Masuk"TUTAL, malapit na ang kasal ninyong dalawa... dito na rin kami titira ng anak ko sa mansyon niyo, Calvin," parang sabi ni Tiya Esperanza. Nagulat ako sa sinabi ni Tiya Ezperanza. Napatingin ako kay Calvin. Naghahanap ng kahit anong reaksyon mula sa kanya, pagtutol man lang o kahit pag-aatubili. Pero nanatili siyang tahimik, malamig ang ekspresyon, parang pinag-iisipan ang bawat salitang sasabihin. “Tiya…” mahinang sambit ko, pilit pinipigilan ang sarili. “Hindi po ba masyadong biglaan?” Ngumiti si Tiya Esperanza, pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. “Ano ka ba naman, iha? Pamilya naman tayo. At saka..." bahagya niyang hinaplos ang buhok ng anak niya. “Wala kaming ibang matatakbuhan ngayon.” Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Parang may mali, hindi lang basta paghingi ng tulong ang tono niya. May halong kumpiyansa… na para bang sigurado na siyang papayag kami. “Calvin,” muli akong napatingin sa kanya, halos pabulong. “May sasabihin ka ba?” Ilang segundo siyang nanahimik
LIMANG araw ang nakalipas, halos tapos na ang preparation para sa kasal namin ni Calvin. Hindi muna siya pumapasok sa kompanya, pansamantala ay si Tito muna ang pumalit kay Calvin. "Ma'am Elisa, may bisita po kayo. Nasa labas po," napaharap ako sa kasambahay na naglalakad palapit sa akin. "Sino po, Ate?" "Tiya at pinsan mo raw po." Napatayo ako nang malaman na dumating si Tiya Esperanza. Parang kusang nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko inaasahan na pupunta sila. Lalo na ngayon, ilang araw na lang bago ang kasal. “Ay… p-papasukin mo na lang po sila,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Okay po, Ma’am,” sagot ng kasambahay bago tumalikod. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kaba sa dibdib ko. Kilala ko si Tiya Esperanza at lalo na si Ate Gladys. Hindi sila basta pupunta nang walang dahilan. Ilang sandali pa, narinig ko na ang tunog ng mga yapak mula sa may pintuan. “At aba, ang laki na pala ng bahay,” narinig kong komento agad ni Tiy
GINAWA nga ni Calvin ang sinabi niya. Halos hindi na nga niya ako bigyan ng gagawin para sa aming magiging kasal. Sa halip, siya mismo ang kumikilos para sa lahat. Mula sa pakikipag-usap sa coordinator hanggang sa pagpili ng venue at suppliers. Minsan ko siyang nahuhuling may kausap sa telepono, tahimik pero diretsahan ang mga sinasabi, parang sanay na sanay na siya sa ganitong mga bagay. Ako naman… nakaupo lang sa gilid, pinapanood siya. “Do you want to see the sample invitations?” tanong niya minsan habang may hawak na folder. Umiling ako nang bahagya. “Ikaw na lang ang pumili.” Saglit siyang tumingin sa akin, parang sinusuri ang reaksyon ko. “You don’t have any preference?” Napayuko ako sandali bago sumagot. “Wala naman akong masyadong alam sa mga ganito.” Hindi siya agad sumagot. Ilang segundo ang lumipas bago niya ipinatong ang folder sa mesa at lumapit sa akin. “Then trust me,” mahinang sabi niya. “I’ll handle everything.” Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang in
SA paglabas ko ng silid namin ni Calvin, napansin ko agad ang amoy ng pagkain na nagmumula sa ibaba. Humakbang ako pababa ng hagdan, mabagal, ingat na ingat sa bawat hakbang. Nang makarating ako sa kusina, natigilan ako. Naroon si Calvin. Nakatayo siya sa harap ng stove, abala sa niluluto. Nakasuot lang siya ng simpleng shirt, bahagyang magulo ang buhok na tila bagong gising o hindi pa talaga nag-ayos. Saglit akong hindi gumalaw. Napangiti akom Parang hindi bagay sa kanya ang eksenang iyon. Pero ang natural niyang dating ay parang gusto kong pagmasdan. Napansin niya ang presensya ko. Lumingon siya at nagtagpo ang mga mata namin. "Good morning," sabi niya, kalmado ang boses. Hindi ko napigilang bahagyang ngumiti. "Good morning." Ibinalik niya ang atensyon sa niluluto, saka nagsalita ulit. "You’re awake earlier than I expected." Dahan-dahan akong lumapit sa may mesa at naupo. "Ikaw pala ‘yong wala sa tabi ko kanina," mahina kong sabi, halos parang obserbasyon lang. Sandaling t
PAGPASOK pa lang namin sa loob ng silid, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang tahimik na kapayapaan. Dahil kay Tiya Esperanza, hanggang ngayon ay nabubuhay ako. Hindi man maganda ang naging trato nila sa akin ay itinuturing ko pa rin silang pamilya. Dahan-dahan akong pumasok, hawak pa rin ang tiyan ko. Huminto ako sa gitna ng silid at iginala ang paningin. "Do you want something?" tanong ni Calvin sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya. "Wala…" mahinang sagot ko. Tumango siya, tila sapat na sa kanya ang sagot ko. Lumapit siya sa may gilid ng kama at bahagyang hinila ang kumot para ayusin. "You can rest. Magpahinga ka muna." Umiling ako. "Okay lang ako." Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Elisa." Sa tono pa lang ng boses niya, alam kong hindi iyon basta pangalan ko lang. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. "You don’t have to act strong all the time," mahinahon niyang sabi. Hindi ako nakasagot agad. Parang tinamaan ako. Dahan-dahan akong n
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata ko. Hindi na ako umiwas. Ngayon, hindi na. "Sapat na, Ate." Mahina ang boses ko pero malinaw. Hindi na nanginginig tulad kanina. "Pwede mo akong maliitin. Pwede mo akong sabihan ng kung ano-ano…" saglit akong huminga, pilit inaayos ang sarili. "Pero huwag mong idamay ang Mama ko." Napairap siya. "Bakit? Totoo naman ah—" "Hindi mo siya kilala," putol ko. Ngayon, direkta ko na siyang tinitigan. "At lalong hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin." Saglit siyang natigilan, marahil hindi inaasahan na sasagot ako. "Ano ngayon?" taas-noo niyang sagot. "Kahit anong sabihin mo, buntis ka pa rin na hindi kasal. Kahihiyan ka pa rin ng pamilyang ‘to." Masakit. Pero hindi na ako uurong. "Hindi po ako kahihiyan," mahinahon kong sabi. "Nagkamali man ako sa paningin ninyo… pero pinaninindigan ko ‘to." Napatingin ako kay Tiya Esperanza. "Tiya, hindi ko po hinihingi na tanggapin n’yo ako. Pero sana… kahit respeto man lang." Tahimik lang siya. Walang s
NILAPITAN ko si Giselle at niyakap. Pero ilang na ilang siya at iwas na iwas. Marahil ay kasama ko sina Daddy at Lolo. Nakamasid sa aming dalawa. "Baby, we're here para mamanhikan..." sabi ko nang humiwalay ako kay Giselle. "Ano?! Umagang-umaga mamanhikan kayo. Mamaya makita ka ni Mama, lalong
"ANONG ibig sabihin nito?! Bakit andito si Adrian, Giselle?!" Nagulantang na lang kami sa malakas na sigaw ni Tita Gigi. Napatingin ako sa gawi ng pinto at sabay kaming napatayo ni Giselle. "M-Ma, magpapaliwanag po ako..." takot na takot na sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. P
Adrian's POV BUMALIK ako sa bar, halos hawiin ang mga taong nakaharang sa daraanan ko sa sobrang inis. "Oh, anong nangyari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Calvin na napatingin sa akin nang makalapit ako sa kanya. Marahas akong napabuntong-hininga. Saka, napasuklay ng aking buhok. "She's not answe
"A-ANONG ginagawa mo rito, Adrian?" Tila kinakabahang tanong ni Giselle. Parang namutla siya nang makita niya ako sa kanyang harapan. "Mommy, sino po siya?" tanong ng batang babae na karga niya. Nagtago naman ang batang lalaki sa likuran ni Giselle. "Huwag ninyo siyang pansinin. Wala lang siya...







