Napahawak si Fourth sa sugat niyang nakabenda habang naglalakad palabas ng ospital. Mabagal ang bawat hakbang niya, hindi lang dahil sa kirot sa braso kundi dahil na rin sa bigat ng iniisip. Sa loob-loob niya, hindi pa rin niya matanggap kung bakit kailangan pa siyang pilitin ng kanyang ama na pasukin ang mundo ng negosyo, gayung may mga kapatid naman siyang mas bukas at mas interesado sa pagpapalago ng kanilang imperyo.
Halos lahat sa kanila pati na rin ang mga pinsan niya ay abala na sa kani-kanilang papel sa kompanya. Mga kasangga sa pagpapatatag ng pangalan ng pamilya Misuaris. Siya lang ang tila laging lumilihis ng landas. Ayaw niyang makisawsaw sa usapang negosyo, ayaw niyang makigulo sa sistemang hindi naman niya pinangarap. Napabuntong-hininga siya sumakay sa puting van. Pilit mang pumasok sa isip niya ang responsibilidad na hinihingi ng pamilya, hindi pa rin iyon magawang pumasok sa puso niya. Wala talaga sa loob niya ang salitang "negosyo." Hindi iyon ang mundong gusto niyang galawan. **** AT MALL "Sorry po, sir. Naka-freeze po ang card ninyo. Wala po ba kayong cash?" magalang ngunit nahihiyang tanong ng kahera habang nakatingin sa mamahaling mga damit na ipina-scan ni Fourth. Napatingin siya sa mga pinamili niyang mga designer clothes na trip niya lang bilhin. "I don't have any cash on me right now. Could you please try again? It seems like there might have been an issue with the system," tugon niya. The cashier nodded and swiped the card through the machine again, but it was declined once more. "Pasensya na po, sir, pero hindi pa rin po gumagana," sabi nitong may kaba sa boses. "Ok fine," may pagkainis na wika niya. Mainit ang ulo niyang lumabas ng mall habang nakabuntot ang tatlo niyang bodyguard at iba pang security personnel ng mall upang alalayan siya na huwag masyadong maipit sa mga taong naghihintay at gustong-gusto siyang makita. Syempre, napipilitan siyang ngumiti sa mga tao dahil sa loob-loob niya ay inis na inis na siya kanina pa. Inihatid siya ng mga ito sa exclusive parking lot kung saan nakaparada ang celebrity van na ginamit nila patungo sa mall. Nakangiti naman siyang nagpasalamat sa mga security personnel na umalalay sa kanya at sa iilang mga taong nakasunod sa kanila. Kumaway pa siya sa mga ito at nagtilian ang mga babae, halatang kinilig sa ginawa niya. Noong nasa biyahe na sila, kaagad niyang inilabas ang cellphone at tinawagan ang ama. Siguradong ito ang may kagagawan kung bakit hindi niya magamit-gamit ang credit card na dala niya. Iyong black card kasi ay kinuha ng kanyang ama sa kanya matagal na kaya pinagtitiisan niya na lang ang isa niyang card tapos pinakialaman na naman nito. [Hello? Do you need something?] tanong ng matanda sa kabilang linya, may bahid ng ngisi sa tinig nito. "Dad! Bakit mo pina-freeze ang card ko?!" singhal ni Fourth, litaw na litaw ang galit sa boses. [Fourth, I warned you many times. Kapag hindi ka pa nag-quit sa pagiging artista, mawawala sa’yo ang lahat,] malamig ngunit matigas na sagot ng ama. "Are you out of your mind, Dad?! Lahat ng perang nakapaloob sa card na 'yon, pinaghirapan ko! Pera ko iyon at katas ng pag-arte ko!" Aniya, pansin ang pagkayamot at panghihina ng loob. [You don’t have a choice, hijo. Sumunod ka na lang sa gusto ko, and you will get back your cards plus a lot of money.] "No," mariin niyang sagot. Ayaw niyang sumunod sa gusto nito. [Yes, son! If you continue to resist what I want you to do, tomorrow, I will publish your name in the newspaper as a gay man. Your career will be completely ruined. After that, I will disown you and make sure no company will hire you. Don’t you ever dare make me angrier, Fourth, or you’ll regret it! I’ll make your life a living hell, do you understand?!] Napalunok siya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong uri ng takot mula sa ama, isang malamig na banta na tila hindi lang galit kundi isang pangakong sisira sa buong kinabukasan niya. Nagpakawala siya ng isang mabigat na buntong-hininga. "Fine... Just give me time to think, Dad," mahinang tugon niya. [I want your final answer now, Fourth.] "But, Dad—" [YES or NO?! I want your answer now!] Napapikit siya sa tindi ng inis. God! Ayaw niyang mabuhay na walang pera. Tanggap niya pa kung hindi na siya aarte sa harap ng camera pero ang mawalan ng pera ay hindi niya makakaya. He didn't want to lose access to all the comforts he had grown so used to over the years. From the luxurious lifestyle, the fine dining, the exclusive places, to the security and freedom that came with his status, lahat ng iyon ay bahagi na ng kanyang araw-araw na routine. The thought of being cut off from all of it made him uneasy. Takot siyang mawala ang lahat ng mga pribilehiyo na laging nandiyan para sa kanya, at hindi niya kayang isipin kung paano siya mabubuhay ng wala ito. "Y-Yes," mahina niyang sagot. [Yes for what?] "I'm quitting s-showbiz," nanginginig na boses na sagot niya sa ama, bakas ang pagkatalo. [Good. Be prepared for the family meeting tomorrow. We’re going to the Xian’s place for the union negotiation with Ling Xian and his daughter, Feng Xian.] "Pero, Dad! Ayaw kong magpakasa—" [You are going to marry whether you like it or not!] putol ng ama niya, buo ang desisyon nitong ipilit siyang ipakasal kay Feng at walang espasyo para sa kanya upang tumutol. Napahilot siya sa sentido, aburido at hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam ng kanyang ama kung sino siya, alam nitong bakla siya pero bakit pa rin siya pinipilit ipakasal sa isang babae? "Ok," mahina niyang sagot bago ibinaba ang cellphone. Mahigpit ang hawak niya sa cp. Hindi ito ang buhay na pinangarap niya. Pero mukhang wala na siyang ibang pagpipilian. Matagal na niyang kilala si Feng. Isa ito sa mga kaibigan niya noong high school. Wala silang nararamdaman para sa isa’t isa. At alam niya, kung gaano siya kilala ni Feng lalo na bilang isang malanding bakla tuwing walang camera, sigurado siyang napipilitan lang din ito, tulad niya, na sumunod sa dikta ng magulang. [Tomorrow, you need to wake up early. We're heading to the Xian place first thing in the morning,] paalala ng kanyang ama. “Yes, Dad,” matabang na tugon ni Fourth. [By the way,] dugtong pa ng matanda. [Bukas ko rin ipapakilala sa’yo ang bago mong bodyguard. Isasama natin siya patungo kina Ling Xian.] Bahagyang napakunot ang noo. “May tatlo na kayong ini-hire na bodyguard para bantayan ako, tapos magdadagdag pa kayo?” reklamo niya, bakas sa boses ang labis na pagkairita. [Madali mo silang natatakasan, kaya humanap ako ng bodyguard na hindi mo matatakasan kahit anong gawin mo,] nakangising sagot ng kanyang ama, parang punong-puno ng kumpiyansa ang boses nito. Napairap siya. Hay! Nakakabuwisit talaga! Palagay niya, parang wala na talaga siyang kalayaan. [And I want you to know,] patuloy ng matanda. [Hindi lang siya magiging bodyguard mo, kundi siya rin ang magiging office secretary mo.] Nagliwanag ang mga mata niya. “Lalaking gwapo ba? Ilang taon na? Matangkad ba? Mabango ba siya?” may bahagyang sigla sa tono ng mga tanong niya, umaasang baka kahit papaano, may thrill pa rin sa bagong arrangement na kakaharapin niya. [Babae,] walang emosyon at diretso nitong sagot. Bigla siyang nadismaya. Bakit babae pa? “Basta ayaw ko ng chakang babae, Dad,” maarteng aniya. Nagpatuloy pa siya, at very specific na katangian ang mga hiningi niya. “Dapat maganda, sexy, makinis ang kutis, at maputi ang kili-kili. Kompleto rin dapat ang ngipin. Huwag na huwag n’yo akong bibigyan ng babaeng bodyguard na hindi naliligo!” Napangisi ang kanyang ama sa kabilang, wari’y sanay na sa mga kababawan at kapritso niya. [Don’t worry, hijo. Lahat ng nabanggit mo, makikita mo. Hindi siya pangit, kagaya ng iniisip mo.] Maluwag siyang napahinga. Mabuti kung gano’n. Sana lang talaga maging kasundo niya ito. Ayaw na niyang madagdagan pa ang stress sa buhay lalo’t alam niyang mapipilitan siyang tumapak sa mundong matagal na niyang iniiwasan.“Sige, sakay ka na,” saad ni Sixto kay Carmela, habang pinasasakay siya ng binata sa motorsiklo nito. “Hindi ba pwedeng sumakay na lang tayo ng van?” suhesyon ni Carmela. Naka-park lang naman ang van sa parking lot, saka marunong naman mag-drive ng kotse si Sixto. “Baka kasi umulan, mabasa pa tayo,” dagdag pa niya. “Sa motor na lang. Tayong dalawa lang naman ang pupunta roon. At saka, masikip ang daanan ng baryong pupuntahan natin, mahihirapan tayong humanap ng parking lot doon,” kalmadong paliwanag ni Sixto. Napabuntong-hininga naman si Carmela. “Huwag nang maarte. Sa probinsiya n’yo nga, kalabaw lang raw ang sinasakyan ninyo ni Caramel noon,” dagdag pa ni Sixto na may halong biro. “Noon 'yon,” asik ni Carmela, at napilitan na ring sumakay sa motor. Hinintay siya ni Sixto na maisaayos ang pagkakasuot ng helmet bago pinaharurot ang bigbike. Mabilis ang pagpapatakbo ni Sixto kaya napakapit agad si Carmela sa beywang ng binata. Hindi niya akalaing medyo malayo pala ang baryong ti
"Gusto mo bang sumakay ng kabayo? Sabi sa akin ni Caramel, gusto mo raw mag-try ng horseback riding," saad ni Sixto, pilit binabasag ang tensyon sa pagitan nina Carmela at Luis. Ramdam ni Sixto ang paminsang tagpong tumitigas ang panga ni Carmela at kung paano siya iwas na iwas kay Luis. Hindi man siya nagtatanong, alam na niyang may mabigat na kasaysayan ang dalawa. Ayaw lang niyang mas lumalim pa ang awkwardness sa pagitan nila, lalo’t kasama si Olivia. “Me! I want a horseback riding, Tito Sixto!” magiliw na sabat ni Olivia. “Why not, Carmen? Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin,” ani ni Sixto sa bata bago nito binuhat si Olivia at pinasakay sa itim na kabayo. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Carmela habang pinagmamasdan ang tiyo at pamangkin. “Dito ka na sumampa sa puting kabayo, Carme. Tulungan na kita,” sabat naman ni Luis na agad ikinaasim ng mukha ni Carmela. Napahalukipkip siya at mariing tiningnan si Luis. “Ayaw ko,” agarang tanggi niya. “Past is past, Carmela. Ibaon mo na
Maaga silang bumiyahe kasama ang buong pamilya. Alas-4 pa lang ay gising na si Carmela at naghanda agad kasama ang kanyang ina para makalarga nang maaga. Tatlong magkasunod na white van ang bumabaybay sa liko-likong daan na may mga lubak, kaya bawat liko ay halos manginig ang buong sasakyan. Isang van para sa pamilya ni Caramel, ang isa ay sa pamilya nina Carmela, at ang isa pa ay sakay ang ilang tauhan ni Fourth. Naroroon din sa van na iyon ang mga gamit at pagkaing kakailanganin nila. Malayo kasi ang Granja Luz del Sol, mga dalawang oras mula sa lungsod, tapos masukal at makipot pa ang daan papuntang bukid kaya pinaghandaan na nila ang lahat para hindi na kailangang magpabalik-balik pa. Labinlimang minuto pa lang sa biyahe ay nagsalampak na ng headset si Carmela sa tainga at nagpatugtog. Tahimik lang sa tabi niya si Firlan, nakatanaw sa bintana na parang malalim ang iniisip. Napapahikab si Carmela; kulang pa talaga ang tulog niya. Halos madaling-araw na siya nakatulog dahil sa dam
“Anong mukha 'yan, Carmela? Halatang stress ang fislak mo, girl,” sabi ng ate niyang si Caramel. “Summer break ngayon, tapos ikaw, mukhang nauna na sa Undas,” dagdag pa nito habang buhat-buhat ang pang-apat nilang anak ni Fourth, si Theo Oliver Jr. Napakamot sa ulo si Carmela. Hindi biro ang pagiging public school teacher, sobrang stressful dahil sa dami ng gawain. Elementary Education ang kinuha niya noong college, at sa awa ng Diyos, nakapasa rin siya sa LET Exam. Nagpa-rank agad siya para makapagturo sa elementarya, pero hindi niya alam na 90% backer system pala ang labanan para makapasok bilang public teacher. Kaya ayun, ilang beses siyang nagpa-rank pero hindi nakakuha ng item. Sabi ng iba, “Mag-master’s degree ka, mas malaki ang chance mo na matanggap,” kaya kahit kakapasa pa lang niya noon ng LET, nagdesisyon siyang kumuha ng Master's Degree. Nakapasa naman siya, nagpa-rank ulit… pero wala pa rin. Ang dahilan? Kulang daw siya sa experience. Tàngina talaga. Dahil doo
Hindi inakala ni Carmela na ang isang simpleng bakasyon sa farm ng kanyang half-sister ay magbabago ng kanyang pananaw sa linték na pag-ibig. As a hardworking public high school teacher, wala siyang oras para sa love life, especially not for a man like Sixto Misuaris. Pero, sa isang hindi inaasahang halik mula sa binata ang biglang nagpabago sa mahigpit niyang pananaw. She was hooked on his charming yet hilarious antics which made her short summer vacation memorable. From one accidental kiss to an unexpected love story.
Hi readers, Thank you ulit sa suporta ninyo sa librong ito. You can check out my other books if you like. I also have the next-generation sequel story to this book. Title: My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong Ito ang love story ni Olivia Carmen, ang anak nina Caramel at Fourth. Pero nasa ibang genre na siya. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa light romance and comedy genre katulad nitong libro nina Caramel at Fourth, dahil sa totoo lang, seryoso na ang buhay ko ngayon. Eme. Drama is life now, and I’m also trying to dive into more mature and mysterious vibes of stories. I hope mapagtagumpayan kong matapos ang new story ko. Yun lang. SKL