Share

CO 55:

•Gaea•

Nasa itaas sina CN at Nene pinapabantayan ko na muna ito sa kapatid ko dahil tumutulong ako kay mama na magluto ng mga pagkaing babaunin namin mamaya.

Maliligo kami mamaya sa beach resort na nirentahan ng mga pinsan ko para mas ma-enjoy namin ang bonding namin mamaya.

"Bumisita kayo ni Nicolai rito, Gaea, kapag wala kang trabaho, ha? Alam mo naman na mami-miss namin ng ama mo ang makulit namin na apo." Napatawa ako sa sinabi ni mama at tumango, ilang beses na niyang pinaulit-ulit na sabihin sa akin iyon. "Atsaka dapat nakahanda ka palagi kapag nagkikita kayo ng ama niya."

"Opo, ma, hindi ko po alam kung kailan kami ulit magkikita ni Clyden pero pinapalangin ko na sana hindi agaran..." Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang magiging kahihinatnan ng muling pagkikita namin ni Clyden. "Sa tingin ko po ay hindi ko siya kayang harapin kapag biglaan kaming magkita."

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status