Share

CEO's Hidden Twin
CEO's Hidden Twin
Author: MaidenRose7

PROLOGUE

"Di mo ba alam Arzelle, na itong lalaking pinagkatiwalaan mo ngayon ay siyang sumira sayo noon! Dahil nakokonsensya siya kaya ka niya tinutulungan ngayon," sabi ni Zuri turo si Gabion. 

"Shut up Zuri, it is all your fault!" Singhal ni Gabion pigil siya.

"Anong pinagsasabi niyo? Naguguluhan ako." Nagtatakang tanong ko. Kaba ang dumaloy sa katawan. Anong ibig sabihin ni Zuri?

Dahil sa konsensya kaya tinutulungan ako ni Gabion? Bakit anong nagawa niya saakin? 

"Nakakatawa lang isipin na kaya pala nasa likod ka palagi ni Arzelle dinadamayan siya sa lahat ng problema niya dahil maliwanag na nakokonsensya ka sa ginawa mo sakanya." Dagdag pa ni Zuri. 

Napaatras ako at napahawak sa d****b ko. Nahirapan akong huminga at parang ayaw kong malaman pa ang katotohan mula Kay Zuri!

Anong ginawa ni Gabion saakin?

Akmang hawakan ni Gabion si Zuri pero di niya tinuloy.

"Zuri, you know in the first place that it was you who betrayed Arzelle and send her to me. You better shut up!" Sabi ni Gabion. 

Napatakip ako sa bibig ko.

"Come on Gabion. Why blame me? Diba ikaw ang kumuha ng pagkababae niya, sinira mo ang kasal niya sana, binuntis siya at tinago mula sakanya ang anak niya? So paanong ako ang may kasalanan!" Mahabang salaysay ni Zuri.

Nanghina bigla ang mga tuhod ko at parang matumba ako. Umiikot ang pakiramdam ko. Naninikip ang d****b ko!

Napalunok ako. Buhay pa ang anak ko? Si Gabion? Bakit? Paano niya nagawa yon?

"Totoo ba ang narining ko?" Di makapaniwalang tanong ko.

After all this years. 

Nanginginig ang laman ko di talaga ako makapaniwala sa narinig ko. 

Si Gabion ang kaisa isa taong pinagkatiwala-an at itinuring kong bayani pero, siya pala ang taong sumira ng buhay ko! Ang lalaking dumungis saakin ang kumuha ng lahat saakin! 

Habol ko ang hininga ko. Kailangan kong makaalis dito. Di ko na kayang tingnan sila. Pareho nila akong ginawang tanga! Bakit? Anong kasalanan ko sakanila bakit nila ako ginanito?

Tumalikod ako at tumakbo na. Ayaw ko ng marinig ang susunod pang sasabihin ni Zuri. 

Sobrang sikip ng d****b ko nung malaman na si Gabion ang taong pinagkatiwala-an ko at siyang sumira saakin.

Kinuha niya ang lahat saakin. 

Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ang pagbuhos ng ulan. 

Tumatakbo ako na hindi alam ang pupuntahan. 

Pakiramdam ko walang wala na ako. 

Ang taong inaasahan kong maging kakampi at kasandal ko ay isang traydor na mapagkunwari! 

Nang gigigil ako at nanginginig ang laman ko sa galit.

Pero naalala ko ang anak ko! Buhay ang anak ko! Kailangang mahanap ko siya!

Bago pa ako makatawid ng kalsada isang nakakasilaw na ilaw mula sa malaking sasakyan ang sumilaw sa mukha ko! Nanigas ang katawan ko at di makagalaw. Napapikit na lang ako!

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Donna Weaver
Would love to read this book if I could get it in English
goodnovel comment avatar
Donna Weaver
Can we get this in English
goodnovel comment avatar
Darlene Hungahunga
is it written in english
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status