เข้าสู่ระบบCHAPTER 5
“Sir, I will just remind you that you have a meeting with the investors later at 2 pm,” paalala ko sa kanya. Limang buwan na ang aking tiyan, kapag nagsusuot ako ng mga pencil skirt ay halata na ang umbok ng aking tiyan. Kaya ang ginagawa ko palagi ay nagsusuot ako ng dress na maluwag sa aking katawan. Pinipili ko ring magsuot ng kulay itim upang mas lalong matakpan ang aking tiyan. Hindi ko pa rin nasasabi sa aking mga magulang ang tungkol dito. Kapag nag-uusap kami sa isang video call ay mukha ko na lang ang aking pinapakita sa kanila. Napansin nga nila na medyo nagkaroon ako ng laman ngayon. Ganado akong kumain ngayong buntis ako. Kung ano-ano na lang ang aking cravings, na kahit madaling araw ay naghahanap pa ako ng pagkain. Dahil doon ay nadagdagan ang aking timbang. “When is your next check-up?” tanong niya sa akin. Mula sa kanyang laptop ay umangat ang tingin niya sa akin. Nang malaman niyang buntis ako ay napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Sir Julian. Sa tuwing nasa cafe ang meeting namin ay hindi na matcha ang madalas niyang order. Sa tuwing nakakatulog ako sa aking trabaho ay hindi niya rin ako sinisita o ginigising tulad ng dati. Sa tuwing pananghalian ay may binibigay din siyang pagkain para sa akin. Guni-guni ko lang ba ito. Kinakabahan na nga ako, baka may alam siya? May hinala na ba siya? Baka naaalala niya ang nangyari sa aming dalawa nung gabing iyon. Pero imposible naman. Ilang beses ko na siyang nakakasamang uminom, kapag lasing na lasing siya ay wala na itong maalala kinabukasan. “Bukas po, Sir. Nakapagpaalam na po ako sa inyo nung nakaraang linggo. Wala naman po kayong meeting bukas,” sagot ko. Nakaramdam ako ng hiya nang tingnan niya ang aking tiyan. Matagal siyang tumitig doon bago inangat ang tingin sa aking mukha. “I'll come with you,” Tama ba ang aking narinig? Sasamahan niya ako bukas? “Sir? Sasamahan niyo po ako? Bakit po?” nagtatakang tanong ko. Halos hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Bakit niya naman naisipang sumama sa aking check-up bukas? Nakakapagtaka... Bumilis ang tibok ng aking puso na tila ba gustong kumawala sa aking dibdib. Huwag naman sana... Huwag sana siyang maghinala na siya ang ama ng batang dinadala ko. “Yes, you heard it right. Go back to your work, no more questions,” aniya, at muling ibinaling ang kanyang atensyon sa kanyang laptop. Nanatili pa rin akong nakatayo sa aking pwesto, tila hindi maproseso nang maayos ng aking isipan ang kanyang sinabi. Bakit niya ba naisipang sumama? Bukas ay ang ikalawang check-up ko na, at noong una ay hindi naman niya ito inalok o inisip na samahan ako. Kaya labis na nakapagtataka na ngayon ay bigla niyang nais na makasama ako. Shit. Nagdududa na talaga ako kung may alam ba si Sir Julian. Nang maghanda na kaming lumabas ng opisina para pumunta sa meeting ay biglang bumukas ang pinto. Doon ay bumungad sa amin si Ma'am Sophia. “Good afternoon, Ma'am,” magalang na bati ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko. Ang bawat hakbang niya ay sinasabayan ng tunog ng kanyang heels sa tuwing tumatama ito sa sahig. Nakasuot ito ng magarang kasuotan na kulay pula. Nakatupi sa balikat ang disenyo ng kanyang pang-itaas. Kasingkulay din nito ang kanyang suot na makintab na mataas na sapatos. Nakadagdag pa sa kanyang itsura ang malalaking hikaw niya. “Hi, babe! Surprise!” masigla niyang sigaw habang mabilis na lumalapit sa pwesto ni Sir Julian. Agad akong napayuko habang unti-unting bumibigat ang aking dibdib. Ito ang relasyon na mawawasak ko kapag lumabas ang katotohanan tungkol sa batang dinadala ko. Iniwas ko ang aking tingin, tila may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko. Hindi ko kayang tumingin sa kanila. Mas lalo akong nasaktan para sa aking anak. Dahil kahit kailan ay hindi ko maibibigay sa kanya ang buong pamilya. “What are you doing here? I have a meeting. Paalis na nga kami ni Callie,” mariin niyang sabi. Dahan‑dahan kong dinampot ang aking laptop at niyakap ito sa aking dibdib. Ang meeting ay gaganapin lang din naman dito sa kumpanya. Naisip ko na mas mainam na mauna na ako upang ipaalam sa mga taong nandoon na may inaasikaso pa si Sir Julian. “Mauna na po ako sa inyo, Sir. Sasabihan ko na lang po sila,“ magalang na sabi ko. “No, we'll come together,“ mariin at may diin na sabi niya. Binaling niya ang pansin kay Ma'am Sophia. “You wait here,” utos niya. Naunang lumabas si Sir Julian, kaya nagmadali akong sumunod sa kanya. Tinakbo ko ang distansya sa pagitan namin. Ang bilis naman niyang maglakad! Nang tuluyan kaming magpantay, bahagya na akong hinihingal. Shit. Buntis nga pala ako. Bakit ba ako tumakbo? Maglakad nga, kahit malapit lang, hinihingal na ako. Tapos tumakbo pa ako? Minsan talaga ang tanga ko rin. “Why did you fucking run, Callie? You are pregnant!” Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na biglang dumampi at humawak sa aking tiyan.CHAPTER 6“Are you okay? Does it hurt?” nag-aalalang tanong niya sa akin.Mabilis kong inalis ang kanyang kamay mula sa aking tiyan. Ayokong may makakita sa aming dalawa at mapag-usapan pa kami ng iba. “Ayos lang po ako, Sir…” sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya, ang paghawak sa aking tiyan.Lalong tumibay ang aking kutob. May alam siya… May alam siya… Ngunit mas nakakatakot pa rin ang kanyang pananahimik. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.Ibinahagi ko sa aking matalik na kaibigang si Monica ang lahat ng aking pagdududa. Nasa loob na ako ng aming apartment, at nakapatong sa aking kandungan ang isang lalagyan ng mangga at bagoong. Kahit gabi na ay patuloy pa rin akong kumakain, ito kasi ang gusto ng aking anak ngayong gabi.“Kinakabahan din ako para sa’yo, Callie. Base sa mga kwento mo, parang may kutob na rin akong may alam siya,” sabi niya habang maingat na kinukutkot ang kanyang kuko. Magkaibigan na kami mula pa noong senior high school, at saba
CHAPTER 5“Sir, I will just remind you that you have a meeting with the investors later at 2 pm,” paalala ko sa kanya.Limang buwan na ang aking tiyan, kapag nagsusuot ako ng mga pencil skirt ay halata na ang umbok ng aking tiyan. Kaya ang ginagawa ko palagi ay nagsusuot ako ng dress na maluwag sa aking katawan. Pinipili ko ring magsuot ng kulay itim upang mas lalong matakpan ang aking tiyan. Hindi ko pa rin nasasabi sa aking mga magulang ang tungkol dito. Kapag nag-uusap kami sa isang video call ay mukha ko na lang ang aking pinapakita sa kanila. Napansin nga nila na medyo nagkaroon ako ng laman ngayon. Ganado akong kumain ngayong buntis ako. Kung ano-ano na lang ang aking cravings, na kahit madaling araw ay naghahanap pa ako ng pagkain. Dahil doon ay nadagdagan ang aking timbang.“When is your next check-up?” tanong niya sa akin. Mula sa kanyang laptop ay umangat ang tingin niya sa akin.Nang malaman niyang buntis ako ay napansin ko ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Sir Julia
CHAPTER 4Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga nang marinig ko iyon mula sa mga labi ni Sir Julian."Sir, pasensya na po. Hindi naman po magkakaroon ng problema kung magtatrabaho ako habang buntis ako, Sir. Hindi na po mauulit 'to," pagpapaliwanag ko.Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Dahil ngayon pa lang ay nag-iipon na ako para mayroon akong igagastos sa panganganak ko. Mag-isa ko lang siyang bubuhayin, kaya kailangan ko ng pera. Malaki ang kinikita ko rito sa kumpanya.Napailing siya at mas lalong nagalit sa aking sinabi. Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kasama naming nurse na nakatayo sa gilid.“Can you leave us alone for a moment? I just want to talk to her privately,” malamig na utos niya. Napayuko agad ang nurse at halos makita ko ang pangamba sa kanyang mga mata sa tigas ng boses ni Sir Julian.Lumapit agad ito sa akin nang marinig namin ang pagsara ng pinto, isang senyales na lumabas na ang nurse.“When did you find out you were pregna
CHAPTER 3Lumipas ang mga araw at naging mas mahirap para sa akin na itago ang aking pagbubuntis. Madalas ay inaantok ako, at ilang beses na akong nahuhuli ni Sir Julian na nakakatulog sa oras ng trabaho.“Aren’t you getting enough sleep at night?” nagtatakang tanong ni Sir Julian dahil nahuli na naman niya ako sa ikalawang pagkakataon ngayong araw. “I'm sorry, Sir! Sorry po talaga. Hindi na po ito mauulit,” paghingi ko ng paumanhin sa kanya habang inaayos ang aking sarili. Ang bigat-bigat palagi ng talukap ng aking mga mata at ang sarap na lang humilata sa kama buong araw.“You know, I think you should take some time off, Callie. I’ve noticed you haven’t been at your best lately,”Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at pinatong iyon sa aking hita, pilit na pinipigilan ang panginginig.“Pasensya na po talaga, Sir... Hindi na po mauulit,” nakayukong sagot ko. “It's alright,” aniya bago binalik ang atensyon sa kanyang mga papeles.May meeting si Sir Julian sa loob ng conference room
CHAPTER 2Malayo ako sa aking pamilya. Nandoon sila sa Negros habang nandito naman ako sa Cebu, nagtatrabaho at naghahanap-buhay ng mag-isa. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Sundalo ang Kuya ko ngunit mayroon na itong sariling pamilya. Pero nagbibigay pa rin naman siya ng tulong sa aming mga magulang. Ang bunso namin ay lalaki rin at nag-aaral pa bilang isang Senior High School student.Ang tanging nakakaalam lang na buntis ako ay ang kasama ko sa aking apartment na si Monica. At higit sa lahat, siya lang ang nakakaalam kung sino ang ama ng batang dinadala ko.Wala akong planong sabihin ito sa aking mga magulang. Hinding-hindi. Pastor ang aking ama at aktibo at ginagalang ang aking buong pamilya sa aming simbahan. Isang malaking kahihiyan ang dadalhin ko sa pangalan ng pamilya namin kapag nalaman nilang nabuntis ako at walang ama ang batang dinadala ko.Mas pipiliin kong itago ang katotohanan habang-buhay kaysa makita ko silang madismaya sa akin.Nandito ako ngayon sa l
CHAPTER 1Ang maririnig mo lang sa loob ng office ay ang tunog ng pagtitipa sa keyboard. This is the usual day in the office. Tahimik, pormal, at puno ng trabaho.I slowly lifter my eyes and stared at Sir Julian's direction.Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Binitawan ko ang hawak na mouse at pinagbigyan ko ang aking sarili na titigan muna ito kahit isang minuto lang.He is very muscular, wide shoulders, defined chest and arms. He has a sharp jawline, high checkbones, and a very pointed nose. There is also a faint scar on his left eyebrow. Nakuha niya ito nung bata pa lang siya. Lalo lamang siyang nagmumukhang mapanganib at nakakaakit sa aking paningin. Ito ang pinakapaborito kong tingnan sa mukha niya, ang kanyang mga mata. He has emerald green eyes.Matagal na rin nang magsimula akong humanga sa kanya. Dahil sino ba naman ang hindi hahanga sa isang tulad ni Sir Julian? Pero ako na ata ang pinakaswerteng babae na humahanga sa kanya, dahil nakakasama ko siya araw







