Share

CHAPTER 13

ALAM ni Sofia na nagseselos ang nobyo. Kanina pa kasi ito walang imik magmula nang aksidenteng magkita-kita silang tatlo ni Jeremy.

Pagkatapos nilang mabayaran ang mga pinamili, at bilhin ang dress na sinasabi nito para kay Euna ay agad na itong nagyayang umuwi. Sumakit daw kasi ang ulo nito.

Nagpatianod na lamang siya sa kagustuhan nito. Tutal ay pasado alas-siyete na ng gabi. Tapos na rin naman kasi silang kumain kanina sa mall. Binilhan na rin nila ng pasalubong si Euna at yaya Sela, pati daddy niya at mga kasambahay nila ay hindi nila nakaligtaan.

Kanina pa niya ito sinusubukang kausapin, pero tipid lang ito kung tumugon. Kapag nagkukuwento naman siya ay tumatango lamang ito at hindi nagsasalita.

Napangiti siya. Binalingan niya ang tahimik at nakakunot-noong si Brix. He was gripping the steering wheel hard. Gumagalaw ang mga muscles nito sa braso.

"Alin ba'ng masakit sa 'yo? Ulo o puso?" Pinigilan niyang mapangiti sa kapilyahan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status