LOGINAng bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking papalapit sa mesa.
Kada hakbang niya, sumisikip ang dibdib ko. Parang may tali ang leeg ko. Hindi ako makahinga. “Jyrone,” sabi ni Ferly. Tumayo ako kahit ang bigat ng katawan ko sa puntong nangangatog ang mga tuhod ko. Agad kumapit si Ferly sa braso ko. Hinaplos ng marahan habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ramdam niya ang paninigas ko, kung napansin niyang nawala na ang angas kong harapin ang buo niyang pamilya. “This is my stepdad. Papa Daniel,” pagpapakilala niyang parang ikinabingi ko. “Stepdad?” ulit ko sa sinabi niya. Mahina, habang nakatitig kay Daniel na naglahad ng kamay, pero hindi ko magawang tanggapin. Ilang segundo akong natigilan bago ako nakakuha ng lakas ng loob na tanggapin ang kamay niya. “Good morning, po,” sabi ko. Mabagal pero madiin. Ngumiti siya, sandali lang, at pumunta na sa upuan niya. “Sit down,” sabi niya nang nakaupo na siya. Nakakailang na ang katahimikan kanina, ngayon mas lumala pa. Mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Pansin ko ang panay sulyap ni Ferly sa mama at lola niya na para bang anumang galaw ang gagawin niya, kailangan muna ang pahintulot nila. Tumikhim si Daniel na bumasag ng katahimikan. Napatingin ako sa kanya. Saktong tumunog rin ang phone ni Ferly. “Excuse me po… sagutin ko lang ‘to.” Hinaplos ni Ferly ang hita ko bago siya tumayo. “What’s your name again?” tanong ni Daniel . Diretso, madiin, parang pulis na ini-interrogate ako. “Jyrone Winston Carte Policarpio,” sagot ko. Hindi ako kumurap habang mabagal na binibigkas ang buong pangalan ko. Gusto kong makita kung may mababago sa mukha niya, kahit anong senyales ng pagkakakilala. Pero wala. Parang pangalan lang ng estranghero ang binanggit ko. Bakit ba ako nag-expect na makilala niya? It’s been nineteen years… Nakuyom ko na lang ang kamao ko. ‘Yong dismaya ko, parang sumingaw sa tuktok ng ulo ko. “Carte?” sabi ng tito ni Ferly. Nakatingin siya sa akin. “Do you know someone named Jena Carte?” Napatitig ako sa kanya, pero mabilis kong ibinalik ang tingin kay Daniel nang malaglag ang kutsara niya. Kumalansing iyon nang malakas. “Daniel, what happened?” tanong ng mama ni Ferly, halatang nag-aalala. “Are you okay?” Napatingin sa kanya ang lahat. At muntik ko nang hindi mapigil ang ngiti ko. Ang reaksyon na gusto kong makita kanina, ngayon ko nakikita. Parang nagmistulang tunog ng kampana para sa kanya ang pangalang binanggit ni Arlan. Umiling si Daniel. “Nothing. I’m alright.” Pero nakatutok na sa akin ang mata niya. Nang sinalubong ko ang tingin niya, agad siyang umiwas. “Yes po,” sagot ko sa tito ni Ferly, “Jena Carte is my mother—” Napaubo nang malakas si Daniel. Parang nabilaukan talaga. Tumayo ang mama ni Ferly para haplusin ang likod niya. “Daniel… are you sure na okay ka lang? Baka tumaas na naman ang presyon mo…” “Ma, what happened?” saktong bumalik si Ferly, bakas din ang pag-aalala sa mukha. Hinaplos din niya ang likod ni Daniel. “I’m fine,” sagot nito, pilit na ngumiti. “Just choked a little.” Tinapik niya ang kamay ni Ferly. “Sige na, Anak… sit down.” “Anak…” tahimik kong inulit ang salitang ’yon. Ang pait ng lasa. Halos napangiwi ako. Hinaplos niya rin ang kamay ng asawa niya, at ngumiti ito. Hindi siya nagsalita, pero parang naintindihan agad ng mama ni Ferly ang ibig sabihin ng ngiti ni Daniel. Umupo na rin si Ferly sa tabi ko. “Kain na…” sabi niya at nilagyan ng kanin ang plato ko habang nakangiti. Tumikhim ang lola ni Ferly. Napaupo nang maayos si Ferly at napatingin sa lola niyang walang ka-ngiti-ngiti, para bang may malaking kasalanan siyang nagawa. “Ilang buwan ka pa lang sa Manila, pero nawala na ang manners mo. Nakalimutan mo na ang mga nakagawian mo,” sabi ng lola niya, mahigpit ang tono. Umangat-angat ang mga kilay. Napayuko si Ferly. “Sorry po, Lola Paz.” Matalim at seryosong tingin ang sagot nito sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, pero namumula ang mga mata na parang maiiyak. Bakas din sa mukha niya ang hiya. Ngumiti rin ako. Hinaplos ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Pinisil ko nang marahan para pawiin ang hiya at lungkot niya. “Felicia…” Nakatingin ang matanda sa mama ni Ferly at ikinumpas ang kamay. Napatingin silang lahat sa akin. Kabado akong napatingin sa kanila, parang kinakapos ng hininga. Bakit ba nila ako tinitingnan? Magtatanong na sana ako, pero sabay-sabay silang yumuko. Nag-sign of the cross at nagsimulang manalangin. Dahan-dahan kong pinakawalan ang naipong hangin sa dibdib ko. Akala ko gigisahin na nila ako sa tanong. Nakayuko pa rin sila, nakapikit ang mga mata, pero hindi ako yumuko. Tiningnan ko lang sila, lalo na si Daniel na parang kung sinong maka-Diyos. Wala palang puso. “Amen…” sabay-sabay nilang sabi matapos ang ilang minuto. “Kain na…” sabi ni Felicia. Inilahad ang kamay sa mesa at sumulyap sa amin ni Ferly na may magaan na tingin. Pinisil ko muna ang kamay ni Ferly bago ko siya binitiwan, at sabay na kaming kumain. Kaya lang, halos wala akong nalasahan. Tahimik ang lahat habang kumakain; ang mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Napasulyap uli ako kay Ferly, na halatang napipilitan lang ding kumain. Sa nakikita ko ngayon, mas determinado akong ilayo si Ferly sa nakasasakal na pamilyang ’to. Naiintindihan ko naman ang mga tradition, mga nakasanayan, pamahiin, o whatever… kaya lang, sobra na. Sa nakikita ko, parang bawal sumaya rito. Bawal maging taong malayang ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman mo. Ang mas nakakagalit… may isa ritong banal sa harap nila, pero demonyo pala. Napakurap ako nang mapansing nakatingin sa akin ang tito ni Ferly. Hindi ko alam kung pansin niya bang mainit ang dugo ko sa bayaw niya, o may itatanong lang pero hindi alam kung paano simulan. Nilapag ko ang kubyertos. Tumingin ako nang diretso sa kanya. “May gusto po ba kayong itanong?” Bahagya akong ngumiti. “Wala naman… I’m just happy for my niece. She’s lucky to be marrying a Policarpio.” Ngumiti rin siya, pinunasan ang labi. “’Yong alam naming sa mabuting tao makakasal ang Ferly namin, nakakapanatag ng loob.” “Opo,” sagot ko. “Totoong maswerte po siya. Hindi dahil Policarpio ako o mabuting tao kami. Maswerte siya dahil mahal ko siya. Kahit kailan, kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan.” Hinawakan ko ang kamay ni Ferly. Ngumiti ako ng matamis. “Sila ng magiging mga anak namin…” “Daniel…” bulalas ni Felicia habang mabilis na pinupunasan ang natapon na tubig sa mesa. Hindi sumagot si Daniel. Nagpunas siya ng bibig. Pinipilit maging natural ang galaw, pero hindi nakatakas sa mata ko ang mga kamay niyang nanginginig. Tumayo siya. Diretsong tumitig sa akin, wala ni katiting na ngiti. “I need to speak with you,” sabi niyang hindi ako nilubayan ng tingin. Humigpit ang kapit ni Ferly sa kamay ko. Ramdam ko ang kaba niya. “I’ll be fine,” bulong ko. Tumango siya, kahit halatang ayaw niya akong bitiwan. Sumunod ako kay Daniel palabas ng dining area. Gaya kanina, tahimik pa rin ang hallway, tanging yabag lang namin ang maririnig. Huminto siya sa harap ng isang pinto at binuksan iyon. Pagpasok ko, marahan niyang sinara at humarap sa akin. Hindi man lang nag-alok ng upuan. Hindi ko rin nagawang igala ang paningin ko sa silid dahil sa titig niya na kung kanina ay malamig lang, ngayon may kasamang talim. “Leave Ferly,” sabi niya. Walang preno, walang babala. Umigting ang panga ko, napangiti ng mapait habang kuyom ang kamao ko. “Leave her?” Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. Tinapatan ang talim ng titig niya. “Gusto mong iwan ko siya…” Sinadya ko ang katahimikan. “…gaya ng ginawa mo noon?”FERLYIlang minuto na ang lumipas matapos umalis si Papa Daniel.Heto at tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Jyrone.Hindi ako nagsalita. Hindi ko ginambala ang pananahimik niya.Naiintindihan ko kasi siya.Kailangan niya munang huminga.Maging ako, gusto ko rin munang huminga. Gusto ko munang gumaan ang pakiramdam ko.Nahaplos ko na lang ang tiyan ko saka napahilig ako sa balikat ni Jyrone, na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw.Ipinikit ko muna ang mga mata ko. Pinakikinggan ang malakas na tibok ng puso niya.Panay haplos lang ako sa tiyan ko habang bumabalik sa isip ko ang huling sinabi ni Papa bago siya umalis.I don't know... I need more time to think.Napalingon ako kay Jyrone nang bahagya siyang gumalaw. Nakatingin na siya ngayon sa p***o kung saan lumabas si Papa kanina.Yumakap ako sa kanya, baka sakaling mapansin niya ako.At oo, lumingon siya.Pero hindi pa rin siya nagsasalita.Paulit-ulit lang siyang bumubuga ng hangin.Marahil ay pinoproseso pa rin niya ang lahat
FERLY“Sige na, puntahan n'yo na siya…” sabi ni Mama habang tinatapik ang balikat ni Jyrone. Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.Pero si Jyrone...Halatang nag-aalangan. Hindi niya maalis ang tingin sa mama niya.Parang may gusto siyang itanong pero nahihirapan siyang magsalita.“Ferly, sige na. Puntahan n'yo na siya. Kanina pa siya naghihintay.”“Opo, Ma...” Inilingkis ko ang kamay ko sa braso ni Jyrone at tinitigan ko siya sa mga mata.Tumango lang siya at sumabay sa akin sa paglalakad.Pero ang bagal ng mga hakbang namin.Pagdating namin sa living room, agad na tumayo si Papa.Ngumiti siya, pero pilit.Bumitiw ako kay Jyrone at niyakap ko siya.“Kumusta ka po, Pa?” Hinaplos ko ang likod niya.“Ayos na ako… sa awa ng Diyos.” Kumawala kami sa yakap ng isa't isa. “Binigyan pa ako ng isa pang pagkakataong mabuhay.”Kay Jyrone na ang tingin niya habang sinasabi iyon.Pero si Jyrone, hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan niya.Nagbago na rin ang ekspresyon niya.Kung kanina ay gulat at
FERLYMahigit isang buwan na ang lumipas mula nang makalabas ako ng ospital.Nakabalik na rin kami sa Maynila. Bumalik na rin siya sa pagiging COO.Ako lang ang hindi pa bumabalik sa pagiging doktor. Ayaw pumayag ni Jyrone, kasi ayaw niyang mapagod ako.Hindi man perpekto ang buhay namin sa ngayon, maayos na kami.Unti-unti nang bumabalik sa dati ang takbo ng buhay namin ni Jyrone.Hindi… iyon lang ang pilit naming ginagawa.Oo, madalas na kaming ngumingiti. Nagagawa na rin naming magbiruan.May mga pagkakataong nakakalimutan naming may mabigat pa ring bahagi ng buhay namin na hindi pa naaayos.Pero may mga gabing napapahinto ako. Biglang sumisikip ang dibdib ko.'Yong pakiramdam na may kulang.Ang pamilya ko.Napatingin ako sa phone ko. Nandito kasi ako sa kusina. Wala si Jyrone, kaya sumubok na naman akong tawagan sila.Pero hindi pa rin sila sumasagot.Choice talaga nilang huwag akong kausapin.Kasi nakikita naman nila ang pangalan ko sa screen.At kahit masakit, pinipilit kong una
JYRONE“For real?”Nahagod ko ang buhok ko at napatawa nang mahina.“Yeah, bro!”“Nasaan sila ngayon? Nakakulong na ba?”“No, they're dead! Ayaw nilang mahuli nang buhay. Nanlaban sila hanggang wala nang matira sa kanila.”Tinapik ni Papa ang balikat ko.“I told you… May awa ang Diyos. Malalampasan n'yo rin ang lahat ng problema.”Ngiti lang ang isinagot ko kay Papa. Pero puno ng saya ang puso ko.“Thanks, bro. Kung hindi dahil sa tulong n'yo… hindi namin malalampasan 'to.”Tumingin din ako kay Papa na hindi rin maitago ang saya.Hindi pa nga niya binitiwan ang balikat ko at pinipisil-pisil niya pa iyon.“I have to go… update kita later tungkol sa statement ng pulis.”Pagputol ng tawag, nayakap ko si Papa. Ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin habang muli kaming naglalakad.Sumabay pa rin ako sa mabagal niyang paglalakad.Then lumingon siya sa akin.“Tapos na ang problema natin sa sindikato, pero hindi pa tungkol kina Daniel at Ferly.”Napabuga ako ng hangin. Balikat naman niya a
JYRONEIpinikit ni Ferly ang mga mata niya.Napailing namang tumingin sa akin si Papa.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ferly.Gusto kong pagaanin ang loob niya. Pero alam kong kahit anong sabihin ko, hindi pa rin mabubura ang lungkot na nararamdaman niya.Hinawakan ko na lang ang kamay niya."Bigyan mo lang sila ng oras," mahina kong sabi. "Hindi naman agad nawawala ang galit."Tumingin siya sa akin.Unti-unting pumatak ang luha sa gilid ng mga mata niya.Agad ko iyong pinahid."Alam kong nasasaktan ka… alam kong nalulungkot ka. Pero, Ferly, kailangan mong maging matapang. Kailangan mong maging matatag. Para kay baby... para sa atin."Tumango siya.Ngumiti.Pero napakapait no'n.Marahan ko na lang siyang niyakap."Magpahinga ka na."Paulit-ulit kong hinaplos ang pisngi niya.Pinunasan ko ang bawat luhang tumutulo.Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.Maya-maya, naramdaman kong tinapik ni Papa ang likod ko.Paglingon ko, sumulyap siya kay Mama.Parang tahimik niyang ibinili
JYRONE"Ferly!"Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang namimilipit sa sakit.Mahigpit ang hawak niya sa tiyan niya habang namumutla ang mukha."Darling, look at me."Lumuhod ako sa tabi ng kama."Saan masakit? Tell me what's wrong.""Masakit... Ang tiyan ko..."Napapikit siya.Lalong lumakas ang kaba ko.Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.Agad ko siyang binuhat."Jyrone..."'Yong sigaw niya, parang hinihiwa ang balat ko nang paunti-unti."Don't worry. Nandito ako."Mabilis akong lumabas ng kuwarto."Ma! Pa!"Sigaw ko habang kinakatok ko ang kuwarto nila at agad nang tumatakbo papuntang elevator."Jyrone!"Narinig kong tawag ni Mama.Halata sa boses niya ang pag-aalala.Rinig ko na rin ang mga yabag nila sa likod ko.Nauna pa si Papa na pindutin ang button pababa."Let's go."Mabilis akong pumasok sa elevator."Tatawag ako ng ambulansya," sabi ni Mama habang inilalabas ang cellphone niya.Umiling ako."Matatagalan







