LOGINNAKASANDAL lang ang likod ko sa swivel chair ko at nakalagay ang dalawang palad sa batok ko. Habang nakatingala't nakatingin sa kisame. Tatlong araw na lang at idadaos na ang kasal namin ni Elisa. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang pasya niya. Napatigil ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig ang yabag papalapit sa akin. "Hijo, anak..." napaayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Mommy. "Mom." Tumayo ako at nilapitan ko siya. Saka hinalikan siya sa pisngi. Hinawakan niya ang kamay ka at iginiya paupo sa sopa. “I know how you feel, son…” Napayuko ako at napabuntong-hininga. “Do you really, Mom? Kasi ako… hindi ko na alam kung ano’ng mararamdaman ko.” Mahinahon niya akong tinapik sa kamay. “You love Elisa. Kita naman sa’yo. Pero natatakot ka… na baka hindi ka niya piliin.” Napapikit ako. Parang mas lalong bumigat ang dibdib ko sa narinig ko. “She has every reason not to choose me,” mahinang sagot ko. “I hurt her, Mom. I let Samantha ruin everything. Hina
"CALVIN, ako ang dapat na pakasalan mo! Hindi ang bastardang 'yon!" Mga sigaw ni Samantha. Napailing-iling ako. "Kahit kailan ang lakas talaga ng loob mo. Hindi ka nahihiya sa ginawa mo at pagsisinungaling!" Natigilan si Samantha sa harapan ko, pero mabilis din siyang ngumiti. Yung ngiting halatang pilit at puno ng galit. “Ako?” tumaas ang boses niya. “Ako pa ngayon ang sinisisi mo? Calvin, gising! Ginawa ko lang naman ang dapat gawin!" Humakbang ako palapit sa kanya, hindi na nagpipigil. “Dapat?” mariin kong ulit. “Ang sirain ang relasyon namin ni Elisa? Ang magsinungaling? Ang ipilit ang sarili mo sa buhay ko?” Humigpit ang panga ko. “Wala kang karapatan na tawagin siyang bastarda.” Nanlaki ang mata niya, parang hindi makapaniwala sa narinig. “Talaga? Eh ikaw nga ang nagpaasa sa akin noon, Calvin!” sigaw niya. “Kung hindi ka naging malambot, hindi ako aasa!” Napatawa ako nang walang saya. “Hindi kita minahal, Samantha. Alam mo sa sarili mo 'yon. At malinaw ‘yon m
Calvin’s POV SA susunod na linggo na ang kasal namin ni Elisa. Pero hanggang ngayon… hindi pa rin niya ako napapatawad. Tumigil ako sa harap ng salamin, tinitigan ang sarili ko na parang hindi ko na rin kilala. Ang dami kong nagawang mali. At ngayon, lahat ng ‘yon… ako mismo ang nagbabayad. Huminga ako nang malalim, pero hindi pa rin bumigat ang dibdib ko. Dahil ang mas kinatatakutan ko, hindi lang na hindi matuloy ang kasal. Kundi ‘yung tuluyang mawala sila ni Elisa… at ang anak namin. Kumuyom ang kamao ko. “Hindi puwede,” mahina kong sabi sa sarili. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Kahit ilang beses pa niyang iwasan ako o ipagtabuyan. Kahit ilang beses pa niyang sabihing hindi pa siya handa. Hihintayin ko siya. Dahil alam kong mahal pa rin niya ako. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. Sa tabi ko, naroon pa rin ang mga papel ng kasal. Mga detalye na dati, pinaplano namin nang magkasama habang nagtatawanan pa kami. Ngayon, ako na lang ang natitira. Pinikit ko ang mg
"HINDI ko alam kung titigil na si Samantha sa panggugulo sa amin ni Calvin. Ayoko na pati ang anak namin ay madadamay." Nasabi ko. Hinawakan ni Giselle ang kamay ko. "Alam ko ang takot mo, Elisa. Alam ko na hindi ka sigurado sa mga anong puwedeng kayang gawin ni Samantha, laban sayo. Para makuha si Calvin..." Napatingin ako ss kaibigan ko. “Giselle…” mahina kong sabi, parang doon ko inilalabas lahat ng bigat sa dibdib ko. “Hindi ko alam kung hanggang saan siya kayang lumayo.” Huminga siya nang malalim, saka umayos ng upo para mas harapin ako. “Pero hindi ka dapat mabuhay sa takot,” mahinahon niyang sabi. “Lalo na ngayon na buntis ka.” Napayuko ako. “Paano kung hindi siya tumigil?” tanong ko, halos pabulong. “Paano kung pati ako, pati ‘yung baby ko… madamay?” Sandaling tumahimik si Giselle. “Kung gano’n, hindi ka mag-isa," seryoso niyang sagot. Tumingin ako sa kanya. “Hindi ko hahayaang basta-basta ka lang galawin o guluhin,” dagdag niya. “Kung kailangan natin ng lega
NAIISIP ko pa rin si Calvin, hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pakikipaglaro at pakikipag-usap sa mga anak ni Giselle. Nang mapansin ko ang kasambahay nina Giselle na palabas ng mansyon. Napapaisip ako, anong mayroon? Parang nagmamadali ata siya. Nang muling pumasok ang kasambahay ay may bitbit na itong malaking kahon. "Ate, ano po 'yan?" Nagtatakang tanong ko. "Ma'am, para po sa inyo..." "Huh?" Napakunot ang noo ko. "Para sa’kin?" ulit ko, tila hindi makapaniwala. Tumango ang kasambahay. “Opo, Ma’am. Kakahatid lang po. May nagpadala.” Mas lalo akong naguluhan. “Sino daw ang nagpadala?” tanong ko agad. Umiling siya. “Hindi po sinabi. Iniwan lang po sa gate.” Sandali akong napatitig sa kahon. Malaki iyon. Maayos ang pagkakabalot. Halatang hindi basta-basta lang. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kaba na agad ang sumikip sa dibdib ko. Dahan-dahan akong lumapit. “Ate, buksan niyo po,” sabi ko,
"BUMALIK ka na sa akin. Ituloy natin ang kasal..." Pinakatitigan ko si Calvin. Kita ko ang malalalim na eyebags niya, ang pamumutla ng balat, at ang mga matang halatang ilang gabing hindi nakatulog. Hindi ito ang Calvin na sanay akong makita. Malakas, kontrolado, siguradong-sigurado sa sarili. Ngayon, para siyang takot mawalan. "Ganun na lang ‘yon?" mahina pero matalim kong tanong. "Babalik ako… tapos tuloy na agad ang kasal?" Hindi siya umimik. Tumitig lang siya sa akin, parang hinihintay kung ano ang susunod kong sasabihin. Tumayo ako, saka dahan-dahang lumapit sa kanya. "Calvin, hindi ito simpleng away lang," dagdag ko. "May mga kasinungalingan. May mga bagay na tinago. At higit sa lahat, nasaktan ako." Napalunok siya. "Alam ko," paos niyang sagot. "At hindi sapat ang sorry para burahin ‘yon. Pero… gusto kong itama lahat. Simulan ulit natin." Napailing ako. "Hindi gano’n kadali." Lumapit siya ng isang hakbang. "Hindi ko sinasabing madali," sagot niya. "Pero handa akon
BIHIS na bihis na ako. Mauna akong magising kay Eliza. Nagsusuklay ako ng buhok ko nang mapansin ko siyang bumangon. "Aalis ka?" Humarap ako kay Eliza at ngumiti. "Oo. Pupuntahan ko si Adrian para isoli ang singsing." "Sandali... hintayin mo 'ko. Sasamahan kita," sabi ni Eliza at nagmamadaling b
GUSTO ko siyang murahin at pahiyain din sa harap ng maraming tao. Iparamdam kay Adrian kung gaano kasakit ang ginawa niya. Pero hindi ko magawa. Ang gusto ko na lang talaga ay makahinga. Sa sobrang sakit, dito sa puso ko, nahihirapan na akong makahinga. Pumatak ang luha ko habang humakbang ako pap
HINDI pa rin talaga titigil si Tita Isolde. Ipipilit pa rin ang gusto niya. I am done with all of this. Lahat ng kontrol, mga dikta nila at lahat ng gusto nilang mangyari sa buhay ko. “Tita, please,” sabi ko, halos pasigaw na. “Enough. Hindi ko na kaya. Hindi ko na gusto ang ganitong klaseng buhay
DUMATING ang araw na aming pinakahihintay ni Adrian. Nakaupo ako sa harap ng salamin habang inaayusan ng make up artist na inupahan namin. Nasa likuran ko si Mama. Nakabihis na siya at ang ganda-ganda niya sa suot niyang gown. Parang ang Mama ko ang ikakasal, naagawan pa ata ako ng spotlight. Ngi







