Share

Kabanata 079

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-09-05 11:48:19

HINATAK niya ang kamay ko para mapaupo ako sa hita niya. Nanigas ang buong katawan ko at halos hindi nakagalaw nang pumulupot pa ang mga kamay ni Sir Adrian sa beywang ko.

"S-Sir, puwede pong huminga?"

Natawa nang mahina ang amo ko sa naging tanong ko. Hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko sa sobrang tensyon.

"Bakit hindi ka huminga? Nahihirapan ka ba, Giselle, kapag ganito kahigpit ang yakap ko sa'yo?" Mga tanong niya na ikibilog ng mga mata ko. Idagdag mo pa ang malambing na tono ng boses niya lalong nagpapakiliti sa akin.

Nakakainis talaga...

Hindi ako sumagot. Ayokong maisip niya na kinakabahan ako. Kahit na alam kong ramdam niya sa panginginig ng kamay ko at hindi makatingin ng sa kanya.

"Natahimik ka na, Giselle. Don't you want when I'm like this to you? Sabihin mo lang kung naiilang ka."

Huminga ako ng malalim, kumukuha ng lakas ng loob bago magsalita. “H-Hindi naman po. Pero nakakapanibago lang,” mahina kong sagot na halos pabulong.

Mas lalo siyang ngumiti, nakati
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angelie Dumip-ig
next next next
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 097

    "TATANGGAPIN mo ba ang flowers? Nangangalo na ang mga kamay ko, Giselle," biglang nasambit ni Adrian. Nahiya naman ako kaya dalii-dali kong kinuha ang bulaklak mula kay Adrian. "Sorry. Natuwa lang ako sa pa-props mo. Hindi mo naman na kailangan na gawin ito. Pati itong flowers," sabi ko na inamoy pa ang mga bulaklak. Nilapitan ako ni Adrian at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko. Saka, inipit sa aking tenga. "Anything for you, Giselle. May promise ako sa'yo. Di ba? And this is the start." Napahiyaw ako bigla nang binuhat niya ako ng pa-bridal. "Ano ba, Adrian! Ibaba mo nga ako!" reklamo ko habang kumakapit nang mahigpit sa leeg niya. Pero imbes na makinig, mas hinigpitan pa niya ang hawak sa akin at diretsong pumasok sa villa. "Adrian, seryoso… nakakahiya. Ang bigat ko pa," pabulong kong sabi. "Shut up, Giselle," natatawa niyang sagot. "Kayang-kaya kita buhatin. Hindi ka mabigat. Ang payat mo, para ka nang papel." Tingnan mo 'tong taong ito. Pinintasan pa ako. Payat daw

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 096

    INILAHAD ni Adrian ang isang kamay niya sa akin. "Come, Giselle. Let's take a walk..." aya niya na matamis na nakangiti sa akin. Napatingin ako sa kamay niya saka umangat ang tingin ko sa mukha niya. Napakagat ako sa labi. Ilang segundo rin akong natigilan bago ko dahan-dahang inabot ang kamay niya. Mainit iyon at mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Tumayo ako at sabay kami na naglakad patungo sa dalampasigan. Tahimik lang kami habang naglalakad at tanging hampas ng alon at ihip ng malamig na hangin ang naririnig. Ramdam ko ang buhangin sa ilalim ng aking mga paa, malamig at malambot. Saglit kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili kong maramdaman ang sandaling iyon. Nang magmulat ako ng mata ay nilingon ko si Adrian sa tabi ko. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Kalmado ang mukha na nakatingin sa dagat. Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya ay bumaling ito sa akin. Bigla akong nag-iwas ng tingin. Sa sulok ng aking mata ay nakita ko ang pagngiti niya. “Pea

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 095

    NANATILING tahimik si Adrian matapos ang mga salitang binitiwan ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat sandali at para bang kahit ang hampas ng alon ay nakikiramay sa bigat ng dibdib ko. Maya-maya, marahan niyang inilapag ang tinidor at hinawakan ang baso ng alak sa harap niya. Hindi siya agad nagsalita. Pinagmamasdan lang niya ako at sa titig na iyon, hindi ko alam kung galit ba, nasaktan, o tinamaan siya ng katotohanan ng sinabi ko. “Giselle…” mahina pero buo ang boses niya. “Kung parausan lang ang hanap ko, hindi kita pipiliin. Hindi kita dadalhin dito. Hindi ako mag-aaksaya ng oras ko para lamang makasama ka.” Napakagat ako sa labi, pinipilit ko pa ring pigilan ang mga luhang gustong kumawala. “Pero Adrian, iyon ang nararamdaman ko. Lagi na lang akong natatalo sa’yo. Hindi ko na kilala ang sarili kapag ikaw na ang kaharap ko. Pakiramdam ko… unti-unti akong nauubos.” Bahagya siyang napalapit, inabot ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Mainit ang palad niya at kumabog ang puso ko na

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 094

    NAPAYUKO ako at kinuha ang tinidor, pilit na iniiwas ang tingin sa kanya. Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko pa rin ang mga mata niya na nakatutok lang sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat galaw at bawat ekspresyon ko. Pinilit kong ngumiti at kumuha ng pagkain. “Mukhang masarap ‘to ah,” sabi ko para madivert naman ang atmosphere. Para kasing pakiramdam ko ay matutunaw ako sa paraan ng pagtitig ni Adrian. “Yes. Pero mas masarap ang kasama ko ngayon,” diretsong sagot niya na may nakakalokong ngiti sa labi. Napasinghap ako at napatigil sa pagsubo. Mabilis akong napatingin sa kanya. Alam ko na ang nasa isip niya. Puro kamanyakan na naman ang tumatakbo sa isip, kaya nasabi iyon ni Adrian. Pambihira naman, oh. Lalo lang akong nalulubog sa kahihiyan. Siyempre, dahil marupok ako. Pumapayag din na ako na magpamanyak. “Adrian…” tawag ko sa kanya, halos parang saway. “Hmm?” Kumagat siya sa pagkain pero hindi inaalis ang titig niya sa akin. “I’m just being honest.” Hindi ako makas

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 093

    "SIR, the dinner is ready," imporma ng staff ng resort nang pumasok ito sa aming villa. Tumango lang si Adrian at umalis na ang staff. Napalingon ako kay Adrian. Naguluhan at nagtataka ang mga tingin ko sa kanya. Habang siya ay kalmadong nakapamulsa lang at nakangiti sa akin. "Nagpareserved ka ba ng dinner sa restaurant dito sa resorts? Kanina pa nga kumakalam ang sikmura ko. Parang nalipasan na ako ng gutom," tanong ko na nalilito pa rin. Pero pilit na umaktong normal. Naghihintay ng sagot mula kay Adrian. Nilapitan niya ako. Tinanggal ang mga kamay sa kanyang bulsa at hinawakan ang isa kong kamay. Bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Hindi niya alam kung gaano ako 'di mapakali kapag ganito siya kalapit sa akin. Tapos, ang grayish niyang mata, na kung makatitig ay para akong hinuhubaran, e. Napakurap-kurap ako ng aking mga mata. Saka, tumikhim. “Nope. I asked them to prepare a private dinner for us by the beach,” sagot niya, hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. "H-Ha? Anon

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 092

    HUMINTO ang sinasakyan namin sa harapan ng isang resorts. Naunang bumaba si Adrian at nang bumukas ang pinto sa gilid ko ay nakita ko siyang nakatayo roon. Lumabas na ako ng sasakyan. At biglang namangha sa gandang nakikita sa resort. Puno ng mga ilaw at sobrang maliwanag ang buong resort. Kumikislap ang dagat sa ilalim ng liwanag ng buwan. "Wow! Ang ganda naman dito. Dito ba talaga tayo titigil ng tatlong araw, Adrian?" tanong ko pa naninigurado. Buong paghangang nagpalinga-linga sa paligid. "Yes. For three days we will stay here." Nahigit ko ang aking paghinga. Tatlong araw sa mala-paraisong lugar na ito. Tiyak talaga na mag-eenjoy ako. Sana pala nakasama ko si Eliza rito. Tiyak na magugustuhan niya rin dito sa sa Siargao. Habang nakatayo ako, hindi ko maiwasang mapako ang tingin sa paligid. Halata sa lahat ng detalye na mamahalin ang resort na tutuluyan namin ni Adrian. “Come, Giselle,” aya ni Adrian sabay lakad papasok sa resort. Ako naman ay parang batang sumunod lang sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status