LOGINSylviea’s Point of ViewNabalot kami ng isang nakabibinging katahimikan.Mabilis na humakbang si Niro palapit sa akin. Wala nang pag-aalinlangan. Wala nang pagpipigil. Marahas niya akong hinawakan sa magkabilang braso at itinulak ako pabalik hanggang sa sumandal ang likod ko sa malamig na glass window ng boardroom.“What the fuck is this, Sylviea?!” asik niya, ang kaniyang mukha ay ilang pulgada lang ang layo sa akin. Ang hininga niya ay mainit at mabilis. “Is this a joke?! Ikaw ang CEO?! Paanong nangyari?!”Hindi ako umatras. Hindi ako umiyak. Tiningnan ko lang siya gamit ang mga matang kasing-lamig ng yelo.“I don’t appreciate being manhandled during a business negotiation, Mr. Figarlan. Take your hands off me,” malamig kong utos.“Don't you fucking play games with me!” sigaw niya, mas lalong hinigpitan ang hawak sa akin. “Pumasok ka sa bahay ko! Nagpanggap kang yaya! Pinanood mo akong tratuhin kang parang basura, pinanood mo akong mabaliw kakahanap sa'yo sa loob ng dalawang linggo,
Sylviea’s Point of ViewBawat hakbang ng aking stilettos sa makinis na sahig ng Figarlan Tower ay umaalingawngaw ng kapangyarihan.Ramdam ko ang mga tingin ng mga empleyado, ng mga gwardiya, at ng mga executives na nadadaanan namin ni Aries.Sanay na ako sa ganitong atensyon, pero ngayon, ang bawat tingin nila ay nagbibigay sa akin ng kakaibang lakas. Wala na ang mahina, nakayuko, at nanginginig na si Yaya Rea, na gusto lang makasama ang anak niya. This is new, I want to get my right back.“You ready?” mahinang bulong ni Aries sa tabi ko nang marating namin ang malaking double doors ng grand boardroom.Tiningnan ko siya, ang aking mukha ay kalmado at walang emosyon. “I was born ready, Aries.”Bumukas ang mga pinto.Pumasok ako nang taas-noo. Sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon at ng mga naghihintay na bulto ng mga board members ng Figarlan Group. Pero hindi sa kanila nakatuon ang atensyon ko.Ang mga mata ko ay dumiretso sa dulo ng mahabang glass table. Sa lalaking naka
Sylviea’s Point of ViewIsang linggo ang lumipas. Isang linggo ng matinding katahimikan at paghahanda.Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling mirror ng private penthouse ni Aries sa Bonifacio Global City. Tinitigan ko ang babaeng nasa harap ko.Wala na ang mga pekeng pekas na araw-araw kong idinidikit sa balat ko. Ang mukha ko ay makinis, inosente, ngunit ang aking mga mata ay puno ng determinasyon at apoy. Ang mahaba at itim kong buhok ay tuwid na tuwid, bumabagsak sa aking likuran na tila isang itim na talon.Suot ko ang isang pormal ngunit mapang-akit na tailored white suit, na sumisigaw ng awtoridad at kapangyarihan. Ang aking mga labi ay pinatingkad ng isang malalim na kulay ng pulang lipstick.Ako na ulit si Sylviea De Guzman. Ang CEO at Founder ng Ethereal Inner Glow Aesthetic.Bumukas ang pinto at pumasok si Aries, may hawak na isang itim na leather folder. Tinitigan niya ako at isang proud na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.“The Queen is finally back,” puri niya. “
“Sinabi ko, huwag!” tinapangan ko ang boses ko. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Wala na ang iyak. Wala na ang panginginig. “Hindi ito ang oras para sa padalus-dalos na emosyon. Umalis na tayo rito. Ngayon din.”Naguguluhan si Aries sa pagbabago ng tono ko, pero nakita niya ang determinasyon sa mga mata ko. Huminga siya nang malalim at tumango.Sumakay kami sa sasakyan at mabilis niyang pinaharurot iyon palayo sa impyernong naging kulungan ko sa loob ng ilang linggo.Habang nasa byahe, nakatingin lang ako sa bintana.“Where are we going?” tanong ni Aries matapos ang ilang minutong katahimikan.“Sa penthouse. Sa safehouse natin,” malamig kong sagot. “I-lock down mo ang lahat ng information ko. Siguraduhin mong walang kahit anong trace ko. Linisin mo ang bawat bakas ko sa mansyong iyon.”Napatingin si Aries sa akin mula sa rearview mirror. “What’s the plan, Sylviea?”Isang mapait at matapang na ngisi ang sumilay sa mga labi ko. Hinubad ko ang basag kong salamin at itinapon iy
Alas-tres ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Walang ingay. Tulog ang lahat ng mga katulong.Nakatayo ako sa gitna ng maliit kong kwarto, pinag-isipan ng maayos ang gagawin ko.Kanina nang lumabas ako sa VIP suite, naabutan ko pang nakabantay si Aries sa may lobby. Mabilis akong nakipag-usap sa kan’ya habang si Niro ay nasa sasakyan na naghihintay.Tonight, 3 AM.Tinignan ko ang aking lumang duffel bag kung saan ko inilagay ang iilang pirasong damit na dala ko. Wala naman talaga akong masyadong gamit. Ang naiwan lang dito ay ang mga alaala ng pait. Hindi ko na iyon dinala, hindi ko na kakailanganin iyon.Aalis na ako. Babalik na ako sa tunay kong mundo. Kung hindi ko makukuha ang karapatan ko sa paraang ito. Gagamitin ko ang kapangyarihan at utak ko sa pagakakataong ito.Pero bago ako umalis, may isang bagay pa akong kailangang gawin. Ang pinakamahirap na parte ng pag-alis na ito.Tahimik akong naglakad sa hallway patungo sa kwarto ng anak ko. Dahan-dahan kong pinihit ang
Sylviea’s Point of View“Don't make me wait too fucking long!” anito at inis na lumabas.Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang buong VIP lounge matapos ang malakas na pagbagsak ng pinto.Naiwan akong nakaupo sa malamig na sahig, nakabalot ang nanginginig kong katawan sa isang manipis na kumot. Rinig na rinig ko ang sarili kong paghikbi, mga hikbing pilit kong pinipigilan ngunit kusang kumakawala mula sa aking lalamunan na tila pinupunit.“It was just a release. Don’t think highly of it. You’re still a thief in my eyes, and I’m still the man who owns your freedom.”Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang mga salitang iyon. Bawat pantig ay parang basag na salamin na sapilitang ipinapalunok sa akin.Tinitigan ko ang kawalan.Ang sakit sa pagitan ng aking mga hita ay walang-wala kumpara sa sugat na pilit ibinabaon ni Niro sa puso ko. Ibinigay ko ang lahat. Ibinaba ko ang buong pagkatao ko.Hinayaan ko siyang angkinin ako, durugin ako, at angkinin ulit, sa pag-asang sa likod ng marahas n
“Niro, umuwi ka na muna rito,” seryosong boses ni Nigel sa kabilang linya.“Hindi ako uuwi hangga't hindi ko siya nakikita! May gustong pum*tay sa kan’ya kaya hindi ako pwed—” sigaw ko.“Kaya nga kailangan mong bumalik rito!” sagot ni Nigel, mas malakas ang boses. “Aries is also not here. Wala siya
Niro’s Point Of ViewWala siya.Wala si Sylviea.“F*ck! Where is she?!” Sigaw ko, umalingawngaw ang boses ko sa buong lugar. Sinubukan ko pa ulit namaghanap pero talagang wala siya.Mabilis akong lumabas ng kwarto at sumigaw mula sa second floor hallway. “Spencer! Ipadala mo ang lahat ng tauhan nati
“I’ll take care of it! Just don’t stress yourself. Makakasama 'yan sa baby natin…”Sandali akong napatigil nang marinig ko ang sunod na sinabi niya sa Video.Baby natin?Parang may malakas na bombang sumabog sa loob ng utak ko. Tumigil ang pag-ikot ng paligid. Dumilim sa galit ang paningin ko!Para
Niro’s Point Of ViewTahimik. Malamig. Pero umaapoy ang buong katawan ko sa galit.Nakatayo ako sa gitna ng malawak na living room, mag-aalas dos palang ng madaling araw pero nabulabog ang buong mansion.Sandali akong namulsa, igting ang panga at nakatingin ng malagkit sa lalaking nakaluhod sa harap







