatid ang mga iyon sa kotse.Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa na sa wakas makikilala ko na ang pamilya ni Ferly, o dapat ba akong kabahan dahil sobrang strikto raw ng pamilya niya.Noong gabing nag-propose ako, buo na ang plano kong kilalanin agad ang pamilya niya at diretsong sabihin na gusto kong hingin ang kamay niya. Pero hindi pumayag si Ferly. Ayaw niyang gulatin ang pamilya niya. Masyado raw mabilis, parang hindi totoo; baka isipin nilang buntis siya, at imbes na pumayag sila, paghihiwalayin pa kami.Kaya wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.At ngayon, matapos ang isang buwang paghihintay, heto na. Ang araw ng paghaharap.Napatingin ako sa relo, saka dinukot ang phone para tawagan siya.“Ready ka na ba?” tanong ko nang sagutin niya.“Yes…” mahinang sagot niya.“Okay. Hintayin mo ako.” Kahit hindi ko siya nakikita, rinig ko sa boses niya ang ng
Hindi siya sumagot. Tumitig lang, at sa klase ng tingin na iyon, parang bumaba ang guard niya.At ewan ko ba, para akong hinihila papalapit. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko hanggang sa lumapat ang labi ko sa kanya.Gumanti siya. Saglit lang, but damn… parang may sumabog na fireworks sa dibdib.Hinapit ko ang baywang niya.“Jyrone…” Umatras siya, namula, saka tumikhim.“Let’s go. I’m hungry.”Narinig ko ang sinabi niya, pero para akong nabingi. Hinawakan ko ang labi ko na parang nahalikan ako ng diwata.“Darling…” Lumapit ako sa kanya, hindi mapigilan ang ngiti. “You kissed me back, right?”Hindi siya sumagot. Nagkibit-balikat lang.“Halika na,” sabi niya, tapos hinila niya ang braso ko.At nagpaubaya ako. Siyempre. Mahal ko, eh. Kahit saan niya ako dalhin, automatic na susunod ako.Habang naglalakad kami palabas, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.Siya naman, pasimpleng susulyap sa akin, tapos iiwas bigla kapag nahuli ko. Parang nakatikim ng bawal na masarap.Sa sobrang lutang k
JYRONEKalalabas ko lang sa meeting room, ginagampanan ang tungkulin ko bilang COO ng Policarpio Corp. At ngayon ay papunta naman ako sa isa pang meeting. Meeting namin ni Ferly Himenez, OB-GYN sa isa sa mga kilalang private hospital sa bansa.Kung kanina ay hindi ako makangiti kasama ang marketing at finance heads, ngayon ay hindi na mawala ang ngiti ko.Paanong hindi ako mapapangiti? Ngayon ang unang araw na susunduin ko si Ferly bilang girlfriend ko.Matapos ang tatlong buwang panliligaw, nakuha ko rin ang matamis niyang oo.Bitbit ang bouquet ng pulang rosas at isang matamis na ngiti, confident at cool akong naglalakad sa pasilyo patungo sa clinic ni Ferly.Kumatok ako ng isang beses bago pumasok. Mas napangiti pa ako nang makita siyang nanlalaki ang mga mata at napatigil sa ginagawa niya.“Hi,” sabi ko. “For you…” Inabot ko sa kanya ang bulaklak.“Hi…” sagot niya, inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. Namumula ang pisngi nang tinanggap ang bulaklak. “Thank you, Jyrone.”







