Share

Love Scam 18:

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-08-14 20:08:56

Kay Charlotte.

Natigilan si Niorr. Huminto ang kaniyang mga hakbang. Ang buong paligid ay tila tumahimik habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng babae.

Ang malalaking mata nito na puno ng inosenteng takot, ang maliit nitong mukha, at ang buhok na bumabagsak sa balikat nito.

Pamilyar. Napakapamilyar.

Bumilis ang tibok ng puso ni Charlotte. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin, yumuko upang itago ang kaniyang mukha. Ngunit huli na ang lahat.

Sa utak ni Niorr, nag-flashback ang g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 18:

    Kay Charlotte.Natigilan si Niorr. Huminto ang kaniyang mga hakbang. Ang buong paligid ay tila tumahimik habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng babae.Ang malalaking mata nito na puno ng inosenteng takot, ang maliit nitong mukha, at ang buhok na bumabagsak sa balikat nito.Pamilyar. Napakapamilyar.Bumilis ang tibok ng puso ni Charlotte. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin, yumuko upang itago ang kaniyang mukha. Ngunit huli na ang lahat.Sa utak ni Niorr, nag-flashback ang gabing iyon sa VIP corridor ng Grand Imperial Hotel. Ang babaeng nakabangga niya. Ang babaeng nanginginig na may hawak ng maliit at itim na vial. Ang babaeng mabilis na tumakas matapos ihulog ang ebidensya ng lason.Ang panga ni Niorr ay tumigas. Isang nakakamatay at madilim na aura ang biglang bumalot sa buong main hall.Naramdaman ito ni Vanessa kaya't napalingon siya sa direksyon na tinitingnan ni Niorr.“Who is she?” mababa at malamig na tanong ni Niorr, ngunit ang kaniyang mga mata ay hindi

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 17:

    “I will rip your heart out of your chest myself.”Ang malamig at walang-awang banta ni Niorr ay umalingawngaw sa kabuuan ng malawak na penthouse office.Tila yelo itong tumagos sa kalamnan ni Vanessa. Ang mga mata ng bilyonaryo ay walang bahid ng pagbibiro—isang patunay na handa itong pumatay kung kinakailangan upang protektahan ang kaniyang imperyo.Subalit para kay Vanessa, isang babaeng determinadong mabuhay at manalo sa isang mundong palaging nagpapatalo sa mga mahihirap, ang takot na ito ay mabilis niyang kinubli sa ilalim ng kaniyang matapang na panlabas na anyo.Nakuha niya ang kaniyang gusto. Hindi man direktang pera, nakuha niya ang pinakamahalagang tiket—ang atensyon at pananagutan ni Niorr Figarlan.Lumunok si Vanessa at pilit na itinuwid ang kaniyang tindig. “Tatanggapin ko ang mga kondisyon mo. Susunod ako sa lahat ng ipag-uutos mo sa loob ng mansyon. Ngunit may isa rin akong kondisyon.”Kumunot ang noo ni Niorr. Isang mapanganib na titig ang ipinukol nito sa dalaga. “You

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 16:

    Hindi nagpatinag si Vanessa.“Hindi mo kailangang kilalanin ang bata ngayon. Pwede tayong mag-DNA test kapag pwede na,” sagot ni Vanessa, ang boses niya ay nagiging mas kalmado ngunit mapanganib.Pumitik ang mga daliri ni Vanessa patungo sa nagkalat na mga dokumento sa ibabaw ng lamesa ni Niorr.“Pero ngayon, meron kang mas malaking problema. The European Merger. Nabalitaan ko sa lobby pa lang.”Umikot ang mga mata ni Niorr at mas lalong dumilim ang kaniyang aura.“Ano ang mangyayari,” patuloy ni Vanessa, ang labi ay umarko sa isang ngiting demonyo, “kapag nalaman ng mga banyagang investors mo, na ang CEO ng Figarlan Empire, isang kumpanyang kilala sa matatag na moralidad at pamilya... ay nag-iwan ng isang desperada at buntis na babae sa kalsada matapos siyang abusuhin?”Kumuyom ang mga kamao ni Niorr.&n

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 15:

    Bumukas nang malakas ang pinto, lumikha ng isang malagim na tunog sa loob ng napakalaking opisina.Ang buong kwarto ay gawa sa mamahaling marmol at salamin. Sa gitna, nakatayo sa harap ng malaking bintana na tinatanaw ang buong lungsod, ay si Niorr Figarlan.May hawak itong baso ng whiskey, habang ang kabilang kamay ay nasa bulsa. Sa paligid ng malaking mahogany desk ay nakaupo ang tatlong lalaking abogado, halatang nasa kalagitnaan ng isang maselang diskusyon.Lahat sila ay napatigil at napatingin sa pumasok.Dahan-dahang lumingon si Niorr.Ang kaniyang mga mata ay dumapo kay Vanessa. Sa isang iglap, ang temperatura sa loob ng buong opisina ay tila bumagsak sa zero degrees.Nakilala agad ng bilyonaryo ang babae. Ang dumi na pilit niyang ipinatapon dalawang buwan na ang nakararaan. Ang babaeng nangahas na lasonin siya.Umusok ang ilong ni Niorr. Ang kaniyang panga ay tumigas na parang asero.“Sir, humihingi po kami ng pasensya, nagpumilit po siya—” tarantang pumasok ang mga guwardiya,

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 14:

    Ang main headquarters ng Figarlan Empire ay isang naglalakihang palasyo ng asero at salamin na nakatayo sa gitna ng pinakamayamang distrito ng siyudad.Ang gusaling ito ay simbolo ng yaman at walang hanggang kapangyarihan ni Niorr Figarlan. Ang sinumang tumuntong dito ay awtomatikong kinakain ng kaba at intimidasyon.Ngunit hindi si Vanessa.Pagbaba niya mula sa isang murang taxi, itinaas niya ang kaniyang baba. Suot ang kaniyang itim na blazer at pulang lipstick bilang sandata, naglakad siya papasok ng malaking glass doors ng gusali na parang siya ang nagmamay-ari nito.Ang tunog ng kaniyang takong ay mariin at punong-puno ng kumpiyansa.Sa malawak na lobby, sinalubong siya ng ilang mga nakatinging mata. Ang kaniyang ganda ay matalim, mapanganib.Lumapit siya sa front desk. Ang receptionist, na nakasuot ng perpektong uniporme, ay nag-angat ng tingin.“Do you have an appointment, Ma'am?” propesyonal na tanong ng receptionist.Tinitigan ito ni Vanessa nang malamig. Walang kurap.“I am

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Love Scam 13:

    Kinabukasan, ang maliit na inuupahang kwarto ay binalot ng nakakabinging katahimikan.Nakaupo si Vanessa sa gilid ng lumang kama, ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom sa ibabaw ng kaniyang mga hita.Sa loob ng banyo, nasa kamay ni Charlotte ang tatlong murang pregnancy test na binili niya gamit ang kaniyang huling pera.Isang minuto. Dalawang minuto. Tatlong minuto.Bumukas ang pinto ng banyo.Nakatayo si Charlotte, nanginginig ang buong katawan. Ang kaniyang mga mata ay puno ng luha ng pinaghalong takot at hindi makapaniwalang emosyon.Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Vanessa, hawak ang tatlong puting plastic sticks.“V-Vanessa...” humihikbing usal ni Charlotte, inilapag ang mga pregnancy test sa ibabaw ng kama.Lahat iyon, walang mintis. Dalawang malinaw at pulang linya.Positive.Tinitigan ni Vanessa ang mga marka. Hindi siya umiyak. Hindi siya natakot.Sa halip, isang dahan-dahan, mapanganib, at nakakalokong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.Hinawakan niya

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Chapter 70:

    Habang naglalakad kami pabalik, nangyari ang hindi inaasahan.Dahil sa pagdami ng mga tao na papunta sa stage para sa grand raffle, biglang nagkagulo ang daloy ng mga naglalakad. Isang grupo ng mga naghahabulang bata ang biglang sumulpot mula sa gilid. Isa sa kanila ang malakas na nabunggo sa braso

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Chapter 69:

    SYLVIEA’S POINT OF VIEWHindi ko kailanman inakala na darating ang araw na ito.Nakatayo ako sa gitna ng isang napakalawak na eco-park na eksklusibong nirenta ng Figarlan Group.Ang buong paligid ay ginawang isang malaking amusement park—may mga higanteng inflatables, maliliwanag na carousel, mga f

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Chapter 68:

    “Wag na nating pag-usap ang tapos na Niro—”Napapikit siya nang mariin. Ang kaniyang panga ay umigting. “I was a monster. I was hurting so deeply that I wanted to drag you down to the same hell I was in. At ngayon... hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko dahil doon.”Bumuntong-hininga ako,

  • Contracted To Break The Billionaire's Heart   Chapter 62:

    Sylviea’s Point of ViewHalos wala akong naging tulog.Sa bawat pagpikit ng aking mga mata, bumabalik sa akin ang boses ni Niorr bago siya tuluyang lamunin ng antok kagabi.“I hope I can have both my mommy and daddy... together.”Ang inosenteng hiling na iyon ng anak ko ay winawasak ang damdamin ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status