Mag-log inHello po. Kamusta na po kayo?
“BREAKING NEWS: Billionaire Niorr Figarlan is officially off the market!”“Who is the mysterious bride of the Figarlan Empire?”“A real-life Cinderella story: The secret love child and the sudden wedding of the century.”Umalingawngaw ang boses ng mga news anchors mula sa napakalaking flat-screen TV sa main hall ng Figarlan Estate.Nakatayo si Vanessa sa gitna ng kwarto, hawak ang isang baso ng sparkling water, habang pinapanood ang sariling pangalan na nag-flash sa screen. Isang malapad, mapagmataas, at tila nakakabaliw na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.“Mrs. Figarlan,” pabulong na usal niya, ninanamnam ang bawat pantig ng pangalan tila isa itong matamis na kendi.Nag-umpisa siyang maglakad-lakad sa paligid ng main hall. Bawat kasambahay na madaanan niya ay tinitingnan niya mula ulo hanggang paa, inaasahang yuyuko ang mga
Sa mga sumunod na araw, isang kakaiba at nakakakilabot na pagbabago ang napansin ni Charlotte sa kaniyang kaibigan.Hindi na lamang pera at luho ang kinababaliwan ni Vanessa.Ang matapang, mapang-akit, at palaban na babaeng nakilala niya sa mga eskinita ay unti-unting binubura ang sarili nito upang maghulma ng isang bagong pagkatao—ang perpektong imahe ng isang Mrs. Figarlan.Isang umaga, habang nag-aalmusal sila sa veranda ng East Wing, narinig ni Charlotte ang malakas na pagbulyaw ni Vanessa sa kaniyang personal dietician at sa mga kasambahay.“I told you, I don't want this heavy makeup anymore!” iritadong sigaw ni Vanessa habang inihahagis ang isang mamahaling eyeshadow palette sa sahig. Namutla ang dalawang kasambahay. “At ano 'tong damit na inihanda niyo? This is too revealing! Gusto ko ng mga kulay na neutral. Beige, white, navy blue. I want to look like I came from old money! Gusto ko 'yung mukhang disente at igagalang sa mga board meetings!”Tahimik na nanonood si Charlotte mu
Ang malawak na private suite sa East Wing ay tila naging isang mamahaling boutique sa loob lamang ng ilang oras.Matapos ang malamig na komprontasyon sa study room kung saan pinirmahan ni Vanessa ang prenuptial agreement, sunud-sunod na dumating ang mga inutusang sikat na designer, mamahaling alahas, at mga kahon ng sapatos mula sa pinaka-eksklusibong brands sa buong mundo.Nakatayo si Vanessa sa harap ng isang napakalaking full-length mirror na may gintong frame. Suot niya ang isang kumikinang na emerald green evening gown na yari sa pinakapinong seda.Sa kaniyang leeg ay nakasabit ang isang diamond necklace na nagkakahalaga ng milyun-milyon—isang maliit na bahagi ng "allowance" na ibinigay sa kaniya ni Niorr upang mapanatili ang ilusyon ng isang perpektong asawa.Sa gilid ng kwarto, nakaupo si Charlotte sa isang velvet sofa. Ang kaniyang mga mata ay may bahid ng matinding pag-aalala habang pinagmamasdan ang kaibigan. Ang kaniyang malinis, elegante, at inosenteng ganda ay tila nanghi
Ang araw ay mataas na, ngunit sa loob ng East Wing, si Vanessa ay nakaupo sa veranda, tuwang-tuwang pinapanood ang mga kasambahay na nag-aayos ng kaniyang mga bagong damit mula sa mga luxury brands na pinadala ni Sebastian kanina.Nasa gilid niya si Charlotte, tahimik na nagbabasa ng libro ngunit ang isip ay malayo at patuloy na binabagabag ng matinding kaba.Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Sebastian, ang kaniyang mukha ay gaya ng dati, blangko at pormal.“Miss Vanessa, Mr. Figarlan wants to see you in his study. Now.”Mabilis na napatayo si Vanessa. Inayos niya ang kaniyang silk dress at pinasadahan ng suklay ang kaniyang buhok. Ito na. Ito na ang hinihintay niyang atensyon mula sa bilyonaryo.“Sasamahan kita,” mabilis na boluntaryo ni Charlotte, inilalapag ang kaniyang libro. Ayaw niyang iwan mag-isa ang kaibigan sa lalaking handang pumatay sa kanila pareho.Hindi na sila pinigilan ni Sebastian. Dinala sila nito patungo sa West Wing, ang pinakapribadong bahagi ng mansyon.Nang
Kinabukasan. Sa pinakamataas na palapag ng Figarlan Headquarters.Ang buong boardroom ay nababalot ng nakakapasong tensyon. Nakaupo si Niorr sa dulo ng mahaba at gawa sa purong obsidian na mesa, ang kaniyang mga daliri ay marahang tinatapik ang armrest ng kaniyang upuan.Sa magkabilang gilid ng mesa ay ang kaniyang mga pinagkakatiwalaang board members, public relations team, at mga top-tier lawyers. Wala ni isa sa kanila ang nangahas na huminga nang malakas.“Explain it to me again, Atty. Valderama,” malamig at mababang utos ni Niorr, ang kaniyang mga mata ay tila yelo na nakatitig sa matandang abogado sa kaniyang kanan.Napalunok si Atty. Valderama bago inayos ang kaniyang salamin at binuksan ang isang makapal na folder.“Sir... the European delegates have caught wind of a rumor. May isang impormante mula sa loob ng Grand Imperial Hotel ang nag-leak sa media na may isang babaeng kinaladkad palabas ng iyong private suite dalawang buwan na ang nakararaan. At ngayon, may mga umuugong na
Habang naglalakad pabalik sa East Wing, pakiramdam ni Charlotte ay unti-unting nadudurog ang kaniyang tuhod. Ang bawat hakbang niya sa ibabaw ng makapal at mamahaling karpet ng pasilyo ay tila mas mabigat kaysa sa nauna.Ang malamig na mga mata ni Niorr, ang boses nitong nagbabanta, at ang katotohanang alam na nito ang kaniyang mukha—lahat ng ito ay patuloy na umalingawngaw sa kaniyang isipan.Nang mabuksan niya ang malaking double doors ng private suite na inilaan para sa kanila, isang kakaibang senaryo ang sumalubong sa kaniya.“Oh my god, Charlotte! Tignan mo 'to!”Tili ni Vanessa. Nakadapa ito sa ibabaw ng isang napakalaking king-sized bed, ang mga kamay ay masayang hinahaplos ang pinakamamahaling Egyptian cotton na pabalat ng mga unan.Ang buong silid ay mas malaki pa sa buong apartment building na tinirhan nila noon. May sarili itong grand piano, walk-in closet na kasing-laki ng isang boutique, at malalaking bintanang gawa sa salamin na nagpapakita ng malawak na hardin ng mansyo
Saturday.The Figarlan International Hotel seemed to become the center of the world tonight. From the grand lobby to the highest floor, luxury overflowed. Every corner was adorned with fresh white tulips and lilies Niro imported from abroad. The massive chandeliers on the ceiling looked like falling
Niro Figarlan’s Point of ViewDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng master’s bedroom. Umaga na pala, masyadong napasarap ang tulog ko, lalo na’t nasa mga bisig ko ang babaeng mahal ko.Bahagya kong itinuon ang aking tingin sa babaen
Sylviea's Point Of ViewHe softly brushed my hair, animo’y hinihili ako. Pero hindi ako pwedeng matulog. Hindi dahil may kailangan akong gawin.Matapos ang ilang minuto kong pagpapanggap ng natutulog ay doon lang din tumigil si Niro sa pagsuklay sa buhok ko, humalik siya sa noo ko pagkatapos.Maya-m
Sylviea’s Point Of ViewNapatitig ako sa kaniyang mga mata. Ang lalim. Ang seryoso. Pero sa likod ng mga titig na iyon ay ang init na tila unti-unting tumutunaw sa lahat ng pader na pilit kong itinatayo sa pagitan naming dalawa, harang para hindi ako ako tulyang mahulog sa taong kailangan kong sakta







