LOGINUNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata ko. Hindi na ako umiwas. Ngayon, hindi na. "Sapat na, Ate." Mahina ang boses ko pero malinaw. Hindi na nanginginig tulad kanina. "Pwede mo akong maliitin. Pwede mo akong sabihan ng kung ano-ano…" saglit akong huminga, pilit inaayos ang sarili. "Pero huwag mong idamay ang Mama ko." Napairap siya. "Bakit? Totoo naman ah—" "Hindi mo siya kilala," putol ko. Ngayon, direkta ko na siyang tinitigan. "At lalong hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin." Saglit siyang natigilan, marahil hindi inaasahan na sasagot ako. "Ano ngayon?" taas-noo niyang sagot. "Kahit anong sabihin mo, buntis ka pa rin na hindi kasal. Kahihiyan ka pa rin ng pamilyang ‘to." Masakit. Pero hindi na ako uurong. "Hindi po ako kahihiyan," mahinahon kong sabi. "Nagkamali man ako sa paningin ninyo… pero pinaninindigan ko ‘to." Napatingin ako kay Tiya Esperanza. "Tiya, hindi ko po hinihingi na tanggapin n’yo ako. Pero sana… kahit respeto man lang." Tahimik lang siya. Walang s
"MA, andito pala ang bastarda mong pamangkin..." narinig kong sabi ng pinsan kong si Ate Gladys. Magkaedad lang kami ni Ate Gladys. Pero matandang kapatid ni Mama si Tiya Esperanza. Kaya ako ang palaging nagpapakumbaba kay Ate Gladys. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. Sanay na ako sa ganitong salita mula sa kanya, pero sa tuwing naririnig ko iyon, parang may kumikirot pa rin sa dibdib ko. "Gladys..." mahinang saway ni Tiya Esperanza, pero halata sa boses nito na wala iyong bigat. Bahagya akong napayuko at pilit na ngumiti. "Magandang gabi po, Tiya… Ate," bati ko, kahit ramdam ko ang panlalamig ng paligid. Napataas ang kilay ni Ate Gladys habang sinisipat ako mula ulo hanggang paa. "Wow ha, mukhang may lakad. Saan ka pupunta? O baka naman… may lalaki ka na namang uutakan?" Napakurap ako sa sinabi niya. "Wala po, Ate. May… importante lang po akong sasabihin." "Talaga?" Umupo siya sa sofa at in-cross ang mga braso. "E di sabihin mo. Nakikinig kami." Napatingin ak
NAPAHAWAK ako sa may kalakihan kong tiyan. Nakaupo ako sa kahoy na upuan habang naglalakad si Tiya Esperanza. "Magpapakasal ka?" tanong niya at agad akong tumango. "Alam na ba ito ng Mama mo?" Isa pang tanong niya. Napayuko ako. Saglit akong napahigpit ang hawak sa aking tiyan bago sumagot. "Wala na po si Mama…" mahina kong tugon. Natigilan si Tiya Esperanza sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, tila hindi inaasahan ang sagot ko. "Ano’ng ibig mong sabihin?" maingat niyang tanong. "Matagal na po… hindi ko na rin alam kung saan siya," dagdag ko, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib ko. Napabuntong-hininga siya at tuluyang umupo sa harap ko. Ilang segundo siyang natahimik, saka ako tinitigan nang masinsinan. "Kaya ikaw na lang mag-isa ang magpapasya para sa sarili mo?" tanong niya, hindi galit, kundi puno ng pag-aalala. Tumango ako. "Opo, Tiya… at gusto ko pong panindigan ang desisyon ko." Napatingin siya sa tiyan ko. Hindi niya kailangang itanong kung ano ang d
"ELISA, when you tell your parents that you are getting married to Calvin? Aba, lumalakad ang araw. Baka gusto ninyo nang ganapin ang kasal sa lalong madaling panahon..." tanong ni Tita. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil nakagisnan ko naman na walang mga magulang. "Tita, susubukan ko pong puntahan ang Tiya ko para ipaalam sa kanila ang tungkol sa pgbubuntis ko..." sagot ko na tila nag-aalangan. Nagkatinginan ang mag-asawa. Parang may hindi sila sinasabi, pero ramdam ko na may iniisip sila. “Wala ka bang contact sa kanila, hija?” mahinang tanong ni Tita, mas naging malumanay ang boses. Bahagya akong napayuko. “Matagal na po kasi kaming hindi nagkikita…” amin ko. “At hindi rin po maganda ang huling pag-uusap namin.” Tahimik na nakinig si Tito, habang si Tita naman ay tila naaawa ang tingin sa akin. “Pero kailangan pa rin nilang malaman,” dugtong ko, pilit pinatatatag ang sarili. “Kahit paano… pamilya ko pa rin sila.” “Gusto mo bang samahan ka ni Calvin?” tanong ni T
NAGDIDILIG ako ng mga halaman sa garden habang si Calvin ay nakaupo at nagbabasa ng newspaper. Naka-leave pa siya at ang Daddy niya muna ang namamahala sa kompanya habang nagpapagaling si Calvin. "Hi. Good morning.." narinig kong bati ng isang babae. Agad akong napalingon sa gawi ni Calvin. Andoon si Samantha, ang tamis-tamis ng ngiti nito. "I've heard what happened. Sorry hindi ako nakapunta sa ospital para dalawin ka, Calvin," sabi ni Samantha. Akala ko ba aalis na siya sa bansa. Bakit andito pa siya? Bahagyang tumigas ang pagkakahawak ko sa hose habang nakatingin sa kanila. Nasa harap ni Calvin si Samantha. Maayos, elegante at parang walang nangyari sa pagitan nila noon. “It's okay,” kalmadong sagot ni Calvin habang ibinababa ang hawak niyang dyaryo. “I’m fine now.” Napansin ni Samantha ang benda sa braso nito kaya agad itong lumapit. “You don’t look fine,” may halong pag-aalala sa boses niya. “You should still be resting.” “I am resting,” tipid na sagot ni Calvin. Hindi
MGA ilang araw pa ang nagdaan, naiuwi na namin si Calvin sa mansyon. Sinalubong kami ng parents niya. Hawak ni Calvin ang kamay ko na naglakad palapit sa mga magulang niya. "Welcome home, anak..." maluha-luhang sabi ni Tita. Nilapitan niya si Calvin at niyakap ng mahigpit. “Mom… huwag na po kayong umiyak. I'm okay.” pagpapakalma ni Calvin sa mom niya. Hindi pa rin napigilan ni Tita ang pagluha habang hinahaplos ang pisngi ni Calvin, para bang tinitiyak niyang totoo itong nasa harapan niya at hindi lang panaginip. “Akala ko… akala ko mawawala ka sa amin…” basag ang boses niyang sambit. “Hindi po mangyayari ‘yon,” marahan na sagot ni Calvin. “Hindi pa ako tapos dito.” Napangiti si Tito habang nakatayo sa gilid, pero halata sa mga mata niya ang pag-aalala na pilit niyang itinatago. Lumapit siya at marahang tinapik ang balikat ng anak. “You gave us a scare, son.” “Sorry, Dad,” sagot ni Calvin, bahagyang napayuko. “Hindi ko rin naman ginusto.” Napatingin sa akin si Tita pagkatapos
"W-WALA naman. P-Pagod lang daw sabi ng doktor..." sagot ko na napaiwas ng tingin. Iniiwasan kong tumingin sa mga mata ni Adrian. Makahalata pa siya na nagsisinungaling lang ako. "Pagod lang? Nag-pass out ka kanina. Sigurado ka bang 'yon lang? Baka gusto mong mag-sick leave muna. Don't worry, hin
"ALAM mo ba, Giselle? Iyong anak ni Greta sa kabilang kanto... buntis daw. Hindi pa raw iyon tapos ng pag-aaral. At ang masaklap, tambay lang dito sa kanto ang nakabuntis. Pambihira, sinayang ang buhay." Napalunok ako sa kwento ni Mama. Ang hindi niya alam, buntis din ang magaling niyang anak. Nak
"KUNG iniisip mo na may relasyon kami ni Giselle... it's a no. Wala kaming relasyon ni Giselle. Matinong babae siya, at hindi siya kagaya ng mga babaeng nakikilala mo, Adrian," pagtatanggol ni Daddy kay Giselle. Wala akong nakita kahit kaunting pagsisisi sa ginawa niyang pagsuntok sa mukha ko. Nap
NAKAHINGA ako ng maluwag dahil sa pagtanggap ni Mama sa sitwasyon ko. Nirespeto rin niya ang desisyon kong huwag ipaalam kay Adrian ang pagbubuntis ko. Para ano pa? Hindi na niya kailangan na malaman. Kaya kong buhayin ang anak ko na mag-isa. Malaki ang naging pagkukulang ko at iyon ay unti-unti

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





