Adrian's POV
I was instantly drawn to the woman sitting on the stool. Her eyes were incredibly expressive, and her lips caught my attention the moment I saw her. Hindi ko na napigilang tumitig. May kakaiba sa kanya. ’yung aura niya at ’yung kilos niya na parang hindi siya tulad ng iba. I couldn’t quite explain it, but something about her drew me in. And I didn’t want to look away. Tahimik kong kinuha ang Clase Azul Ultra, isang bote ng tequila na nagkakahalaga ng halos dalawang daang libo nang magrequest pa siya ng inumin. I poured her a glass, no words, just a silent invitation. Napahanga ako nang ininom niya iyon nang diretso. Walang alinlangan na parang sanay sa ganitong klaseng uri ng alak. D*mn it! She just got even more interesting. "Ang tapang at ang lakas ng loob ng babaeng 'to," ngising usal ko sa isip. Napaawang ang labi ko nang maubos niya hanggang sa huling patak ang laman ng pinakamahal naming tequila. She had no idea she just downed a glass of Clase Azul Ultra, a limited edition bottle worth almost two hundred thousand pesos. "Miss, lasing ka na. Tama na 'yan. At baka wala kang pambayad sa limited edition na tequila namin," sabi ko. Nakayuko na ang ulo niya sa mesa. Pag-angat niya ng tingin sa ’kin, napakunot noo siya. "Sinong lasing? Ako ba?" tanong niya habang itinuturo ang sarili. Napataas ang sulok ng labi ko. Namumula na ang mukha niya dahil sa tama ng alak. And yet, she looked even more attractive to me. "Hindi mo ba alam kung magkano ’yung ininom mo?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang tila unti-unti nang tinatamaan. Umiling siya. "Magkano ba?" "Two hundred forty-six thousand pesos," sagot ko nang diretso. Biglang namutla ang mukha niya. Kahit anong pilit niyang itago ang gulat, halata pa rin sa mga mata niya. "Miss, may pambayad ka ba?" tanong ko pa nang hindi siya agad nakapagsalita. Hindi siya sumagot. Parang natuyo ang lalamunan niya sa kaba. I leaned back, eyes still fixed on her. "Kung wala... I can offer you a deal." Dahan-dahan siyang napatingin sa akin. Hindi siya nagsalita, pero alam kong interesado siyang marinig kung anong kapalit. "I'll pay for your drink," I said, my voice low and calm. "All of it. But in return..." Nagpause ako. Tumama ang tingin ko sa labi niyang bahagyang nakabuka. "Spend the night with me." Nanatili siyang tahimik. She didn’t move. Didn’t breathe. Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng kanyang dibdib, deep breath. Shocked, scared, or maybe tempted? Hindi ko alam. Pero hindi rin siya agad tumanggi. "I don’t force," dagdag ko na mas malumanay ngayon ang tono. "You can walk away. But if you stay... we both get what we want." Tahimik pa rin siya. Halatang naguguluhan at nag-iisip. "Pero kung wala ka talagang pambayad, Miss. Alam mo namang may kaso ’yan. Theft or fraud. Depende sa mood ng abogado ng bar. Puwede rin namang umpisahan mo nang maghugas ng mga plato sa bar. Sasabihin ko sa amo ko na magsisimula ka ng magtrabaho dahil sa wala kang pambayad sa ininom mo. And trust me, sa presinto hindi ka bibigyan ng tequila. Mas masahol pa." Nakangisi kong sabi sa malamig na tono ng boses. Natahimik siya sa loob ng ilang segundo. Kita ko ang pagpikit-pikit ng kanyang mga mata. Parang nilulunok ang lahat ng pride at pagdududa. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin nang diretso sa mga mata ko. "O-Oo," mahina pero malinaw ang sagot niya. "B-Babayaran mo ’yung ininom ko... kapalit ’no’n." Sumeryoso ang tingin ko sa babae at dahan-dahang sumilay ang malawak na ngiti. At tumango-tango ng mabagal. Alam kong napipilitan siya, pero wala na siyang ibang pagpipilian. Hindi ko rin palalagpasin ang ginawa niya. It's against my rules. At walang sinisino ang mga patakaran ko. Babae, lalaki, lasing o hindi. You break it, you pay for it. Walang pabor. Wala akong pakialam sa palusot, kahit pa gusto ko siya. "Good choice," sabi ko bago ako lumabas mula sa counter at lumapit sa kanya. Sa paglapit ko, agad kong hinawakan ang pulsuhan niya. Ramdam kong nanginginig ang kamay niya, pero hindi ko siya binitiwan. She made a choice. Now, she’ll have to live with it. "Let's go," utos ko. Wala siyang reklamo, tumayo lang siya habang hawak ko pa rin ang kamay niya, hinila ko siya papunta sa madilim na bahagi ng bar. May nasalubong kaming waiter na mukhang magsasalita, pero bahagya ko lang tinaasan ng kamay. Nakuha agad niya ang ibig kong sabihin. Tumigil siya at umiwas ng tingin habang dumaan kami. She doesn’t need to know who I am. Not yet."SH1T! Andito rin siya!" Sigaw ko bigla na ikinagulat ni Mama at Elisa. "Sino?" tanong ni Mama, seryoso itong napatingin sa akin. Habang si Elisa ay nangingiti. "H-Ho? Wala po, Ma.." nauutal kong sagot, sabay iwas ng tingin. Natigilan si Mama at pinakatitigan ako. Alam ko na mayroong tumatakbo sa isip nito. Kilalang-kilala niya ako kapag may itinatago. Napahinga siya ng malalim. "Sabihin mo n'yo nga sa akin, bakit tayo lumipat ng ibang resorts?" Nagpapalit-palit ng tingin si Mama sa amin ni Elisa. Parang nanlamig ang buong katawan ko sa tanong ni Mama. Ramdam ko ang pagtama ng tingin niya, matalim pero puno ng paghihintay ng sagot. “Ma…” napatingin ako kay Elisa, umaasang siya na lang ang sasalo sa sitwasyon. Pero imbes na magsalita, mas lalo pa itong ngumiti na parang may alam. “E kasi po, Tita…” nagsimula si Elisa, pero bigla siyang tumigil at humigop ng inumin. “Mas maganda lang po dito. Mas private, mas peaceful. Right, Giselle?” Lihim niya akong siniko sa tagiliran.
NATAHIMIK si Elisa. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat. Hinagod ang braso ko para damayan ako. "I'm sorry. Napaka-insensitive ko. Nakalimutan ko na nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Sorry na..." malungkot na hingi niya ng paumanhin. Napailing ako at pilit na ngumiti, kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. "It’s fine, Elisa. Wala ka namang kasalanan," mahina kong sagot, pero alam kong hindi iyon lubos na totoo—hindi dahil galit ako sa kanya, kundi dahil ayokong pag-usapan pa. Huminga siya nang malalim at tumango, pero hindi inalis ang kamay niya sa braso ko, parang gusto niyang siguraduhin na hindi ako bibigay sa bigat ng nararamdaman ko. "Promise, hindi na ako magbabanggit tungkol sa kanya o kay Walter. Ang gusto ko lang ay mawala lahat ng sakit na naramdaman mo d'yan sa puso mo," dagdag niya, bago kami sabay na nagsimulang maglakad palayo sa lugar na kanina lang ay parang sumakal sa akin. Ngunit kahit pa sinusubukan kong magpokus sa bawat yapak, nananatili sa isip ko an
“OH, hi. We meet again, Miss," mahina pero malinaw niyang binigkas, kasabay ng isang tingin na alam kong hindi ko kakalimutan. At bago pa ako makasagot, isang aninong tumapat sa kanya mula sa likuran at biglang may tumawag sa pangalan niya. "Babes, let's go," tawag ng babae sa kanya na nakapakaganda. Kumumyapit pa ito sa braso niya. Naka-bikini ito na itim at ang seksi. Walang-wala ako sa kalingkingan ng babaeng 'yon. Nilingon niya ang babae. "Mauna ka na, Carla. I have something to do..." Natahimik ang babae. "Ano namang gagawin mo? Kasama mo na ako... come on, let's have some fun." Pangungulit ng malanding babae sa kanya. Nakataas ang kilay nito na napatingin sa akin. Binalingan ko ng tingin si Elisa. Napangisi ito at taas-baba ang kilay nito, na parang nanunukso. Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin, pero ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatutok sa akin. "Go ahead, Carla," seryoso niyang ulit, pero mas mababa na ang tono. Kita ko ang pagkairita sa mata niya kah
"GUSTO ko lang makita ang itsura niya. Guwapo ba siya? Matangkad ba siya? Kasi parang may pakiramdam ako na mas guwapo siya kay Walter," satsat ni Elisa. Mariin ko lang ipinikit ang mga mata ko. Humiga ako sa deck at pilit na itinutuon ang tingin sa dagat. Ayoko nang guluhin pa ng isipin ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Pilit ko na ngang inaalis sa sistema ko. Pero, bakit para talaga akong minumulto niyon? "Pinagkukumpara mo sila? Iba si Walter, at iba rin ang lalaking 'yon. S-Saka, gabi 'yon. Hindi ko nakita ang buong mukha n'ya." Maang-maangan ko pa. Paniwalaan sana ni Elisa ang mga palusot ko. Pero kilala ko ang kaibigan ko. Alam ko na uungkatin pa rin niya ang bartender na 'yon. "Hindi ko sila pinagkukumpara. Ang sa akin lang ay gusto ko siyang makilala. Malay mo, kayo pala ang itinadhana. Biruin mo, nagtagpo kayo noong brokenhearted ka. So, siya na ang sagot sa puso mong sugatan." Napailing-iling ako. Hindi kailanman magiging sagot ang isang pagkakamali ng isa pang pa
NASA tabi kami ng dagat nina Elisa, nagpaiwan si Mama sa loob ng kuwarto dahil sa magpapahinga muna raw siya. Mukhang napagod sa aming biniyahe. Tatlong oras lang naman ang ginugol ng biyahe namin papunta sa resort. "Gusto mo bang magsnack?" Aya ko kay Elisa. Nakaupo kami pareho sa wooden deck chair. "Ikaw na lang. Parang mas gusto kong mahiga dito tapos magpogi hunting," kinikilig na sagot ng kaibigan. Natawa ako sa huling tinuran ni Elisa. "Sige. Ikukuha na lang kita ng juice. Baka mauhaw ka katitingin sa mga pogi." Nilingon ako saglit ni Elisa at saka ngumiti. "Salamat." Lumakad na ako papunta sa coffee shop na nasa gilid lang ng beach. Iniwan ko muna si Elisa na abala sa paghahanap ng pogi. Tahimik sa paligid—tanging hampas ng alon at tunog ng wind chimes sa pinto ang maririnig. Pagsara ng pinto sa likod ko, sinalubong ako ng aroma ng bagong giling na kape at malamig na simoy mula sa aircon. Kaunti lang ang tao sa loob, kaya dumiretso ako sa counter para umorder ng juice pa
INAAYOS ko ang mga pagkain na dadalhin namin nina Mama sa pagpunta sa beach. Hindi mawawala si Mama, siyempre kasama ko pa rin siya. One week left sa vacation leave ko. Dapat ay honeymoon trip namin ni Walter. Nagplano kami na sa Japan ang aming honeymoon. Gusto ko sanang makakita ng snow. First time kong pupunta ng Japan at makakasama ko pa si Walter, na first boyfriend ko pa., ex-fiance na pala. Pero ipinagpalit niya ako sa sekretarya n'ya. "Bilisan mo na d'yan at baka naghihintay na si Elisa sa atin..." narinig kong sabi ni Mama na nagbalik sa diwa ko. "Ma, ayos na po ang lahat. Kagabi ko pa inayos ang mga gamit ko." "Oh, kung ayos na lahat. Halika na..." aya na ni Mama sa akin. Bitbit ko ang bag na may lamang mga damit namin ni Mama at isang bag rin na may lamang baon namin. Habang si Mama, dala-dala ang mga utensils at kung ano-ano pa. Sa paglabas namin ng bahay naghihintay na si Elisa sa loob ng kanyang sasakyan. Lumang sedan ang kotse ni Elisa. At least siya may kot