"Bakit ganiyan ka kung makareact, Chantria? If I know namiss mo rin ang asawa mo," may bahid ng pang-aasar na saad sa akin ni Ate Chantal.Mula sa baso ng alak ay matalim akong nag-angat ng tingin sa aking demonyitang kapatid na pangisi-ngisi lang habang lumalaklak ng alak sa aking harapan."Manahimik ka nga, Ate. Baka mamaya'y may makarinig sa iyo at isiping marupok ako."Kahit na malakas at dumadagundong ang music dito sa bar ay naungusan iyon ng hagalpak niya."Dalawang linggo siyang mananatili rito sa BTB, Chantria. Huwag mong sabihin na dalawang linggo ka rin magkukulong sa kwarto para lang hindi magkrus ang landas nyo?" asik pa niya."Oo, gagawin ko talaga iyon." Dinampot ko ang baso at dire-diretsong nilagok ang lahat ng laman niyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata nang gumuhit ang pait at init na dulot n'on sa aking lalamunan.Kasunod kong sinulyapan ay si Everleigh na tahimik at tila lumilipad ang isip. Kahapon ko pa napapansin na parang wala siya sa sarili. Para bang takot
Kumunot ang noo ni Ate Chantal, nagtataka na rin sa inaasta ng kaibigan namin. "They already separated when I came into the picture. On going na rin ang annulment nila noong nakilala ko si Dewei–""But you still have a hidden agenda..." bintang ni Leigh kaya naalarma na ako.Why was she reacting this way? Hindi ba niya naiintindihang mabuti ang sinabi ng kapatid ko?Pagak na natawa si Ate Chantal at marahas na umiling. "Leigh naman, bobo ka ba? Hindi ako ganiyan kadesperada. Alam kong hiwalay na sila, but I know that I won't risk my heart with someone who's still married in the eyes of God and in the law. Dahil alam kong sa huli, ako rin ang madedehado. Ayaw kong madungisan ang pangalan o reputasyon ko. So, I'll just wait here. Saka lang ako gagawa ng move para mas makilala siya nang lubos kapag alam kong wala na talaga siyang sabit," mahabang lintanya niya.Pinagmamasdan ko ang itsura ni Leigh na nawalan na ng imik. Akala ko'y doon na magtatapos ang mga sinasbi ni Ate, ngunit hindi p
Nilagok ko nang nilagok ang mga alak sa lamesa habang patuloy sa pagpe-perform sa unahan sina Aziel. May ilan pa akong nakitang mga babaeng palihim silang kinukuhanan ng video at kulang na lamang ay tumulo ang laway habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking nasa unahan.Dahil doon ay mas lalong kumulo ang aking dugo. Padabog kong kinuha sa lamesa ang mismong bote ng alak at dire-diretsong ininom iyon. Naaligaga si Louie at mabilis na tumayo sa kinauupuan para agawin sana sa akin iyon pero bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin ay biglang sumuka si Ate Chantal sa kaniyang damit."Wow, fuck it!" he frustratedly cursed under his breath. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago pinasadahan ng tingin ang sarili mula ulo hanggang paa. "Ano ba naman kayong magkapatid! Inom kayo nang inom pero mahihina naman pala kayo!" singhal niya sa amin.Ate Chantal and I were both in a wasted state. Pareho na kaming lupaypay sa sofa habang si Louie ay aligaga kung sinong uunahan sa aming dalawa.I
My daily routine continued after my short day-off. Buong araw akong nagkukulong sa aking opisina, nilulunod ang sarili sa dami ng trabaho. Kung hindi man, nasa loob lang ako ng aking cabin.Good thing, kasama ko muna ngayon si Everleigh sa opisina kaya hindi ako masiyadong naiinip. Kanang-kamay siya si Ate pero pansamantala munang lumipat sa akin dahil naiirita ang kapatid ko sa kalutangan niya nitong mga nagdaang araw."And besides, hindi rin ako komportable na naroon si Sir Dewei," Leigh said to me.Mula sa tinitipa ko sa aking laptop ay kuryoso akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Bakit naman? Dewei is a nice man." Actually, I clearly see him as a soft and gentle guy hiding in his masculine and extremely toned body.Kung anong ikinalamig at ikinabigat ng aura ni Aziel ay siya namang ikinagaan ng kay Wei."I-I saw them making out..." mahinang anas ng babae na siyang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyong dumaang sakit at pighati sa kaniyang mga mata na agad di
Naulit nang naulit pa ang mga pangyayaring iyon. Dala na rin ng labis na pagkaabala sa trabaho ay minsa'y nakakaligtaan ko nang kainin ang ipinapadala ni Aziel na pagkain.At minsan, dahil na rin palagi siyang nakabuntot sa akin ay sa kaniya ko na nababaling ang init ng ulo at frustration ko sa ibang bagay. Kung ano-anong mga salita ang nabibitiwan ko sa kaniya.Unconsciously ko siyang napapahiya sa harap ng maraming tao. Sa gan'on umiikot ang halos dalawang linggo niyang pamemeste sa akin.May ilang beses na rin niya akong inayang mamasyal sa ibang lugar. Umu-oo ako pero nagba-backout din due to sudden conflict of my schedules. Hinahayaan ko siyang maghintay nang matagal saka ko sasabihin na hindi na ako sisipot.At oo, sige, aaminin ko na. Sinasadya ko talaga. Hindi naman sa nag-e-enjoy akong pahirapan siya, gusto ko lang malaman kung hanggang saan at hanggang kailan niya kakayanin ang lahat. Kung talaga bang sinsero siya sa panunuyo o ginagawa niya lang 'to para sa huli ay muling s
"S-Sino ka?" I asked slowly using my trembling voice."Baby, it's me..." mahina at namamaos na tugon ni Aziel.Kinapa niya ang switch ng ilaw. Napapikit ako dahil matinding pagkasilaw. Ang takot at kabang aking nararamdaman ay agad na nalusaw nang makita ang kaniyang gwapong mukha.He was just wearing his white basic tee and boxers. I could clearly see his well-toned biceps and a body figure that made me crave for more. His hair was a bit dishevelled yet it made him hotter than usual.Ipinilig ko ulo upang tigilan ang pagpapaulan ng papuri at paghanga sa kaniya. Mas nangibabaw ang inis na aking nararamdaman."Bakit ba bigla-bigla ka na lang pumapasok?!" singhal ko.Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. Namungay ang kaniyang mga mata at binasa ang pang-ibabang labi."I was knocking and calling you too many times, but you're not answering," he told me like a frightened puppy."Eh malamang tulog ako!" asik ko.Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at halos mapasabunot ako na
Desidido talaga si Aziel na samahan ako rito. Hindi ko siya pinigilan sa kagustuhan niya dahil aniya'y sa susunod na araw ay may plano si Aia na sumunod dito. Parang tumalon ang puso ko sa excitement at tuwa!Pero ang medyo ikinagulat ko pa ay ang sabihin ni Louie na mag-e-extend din daw siya ng vacation."Boss ko si Aziel. Boss ko rin si Aia. Kung uuwi ako sa Manila, wala naman akong trabahong gagawin 'don dahil nandito sila..." paliwanag pa niya but of course I knew better.Nagsalita siya ulit. "Oh, nagreply na si Dewei! Extend din daw siya!"Napairap ako sa kawalan. Ewan ko ba sa mga ito! Kung makapagliwaliw ay para bang hindi sila mga abalang tao.Patapos na kaming kumain nang makita namin si Everleigh na pumasok sa resto at balisang inilibot ang tingin sa kabuuan ng lugar.Itinaas ko ang aking kamay para kunin ang kaniyang atensyon. Agad naman niya akong napansin at lumapit siya sa akin. Tinanguan niya ang ibang nasa mesa at tipid pang nginitian si Aziel."Leigh, may problema ba?
"Wear this,"Pinanood ko si Aziel na hubarin ang suot niyang puting hoodie at siya na mismo ang nagsuot niyon sa akin. Matapos naming mag-usap ni Leigh ay sakto naman ang pagsunod sa akin ni Aziel.May dala siyang snacks at beer para sa sarili niya nang ayain niya akong tumambay muna sa dalampasigan. Si Louie ay bumalik na raw sa cabin."Hindi naman ako nilalamig," asik ko sa kaniya."Kahit na." Walang paghihirap niyang binuksan ang lata ng beer. Pagkatapos n'on ay sunod niyang itinusok ang straw sa sterilized milk bago iyon iabot sa akin. "No liquors for you. Mahirap kang malasing."Agad ko namang dinepensahan ang sarili sa pag-aakusa niya. "Hindi, ah! High tolerance kaya ako!""Hm, yeah?" He let out a raspy chuckle. "Kaya pala wala kang ibang maalala the last time na nalasing ka."Kumunot ang aking noo nang maalala ang pangyayaring iyon. Bigla kong naalala. "Bakit? Ano bang ginawa ko? Kahiya-hiya ba?"Kinagat niya ang pang-ibabang labi, nagpipigil ng ngiti. "Hindi naman."Sumulyap s