Share

Chapter 59b

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-04-23 14:08:31
Jefferson

Ang kompanya mismo ang pamana ng mga magulang ko, kayamanan nilang ipinasa sa akin. Kahit pa sabihin mong si Norris ay half-brother ko, wala siyang kahit katiting na karapatan para angkinin ito. At sinuman ang magtangkang agawin ito sa akin... tiyak na makakatikim sila ng matinding kapalit.

Buong umaga, nakatutok lang ako sa laptop ko. Sa sobrang tutok ko, nakalimutan ko na si Celina sa unang pagkakataon. Bawi na lang ako sa kanya mamaya pag-uwi namin. Sana lang, bago matapos ang araw na ’to, may makuha na akong sagot sa mga tanong ko at solusyon sa mga problema ko... kahit wishful thinking lang.

Hindi ko na rin namalayan ang oras ni hindi ko na naramdaman ang gutom. Sobrang focus ko sa ginagawa ko, wala na akong ibang naiisip. Kaya nagulat na lang ako nang biglang nasa harapan ko na si Celina, bitbit ang isang plato ng pagkain.

"Kumain ka na," utos niya, sabay irap sa akin. Napatingin ako sa relo ko at bumalik ang tingin sa kanya.

"Ganyan ka ba talaga magtrabaho? Kinakal
R.Y.E.

Ang sweet naman.. Go lang Jefferson and Celina!

| 18
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 76b- The End

    CelinaHinila niya ako palapit at hinalikan akong muli. Shit… sabik na sabik din akong muli siyang makapiling.“Pwede naman natin ‘tong ihinto kung hindi ka pa handa, Celina ko,” bulong niya pagkatapos ng mahabang halik.Napakabait niya. Limang buwan na ang lumipas mula noong gabing ‘yon, at kahit hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat sa akin, alam kong galit lang talaga ako sa hayop na ‘yon.Pero si Jefferson? Hindi matatawaran ang suporta niya. Nando’n siya sa bawat iyak ko, lalo na nung halos mabaliw na ako sa sakit.Nang umupo ako sa kandungan niya, bumulong ako, “Handa na ako para sa’yo, Jeffy.”Yumakap siya nang mahigpit, ramdam ko ang init ng katawan niya. At ako naman ang humiga sa ibabaw niya, walang alinlangan.“Damn, miss na miss ko ‘tong m*****g na side mo, Celina ko,” bulong niya habang may halong gigil ang titig niya sa akin. Gustung-gusto ko ‘pag ganito siya tumingin, para bang may utos siyang gustong ipasunod, at gusto kong ibigay ang lahat sa kanya. Kahit may konting

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 76a

    CelinaSi Jefferson ang naging sandalan ko sa lahat ng oras na pakiramdam ko'y parang guguho na ako. Sa awa ng Diyos, ligtas at malusog ang anak naming babae sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko.Pero kahit ganun, ramdam ko pa rin ang matinding hiya at pakiramdam na parang nilapastangan ako. That man violated me.Mabuti na lang at nariyan ang asawa ko at ang anak namin. Sila ang naging dahilan kung bakit mas mabilis ang paggaling ko, kahit pa ang sabi ng psychologist ko ay matagal pa raw bago ako makabangon. pero sadyang napakabuti ng Panginoon dahil tinulungan niya rin ako.Maingat at maunawain ang doktor ko. Sa tuwing tinatanong niya ako tungkol sa insidente, hindi niya ako pinipilit magsalita. Sabi niya, darating din ang araw na makakatawa at makakangiti ako nang buong-buo lalo na ngayon na nakakulong na ang hayop na ‘yon at unti-unti nang binabayaran ang kasalanan niya.Nang makauwi kami, ipinaliwanag sa akin ni Jefferson ang lahat ng nangyari. Doon ko nakita kung gaano niya talag

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 75b

    “Salamat, Jefferson, kasi hindi mo ko iniwan. Nandiyan ka sa lahat ng oras."“Mahal kita, ‘di ba? Kaya natural lang ‘yon. Wala ka nang choice dahil habambuhay mo na akong makikita at makakasama,” sagot ko habang hawak ang kamay niya.Nang matapos naming bisitahin ang anak namin sa nursery ay bumalik na kami sa kwarto ng ospital. Lagi siyang dinadalaw nina Dad, Noris, Cindy, at syempre, si Daria.Minsan nga, pati ‘yung mga katrabaho niyang minsan na niyang nakaalitan tungkol sa country club project, dumalaw rin. Nakakagaan sa loob na hindi lang ako ang may pakialam sa kanya. At kitang-kita sa mukha niya kung gaano siya kasaya sa pagmamahal na natatanggap niya.Paglabas namin ng kwarto, at sigurado akong mahimbing ang tulog ni Celina, saka ako tumingin kay Dad.“Kumusta na ‘yung demonyong ‘yon?” tanong ko, medyo pinipigilan ang galit.“Malalagot talaga siya. Luluma ang selda sa tagal ng pagkakakulong niya,” sagot ni Dad na may matigas na tono. “May iba pang biktima na lumantad at nagsam

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 75a

    JeffersonTulog pa rin si Celina. Maayos naman ang lagay ng baby namin, at sana kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya dahil doon. Yung nangyari sa kanya... sobrang traumatic. Kung magising man siyang hysterical, hindi ko siya masisisi. Kaya gusto kong nando’n ako sa tabi niya pag dumating ‘yung sandaling ‘yon.Ang hayop na gumawa noon sa kanya ay nasa kustodiya na ng mga pulis. Si Dad na ang nag-aasikaso ng kaso. Hindi ko pa rin kilala kung sino talaga siya, pero sabi ng mga pulis may mga kaso raw ‘yun ng panloloko, rape, at pagpatay. Siguradong mabubulok siya sa kulungan at titiyakin kong mangyayari ‘yon.Tumingin ulit ako kay Celina at napangiti. Kamukha niya ang aming baby girl. Parang may dalawa na akong liligawan habang buhay. Hinaplos ko ang ulo niya, saka ko hinagod ang braso niya. Bigla siyang dumilat, dahan-dahan, parang pagod ang kaluluwa.“Hey, my Celina,” bulong ko sa pinaka-maamong boses ko. Gusto kong maramdaman niya na ligtas siya dahil nandito ako.Pagkakita niya s

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 74

    Jefferson Grabe si Celina, sobrang mapilit talaga. Ayokong pumayag sa gusto niyang paglabas pero alam kong magmamatigas siya. Kaya wala na rin akong nagawa kundi pumayag, kahit labag sa loob ko para lang hindi siya magalit. Mabuti na lang at natawagan ko na si Noli nitong nakaraang linggo lang para humingi ng tulong at ni-refer niya ako sa isang maasahang bodyguard na pwedeng magbantay sa kanya kapag umalis siya. Pero sinabi ko na huwag na huwag siyang magpapakita kay Celina kasi siguradong magagalit lang ’yun at sasabihing sayang lang ang pera. Ginawa ko iyon dahil gusto kong masiguro na ligtas ang aking asawa at kung ano't-anuman ang mangyari ay may aalalay sa kanya. Alam kong magiging sobrang busy ako sa kumpanya. Ang hirap na ulit magtiwala lalo na matapos ang ginawa nina Noris at ng ibang miyembro ng board. Kaya mas panatag ako kapag may nagbabantay kay Celina, kahit pa malaki ang gastos basta makatrabaho ako nang maayos at hindi ako masiraan ng bait sa pag-aalala. "Sir, nasa

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 73

    Mature ContentThird Person's POV“Sa tingin mo ba ay naaalala ka pa niya?” tanong ng boses ng babae na nakilala ni Celina na si Mary Jane Diaz."Of course! How can she forget about me?" Narinig naman ni Celina na tugon ng isang boses ng lalaki habang pinipilit niyang alalahanin kung kilala ba niya ang nagmamay-ari non at pinanatili ang sarili na tahimik sa takot na baka may gawing masama sa kanya ang dalawa, lalo na sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.“Buntis na siya at lahat, pero akit na akit ka pa rin sa kanya?”“Anong pakialam mo ba? May sinabi ba akong masama tungkol sa inyong magkapatid na may gusto sa iisang lalaki?” paangil na tanong ng lalaki habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Mary Jane."Ano na ngayon? Ano na ang plano mo?” tanong na lamang ng babae.“Pwede ka ng umalis at ako na ang bahala kay Celina. Aalis kami at magpapakalayo-layo. Sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya at doon kami maninirahan bilang masayang pamilya,” ang tila nababaliw na tu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status