LOGINMAGKAHAWAK-KAMAY sin Rigor at Carla habang naglalakad sa dalampasigan."Baby, are you happy?" tanong ni Rigor kay Carla.Napabaling ng tingin si Carla sa nobyo."Sobra. Ang dami mong surprises. Hindi ko inakala na ganito karami ang naihanda mo sa third monthsary natin. Paano pa kaya kung anniversary na?" mahabang sagot ni Carla.Huminto si Rigor sa paglalakad. Iniharap niya si Carla sa kanya."Do you know I never been so sure in my life? Kapag kasama kita ayoko na mawala ka pa sa paningin ko. Gusto ko lagi kitang nakikita at palaging kasama. Ayoko na mawala ka pa talaga sa buhay ko, Carla..."Napaismid si Carla. "Ano ka ba? Hindi ako mawawala sayo. Baka nga manawa ka, e...""Huh? Ako pa?" sabi ni Rigor na itinuro ang sarili. "Hinding-hindi ako magsasawa sa'yo, baby."Napangiti si Carla at marahang umiling."Ang sweet mo talaga."Ngunit hindi na sumagot si Rigor. Sa halip, ilang segundo niya lamang tinitigan ang nobya na para bang may iniisip siyang mahalagang bagay."Carla...""Hmm?"
MABILIS na tumulin ang mga araw. Bihis na bihis na si Carla. Excited na siya sa araw na ito. Isang simpleng T-shirt at fitted na jeans ang suot niya. Hindi siya mahilig sa dress at hindi rin siya komportable kapag naka-dress.Napasinghap siya nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas ng apartment niya. Si Rigor na 'yon. Napasilip siya sa bintana at tama nga siya.Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at lumabas na ng apartment niya."Hi..." bati ni Carla sa nobyo.Lumabas si Rigor ng sasakyan at ibinigay ang bulaklak kay Carla."Nag-abala ka pa..." sabi pa ni Carla pagkakatanggap ng bouquet of flowers."Happy monthsary, baby," sabi ni Rigor at hinalikan si Carla sa labi.Nagulat ang dalaga sa ginawa ni Rigor. Napalinga siya sa paligid. Maaga pa at maraming tao sa kalsada."Nakakahiya. Ang PDA mo."Natawa nang mahina si Rigor. Ipinulupot niya ang kamay sa beywang ni Carla at iginiya ito papasok sa loob ng kotse niya."Kailangan nating makaalis ng maaga. Medyo malayo ang pupuntahan n
PUMASOK sa isang maliit na daan ang sasakyan ni Rigor. "Baby, why don't you live in my condo? Mas safe ka roon kaysa naman dito."Napabaling ng tingin si Carla sa nobyo."Matagal na akong nakatira sa apartment ko. Kami pa ng friend ko. Safe naman din siya. Saka, matutulugan lang naman ang kailangan ko," sagot niya."Ang sa akin lang ay mas maayos sana para sayo. Parati ka namang tumatanggi sa lahat ng offer ko sayo. Baby, I want to give everything to you. Hayaan mo naman ako." Napangiti si Carla sa sinabi ng nobyo. Alam niyang sincere si Rigor sa lahat ng sinasabi nito. Gusto nitong ibigay sa kanya ang lahat ng kaya nito, pero hindi naman iyon ang hinahanap niya."Rigor, I appreciate everything you want to give me. Pero hindi naman ako sanay na umaasa sa ibang tao," malumanay niyang sagot.Saglit na natahimik si Rigor habang patuloy sa pagmamaneho."I know, baby. That's one of the things I love about you. You're independent. Pero boyfriend mo ako. Hayaan mo naman akong alagaan ka."
LUMABAS ng sasakyan sina Rigor at Carla. Gaya ng gusto ng dalaga, sa isang maliit na restaurant sila pumunta. "Are you sure you want here, baby? Puwede tayong lumipat kung gusto mo. May alam akong place," sabi ni Rigor. Sinuyod ng kanyang tingin ang buong restaurant. "Okay na dito. Mas safe rin naman at saka masarap ang mga pagkain dito." Tugon ni Carla. Isang maliit nga na kainan, na nasa gilid ng kalsada. Ang mga kumakain dito ay puro mga driver, walang makita si Rigor na couple. "Baby, hindi ka ba nagsasawa sa ganitong pagkain? I can afford to take you to a better place." Napatingin si Carla kay Rigor at ngumiti. "Alam ko naman na kaya mo, Rigor. Pero hindi naman kailangang mamahalin lagi ang kinakainan natin." Umupo siya sa isang bakanteng mesa at inilapag ang kanyang bag sa tabi. "Masaya na ako dito. Hindi ko kailangan ng fancy restaurant para lang masabing special ang dinner natin." Umupo si Rigor sa kanyang harapan. "I just want to give you the best." "And you alre
KUYOM ang kamao ni Pearl na naglalakad papunta sa elevator."No. Hindi maari, Rigor. Hindi ko hahayaan na maging masaya ka. Ako pa rin ang nagmamay-ari sayo. At babawiin ko kung ano ang akin..." usal ni Pearl sa isip.Nang tumunog ang elevator ay pumasok siya sa loob. Hindi pa sila tapos. Magkikita pa rin sila ni Rigor at ng babae nito.NAKAHARAP pa rin si Rigor sa kanyang mga dokumento nang muling bumalik ang kanyang atensyon sa trabaho. Ngunit hindi niya maiwasang isipin ang naging pag-uusap nila ni Pearl.Alam niyang hindi ito basta susuko. At ayaw niyang magkaroon pa ito ng pagkakataong guluhin ang buhay niya at ni Carla.Napabuntong-hininga siya bago kinuha ang kanyang cellphone. Agad niyang tinawagan si Carla.Ilang ring lamang ay sinagot na nito ang tawag."Hello, baby?""Hi, Carla. What are you doing?""Nasa restaurant lang ako. Bakit?" sagot ng dalaga na nasa kabilang linya."Wala. Gusto ko lang marinig ang boses mo."Natawa si Carla sa kabilang linya."Ang sweet mo naman nga
NAKARATING na si Rigor sa kanyang opisina. Nagsimula na siyang sumubsob sa trabaho."Magkasama na naman kayo ng babae mo, Rigor..." sabi ng pamilyar na boses na walang sabi-sabi na pumasok sa loob ng opisina niya.Napatunghay si Rigor sa bagong dating."It's none of your business, Pearl," sabi lang niya at muling itinuon ang kanyang mga mata sa dukomentong nasa ibabaw ng kanyang table."May pakialam ako dahil asawa kita. Lantaran na ang pagsasama niyo ng kabit mo. Hindi ka ba nag-iisip na baka makita nina Mama at Papa ang kababuyan mo!"Pilit pinipigil ni Rigor ang kanyang galit. Maganda ang araw niya dahil kay Carla pero pilit itong sinisira ni Pearl.Pearl De Guzman, dati niyang asawa. Naghiwalay sila, ito mismo ang nakipaghiwalay sa kanya dahil sa napakababaw na dahilan. Dahil sa wala silang anak.Matagal na silang nagsasama, sampong taon pero wala pa rin silang anak. Hindi niya malaman kung sino sa kanilang dalawa ang may diperensiya."Pearl, hiwalay na tayo. Almost three years na
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan






