INICIAR SESIÓNHUMAHAGULHOL nang malakas na iyak si Felicity. Naunang lumabas si Kyle sa library at naiwan siya. Ang sakit na isiping wala na ang pagmamahal sa kanya ni Kyle.“Iyong iningatan kong pagsasama, ang kasal ko at ang pagmamahal ko... lahat ng iyon ay wala nang kuwenta. Sinira mo ang lahat, Loyalty!” Usal niya habang kuyom ang kanyang kamao.Mga ilang minuto na nag-stay si Felicity sa loob ng library. Gusto lang muna niyang ilabas ang lahat ng kanyang sama ng loob. Sobrang wasak ang puso niya sa mga nangyayari. Wala na pala siyang asawa na babalikan.Nang pakiramdam niya ay wala na siyang iluluha pa ay pinunasan niya iyon at inayos ang sarili. Sinuklay ng kanyang dakliri ang buhok na nagulo at ang damit na nagusot. Hindi siya dapat magpakita na siya ang talo. Siya ang legal na asawa dapat siya ang dapat siya ang manatiling matatag.Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto ng library.Paglabas niya ay sinalubong siya ni Magda na kanina pa pala naghihintay sa labas. Nang makita ang
“SA akin ka na lang magalit, Felicity. Ilabas mo si Loyatly dahil ako naman talaga ang may pagkakamali” Hindi nakapagsalita si Felicity. Sobrang pino-protektahan ni Kyle si Loyalty sa kanya na parang siya ang lumalabas na masama. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. “Pero pareho kayong may kasalanan sa akin. Iniisip mo ang mararamdaman ni Loyalty, pero ako ba.. naisip mo kung anong mararamdaman ko kapag nalaman ko ang ginawa ninyong panloloko!” Napayuko si Kyle. Hindi niya maitanggi ang sinabi ni Felicity. May punto ito. "You're right," mahina niyang sabi. "Nasaktan kita. At wala akong maidadahilan para roon." Napaluha si Felicity. "Akala ko... ako ang uunahin mo. Ako ang asawa mo, Kyle." Humugot ng malalim na hininga ang lalaki. "Hindi ko kailanman ginustong saktan ka." "Pero nasaktan mo pa rin ako. Nagawa mong kalimutan ang pinagsamahan natin. Kung paano mo ako minahal noon, lahat iyon parang inaalis mo sayo.” Natahimik silang dalawa. Pagkaraan ng ilang sandali a
UMUPO si Kyle sa kanyang swivel chair sa loob ng library habang si Felicity ay nanatiling nakatayo. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, it's about Loyalty…” Nahigit ni Kyle ang kanyang paghinga. Inaasahan na niyang itatanong iyon ni Felicity. Alam niyang tila may pagbabago sa kanya ngayong na bumalik na ang kanyang asawa sa mansyon. “What about Loyalty?” natanong na lang niya. Pinakatitigan ni Felicity si Kyle. Parang hindi ito nagpapakita ng takot sa kanya. Maybe he wants her to know what's going on between them. Alam niyang ikakaila ni Kyle ang nararamdaman kay Loyalty. "Tell me the truth, Kyle." Kalmado ang boses ni Felicity, pero ramdam ni Kyle ang bigat ng bawat salitang binibitawan nito. "May nararamdaman ka na ba para kay Loyalty?" Natahimik si Kyle. Hindi siya agad nakasagot. Ibinaba niya ang tingin sa mga kamay niyang magkasalikop sa ibabaw ng mesa. Napangiti si Felicity, pero puno iyon ng pait. Hindi man sinasagit ni Kyle, halatang-halata niya iyon sa kilos nito a
“HUWAG po kayong mag-alala sa akin. Normal lang ito sa buntis,” sabi ni Loyalty. Napagawi ang tingin niya kay Felicity. Nginitian niya ito, iyong walang halong kaplastikan.“Good morning, Ma’am Felicity” bati niya. Hindi niya alam kung tutugunin ito ng among babae. Pero Hindi naman siya umaasa na magiging maganda ang pakikitungo nito sa kanya.Sandaling natahimik ang buong dining room. Lahat ay napatingin kay Felicity, hinihintay ang magiging reaksyon nito.Bahagyang gumalaw ang labi ni Felicity bago siya ngumiti nang tipid."Good morning, Loyalty," tugon niya.Nagulat si Loyalty. Hindi niya inaasahan na babatiin siya nito pabalik. Nginitian niya nang matamis si Felicity.Tumango lang si Felicity bago muling ibinaling ang tingin sa pagkain sa harap niya.Napabuntong-hininga nang palihim si Magda. Kahit paano ay naging maayos ang unang pagbati ng dalawa."Halika na, hija. Maupo ka na," sabi ni Doña Margarita.Tahimik na umupo si Loyalty sa bakanteng upuan. Agad namang nilagyan ni Carla
HINDI dalawin ng antok si Felicity. Magkasama sila ni Magda sa kuwarto habang si Kyle ay nasa kuwarto nilang mag-asawa. Pinayagan ni Kyle ang ganitong set up nila."Anong mayroon sa'yo, Loyalty, at haling na haling sa'yo si Kyle? Mahihinto na ang kahibangan mo sa kanya, Kyle..." mahinang bulong ni Felicity habang nakatitig sa kisame.Napabuntong-hininga si Magda."Felicity, hindi ka makakatulog kung iisipin mo siya buong magdamag."Pumikit si Felicity pero muling dumilat."Paano ako makakatulog? Wala pang akong isang taong na nawala, parang nagbago na ang lahat. Kahit hindi aminin ni Kyle, ramdam ko. Iba na ang paraan ng pagtingin niya kay Loyalty."Umupo si Magda sa tabi ng kaibigan."Hindi pa huli ang lahat. Ikaw pa rin ang legal na asawa niya."Napangiti si Felicity, pero hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiti."Legal wife nga ako... pero bakit pakiramdam ko, ako na ang estranghera sa sarili kong pamamahay?"Hindi nakasagot si Magda. Naalala niya ang mga tingin ni Kyle kay Loya
MABILIS na pumasok si Clara sa kuwarto ni Loyalty. Inilock niya ang pintuan at nagmamadaling lumapit sa kaibigan na nakahiga pa rin sa kama. “Loyalty…” gising niya sa kaibigan. Dumilat agad ng kanyang mga mata si Loyalty. Nabugaran niya si Carla. “Oh, Carla… bakit?” Pupungas-pungas pang tanong niya. Bumangon siya at umupo. Inalalayan naman siya ni Carla at nilagyan ng unan sa kanyang likuran. Napatitig si Loyalty sa kanyang kaibigan. Parang namumutla ang mukha nito. “Anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo, Carla?” Dugtong niyang tanong. Hindi muna nagsalita si Carla. Piit niyang pinapakalma ang sarili. “A-Andito na si Ma’am Felicity. Bumalik na siya sa mansyon, Loyalty…” Naglaho ang antok ni Loyalty. Napahigpit ang hawak niya sa kumot habang nakatitig kay Carla. "Nandito na?" mahinang usal niya. Tumango si Carla. "Kakadating lang niya. Nakita ko siya sa sala kasama si Doña Margarita at si Ma'am Magdalena. Si Sir Kyle, hindi ko siya nakita, pero sigurado akong alam na n
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
"LOYALTY Sarmiento..." narinig niyang tawag sa pangalan niya. Agad nagtaas siya ng kamay. "Ako po! Ako po si Loyalty Sarmiento." Ang sabi niya. Napalingon agad sa gawi niya ang babaeng may hawak ng kaniyang papel. Nag-aapply siya ng trabaho at sinusubukan ang swerte sa Maynila. Naiwanan ang kan
‼️ WARNING: RATED18 ‼️ ‼️ MATURE CONTENT ‼️ Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There are some words t







