Share

CHAPTER 1

"TULONG! MGA KAPITBAHAY! Tulungan n'yo 'ko-" Hayley's words are cut short when another punch hit her stomach.

"Sige! Sigaw pa! Talagang pap-patayin kitaaa!"Demonyo na ang sumisigaw, hindi na ito si Ezekiah.

Hinawakan niya ang braso nitong nakapulupot sa leeg niya. Naka-head lock ito sa kaniya at napakahigpit niyon.

Nauubusan na siya ng hangin. Kanina pa siya lumalaban, pero kanina pa rin walang nangyayari sa pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Bakit kasi talagang natural na malakas ang mga lalake sa mga babae.

Nanlalabo na ang mga mata niya. Makikita na yata niya ang Mom niya...

SA OSPITAL NA nagising si Hayley. Nakamulat na siya pero iisang mata yata ang bumukas. Itinaas niya ang kamay para hawakan ang kanang mata.

"Aw..." Namamaga iyon.

"Oh, Hay, gising ka na pala, mabuti naman." It was her step mom, Katharina.

"A-ano'ng nangyari?" Imbes na sumagot ay tumawag ito ng doktor. Matapos ang ilang pagsusuri sa kaniya at pagsasabi ng 'she's out of danger, she just have to stay for a few more days and then she's good to go.' ay umalis na rin ang doktor na pinasalamatan ni Katharina.

"Ano na? Ano'ng nangyari?" tanong muli niya.

Tinitigan siya nito at inabutan ng salamin.

She gasped. Nakapikit ang kanan niyang mata; maga, ube, singlaki ng golf ball. May pasa rin siya sa gilid ng magkabilang sides ng labi, at may bandage sa ilong. Kaagad niyang ibinaba ang salamin.

"'Yan ang nangyari. Ginulpi ka lang naman ng magaling mong boyfriend! Alam mo bang hindi ka humihinga nang datnan ka ng mga pulis?" nakapamewang na sabi nito.

Nagbaba siya ng tingin. Naaalala na niya. Nagtalo sila ni Ezekiah dahil nakikipag-break na siya rito. Nalaman niya kasi ang tungkol sa babaeng nabuntis nito pagkatapos ay sapilitang ipina-abort ang bata kahit na labag sa kalooban ng babae.

Nakiusap sa kanya si Ezekiah na 'wag silang maghiwalay, pero ayaw na niya itong pagbigyan. Paano kung siya naman ang mabuntis nito? Sa kanya naman nito gagawin ang ganoon? No way. Kaya desidido siyang makipag-break dito.

Ang kaso. Ayun na nga. Pumitik na si Ezekiah at nagbanta na kung itutuloy niya ang pakikipaghiwalay ay dalawa lang ang maaaring mangyari. Ang magpakamatay ito o mamatay siya.

Ezekiah chose the latter, hinataw siya nito ng upuan sa ulo.

Napahikbi siya nang maalala ang mga pananakit nito sa kanya. Ang akala niya talaga ay mamamatay na siya.

"Naku naman o, 'wag ka nang umiyak. Kasalanan mo rin, matigas ang ulo mo e," ani Katharina at niyakap siya.

"Kamuntik na nga akong mamatay, ganyan ka pa kung magsalita," aniya habang humahagulhol.

Kinonyatan siya nito, pero mahina lang naman. "Totoo naman, kasalanan mo, sinasabihan na kita noon na maluwag ang turnilyo ng Ezekiah na 'yon, pero sa 'kin ka pa nagalit. O, ano ka ngayon? Mabuti na lang may nakarinig sa sigaw mo." 

Yumakap siya rito. "Sorry, Kata..." 

Hinalikan nito ang ibabaw ng ulo niya. "You don't have to say sorry to me, dapat sa sarili mo ka mag-sorry. Next time 'wag puro puso at p**e ha? Utak din 'pag may time."

Natawa siya sa sinabi nito. "Lukaret ka talaga." 

Bumitiw ito sa kanya at tinitigan siya sa mukha. "Aba? 'Di ba nga sabi nila, kaya mas mataas ang utak kesa sa puso, e dahil mas makatwiran siya at kaya nasa pinaka-ibaba ang p**e e, dahil wala na nga siyang utak, wala pa siyang puso, hindi siya nag-iisip at lalong hindi ka niya mahal, sarili lang niya ang pinapakinggan niya," natatawa nitong paliwanag.

Hinampas niya ito habang nagpupunas ng luha at tumatawa. "Sira! Isusumbong kita kay Daddy. Kung ano-anong sinasabi mo." 

"Napatawa naman kita a, ang sama mo talaga... Sige ka, kapag isinumbong mo ako, kawawa naman ang p**e ko, hindi makikita si birdie."

Lalo siyang humagalpak ng tawa. "Puro ka kalokohan! Aw... Aray... Aray..." Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang kumirot iyon.

"Easy... Baka bumukas ang tahi mo r'yan... Tsk, damn that Ezekiah," gigil na bulong ni Katharina.

Naguluhan siya. Tahi? Anong tahi? Na-caesarian ba siya? Buntis ba siya? At nakunan?! "Kata, please don't tell me..." kabado niyang tanong.

Clueless na tumingin ito sa kaniya. "Ano?" 

"N-na-nakunan ba ak-"

"Gaga! Paano ka makukunan, you're not even pregnant! Sinaksak ka ng criminal na 'yon! Two times! Nang basag na salamin!" singhal nito sa mukha niya.

Hindi siya nakakibo. Totoo? Sinaksak siya? Talagang balak siyang patayin?

"Talagang balak kang patayin ng animal na yun. Bad news is, he's still on the loose, nakatakas sa mga gunggong na pulis." 

Nanlamig ang kaniyang mga kamay. Hindi pwedeng nakakalaya pa rin si Ezekiah. Naaalala pa niya ang mga sinabi nito.

"Kung hindi ka magiging akin, walang makikinabang sa 'yo, mas gugustuhin ko pang pag-agawan ka ng mga uod at langaw, kesa magpakasarap sa 'yo ang ibang lalaki. Tandaan mo 'yan Hayley, papatayin talaga kita!"

Napalunok siya. "Shit..."

MAKARAAN NGA ANG ilang araw ay pinayagan na ring makalabas ng ospital si Hayley. Oh, how she hate her appearance! She looked like an eggplant! Oo nga at nawala na yung iba niyang pasa, pero may mga makukulit na talagang balak yatang mag-extend pa nang ilang araw, yung mga nasa braso at leeg niya.

"Kata, natatakot akong humarap kay Daddy," aniya habang nakakapit sa braso ng stepmom niya.

Iniatras lang nito ang kotse sa driveway ng bahay nila bago sumagot. "'Wag kang mag-alala, wala naman siya rito, tsaka hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari."

Nagulat siya syempre. "Hindi mo sinabi?! Ang sabi mo, alam niya?!" 

"Gaga! Kapag nalaman niya pati ako malalagot doon! I only told him na nahulog ka sa hagdan at nakagat mo yung dila mo, kaya hindi ka makapagsalita!" singhal nito sa mukha niya bago bumaba sa kotse.

Napatawa siya at napailing. "Sira ka talaga! Pa'no kung hindi na 'ko nagising? Sasabihin mong naimpeksyon ng sugat ko sa dila ang utak ko hanggang sa mashogbak ako? Gano'n?" 

"Naku, Hayley Jane, tigilan mo nga ako, hindi ka naman na-comatose, kaya ka lang walang malay e, dahil sa anaesthetia. Kaya imposibleng hindi ka magising. Baba na r'yan," anito.

Napailing na lang siya at sumunod na rito, may pagkalukaret talaga si Katharina but she like the way she thinks and act, and she love her like her real mother.

Baby pa siya nang mamatay ang mom niya, pumitik daw ang circuit breaker sa dati nilang bahay at nagkataon na nasa opisina pa ang dad niya, kaya sinubukang ayusin ng mom niya iyon, ang problema, wala nga itong alam sa electronics. Kaya nang maibalik ang supply ng kuryente ay aksidenteng napahawak ito sa live wire at nakuryente.

Isang kapitbahay ang nakadiskubre sa nangyari nang marinig nito ang walang tigil niyang pag-iyak dahil sa gutom. Ang akala ng neighbor nila ay iniwan siyang mag-isa kaya pumasok na ito sa bahay nila, nakita na lang nito sa may kitchen ang wala nang buhay niyang mommy.

Third year highschool siya nang ipakilala ng Dad niya si Katharina, she instantly fell in love with her because of her bubbly and outgoing attitude. She really wanna call her 'Mom' pero ito ang ayaw, mas OK na raw ang Tita or Katharina. Ayaw raw nitong agawin ang titulong naiwan ng mommy niya, she love her even more.

Her Dad thought marrying Katharina will benefit him, dahil may katuwang ito sa pagpapalaki at pangangaral sa kaniya. But he was dead wrong. Dahil kunsintidora si Katharina at siya ang madalas kampihan. They once almost considered having their marriage annulled because of her. Bad influence raw kasi ang stepmom niya sa kaniya. So, napilitan siyang magtino. Nawalan na siyang minsan ng isang ina, ayaw niyang maulit pa iyon.

And now, the three of them are living together for eight years.

"Hayley, matutulog muna ako, if you need something, bahala ka na r'yan, matanda ka na at hindi ka imbalido, may pasok pa ako mamaya. OK," ani Katharina habang paakyat ng hagdan.

Napatanga siya. "Hello? Iiwan mo 'ko mamaya? I'm not fully recovered yet, look oh, I have a semento on my arm." 

Tumigil ito sa gitna ng hagdan at binigyan siya ng bored look. "I only said, may pasok ako mamaya, I never said na mag-isa ka rito. Victoria's coming over to look after you, 'wag kang praning." Kapitbahay nila na walang permanenteng trabaho ang tinutukoy nito.

"Ah, OK. Sige na, go hibernate, you badly needed a beauty rest," pagtataboy niya rito.

"Bitch!" 

Ang lakas ng tawa niya.

Nang tumahimik na ang kabahayan nila ay inilibot niya ang paningin doon. Ang tagal din niyang hindi nakauwi roon. 

Ever since naging steady sila ni Ezekiah ay hindi na siya umuwi rito. Katharina was so against their relationship that she didn't want Ezekiah near their house, kaya ang nangyari, kumuha sila ng apartment para hindi na nag-iinarte ang stepmom niya tuwing nakikita ang boyfriend niya.

Walang alam ang Daddy niya sa lahat ng nangyayari dahil may dalawang taong kontrata ito sa Australia para sa mga bagong building na itinatayo roon kung saan isa sa mga civil engineers ito.

She also gave credit to Katharina dahil kahit na nagkasagutan sila ay hindi nito ipinarating sa Dad niya ang mga nangyari. Walang kamuwang-muwang ang Daddy niya na five months siyang nakipag-live in at two weeks na na-ospital nang dahil sa iisang lalaki.

"Hindi pa nga pala nahuhuli ang walanghiyang 'yon," she thought.

Bigla siyang nangamba para sa kaligtasan. Ezekiah hurt her not only once, pero hindi naman kasinglala ng huli nitong ginawa, hanggang pananampal lang ito noon at nakakaganti pa siya. She never thought that he can do her severe harm other than a slap on the face.

Now that she thought about it. Bakit nga ba natagalan niya ang bayolente nilang pagsasama ni Ezekiah? Kung hindi siya ang may pasa ay ito naman ang may sugat sa mukha. Noon ay tinatawanan lang nila iyon and they're even proud to show off their cariño brutal marks.

Siguro ay ang weirdo ng tingin sa kanila ng mga tao. Lalo na sa kaniya dahil kababae niyang tao ay pumapayag siya na abusuhin ng karelasyon niya.

Kunsabagay, kahit noon naman ay may kakaiba na siyang trip sa buhay-pagibig. She always fall for the bad boys. Karamihan ng ex-boyfriends niya ay may police record. When she was in college, muntik na siyang naaksidente dahil sa boyfriend niyang drunk driver. College din siya nang arestuhin mismo sa campus ang isa pa niyang boyfriend, dahil naman sa kasong illegal possession of firearms. Miyembro kasi ng fraternity ang ex-boyfriend niyang iyon.

Noon namang nagtatrabaho na siya sa isang pharmaceutical company, naging boyfriend niya ang isa sa mga close-in security escort ng isa sa mga CEO, US Navy SEALS ang naturang security escort at nang minsang may lumapit na media sa CEO ay pinaliparan ng sipa iyon ng boyfriend niya sa pag-aakalang may masamang balak ang reporter. Ayun. Nakasuhan pa ng physical injury.

At proud pa siya. Feeling niya ay kayang-kaya siyang ipagtanggol nito. But then, some things never last, nag-break din sila after sometime. Naka-dalawang boyfriend pa uli siya after that Navy SEALS ex and then si Ezekiah na nga...

Sino ba namang mag-aakala na grabe pala sa pagka-badboy ang isang 'yon?

Natigil lang siya sa pag-iisip nang kumulo ang kaniyang tiyan. Hindi pa nga pala siya nagla-lunch.

Pumunta na siya sa kitchen para maghanap ng makakain. She found a pot of kaldereta in the microwave, pero ayaw niya noon. Ewan, basta ayaw lang niya, so she opened a can of tuna at yun ang kinain niya.

Sarap na sarap na siya sa pagkain ng tuna na sinawsawan niya ng crackers nang napalingon siya sa bintana. Kamuntik nang hindi niya malunok ang kinakain nang makita si Ezekiah na nakatayo sa 'di-kalayuan at nakatingin sa kanya.

Ang sama ng pagkakatingin nito sa kaniya at para bang sinasabing malalagot siya rito kung kikilos siya nang hindi nito magugustuhan.

Biglang tumunog ang phone sa bulsa ng sweater niya. Napansin niyang may hawak din na phone si Ezekiah. Sinagot niya ang tawag nito.

"H-hello?" aniya.

"Mag-iingat ka, Babe. I-lock mo parati ang pinto at bintana." Busy tone.

Hindi niya maialis sa tenga niya ang phone, nakatingin lang siya sa lalaki hanggang sa unti-unti na itong umatras at naglakad palayo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status