LOGINGood morning po.
Napakuyom ang mga kamao ko. Kaya pala masyado silang malapit!Pero hindi iyon ang importante ngayon! At wala akong pakialam kung isa pala itong makapangyahirang tao.Mabilis akong lumapit kay Aries. Ang mga mata ko ay madilim at puno ng galit.“Nasaan siya?!” sigaw ko, sabay kwelyo nang mahigpit sa mamahaling polo niya.Hindi natinag si Aries. Kalmado lang siyang nakatingin sa akin, pero may halong inis sa mga mata niya. “You’re not on your territory, you have no power here.”Mas lalo akong naisis, hindi na ako nag-isip. Binitawan ko ang kwelyo niya at mabilis na pinakawalan ang isang malakas na suntok na tumama mismo sa panga niya.Napadaing si Aries at umatras ng isang hakbang. Pumutok agad ang gilid ng labi niya. Mabilis na gumalaw ang mga gwardya niya para lumapit, pero itinaas ni Aries ang kamay niya para patigilin sila. Pinunasan niya ang dugo sa labi niya gamit ang likod ng palad niya.Pero bago pa ako makagalaw ulit, bumawi siya. Isang matigas at mabigat na suntok ang pinakawa
“Niro, umuwi ka na muna rito,” seryosong boses ni Nigel sa kabilang linya.“Hindi ako uuwi hangga't hindi ko siya nakikita! May gustong pum*tay sa kan’ya kaya hindi ako pwed—” sigaw ko.“Kaya nga kailangan mong bumalik rito!” sagot ni Nigel, mas malakas ang boses. “Aries is also not here. Wala siya sa kwarto niya. Pati ang sasakyan na ginagamit niya, nawawala rin. I think I know kung nasaan sila, Niro.”Natigilan ako. Si Aries? Ang personal assistant ni Nigel na dating guard ni Sylviea? Magkasama sila? Bakit? Paano?“Papunta na ako,” mabilis kong ibinaba ang tawag.Muling umarangkada ang sasakyan ko pabalik sa mansyon. Umaga na. Unti-unti nang sumisikat ang araw. Halata sa mukha ko ang matinding puyat, pagod, at pag-aalala. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko at ramdam ko ang sakit ng ulo ko dahil sa mga nangyari, pero hindi ko pwedeng tigilan ito. Kailangan kong makita si Sylviea.Pagkarating ko sa mansyon, nakaabang na si Nigel sa labas ng gate. Agad itong lumapit at pumasok sa loob ng
Niro’s Point Of ViewWala siya.Wala si Sylviea.“F*ck! Where is she?!” Sigaw ko, umalingawngaw ang boses ko sa buong lugar. Sinubukan ko pa ulit namaghanap pero talagang wala siya.Mabilis akong lumabas ng kwarto at sumigaw mula sa second floor hallway. “Spencer! Ipadala mo ang lahat ng tauhan natin sa labas! Hanapin niyo si Sylviea! Now!”Nataranta ang lahat ng gwardya sa ibaba. Nagkanya-kanya sila ng labas, kinukuha ang mga flashlight at sasakyan para halughugin ang buong paligid ng mansyon.Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ako mapakali. Paano kung nakuha siya ng ibang tauhan ng lalakeng iyon? Paano kung nasaktan siya? Paano kung habang nag-aaway kami ni Veronica sa ibaba, may nangyari na palang masama sa kaniya rito sa itaas?Ang daming tumatakbo sa isip ko na halos ikabaliw ko na. Binilinan ko na rin si Spencer napiliting magsalita ang lalaking iyon at si Veronica kung nagalaw na nila si Sylviea. Pero kahit anong pananakit ang gawin sa lalaki, hindi pa raw nito
“I’ll take care of it! Just don’t stress yourself. Makakasama 'yan sa baby natin…”Sandali akong napatigil nang marinig ko ang sunod na sinabi niya sa Video.Baby natin?Parang may malakas na bombang sumabog sa loob ng utak ko. Tumigil ang pag-ikot ng paligid. Dumilim sa galit ang paningin ko!Para akong naistatwa, para akong binuhusan ng malamig na tubig! Pakiramdam ko’y pinaglaruan na naman ang kahinaan ko! Pakiramdam ko’y paborito akong paglaruan ng tadhana.And Veronica!“Get her.” Malamig, deretso kong sabi.Tumango si Spencer sa isa pang gwardya. Ilang saglit lang, narinig ko na ang mga pamilyar na pagmamaktol, pag-iinarte, at pagtili mula sa hagdan. Kumukulo ang dugo ko!“Bitiwan niyo ako! Ano ba?! Masasaktan ang baby ko! Niro! Niro, tulungan mo ako! Sinasaktan nila ako!” tili ni Veronica.Kinaladkad siya ng dalawang gwardya papasok sa sala. Marahas siyang binitawan sa gitna, eksaktong sa tabi ng nakaluhod na lalaking nanloob sa bahay ko.Pagkakita ni Veronica sa lalaking nakag
Niro’s Point Of ViewTahimik. Malamig. Pero umaapoy ang buong katawan ko sa galit.Nakatayo ako sa gitna ng malawak na living room, mag-aalas dos palang ng madaling araw pero nabulabog ang buong mansion.Sandali akong namulsa, igting ang panga at nakatingin ng malagkit sa lalaking nakaluhod sa harap ko.May dugo sa gilid ng labi nito, putok ang kilay, at mahigpit na nakagapos ang mga kamay sa likod gamit ang makapal na tali.Nakatayo sa likod nito si Spencer, mahigpit na nakahawak sa buhok ng lalaki para pilitin itong tumingala at harapin ako.“What are you doing here? Anong pakay mo?” matigas ulit na tanong ni Spencer. Ibinagsak ni Spencer sa mesa ang mga nakuha nila mula sa lalaki. “What’s with this gun with silencer and even knife?”Hindi ito sumagot. Pilit nitong nilalayo ang tingin niya sa akin, ayaw ipakitang natatakot ang mga mata niya. Kaya lumapit ako sa mesa at kinuha ang mismong kutsilyo.Sandali kong ipinantay ang sarili ko sa kan’ya. Walang pasabing pinadaan ang talim ng
Aries’ Point Of ViewYes! Tama si Sylviea. May punto siya. Hindi ko mismo nakita na si Niro ang kausap ni Veronica! Hindi ko sigurado kung boses ba iyon ni Niro! I was blinded nang marinig kong ipapatay nila si Sylviea.It is really possible na hindi nga si Niro ang kausap ni Veronica sa loob ng kwarto. Maybe it was the real father ng pinagbubuntis ni Veronica? Pinapasok niya sa mismong bahay ni Niro? Para ipapatay si Sylviea? Ngayong gabi.Still Sylviea is in danger! I’m not armed in this fucking house and if that’s the case I can’t protect Sylviea in gun vs. gun in a worst case scenario kaya mas mabuting unahin parin ang kaligtasan niya.Kaya hindi mahalaga ngayon kung si Niro man ang narinig ko o hindi. Isa lang ang malinaw sa akin, may gustong pumatay kay Sylviea ngayong gabi, at nasa loob na ito ng bahay.Hindi ko isasaalang-alang ang kaligtasan ni Sylviea para lang alamin kung ano ang totoo ngayon. Kung hindi si Niro ang narinig ko, haharapin ko siya kinabukasan. Pero kung hindi,







