แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: kenkenrows
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-10 23:20:16

CHAPTER 3

Lumipas ang mga araw at naging mas mahirap para sa akin na itago ang aking pagbubuntis. Madalas ay inaantok ako, at ilang beses na akong nahuhuli ni Sir Julian na nakakatulog sa oras ng trabaho.

“Aren’t you getting enough sleep at night?” nagtatakang tanong ni Sir Julian dahil nahuli na naman niya ako sa ikalawang pagkakataon ngayong araw.

“I'm sorry, Sir! Sorry po talaga. Hindi na po ito mauulit,” paghingi ko ng paumanhin sa kanya habang inaayos ang aking sarili.

Ang bigat-bigat palagi ng talukap ng aking mga mata at ang sarap na lang humilata sa kama buong araw.

“You know, I think you should take some time off, Callie. I’ve noticed you haven’t been at your best lately,”

Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at pinatong iyon sa aking hita, pilit na pinipigilan ang panginginig.

“Pasensya na po talaga, Sir... Hindi na po mauulit,” nakayukong sagot ko.

“It's alright,” aniya bago binalik ang atensyon sa kanyang mga papeles.

May meeting si Sir Julian sa loob ng conference room kasama ang mga board members ng kumpanya. Nasa gilid niya lang ako at sinusulat ko ang mga mahahalagang pinag-uusapan nila. Sa kabilang gilid naman ay doon nakaupo si Sophia, ang girlfriend ni Sir Julian.

Siya ang tagapagmana ng mga Zarrosa, isang ring makapangyarihan sa mundo ng negosyo. Maputi ang kanyang balat, maliit at perpekto ang hugis ng mukha, singkit ang mga mata, at hanggang balikat ang haba ng buhok. Sa tuwing nagsasalita ito ay napakalambing ng kanyang boses. Dalawang taon na silang dalawa ni Sir Julian at hindi ko pa nakitang sweet sa kanya si Sir. Pero baka hindi lang din pinapakita ni Sir ang sweet side niya sa ibang tao.

Sa nangyari sa aming dalawa ni Sir Julian, alam kong sinira ko ang tiwalang ibinigay niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng konsensya. Sa tuwing kasama ko si Sir Julian ay kampante ito. Pero nagawa ko siyang pagtaksilan.

Alam kong walang kapatawaran ang aking ginawa.

Napaharap ako sa aking sentido nang biglang umikot ang aking paningin. Unti-unting naging mahina ang mga boses sa aking paligid. Sinubukan kong ipikit ng dalawang segundo ang aking mga mata, umaasang mawawala lang iyon. Pumikit ako ng mariin. Ngunit nang imulat ko ang aking mga mata ay ganoon pa rin.

Nabitawan ko ang aking hawak na ballpen at narinig ko ang marahas na pagbagsak nun sa sahig.

Baby, 'wag ngayon, please. Nasa trabaho pa si Mommy.

Dahan-dahang binalot ng kadiliman ang buong paligid at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Dahan-dahankong minulat ang aking mga mata. Nasaan ako? 'Yan ang unang tanong na pumasok sa aking isipan nang magising ako. Nilibot ko ang aking tingin sa buong paligid at nakahinga ako ng maluwag nang makita nasa loob lang pala ako ng clinic dito sa kumpanya.

Teka...

Bumangon ako nang maalala ko ang huling nangyari kanina bago ako nahimatay. May meeting nga pala kami! Binaba ko na ang aking paa sa sahig at mabilis akong tumayo. Nanghihina pa rin ang aking tuhod Pero maayos naman na ang aking pakiramdam. Natural lang naman na mahimatay kapag buntis ka. Madalas akong nakakaramdam ng pagkahilo. Maselan talaga ang mga babae kapag buntis sila. Hindi naman ako ganito dati.

Ihahakbang ko na sana ang aking paa nang biglang bumukas ang kurtina at iniluwa nun ang nurse at kasunod din nitong pumasok si Sir Julian.

Tumitig siya sa akin nang matagal, seryoso at hindi mabasa ang kanyang ekspresyon. Ang kanyang matatalim na kulay emerald green na mga mata ay tila tumatagos sa aking kaluluwa.

“You are pregnant and you did not even tell me about it?”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • CARRYING MR. VICTORIAUX'S CHILD    CHAPTER 6

    CHAPTER 6“Are you okay? Does it hurt?” nag-aalalang tanong niya sa akin.Mabilis kong inalis ang kanyang kamay mula sa aking tiyan. Ayokong may makakita sa aming dalawa at mapag-usapan pa kami ng iba. “Ayos lang po ako, Sir…” sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya, ang paghawak sa aking tiyan.Lalong tumibay ang aking kutob. May alam siya… May alam siya… Ngunit mas nakakatakot pa rin ang kanyang pananahimik. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.Ibinahagi ko sa aking matalik na kaibigang si Monica ang lahat ng aking pagdududa. Nasa loob na ako ng aming apartment, at nakapatong sa aking kandungan ang isang lalagyan ng mangga at bagoong. Kahit gabi na ay patuloy pa rin akong kumakain, ito kasi ang gusto ng aking anak ngayong gabi.“Kinakabahan din ako para sa’yo, Callie. Base sa mga kwento mo, parang may kutob na rin akong may alam siya,” sabi niya habang maingat na kinukutkot ang kanyang kuko. Magkaibigan na kami mula pa noong senior high school, at saba

  • CARRYING MR. VICTORIAUX'S CHILD    CHAPTER 5

    CHAPTER 5“Sir, I will just remind you that you have a meeting with the investors later at 2 pm,” paalala ko sa kanya.Limang buwan na ang aking tiyan, kapag nagsusuot ako ng mga pencil skirt ay halata na ang umbok ng aking tiyan. Kaya ang ginagawa ko palagi ay nagsusuot ako ng dress na maluwag sa aking katawan. Pinipili ko ring magsuot ng kulay itim upang mas lalong matakpan ang aking tiyan. Hindi ko pa rin nasasabi sa aking mga magulang ang tungkol dito. Kapag nag-uusap kami sa isang video call ay mukha ko na lang ang aking pinapakita sa kanila. Napansin nga nila na medyo nagkaroon ako ng laman ngayon. Ganado akong kumain ngayong buntis ako. Kung ano-ano na lang ang aking cravings, na kahit madaling araw ay naghahanap pa ako ng pagkain. Dahil doon ay nadagdagan ang aking timbang.“When is your next check-up?” tanong niya sa akin. Mula sa kanyang laptop ay umangat ang tingin niya sa akin.Nang malaman niyang buntis ako ay napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Sir Julia

  • CARRYING MR. VICTORIAUX'S CHILD    CHAPTER 4

    CHAPTER 4Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga nang marinig ko iyon mula sa mga labi ni Sir Julian."Sir, pasensya na po. Hindi naman po magkakaroon ng problema kung magtatrabaho ako habang buntis ako, Sir. Hindi na po mauulit 'to," pagpapaliwanag ko.Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Dahil ngayon pa lang ay nag-iipon na ako para mayroon akong igagastos sa panganganak ko. Mag-isa ko lang siyang bubuhayin, kaya kailangan ko ng pera. Malaki ang kinikita ko rito sa kumpanya.Napailing siya at mas lalong nagalit sa aking sinabi. Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kasama naming nurse na nakatayo sa gilid.“Can you leave us alone for a moment? I just want to talk to her privately,” malamig na utos niya. Napayuko agad ang nurse at halos makita ko ang pangamba sa kanyang mga mata sa tigas ng boses ni Sir Julian.Lumapit agad ito sa akin nang marinig namin ang pagsara ng pinto, isang senyales na lumabas na ang nurse.“When did you find out you were pregna

  • CARRYING MR. VICTORIAUX'S CHILD    CHAPTER 3

    CHAPTER 3Lumipas ang mga araw at naging mas mahirap para sa akin na itago ang aking pagbubuntis. Madalas ay inaantok ako, at ilang beses na akong nahuhuli ni Sir Julian na nakakatulog sa oras ng trabaho.“Aren’t you getting enough sleep at night?” nagtatakang tanong ni Sir Julian dahil nahuli na naman niya ako sa ikalawang pagkakataon ngayong araw. “I'm sorry, Sir! Sorry po talaga. Hindi na po ito mauulit,” paghingi ko ng paumanhin sa kanya habang inaayos ang aking sarili. Ang bigat-bigat palagi ng talukap ng aking mga mata at ang sarap na lang humilata sa kama buong araw.“You know, I think you should take some time off, Callie. I’ve noticed you haven’t been at your best lately,”Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at pinatong iyon sa aking hita, pilit na pinipigilan ang panginginig.“Pasensya na po talaga, Sir... Hindi na po mauulit,” nakayukong sagot ko. “It's alright,” aniya bago binalik ang atensyon sa kanyang mga papeles.May meeting si Sir Julian sa loob ng conference room

  • CARRYING MR. VICTORIAUX'S CHILD    CHAPTER 2

    CHAPTER 2Malayo ako sa aking pamilya. Nandoon sila sa Negros habang nandito naman ako sa Cebu, nagtatrabaho at naghahanap-buhay ng mag-isa. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Sundalo ang Kuya ko ngunit mayroon na itong sariling pamilya. Pero nagbibigay pa rin naman siya ng tulong sa aming mga magulang. Ang bunso namin ay lalaki rin at nag-aaral pa bilang isang Senior High School student.Ang tanging nakakaalam lang na buntis ako ay ang kasama ko sa aking apartment na si Monica. At higit sa lahat, siya lang ang nakakaalam kung sino ang ama ng batang dinadala ko.Wala akong planong sabihin ito sa aking mga magulang. Hinding-hindi. Pastor ang aking ama at aktibo at ginagalang ang aking buong pamilya sa aming simbahan. Isang malaking kahihiyan ang dadalhin ko sa pangalan ng pamilya namin kapag nalaman nilang nabuntis ako at walang ama ang batang dinadala ko.Mas pipiliin kong itago ang katotohanan habang-buhay kaysa makita ko silang madismaya sa akin.Nandito ako ngayon sa l

  • CARRYING MR. VICTORIAUX'S CHILD    CHAPTER 1

    CHAPTER 1Ang maririnig mo lang sa loob ng office ay ang tunog ng pagtitipa sa keyboard. This is the usual day in the office. Tahimik, pormal, at puno ng trabaho.I slowly lifter my eyes and stared at Sir Julian's direction.Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Binitawan ko ang hawak na mouse at pinagbigyan ko ang aking sarili na titigan muna ito kahit isang minuto lang.He is very muscular, wide shoulders, defined chest and arms. He has a sharp jawline, high checkbones, and a very pointed nose. There is also a faint scar on his left eyebrow. Nakuha niya ito nung bata pa lang siya. Lalo lamang siyang nagmumukhang mapanganib at nakakaakit sa aking paningin. Ito ang pinakapaborito kong tingnan sa mukha niya, ang kanyang mga mata. He has emerald green eyes.Matagal na rin nang magsimula akong humanga sa kanya. Dahil sino ba naman ang hindi hahanga sa isang tulad ni Sir Julian? Pero ako na ata ang pinakaswerteng babae na humahanga sa kanya, dahil nakakasama ko siya araw

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status