LOGINCHAPTER 2
Malayo ako sa aking pamilya. Nandoon sila sa Negros habang nandito naman ako sa Cebu, nagtatrabaho at naghahanap-buhay ng mag-isa. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Sundalo ang Kuya ko ngunit mayroon na itong sariling pamilya. Pero nagbibigay pa rin naman siya ng tulong sa aming mga magulang. Ang bunso namin ay lalaki rin at nag-aaral pa bilang isang Senior High School student. Ang tanging nakakaalam lang na buntis ako ay ang kasama ko sa aking apartment na si Monica. At higit sa lahat, siya lang ang nakakaalam kung sino ang ama ng batang dinadala ko. Wala akong planong sabihin ito sa aking mga magulang. Hinding-hindi. Pastor ang aking ama at aktibo at ginagalang ang aking buong pamilya sa aming simbahan. Isang malaking kahihiyan ang dadalhin ko sa pangalan ng pamilya namin kapag nalaman nilang nabuntis ako at walang ama ang batang dinadala ko. Mas pipiliin kong itago ang katotohanan habang-buhay kaysa makita ko silang madismaya sa akin. Nandito ako ngayon sa loob ng isang magarbong kapehan, hinihintay ang pagdating ni Sir Julian. Usually kasi dapat twenty minutes before ang meeting ang nandoon ka na sa lokasyon. Ayaw na ayaw ni Sir Julian ang taong madalas malate. Sa isang magarbong cafe ang meeting place. May nakikita akong mga magkasintahan, mayroon ding nag-iisa at nagbabasa ng libro, at syempre hindi mawawala ang mga magkakaibigan. Ang ganda ng lugar at nakakarelax ang bawat sulok nito. Nakapag-order na ako ng cheesecake at iced tea para sa aking sarili, ngunit wala pa iyong bawas. Tinitigan ko lang ito habang hinihintay siya. Limang minuto ang dumaan at nakita na ng aking mga mata si Sir Julian. Agad na nakuha niya ang atensyon ng lahat. Magkasalubong ang kanyang makakapal na kilay at kahit sino ay matatakot kapag nakasalubong mo siya. Tinitigan ko siya, at muling namangha ako sa kanyang tindig. Ang lalaking ito ang ama ng aking anak... "Good afternoon, Sir. What do you want to order?" Tanong ko agad sa kanya nang maupo ito sa aking harapan. "Usual order, Callie," sagot niya. Kinuha niya sa loob ng suot na coat ang wallet at binuksan iyon. Inilahad niya sa akin ang kanyang black card. "Okay, Sir," sagot ko bago tumayo. Naiisip ko pa lang ang matcha ay may namumuo ng laway sa loob ng aking bibig at parang nasusuka na ako. Parehas naming paborito ang matcha. Iyon ang madalas naming order sa tuwing nasa isang cafe ang meeting niya. Kaya iced tea ang inorder ko ngayon ay dahil ayaw kong makaamoy o makakita ng ni katiting na lasa ng matcha. Nang matapos ko siyang iorder ay bumalik na rin ako sa aming mesa. Iniwas ko agad ang aking tingin nang inilapag na ng waiter ang matcha sa ibabaw ng mesa namin. Napahawak ako sa aking bibig at hindi sinasadyang napaubo nang malakas. Napatingin siya sa akin at inabot ako ng isang malinis na tisyu mula sa gilid ng mesa. "What's wrong? Are you sick?" Nagtatakang tanong niya sa akin. "Wala, Sir. Nasamid lang po ako," mahinang sagot ko at pilit na ngumiti. Dumating na ang lalaking kameeting niya at hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan. Sa oras na iyon ay tila lumalabo na ang aking paningin. Sa ilalim ng mesa, palihim kong hinaplos at hinawakan ang aking tiyan. Anak, 'wag mo naman pahirapan si Mommy. Bakit ayaw mo ng matcha? Langhap na langhap ng aking ilong ang amoy ng matcha. Hind na ako makahawak ng maayos sa ballpen at notebook Tagaktak na rin ang aking pawis mula sa aking noo at likod. Tila hindi naririnig ng aking anak ang pakiusap ko. Naluluha na ang aking mga mata hanggang sa hindi ko na iyon makayanan. Naduwal na ako kaya tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking dalawang kamay. Nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. Mabilis akong tumayo. "Excuse me, Sir," sabi ko sabay tayo ng mabilis. Mabilis at nanginginig ang aking bawat hakbang papunta sa loob ng restroom. Padabog kong binuksan ang isang cubicle at sumuka ako nang sumuka doon. Parang kahit ang aking lamang loob ay nailabas ko na ata. Pati lakas ko ay naubos. "Callie, are you there? Are you okay?" Rinig kong sigaw ni Sir Julian pero hindi ko siya masagot dahil hindi pa rin ako tapos dito. Habang nasa ganuong kalagayan ako, naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng cubicle. Hindi na ako nagulat. Alam kong siya ito. Naramdaman ko ang mainit at magaspang na palad niya na dahan-dahang humahaplos at gumagapang sa aking likuran, tila pinakalma ang buong katawan ko. Pagkatapos, marahan niyang inipon ang mahaba kong buhok at itinago ito palikod sa aking balikat at likod ng tenga upang hindi ito sumabit sa aking mukha. “What did you eat? You didn't even touch the cheesecake that you ordered,” tanong niya sa akin nang medyo makabawi na ako ng lakas at nahimasmasan na. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking katawan, ngunit may nararamdaman akong mainit na tensyon habang sumusulyap ako kay Sir Julian. Nakatayo pa rin siya sa aking likuran, nakasandal ang balikat sa pader, ang kamay ay nasa loob ng magkabilang bulsa ng suot na slacks, habang hinihintay ako. May ilang babae na sana ang nagbabadyang pumasok sa loob ng rest room. Ilang beses na silang sumilip sa pinto ngunit agad silang napapaurong at walang may lakas ng loob na magreklamo at pumasok. Pagkatapos kong magmumog at hinugasan ko ang aking mukha ay hinarap ko siya. “Hindi ko po alam, Sir... bigla na lang po sumama ang pakiramdam ko kanina. Iinom na lang po ako ng gamot mamaya pag-uwi,” mahina at garalgal na sagot ko. Mabibigyan pa kaya ako ng pagkakataon? Mabibigyan pa kaya ako ng pagkakataon na masabi sa kanya na ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan ay siya ang ama? O mananatili na lang ba itong lihim habang-buhay?CHAPTER 70"Hindi ganoon kadali 'yon, Monica. Madaling sabihin pero mahirap gawin,"Hindi naman namin napag-uusapan ni Sir Julian ang tungkol doon. Hindi ko alam kung isa ba sa plano niya iyon. Ang mahalaga lang naman sa akin na nand'yan siya para tumayong ama sa anak naming dalawa."Madali lang 'yon. Sasabihin ko kay Sir Julian 'wag kang mag-alala," Sinamaan ko agad siya ng tingin. Ako pa ang gagawa ng paraan? Dapat si Sir Julian na! Well, I can't deny that I am just waiting for him. Kung ayaw niya ayos lang naman sa akin. Gaya nga ng sabi ko, basta nand'yan siya para kay Cael."Tumigil ka. Sa dami ng mga problema namin ay mahirap ng isingit 'yan. Tsaka na ang landi, puputi ang buhok ko sa dami ng mga problema,"Umupo siya sa aking tabi at inakbayan niya ako. Sinandal ko naman agad ang aking ulo sa balikat niya. Salamat at nandito palagi si Monica para sa akin. Na hindi niya ako iniiwan kahit na ano man ang nangyayari sa buhay ko.Nandito pa rin siya para sa akin simula nung una ha
CHAPTER 69Tumigil ata ang aking buong mundo nang marinig ang sinabi ni Sir Julian. Alam ni Ma’am Sophia. Ang tanong ko ay kailan niya pa alam? Matagal na ba? That’s why she kept on messaging me and asking if I already give birth.“How long did she know? Matagal na ba?” Umiling siya.“Just recently. I already had a plan to clear your name. Kung ayaw niyang sabihin ang totoo, then I have no choice but to speak up,”Silang dalawa lang ang makapagpapatunay na wala akong kasalanan. Na wala naman pala akong inagaw. Sila lang ang paniniwalaan ng mga tao. It will be useless for me to speak up. “Don’t worry. I will clear your name and sue everyone who are at fault of spreading fake news,” paninigurado niya sa akin. Narinig namin ang pag-iyak ng aming anak kaya nagmamadaling lumapit si Monica sa amin upang iabot si Cael.“Hindi pa talaga ako ready maging mommy! Takot pa ako kapag umiiyak na ang bata! Baka kapag umiyak ang anak ko ay mag-iyakan na lang kaming dalawa dahil hindi ko alam kung
CHAPTER 68Pinili kong mag deactivate na lang ng aking mga social media accounts para na rin hindi ako masaktan sa mga nababasa ko. Kalat na kalat na ang buong mukha ko at pinagpipyestahan na ako ng mga tao. Ang daming nakikisali at nakikisawsaw sa issue. Ang iba ay kulang ang iba naman ay sobra. Hindi na makatotohanan ang lahat. Hindi malabo na hindi ito makarating sa magulang ko Babad si Mama sa social media. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Kung sabihin ko man ang totoo, may maniniwala kaya sa akin? Sa tingin ko kung magpapaliwanag pa ako, magsasayang lang ako ng oras at laway. Kasi alam kong walang maniniwala sa akin kahit na ano ang gawin ko. Kaya hindi ko alam kung paano ba ako magpapaliwanag sa kanila na paniniwalaan nila ako. Mababaliw na ako rito dahil wala pa akong makausap. I did not disturb sir Julian. Pinagbibigyan ko muna siya ng oras na ayusin ang mga gulo. Si Monica rin, may trabaho pa ang kaibigan ko. Hindi naman pwedeng buong araw niya akong
CHAPTER 67Halos sabunutan ko na ang aking sariling buhok dahil sa aking problemang kinakaharap. Hindi dapat ako nagiging stress dahil kakapanganak ko lang. Pero sunod-sunod na agad ang mga problemang dumating sa amin. It seems like they don’t want us to enjoy and cherish the moment of being parents. Ang daming mga problemang dumadating sa amin. Pero alam naman ni Ma’am Sophia na hindi sila totoong magkarelasyon ni Sir Julian. Kung may respeto siya sana pumayag na siyang itigil na nila. Para na rin 'yong mga tao ay matigil na.“Let me handle this, Callie. You don’t have to worry about anything, okay? Ako na ang bahala rito. Just be with our son,” sabi ni Sir Julian at inakbayan ako. Dinampian niya ng halik ang aking noo. “Kung sakaling malaman niya, we can’t do anything about it. Pero ang mga opinyon ng mga tao, doon ako natatakot. Baka sabihin nilang inahas kita habang may relasyon kayong dalawa,”We both know na pagpapanggap lang ‘yon. Ngunit hindi iyon alam ng mga tao. Wala silang
CHAPTER 66Pero I am thinking kung ano ang dapat kong gawin para makausap ng masinsinan ang aking mga magulang. I still can’t travel, it would be very risky for my son. Kung sa tawag ko lang sila kakausapin, hindi dapat sa tawag pinag-uusapan ang tungkol dito. It should be and it must be in person. Hindi rin pwede na papuntahin ko sila rito. That’s not a smart move. What should I do? Kailangan sabihin ko na sa kanila sa mas maagang panahon. Dapat maunahan ko si Ma’am Sophia bago pa siya pumunta sa lugar namin. If ever magtanong siya sa pamilya ko kung nanganak na ako, it would be very strange for her na walang alam ang buong pamilya ko na nabuntis ako. Ilang araw kong pinag-iisipan kung ano ang dapat kong gawin. But up until now, wala pa rin akong desisyon. Sa tuwing tumatawag si Mama sa akin, sinisigurado ko na malayo ako kay Cael. Kasi baka biglang umiyak at marinig pa ni Mama na may sanggol akong kasama. “Sir Julian, sa tingin ko hindi na ako makakabalik pa sa pagtatrabaho bila
CHAPTER 65Lumipas ang dalawang linggo na hanggang sa bakuran lang ang nararating ko. Walang kahit na sinong bumibisita sa anak namin, kahit pa si Monica. We want to keep it secret to everyone. And also, it's for the safety of our baby. We calculate the moves that we make. Bumalik na sa kanyang trabaho si Sir Julian. Naiwan kami ni Cael kasama ang mga tauhan niya. Double ang nakabantay sa loob at labas ng bahay. May cctv ang bawat sulok. The security is super tight.Nakatanggap ulit ako ng text mula kay Ma'am Sophia habang nagpapadede ako sa aking anak. Pangalawang text niya na ito. At ganoon pa rin, nagtatanong siya kung nanganak na ba ako. Natatakot ako na makatanggap ng text mula sa kanya. Napapraning na ata ako. 'Hi, Callie! I hope you are doing well! I am currently here at Julian's company and you're not here na pala for how many months. Kung nanganak ka na, I wanna see your baby! I wanna be a ninang!'Humigpit ang kapit ko sa aking anak. I don't want him to see my son. Never.
CHAPTER 6“Are you okay? Does it hurt?” nag-aalalang tanong niya sa akin.Mabilis kong inalis ang kanyang kamay mula sa aking tiyan. Ayokong may makakita sa aming dalawa at mapag-usapan pa kami ng iba. “Ayos lang po ako, Sir…” sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya, ang paghawak sa
CHAPTER 5“Sir, I will just remind you that you have a meeting with the investors later at 2 pm,” paalala ko sa kanya.Limang buwan na ang aking tiyan, kapag nagsusuot ako ng mga pencil skirt ay halata na ang umbok ng aking tiyan. Kaya ang ginagawa ko palagi ay nagsusuot ako ng dress na maluwag sa
CHAPTER 4Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga nang marinig ko iyon mula sa mga labi ni Sir Julian."Sir, pasensya na po. Hindi naman po magkakaroon ng problema kung magtatrabaho ako habang buntis ako, Sir. Hindi na po mauulit 'to," pagpapaliwanag ko.Hindi ako pwedeng mawalan ng
CHAPTER 1Ang maririnig mo lang sa loob ng office ay ang tunog ng pagtitipa sa keyboard. This is the usual day in the office. Tahimik, pormal, at puno ng trabaho.I slowly lifter my eyes and stared at Sir Julian's direction.Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Binitawan ko ang h







