Teilen

Chapter 086

last update Veröffentlichungsdatum: 21.05.2026 16:25:04

-Ava-

Kahit nakahiga na ako sa sofa at nanghihina, dinig na dinig ko pa din ang mga nag-uusap sa paligid ko. Hindi ako maaaring magkamali, boses iyon ni Cinderella. Pero hindi ko kilala ‘yung kausap niyang lalake.

“Naibigay mo na ba sa amo mo ‘yung tea?” tanong ng lalake sa katulong nina Ada.

“Oo. Ano bang meron sa tea na ‘yan at kailangang ipainom sa kanya?” nagtataka namang tanong ni Cinderella.

“Hindi ko din alam. Baka pampatulog. Basta ang utos lang ni Madam Helen, ibigay mo daw sa anak ni
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel
Kommentare (6)
goodnovel comment avatar
Regina Bernal
update please
goodnovel comment avatar
Manilyn Gonjoran Awayan
nexxxxt author
goodnovel comment avatar
Regina Bernal
yes,Sana mabuntis na si Ava ,exciting na thank author.
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 098

    -Ava-“Sige na. Pumapayag na ako.” nakairap na sagot ko. “Pero daan muna tayo sa bahay dahil nandoon ang phone at wallet ko. Hindi ako pwedeng umalis nang hindi dala ang mga iyon.”“Huwag na.” inalalayan akong umakyat ni Marcus sa loob ng van. “Ibibili na lang kita ng bagong phone sa mall. At saka kung kailangan mo ng pera, magsabi ka lang sa akin. Wala ka namang gagastusin doon eh. Basta ako nang bahala sa’yo. Kargo kita, Ava.”Nang makaupo kami sa likod ng driver’s seat, tumingin siya sa relo niya at saka tinawag sina Ada na nag-uusap pa rin sa labas na akala mo ay may pinaplanong hindi maganda.“Guys, let’s go! Gagabihin tayo sa daan!” sigaw niya sa mga ito.Napalingon ako sa labas ng bintana sa gawi ko at nakita kong nag-uusap sina Daniel at Carlito ilang metro ang layo mula sa sasakyan.Dahil nakaharap si Daniel sa direksyon ko, agad nagtama ang mga mata namin. At sa sandaling iyon, napansin ko agad ang pagtalim ng tingin niya.Wala man masyadong emosyon sa kanyang mukha, may kak

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 097

    -Ava-“Are you sure?” taas ang kilay na tanong ni Marcus, at walang pag-aalinlangan namang tumango si Daniel.“Of course. Sobrang init ng panahon. Maganda rin siguro kung paminsan-minsan ay mag-enjoy din tayo.” sagot nito habang hawak ang isang kamay ni Ada. “Parang gusto ko ding bumili ng resort doon. What if magsosyo tayo sa negosyo, Marcus?”Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinasabi niya. Ang alam kong negosyo ng mga Harrison ay sasakyan at hotel. Kunsabagay, pwede namang magkonek ang hotel at resort. “Sure! Kung gusto mo, ikaw muna ang ang mag-finance.” nakangising suhestiyon ni Marcus. “Tapos bayaran na lang kita kapag kumita na yung resort. Ano, deal?”Tumaas ang isang kilay ni Daniel nang marinig ang sinabi ng kaibigan niya.“O sige, kung ayaw mo, kami na lang ni Ava ang aalis.” pananakot ni Marcus, at inakbayan pa ako para hilahin palabas ng restaurant, pero pinigilan ulit siya ni Daniel.“Deal.” sagot nito habang matamang nakatitig sa akin.Ngiting tagumpay naman si Ada

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 096

    -Ava-Lumayo muna ako sa kanila ng ilang metro at saka ko tinawagan si Buknoy. “Sir Daniel?” agad naman siyang sumagot, pero hindi ko akalain na kilala niya ang number ni Daniel.Talaga ba? Isang taga-timpla lang ng kape, alam ang personal number ng amo niya?“Buknoy…” mahinang pagtawag ko at nakilala niya agad ang boses ko.“Ava?” hindi makapaniwalang bulalas niya at sandali siyang natahimik. Sa hula ko’y tinignan niya ulit ang number ng tumatawag sa kanya. “Ava, kay Sir Daniel ito na number ah. Bakit ito ang gamit mo pangtawag?”“Asawa siya ni Ada, hindi mo ba alam?” mahinang bulong ko sa kanya, at agad ibinalik ang usapan sa totoong pakay ko. “Nasaan si Aries? Bakit hindi siya dumating?”“Ha? Hindi mo ba natanggap yung mga chat ko sa’yo? Hindi siya natuloy lumuwas dahil nawala ‘yung wallet niya sa airport ng Davao. Nasaan ba ang cellphone mo? Huwag mong sabihing tumuloy ka pa rin?”“Ano pa nga ba!” naiinis na singhal ko sa kanya. “Sana sinabi mo agad para hindi ako nag-aksaya ng or

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 095

    -Ava-“Sorry, lobat din ako eh.” sagot ni Aries na ipinakita pa ang screen ng phone niya sa akin.“Sige, okay lang. Mamaya na lang tayo magtext kay Buknoy. Saan mo nga pala gustong tumuloy? Sa isang hotel, o mumurahing motel?”“Motel?” bigla siyang natawa sa sinabi ko.“Bakit? May pera ka ba? Sige mag-hotel ka kung gusto mo.” masungit na saad ko. Siya naman itong natawa. “Why don’t we eat first? Actually, nagutom ako sa flight ko. I don’t really like the food on the airplane.”Nahihiwagaan na talaga ako sa lalaking ito. Sigurado ba si Buknoy na nagtitinda ito ng isda dati? Bakit sobrang puti nito, tapos natural ang brown na buhok. Tapos panay pa ang english!“Tara. May mga karinderya naman diyan sa paligid ng airport.” nagpatiuna na ako sa kanya sa paglalakad, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng isang taxi. “Hoy, teka! Saan tayo pupunta? Diyan lang ‘yung mga kainan o!”“Relax…” nakangiting ginulo niya ang buhok ko. Mabuti na lang at hindi ko suot

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 094

    -Ava-“Talaga?” ngumiti ako ng pilit. Hindi pa alam ni Buknoy na patay na ang inay. Gusto ko sanang makipagkita sa kanya, pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo, at baka mapaiyak na naman ako. Ayoko munang umiyak. Marami akong pinaplanong gawin kaya hindi ako pwedeng maging emosyonal ant baka masira ang lahat. Kapag nangibabaw ang emosyon ko, matatalo ako. Walang mangyayari sa paghihiganti ko. “Saan ka nakahanap? Anong trabaho mo?” tanong ko sa kanya.“Taga-timpla ng kape. Dito sa Harrison Group.” nakangiting sagot niya, at ipinakita niya pa sa video ang paligid niya. Napapalibutan siya ng mga bintanang salamin. “Nandito ako sa 40th floor ngayon, lunchbreak pa. Pero kapag hindi nagpapatimpla si Mr. Harrison ng kape, naglilinis ako sa mga office nila.” Napabalikwas ako ng bangon sa sinabi ni Buknoy. Sa lahat ng papasukang kumpanya, bakit sa Harrison pa?!“Bakit diyan ka nag-apply, Buknoy!” naiiritang tanong ko. “Seryoso? Taga-timpla ng kape? Eh graduate ka ng Architectur

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 093

    -Ava-“Ano? Pano mo ‘to nagawa, Ava! Di bale nang paiba-iba ka ng boyfriend, huwag ka lang maging kabit! At sa asawa pa talaga ng kakambal mo!” pumasok si Ingrid sa loob ng kanyang kuwarto at agad naman akong sumunod dito.“May plano ako, Ingrid. Lahat ng nanakit sa nanay ko, sisingilin ko.” sabi ko sa matigas na boses at saka inagaw ang panty na hawak niya. Kinuha niya ito mula sa plastic kung saan naroroon ang mga paninda niya sa online. “Babayaran na lang kita. Nasa bahay nila yung mga gamit ko. Naiwan kahapon nung dalhin nila ako sa bahay ng parents ni Daniel.” dagdag ko pa.“Ha?” litong-lito naman ang mukha niya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ko. “Kinuha ka nila at dinala sa bahay ng parents ni Daniel? Hindi ko gets, promise.”Pinaikot ko naman ang mga mata ko at saka ako nagsuot ng panty sa harap niya. “Ganito kasi ‘yon.” at ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari, simula noong gabi ng kasal nina Ada at Daniel, kung saan pumalit ako bilang si Ada, hanggang sa pinai

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status