Mag-log inSylvea De Guzman’s Point Of View
“I wanted to make sure you eat well this morning, wika niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. “I wanted to cook again, may nakapagsabi sakin, it’s the best way to win someone’s heart.”
Alam kong namumula na naman ang pisngi ko, ngumiti pa talaga siya nang mapansin niya iyon. “T-thanks for this,” mahinang saad ko.
“No Viea… thank you,” sagot nito. Inabot ang kamay ko at humalik ng banayad dito.
Hindi na ako sumagot, hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko alam kung bakit siya nagpapasalamat? Dahil ba sa nagyari sa amin kagabi?
Muling nagkaroon ng katahimikan habang kumakain kami ni Niro. Ramdam ko ang bawat sulyap niya sa akin habang ninanamnam ko ang omelet na niluto niya. Sa loob-loob ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Niro is so sweet, so caring. Pakiramdam ko, sa loob ng mansyong ito, unt-unting nawawala ang takot ko. Naging malayo ako sa katutuhanang kailangan kong maging bayad sa utang ng pamilya ko.
Malayo kay Marcus. Kay Marcus Albaladejo. Isang businessman, isang masamang businessman na gagawin ang lahat makuha ang gusto niya. Umabot ng sampung milyon ang naging utang ng pamilya ko sa kan’ya dahil hindi isinuko ng mga magulang ko ang lupang kinatitirikan ng bahay namin. Inangkin niya iyon, may hawak siyang original na titulo na nakapangalan sa kan’ya, pinilit niya kaming magbayad kung hindi kami aalis, tumubo ang nag-interes hanggang sa maging sampung milyon. Ngayon, bilang kabayaran. Papakasalan ko siya.
Pero hindi kinaya ng dignidad ko, alam ko kung anong klaseng tao siya. Masama. Demonyong umakyat sa lupa. Kaya ako tumakbo. Umaasang sa paraang ito, matatakasan ko siya.
Napabalik ako sa realidad nang biglang bumasag sa katahimikan ang malakas na tunog ng cellphone ni Niro.
Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang screen. Ang kaninang banayad na tingin ay napalitan ng pagkagulantang at matinding pag-aalala.
“Eleanor… what happen to her?” mahinang usal niya.
Eleanor. Ang pangalan ng dating asawa niya. O mas tamang sabihing, ang babaeng dahilan ng lahat ng sakit na dinaramdam niya.
“Fuck! Okay, I’ll come,” mabilis na saad niya sa kabilang linya.
Halos hindi na niya ako tinignan. Nagmamadali siyang tumayo, hindi na nagawang ubusin ang pagkain niya o kahit man lang magpaalam sa akin. Narinig ko nalang ang mabilis na yabag ng kan’yang mga paa palabas ng kusina at ang pag-arangkada ng kan’yang sasakyan.
Naiwan akong tulala sa harap ng hapag-kainan. Isang tawag lang na tungkol sa babaeng iyon, mabilis pa rin siyang umaalis. Kahit pa annulled na ang kasal nila.
‘Gano’n ba niya kamahal ang ex-wife niya’ tanong ko sa sarili ko. Isang mapait na ngiti ang kumawala sa mga labi ko. ‘Sino ba naman ako? Isang runaway bride lang na napadpad sa bahay niya.’
At hindi ibig sabihin na kung may nangyari sa amin ay maibabaling niya na ang pagtingin niya sa akin. Isa pa, kailangan ko ring asikasuhin ang utang ng mga magulang ko. Hindi ako pwedeng magtagal sa pagtatago dahil baka kung anong gawin ni Marcus sa kanila. Kailangan kong mabuo ang sampung milyong kailangan kong bayaran, kaya din ako nagdisesyon na maging katulong ni Niro.
Kaya hanggang dito lang dapat ang lahat, kailangan kong magfucos sa pag buo ng sampung milyon! Kailangan kong bayaran ang utang ng mga magulang ko sa lalong madaling panahon para tuluyan akong makawala kay Marcus, lalong lalo na ang pamilya ko.
Malaking halaga ang sampung milyon, kaya alam kong hindi magiging madali ito.
Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang biglang tumunog din ang mismong telephone sa bahay ni Niro. Sandali akong nagtaka.
Sasagutin ko ba?
Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong naglalakad papalapit sa telepono, sinagot ito.
“Sylviea…”
Kaba ang agad na bumalot sa buong pagkatao ko. Para akong binuhasan ng malamig na tubig, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya.
Isang boses na hinding-hindi ko makakalimutan.
“Masarap ba ang almusal na inihanda ng bilyonaryo para sa ‘yo, Sylvea?”
“M-Marcus,” nauutal na saad ko. Nanlamig ang buong palad ko habang mahigpit na hawak ang telepono.
“Did you think you could hide from me? Nakikita ko ang bawat galaw mo, Viea. I saw you…” mariing saad nito, bakas ang galit sa bawat salita. “Makinig ka sa akin. Kung hindi ka babalik dito at pupunta sa akin ngayon din, papatayin ko ang pamilya mo. Sisimulan ko sa kapatid mo.” Pagbabanta nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. I knew he was serious! Kayang kaya niyang gawin ang bagay na iyon!
“H-huwag… Marcus, please…” pakiusap ko, nanginginig na ang buong katawan ko sa takot at pag-aalala.
“Then move! Don’t test my patience, Sylviea. You have no escape,” huling saad nito bago pinutol ang tawag.
Halos mapaupo ako sa sahig, nanginginig ang mga kamay at nangingilid ang mga luha.
…
“Andito na ako…” mahinang saad ko ng tuluyan akong makapasok sa mismong opisina ni Marcus.
Nakatalikod ito sa gawi ko, nakaupo sa swivel chair niya habang nakaharap sa mismong viewing area ng opisina niya.
Ilang sandali pa, dahan-dahng umikot ang swivel chair niya.
Bumungad sa akin ang nakangising mukha nito habang naka dekwatro at may hawak na baso ng alak.
“Good to see you, Viea…” tumayo ito. Mabilis na lumapit sa akin.
Napalunok ako sa takot. He’s calm as usual pero alam kong demonyo siya sa loob loob niya. “You look so good today. Gan’yan ba talaga mag-alaga ang isang Figarlan?”
“B-babayaran ko nalang ang utang namin please, w-wag mong sasaktan ang pamilya ko…” bigla kong pagmamakaawa. Halos matuyot ang lalamunan ko sa sobrang kaba.
Sandali itong namulsa at malakas na tumawa, “Talaga namang magbabayad ka Viea.” Anito. “Lalo na’t tumakbo ka sa kasal natin. Kung hind imo sana ginawa iyon sana wala ng problema.”
Hinaplos niya ang iilang hibla ng buhok ko na nagpadagdag sa takot na nararamdaman ko.
“Now, you’ll pay, not cash… not money…” naglalarong saad nito.
“M-Marcus please…”
“Hindi ko narin tatanggapin ang kasal bilang bayad, I mean, you’re sexy. You look great pero may iba akong gustong gawin at ipagawa sa ‘yo, Viea.” Nakangisi nitong saad.
“Swerte mo lang at napadpad ka sa mansion ni Niro.”
Napaangat ako ng tingin, kilala niya si Niro? Anong ibig sabihin nito?
“I can spare you and you’re family Viea…”
Umatras si Marcus at muling naglakad papunta sa table niya, kinuha ang isang folder at ibinaba ang baso ng alak.
Ilang saglit pa muli itong naglakad papunta sa harap ko at inabot ang folder sa akin, “Niro Figarlan, a business tycoon. Halimaw sa negosyo. Tinik sa lalamunan ko Viea.” Panimula nito.
Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko tungkol kay Niro ang gusto niyang gagawin ko.
“Break him!” matigas na saad nito na ikinali ng mga mata ko, parang ang bagal ng proseso ng utak ko sa sinabi niya.
“Paibigin mo kung kailangan, kunin mo ang tiwala niya. Ibigay mo sakin ang lahat ng gusto ko makuha mula sa kan’ya…”
Muli nitong nilapit ang mukha na niya sa tainga ko saka muling bumulong. Halos tumayo ang lahat ng balahibo ko sa sinabi niya, “Kapag nakuha ko na ang lahat, break him. Sirain mo siya, Viea.”
Naiyukom ko ang kamao ko. Napapikit ng maharan. Bakit? Bakit ko kailangang gawin yun sa lalaking walang ibang pinakita sakin kundi kabutihan. Sa lalaking kumupkop sa akin.
“It’s either you do what I say o may paglalamayan ka,” ngising saad nito.
“And take note…” lumapit pa ito, bumulong muli sa tainga ko, “Kapag magsumbong ka sa kan’ya, o sa mga pulis. Ipapaalala ko sa ‘yong nasa lupa ko ang kinatitirikan ng bahay niyo. Nasa labas lang ng bakuran niyo ang mga tauhan ko. Magsumbong ka, isa-isang sasabog ang mga bungo nila.”
Nang mga sandaling iyon, bigla nalang nagsilaglagan ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa dapat kong gawin pero alam wala akong pagpipilian, buhay ng buong pamilya ko ang nakasalalay.
“G-gagawin ko…”
Something big! Tommorow.Napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng aking mesa, ramdam ang panginginig ng aking mga daliri. Something big. Bukas. Paano ko gagawin iyon kung halos himatayin na ako sa kaba kanina sa loob ng opisina niya?Hindi ko magagawa kaagad ‘to! Sobrang hirap ng pinagagawa ni Marcus.Mariin akong napapikit at ibinalik sa bulsa ang phone ko. Sandali akong napaangat ng may biglang tumikhim sa harap ng desk ko. Ang babaeng bumangga sa akin, secretary ni Niro.As usual, layag na layag parin ang cleavage nito na animo’y ikinaganda niya.Dahan-dahan siyang lumapit, mga tingin na akala mo kakainin ako ng buhay.“Sylviea, right? bilib din talaga ako sa kapal ng mukha mo,” panimula niya, panimulang saad nito na ikinataas ng kilay ko. “How did you make it here? Ginapang mo ba ang boss namin? Social climber na gold-digger??”Nanigas ako sa kinauupuan ko, parang gusto kong manampal ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.Mariin akong napapikit, humugot ng malalim na paghinga at h
“I need an executive assistant.” Parang naputol ang dila ko sa sinabi niya. Is he trusting me that much?“Actually, my Executive Assistant just filed for a resignation yesterday. She is actually based in US kaya nagresign siya nang malamang dito ulit ako mag-fufucos sa Figarlan Tower. You see, I just got back a month ago from US. And it’s demanding job, Viea. You'll be with me 24/7. Meetings, travel, handling my confidential files... it's a high-stakes position.”Confidential files. Iyon ang kailangan ni Marcus. Iyon ang magliligtas sa pamilya ko.“I-I can do it, Niro. Promise. I won't let you down,” mabilis kong sagot.Isang matagal na katahimikan ang muling namayani. Pagkatapos ay dahan-dahang tumango si Niro. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.“Alright. If that's what you want, the position is yours. You start tomorrow,” aniya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa dulo ng aking ilong. “But remember, inside this office, I am
Binaling muli ni Niro ang tingin sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang lambot sa kanyang mga mata. “Are you hurt? Ano'ng ginagawa mo rito?”“D-dinalhan lang kita ng lunch,” mahina kong sagot, pilit na inaayos ang sarili habang nakasandal pa rin sa dibdib niya. “N-naisip ko kasi na baka hindi ka pa kumakain.”Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “You came all the way here just for this?” Kinuha niya ang mga bitbit ko.At imbes na bitawan ang beywang ko, muli siyang yumukod para ipasok ang isang kamay niya sa ilalim ng tuhod ko, carrying me papasok sa loob elevator. “Let's go to my office.”Sa loob, banayad akong binaba ni Niro pero nanatiling nasa beywang ko ang isang beywang niya. Pagkasara ng pinto, agad siyang tumingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya, rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya.Sandali akong napalunok, akmang iiwas ng tingin ng bigla niyang hinarap ang katawan niya sa katawan ko, inabot ang isang kamay ko. Pinned it against the wall of the elevato
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanonood ang video na ipinadala ni Marcus.His office. 10:00 AM.Wala na akong oras para mag-isip. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko, kinuha ang folder sa ilalim ng unan, at isinilid iyon sa isang paper bag kasama ang ilang gamit ko para hindi paghinalaan.Mabuti na lang at nakaalis na si Niro, malaya akong makakaalis ngayon. Agad akong lumabas ng gate, ni hindi na ako nagpaalam sa guwardiyang bantay sa gate. Basta tuloy tuloy lang akong naglakad palabas at nag abang ng masasakyan.Kasing bigat ng kaba, takot at guilt sa dibdib ko ang dala kong impormasyon ngayon, pero wala akong magagawa. Wala akong ibang choice kundi maging puppet ni Marcus! Wala akong ibang pagpipilian kung gusto ko pang mabuhay ang pamilya ko.Pagdating ko doon, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Padabog kong inilapag ko ang folder sa harap niya.“Ayan na ang gusto mo. Tigilan mo na ang pamilya ko,” matigas kong saad, kahit ang totoo ay nagtatapang tapangan lang ako, nanlalamb
Sylviea De Guzman’s Point Of ViewBumukas ang pinto at iniluwa nito si Niro. Hindi tulad kagabi, maaliwalas na ang mukha nito. Nakangiti ito sa akin kaya alam kong wala itong kamalay-malay sa ginawa ko sa study room niya.Pero kahit ganoon, para akong inuusig ng konsensya ko. Ang folder na iyon—ang patunay ng kasalanang ginagawa ko, at mga gagawin ko pa—ay nasa ilalim ng unan ko lang.“I'm done preparing breakfast, let’s eat,” aniya, his voice is still calm.Sinubukan kong ngumiti pabalik, ngunit alam kong namumutla ako. "O-okay ka na ba? A-ako dapat ang nagluluto ngayon lalo na’t may sakit ka—"Sandali itong napatawa ng mahina, “I think the way you gave me those medicine works like a charm. Ang bilis kong gumaling,”Napakagat-labi ako, biglang namula. Hinalikan ko nga pala siya kagabi!“Viea, are you okay? You look like you've seen a ghost. Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Or... is it because of that kiss last night?” nakakalokong saad nito na mas lalong ikinaputla ko.Hindi ko na al
“Viea … sinong kausap mo?”Halos lumukso ang puso ko sa sobrang kaba, daig ko pa ang babaeng nagtataksil sa asawa dahil sa takot na nararamdamn ko. Pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko.“Ugh… sina Mama…” pagsisinungaling ko.Shit!“L-lumabas lang ako dahil akala ko nakatulog kana,” pagpapaliwanag ko.Muli, dahan dahan akong lumapit. Pilit kong kinakalma ang kaba na nararamdaman ko.Huh! Viea, buhay ng pamilya mo ang nakasalalay dito. Gawin mo nalang ang iniutos ni Marcus para matapos na ang lahat ng ito.Pero si Niro…Nanatili lang ang mga mata ni Niro sa akin, seryoso pero halata na mabibigat ang talukap niya. Maya maya pa inabot nito ang kamay ko, “It’s okay. Alam kong kailangan nilang malaman na okay ka lang pagkatapos mong mawala ng ilang lingo…” anito.God! He’s so understanding.Inabot nito ang kamay ko at bahagyang pinisil, “I’ll go to sleep, can you just stay here? Hanggang sa makatulog ako?” request nito na parang bata.Tumango ako, umupo sa kama sa tabi niya. Muli siyang







