Share

CHAPTER 2

HINDI SINABI NI Hayley kay Katharina ang tungkol sa tawag ni Ezekiah, tiyak na mag-aalala ito at baka mapilitan nang magsumbong sa dad niya. At kapag nangyari 'yon, baka pati ito ay sisihin ng kaniyang ama.

Baka ito pa ang mapagalitan ng dad niya at pagbintangan na pinababayaan siya which is so far from the truth. Hindi nagkulang ng pangaral si Katharina sa kaniya, siya lang talaga ang matigas ang ulo.

At ngayon ay pino-problema niya ang naging results ng katigasan ng kaniyang ulo. Problemado siya nang sagad at hindi makapagtrabaho nang maayos dahil sa takot na baka nasa tabi-tabi lang si Ezekiah at atakehin siyang muli.

"Ate, OK ka lang?" tanong ni Juniper sa kaniya, isa sa mga working students na nagtatrabaho sa computer shop niya.

Dati ay sampung units lang ang computers doon, pero sa lakas na rin ng kita at sa suporta ng dad niya at ni Katharina ay nadagdagan pa iyon ng forty units, at bukod pa roon ay nilagyan na rin niya ng maliit na school supplies and bookstore ang shop niya, meron din doong mga computer accessories and parts. And she can say that her business is doing great, she wanted to open another branch.

"Oo, OK lang, ano... May kulang na ba sa stocks naten?" tugon niya.

Tumango ito at binasa ang nakasulat sa notebook nito. "Yung mga mouse pad na Naruto at Fairy Tail, Ate, maraming naghahanap, pati keyboard stickers. Tsaka yung mga pen na mukhang arrow, mabenta, may nagtatanong din kanina kung kelan darating yung mga PSICOM books. Tsaka Ate, kokonti na yung ink natin, baka hindi na umabot nang one week."

Kinuha niya rito ang listahan at binasa. "Sige, ako na'ng bahala, sabihin mo kay Shaun samahan akong mamili bukas nang umaga."

"OK po."

"A, Juni, sandali lang." May naalala siyang sabihin dito.

"Ate?"

"Si... Kuya Zeke, mo ba pumupunta pa rito?" Si Ezekiah ang tinutukoy niya. Kuya Zeke kasi ang tawag ng mga tauhan niya rito.

Umiling ito. "Hindi po, pero pinuntahan niya kami ni Fred sa school nung isang araw."

Kinabahan siya. "A-anong sabi?"

"Nangungumusta lang po. Ate, totoo bang wanted siya?"

Tumango siya. "Iwasan n'yo siya, baka pati kayo saktan ng taong yun. Pinagbantaan pa akong papatayin."

Nanlaki ang mga mata nito. "Delikado pala kayo sa kaniya, Ate."

"Oo, kaya 'wag n'yo s'yang papapasukin dito at wag kayong makikipag-usap sa kanya."

Tumango ito. "OK po."

ILANG LINGGO NANG nagpapakamongha si Hayley mula nang maka-recover siya sa assaults ni Ezekiah, wanted pa rin ang lalaki at gaya niya ay nagtatago rin.

Patago-tago lang din kasi siya. Lumalabas lang upang bumisita saglit sa computer shop, pagkatapos ay uuwi rin kaagad at ikakandado ang buong kabahayan.

Parang mas wanted pa siya kaysa sa magaling na lalaki. Ang saya naman. 

"Girl, bakit ba nagpapakaburo ka sa bahay n'yo?" tanong ng kaibigan niyang si Monique, magkausap sila nito sa cellphone. "Hindi ikaw ang wanted, 'no! Go and explore the world!"

Huminga siya nang malalim at sinilip ang bini-bake niyang brownies. "I know right? Pero kung ikaw kaya ang malagay sa sitwasyon ko, hindi ka mapraning na baka matiyempuhan ka at matuluyan ng nagtangka sa buhay mo?"

"Alam mo, I know some friends na puwede kang tulungan na maipahuli iyang si Ezekiah—"

"Loka ka, girl! Bakit hindi mo kaagad sinabi?!" Kahit nakaupo sa dining chair ay napayugyog siya nang bahagya. "Do they work for the investigation bureau? Sa NBI ba?"

Saglit itong tumawa. "Hindi—"

"OMG! Interpol?! CIA?! Secret Serv—"

"Gaga! Ano ba?! Hindi! I'm talking about witches!—"

"Huh? Bitches? Like you—"

"Hayley, ano ba? Do you want my help or not?" Mukhang napikon na si Monique.

Tumawa na lang siya. "Gurl, I need all the help I can get to keep me safe from that lunatic 'no? But please be serious. Ano ka ba? Witches? Damn, girl, I don't want to make barang that Ezekiah, I want him to rot in jail—"

"Hayley, listen and you listen well, I'm not talking about barang, what I'm saying is yung ipapa-trace natin si Ezekiah. Like... There's this method that millenial witches use, they call it the pendulum..."

Umikot ang mga mata ni Hayley. What in the world are the millenial witches? Mga nagse-send ng sumpa thru email? ShareIt? Mga ganern? Or instead na Grab and Uber, these so-called millenial witches ride the Grabstick or the Ubroomstick?

"Whatever..." she thought.

Ang daming sinabi ni Monique about witches and shit but she didn't give a flying rat's ass about those. Ever since Monique got married some ten years ago, she became a weird-ass paranormal expert. Lagi na lang itong may mga experience na out of this world. Kung hindi lang talaga niya ito kaibigan...

Anyways, natapos din ang pag-uusap nila nang maluto ang brownies. Nagpaalam na siya kay Monique na ipa-pack na ang mga iyon upang madala na sa birthday ng isa niyang kakilala. Wala siyang maisip na regalo kaya yun na lang. Paano naman kasi siya maghahanap ng panregalo kung napapraning siya.

A-attend nga siya ng birthday party pero uuwi rin naman agad siya. No more night life for her. Gusto niyang ma-depress. Hindi naman siya matatakuting tao. Palaban pa nga siya at pumapatol talaga sa gulo, kaya lang ay parang na-trauma na siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Ezekiah, bigla ay ayaw na niya ng mga sumisigaw o kahit mga nagtataas lang ng boses. Natatakot siya.

It seems like her ex didn't only battered her physique but her psyche as well.

And her life will never be the same again...

UMAATIKABONG KUMUSTAHAN ANG isinalubong ng mga kaibigan ni Hayley sa kaniya. Iilan lang pala silang inimbitahan ni Lala sa birthday party nito. Wala pa nga sila halos sampu.

At puro babae pa.

"Ano ba 'yan!" reklamo ni Jade, "You didn't even hire a stripper! Ang boring!"

Napatawa naman si Hayley. "Goodness, Jade! We're only here for a birthday celebration! Not a bridal shower!"

"On second thought, Jade's got a point. What's a party without the fun 'di ba? And boys are synonymous to fun!" Marinel said.

Nagkaniyanan na nga ng opinyon about inviting other boys at Lala's house, Hayley on the other hand is a bit in doubt. Bakit ba kasi kailangan pang mag-invite ng mga lalaki? Mas OK naman kung sila-sila lang para they can talk about girly stuffs. Unlike kapag may mga lalaki, baka ma-bore lang ang mga iyon sa mga tsika nila.

But then again, majority wins, so some of their male friends got invited. OK naman, hindi naman niya naaalala na may banta sa buhay niya. Actually, first time after niyang makalabas ng hospital, she felt at ease and without anything to worry. Kailangan nga lang siguro niyang mag-enjoy at ibalik sa normal ang buhay niya. Hindi niya dapat inaalala si Ezekiah. The police are doing everything to find and jail him, and she trust the law.

By eight in the evening everybody seems to be in their high spirits. Mga naka-inom na silang lahat at hindi na kuntento sa isang boring na house party. 

One of the guys suggest to go some place else. A high-end club at the town central, Devlin said. And went there they did.

"Grabe! I can't believe that I missed this place!" Tipsy na si Hayley kaya wala na siyang pakialam kahit sumisigaw na siya. Malakas naman ang music kaya OK lang siguro na magsisigaw sila.

Pumwesto sa likuran niya si Pio, isa sa mga kaibigan ni Lala na bihira niyang makita. "This just opened about a week ago," he said. "You didn't have the chance to attend the opening night coz-correct me if I'm wrong but Lala told us you're hiding from your ex."

Tumawa lang siya at nag-grind sa harapan nito. "Yeah, she's right. I've been living like a hermit since that day and I feel stupid for doing that! I mean... Why should I be the one hiding 'di ba? I'm the victim here, hello?!"

Tumaas ang mga kamay ni Pio sa kaniyang baywang, sumayaw sila at nakisiksik sa iba pang naroroon, walang pakialam kung halos nagme-make out na ang mga katabi nila at sila ay hinahaplos na rin ang isa't isa.

"How about we go to my place? What do you say?" mayamaya ay tanong nito.

Doon tila nahimasmasan si Hayley. Wala ba talaga siyang kadalaan at nakikipagharutan na naman siya sa isang lalaki?

"Damn..." she cursed herself and smile at the guy. "Neh... I'll pass." She left Pio with that silly yet embarassed grin. Tumango lang ito at tumalikod na rin.

Nagtungo siya sa bar at uminom ng tubig. Gusto na muna niyang mahimasmasan. Baka mamaya ay ma-activate na naman ang lukaret mode niya at makadampot pa siya ng isa pang Ezekiah.

She shivered at the thought, not because of fear but bcause of irritation. Ezekiah really leave a huge mark on her. Nakaka-inis isipin na kahit wala ito sa tabi-tabi ay naaapektuhan pa rin siya ng shits nito. Para siyang isang bata na takot na takot sa istriktong mga magulang, samantalang kahit ang dad niya o si Kata ay hindi naging sobrang istrikto sa kaniya.

Napabuga siya ng hangin.

"Ang lalim noon, a," biglang wika ng lalaking nakaupo sa katabi niyang stool.

Napatingin siya rito and oh my... She can't help but to raise a brow. Nagpalinga-linga pa siya dahil baka may ibang kausap ito at assuming lang siya na para sa kaniya ang sinabi nito.

Itinuro niya ang sarili. "Are you talking to me?"

The guy puffed a smoke from his half-burnt cigarette and gaze at her. Pinigilan niyang humugot muli ng hininga. Deary, this specie is a dreamboat!

She specially like his grey eyes. Mukha itong Latin American, probably a Mexican. His stubbles make him look like a rugged cowboy. Kamukha nito yung mga bida sa Mexicanovelas noong nineties. She wondered if he's a model.

"Sorry if I'm trying to start a conversation. I got curious by your acts," anito.

Napakurap siya. He really is talking to her. Akalain mo nga naman... At na-curious daw ito sa mga kilos niya, ibig sabihin, the guy's been watching her for quite some time.

"Creepy," she thought. But her pokpokers side rise up and decided that being watched by an attractive male is a lot more better than to be glanced by a not so attractive guy. Wala, e. Hitad siya.

"My acts?" she asked. "Bakit? What am I doing that caught your fancy ba?" Nangalumbaba pa siya at walang hiyang tumitig dito. She liked looking at his very handsome face.

The guy faced her and flash her his mouth-watering boyish yet devilish grin.

"Rrrr! I'm gonna eat you if I got the chance!" her pokpokers self exclaimed in her mind. Nag-crosslegs na siya dahil pakiramdam niya ay literal na lumuluwag na ang undies niya.

"Well, you've been making out with that guy on the dancefloor enough to raise his flag." Iminosyon pa nito ang hawak na baso ng brandy sa direksiyon ni Pio. "Then you suddenly left him hanging, I can hear his groin shouting in pain."

Napahalakhak siya. As in napayuko pa at hinampas ang counter. Talaga nga palang pinapanood siya nito. Siya naman ang ngumiti rito nang pagkatamis-tamis. "So you've been ogling at me the whole time, huh?"

Nanatili itong nakangiti at nakatitig sa kaniya. Damn his beautiful eyes, she'll never be surprised if her clothes ran away from her due to his heated gaze. This man is seriously and shamelessly flirting with her within seconds of knowing each other. Teka, kilala na nga ba niya ito?

"I'm Hayley." Iniabot niya rito ang kamay.

Tinanggap iyon ng lalaki at bahagyang minasahe ng hinlalaki nito ang likod ng kaniyang palad bago iyon hinalikan. Habang nakalapat ang mga labi nito roon ay tumingin ito sa kaniya at ibinulong ang pangalan nito.

She doesn't know what gotten into her but she suddenly hold his hand tightly and pulled him to the dancefloor.

She grind her hips to his front and raise her hands to touch his face. The guy hold her waist and pull her closer to his body, she can feel his stubbles rubbing on her cheek and neck, he is giving her tiny kisses and is biting the skin on her shoulders.

Hayley angled her neck so he can have more access to her chin and for him to claim her lips. They kissed like nobody's watching. Kungsabagay, wala na ngang pakialaman ang mga naroon. Kanina pa may gumagawa ng ginagawa nila but the hell they care. E di magsigaya rin sila.

Hinarap na niya ito at ikinawit ang mga braso sa leeg nito, isinuklay nito ang mga daliri sa kaniyang buhok at mas pinalalim ang halik. Her hands went down to his arms and it travelled it's way to his chest. Hinahaplos ng mga kamay niya ang dibdib at tiyan nito nang bigla siya nitong ilayo at titigan sa mga mata.

"I don't do al fresco," anito. Fire burning in his grey eyes.

Ewan. May sapi yata siya nang mga sandaling iyon. Maharot siya, oo. Pero hindi siya kaladkarin, kaya lang ay iba ang lumabas sa kaniyang bibig. "Let's do it at your place."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status