LOGINSylvea De Guzman’s Point Of View
Nakaupo ako sa sofa, halos hindi humihinga habang nakatitig sa kawalan. Hawak ko ang folder na ibinigay ni Marcus kanina—isang dokumentong naglalaman ng mga plano kung paano ko sisirain ang buhay ni Niro, kung paano ko siya paiikutin at kung ano ang mga dapat kung kunin. Mga files na kailangan kong ibigay kay Marcus kapalit ng kaligtasan ng pamilya ko.
Paano ko ba ito gagawin? Paano ko sisirain ang lalaking tumanggap sa akin ng wala na akong matakbuhan? Lalaking nagpatuloy sa akin, nagbigay ng trabaho sa akin kahit hindi niya ako gano’n ka kilala. Bakit? Bakit ganito ang paraan ko ng pasasalamat? Bakit ganito ang ibabalik ko sa laki ng utang na loob ko sa kan’ya?
Napapahid ako bigla sa luhang dumaloy sa pisnge ko nang marinig ko ang pag-ungol ng sasakyan sa labas. Mabilis kong isiningit ang folder sa ilalim ng unan sa sofa at inayos ang aking sarili. Pilit kong pinakalma ang tibok ng puso ko. Pagbukas ng pinto, iniluwa nito si Niro. Mukha siyang pagod, may mga dumi at bahid ng kung ano sa kanyang suot na tila galing sa isang matinding gulo.
“Niro... andyan ka na pala,” mahina kong saad habang tumatayo.
Bakas sa mukha ko ang pagkailang, pero ang totoo, higit pa sa hiya ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay isa akong criminal dahil sa plano at bagay na kailangan kong gawin.
Siguro ay iniisip niyang naiilang ako dahil sa nangyari sa amin kagabi—dahil sa pagbibigay ko ng pagkatao ko sa kanya—pero ang totoo, naguguluhan ako. Natatakot ako para sa pamilya ko at the same time, ayaw ko ring saktan siya.
Lumapit siya sa akin. Amoy usok at pawis siya, pero hindi ko nagawang umiwas nang hawakan niya ang aking pisngi. Ang init ng palad niya, parang kung anong mas nag-uudyok sa konsesnya ko.
Bahagya akong napaiwas, humugot ng malalim na paghinga.
“I'm sorry,” bulong niya, inilalapit ang kanyang mukha sa akin. “I'm so sorry kung iniwan kita nang ganoon na lang kanina. Something urgent happened, but it’s done. My ex-wife is part of my past now. Totally.”
Napalunok ako. “A-ayos lang, Niro. Naiintindihan ko naman... I don’t have rights to question you.”
Ngumiti siya, as usual, his soft smile kahit halata sa mukha niya ang pagod.
Shit! Naiiyak ako sa loob loob ko.
“Viea, listen,” panimula niya. “Simula ngayong araw, ayoko nang maging katulong ka sa bahay na 'to. Hindi tama na pagtrabahuhin ka matapos ang nangyari sa atin.”
Bigla akong nataranta, agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, “P-pero Niro, kailangan ko ng trabaho. K-kung iniisip mong nagagalit ako dahil sa nangyari kagabi, h-hindi... w-wag mo lang akong paalisin.”
Paalisin? Iyon ang pinaka-kinakatatakutan ko. Hindi dahil wala akong matutuluyan, kundi dahil kapag lumabas ako sa pintong ito nang hindi dala ang kailangan ni Marcus, pamilya ko ang magbabayad.
“Paalisin? I’m not gonna do that,” saad niya sabay himas sa pisngi ko. Muli, hinawakan niya nang mahigpit ang aking mga balikat. “I will take my responsibility on you, Viea. Simula ngayon, mananatili ka rito hindi bilang katulong... just stay here whenever you want. As for money, I can give you everything you need.”
Nanlaki ang mga mata ko, napakagat-labi!
Shit! Paano ko magagawa ang pinagagawa ni Marcus kung ganito kabait ang lalaking kailangan kong sirain?
“H-hindi... hindi ko kailangan—”
“Just let me do those things for you, Viea," determinadong sagot niya bago banayad na hinalikan ang aking noo.
He’s really sweet.
Pagkatapos ng sandaling iyon, napansin kong bahagyang nanginginig si Niro. Ang kanyang balat na kanina lang ay mainit ay tila nag-aapoy na ngayon. Napansin ko ang pamumutla ng kanyang labi at bahagyang panlalamig ng palad niya.
“Niro, ayos ka lang ba?” tanong ko, hinawakan ko ang noo niya. Nag-aapoy siya sa lagnat. “Niro, ang taas ng lagnat mo!”
Hindi siya nakasagot. Tila nawalan siya ng lakas at napasandal sa akin. Sa kabila ng gulong gulo kong utak, nagawa kong akayin siya patungo sa kanyang silid. Bawat hakbang ay hirap na hirap ako dahil sa bigat niya.
Nang maihiga ko siya sa malawak niyang kama, agad akong kumuha ng palanggana sa baba at bimpo at saka mabilis na bumalik sa itaas.
Muli akong lumapit kay Niro, nakapikit ito, nanginginig at punong puno ng pawis ang muka niya.
Hindi na ako nagdalawang isip na buksan isa-isa ang butones ng kan’yang polo.
Muli, bumungad sa akin ang magandang hubog ng kan’yang katawan, ang abs nito, kasabay ng unti-unting pagbalik sa ala-ala ko ng nangyari sa amin kagabi.
Mariin akong napapikit para iwaksi iyon sa isip ko.
Ano ka ba Viea? Sa dami ng problema mo naiisip mo parin iyon?
Tumigil ako sa pag-iisip at agad na pinunasan ang kanyang leeg, ang kanyang mga braso, at ang kanyang dibdib. Habang tinititigan ko ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod at lagnat, hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko.
He’s so soft. He’s so good to me. At ako? Heto ako, nag-aabang ng pagkakataong wasakin siya.
“Niro...”
‘I’m sorry’ bulong ko sa isip habang pinipiga ang bimpo.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Mabilis akong lumayo sa kama at lumabas sa balcony ng kanyang kwarto.
Unknown Number. Si Marcus. I knew it’s him. It’s his phone na binigay sa akin kanina.
“Hello?” pabulong kong usal, nanginginig ang boses ko.
“How’s your work?” nakakalokong boses ni Gabriel sa kabilang linya. “Make sure you get those financial files tonight. At huwag mong subukang lokohin ako, dahil alam kung anong kaya kong gawin.”
“P-pwede bang h’wag muna—” pagmamakaawa ko pero agad nitong pinutol ang pagsasalita ko.
“Ako ang masusunod, Viea! Get it done or say goodbye to your family!”
Biglang namatay ang tawag.
Naiwan akong nakatulala sa kawalan. Nang humarap ako para bumalik sa loob, halos huminto ang puso ko. Nakadilat ang mga mata ni Niro, nakatitig siya nang diretso sa akin.
“Viea... sino ang kausap mo?” mahina, paos, ngunit klarong tanong niya.
Something big! Tommorow.Napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng aking mesa, ramdam ang panginginig ng aking mga daliri. Something big. Bukas. Paano ko gagawin iyon kung halos himatayin na ako sa kaba kanina sa loob ng opisina niya?Hindi ko magagawa kaagad ‘to! Sobrang hirap ng pinagagawa ni Marcus.Mariin akong napapikit at ibinalik sa bulsa ang phone ko. Sandali akong napaangat ng may biglang tumikhim sa harap ng desk ko. Ang babaeng bumangga sa akin, secretary ni Niro.As usual, layag na layag parin ang cleavage nito na animo’y ikinaganda niya.Dahan-dahan siyang lumapit, mga tingin na akala mo kakainin ako ng buhay.“Sylviea, right? bilib din talaga ako sa kapal ng mukha mo,” panimula niya, panimulang saad nito na ikinataas ng kilay ko. “How did you make it here? Ginapang mo ba ang boss namin? Social climber na gold-digger??”Nanigas ako sa kinauupuan ko, parang gusto kong manampal ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.Mariin akong napapikit, humugot ng malalim na paghinga at h
“I need an executive assistant.” Parang naputol ang dila ko sa sinabi niya. Is he trusting me that much?“Actually, my Executive Assistant just filed for a resignation yesterday. She is actually based in US kaya nagresign siya nang malamang dito ulit ako mag-fufucos sa Figarlan Tower. You see, I just got back a month ago from US. And it’s demanding job, Viea. You'll be with me 24/7. Meetings, travel, handling my confidential files... it's a high-stakes position.”Confidential files. Iyon ang kailangan ni Marcus. Iyon ang magliligtas sa pamilya ko.“I-I can do it, Niro. Promise. I won't let you down,” mabilis kong sagot.Isang matagal na katahimikan ang muling namayani. Pagkatapos ay dahan-dahang tumango si Niro. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.“Alright. If that's what you want, the position is yours. You start tomorrow,” aniya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa dulo ng aking ilong. “But remember, inside this office, I am
Binaling muli ni Niro ang tingin sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang lambot sa kanyang mga mata. “Are you hurt? Ano'ng ginagawa mo rito?”“D-dinalhan lang kita ng lunch,” mahina kong sagot, pilit na inaayos ang sarili habang nakasandal pa rin sa dibdib niya. “N-naisip ko kasi na baka hindi ka pa kumakain.”Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. “You came all the way here just for this?” Kinuha niya ang mga bitbit ko.At imbes na bitawan ang beywang ko, muli siyang yumukod para ipasok ang isang kamay niya sa ilalim ng tuhod ko, carrying me papasok sa loob elevator. “Let's go to my office.”Sa loob, banayad akong binaba ni Niro pero nanatiling nasa beywang ko ang isang beywang niya. Pagkasara ng pinto, agad siyang tumingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya, rinig na rinig ko ang bawat paghinga niya.Sandali akong napalunok, akmang iiwas ng tingin ng bigla niyang hinarap ang katawan niya sa katawan ko, inabot ang isang kamay ko. Pinned it against the wall of the elevato
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanonood ang video na ipinadala ni Marcus.His office. 10:00 AM.Wala na akong oras para mag-isip. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko, kinuha ang folder sa ilalim ng unan, at isinilid iyon sa isang paper bag kasama ang ilang gamit ko para hindi paghinalaan.Mabuti na lang at nakaalis na si Niro, malaya akong makakaalis ngayon. Agad akong lumabas ng gate, ni hindi na ako nagpaalam sa guwardiyang bantay sa gate. Basta tuloy tuloy lang akong naglakad palabas at nag abang ng masasakyan.Kasing bigat ng kaba, takot at guilt sa dibdib ko ang dala kong impormasyon ngayon, pero wala akong magagawa. Wala akong ibang choice kundi maging puppet ni Marcus! Wala akong ibang pagpipilian kung gusto ko pang mabuhay ang pamilya ko.Pagdating ko doon, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Padabog kong inilapag ko ang folder sa harap niya.“Ayan na ang gusto mo. Tigilan mo na ang pamilya ko,” matigas kong saad, kahit ang totoo ay nagtatapang tapangan lang ako, nanlalamb
Sylviea De Guzman’s Point Of ViewBumukas ang pinto at iniluwa nito si Niro. Hindi tulad kagabi, maaliwalas na ang mukha nito. Nakangiti ito sa akin kaya alam kong wala itong kamalay-malay sa ginawa ko sa study room niya.Pero kahit ganoon, para akong inuusig ng konsensya ko. Ang folder na iyon—ang patunay ng kasalanang ginagawa ko, at mga gagawin ko pa—ay nasa ilalim ng unan ko lang.“I'm done preparing breakfast, let’s eat,” aniya, his voice is still calm.Sinubukan kong ngumiti pabalik, ngunit alam kong namumutla ako. "O-okay ka na ba? A-ako dapat ang nagluluto ngayon lalo na’t may sakit ka—"Sandali itong napatawa ng mahina, “I think the way you gave me those medicine works like a charm. Ang bilis kong gumaling,”Napakagat-labi ako, biglang namula. Hinalikan ko nga pala siya kagabi!“Viea, are you okay? You look like you've seen a ghost. Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Or... is it because of that kiss last night?” nakakalokong saad nito na mas lalong ikinaputla ko.Hindi ko na al
“Viea … sinong kausap mo?”Halos lumukso ang puso ko sa sobrang kaba, daig ko pa ang babaeng nagtataksil sa asawa dahil sa takot na nararamdamn ko. Pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko.“Ugh… sina Mama…” pagsisinungaling ko.Shit!“L-lumabas lang ako dahil akala ko nakatulog kana,” pagpapaliwanag ko.Muli, dahan dahan akong lumapit. Pilit kong kinakalma ang kaba na nararamdaman ko.Huh! Viea, buhay ng pamilya mo ang nakasalalay dito. Gawin mo nalang ang iniutos ni Marcus para matapos na ang lahat ng ito.Pero si Niro…Nanatili lang ang mga mata ni Niro sa akin, seryoso pero halata na mabibigat ang talukap niya. Maya maya pa inabot nito ang kamay ko, “It’s okay. Alam kong kailangan nilang malaman na okay ka lang pagkatapos mong mawala ng ilang lingo…” anito.God! He’s so understanding.Inabot nito ang kamay ko at bahagyang pinisil, “I’ll go to sleep, can you just stay here? Hanggang sa makatulog ako?” request nito na parang bata.Tumango ako, umupo sa kama sa tabi niya. Muli siyang







