Share

Chapter 2

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako kaya syempre nagpadala naman ako. I looked at our clasped hands then at his back. Gosh, likod palang ulam na.

"Oo nga pala, where are we going ba?" He didn't look back at hindi din ako sinagot. Not that I care kung saan kami pupunta, I've spent months just to find him at ngayon siya pa ang humihila sa akin para dalahin sa kahit saang lupalop ng mundo. Syempre sasama ako.

Napadaan kami sa shop kung saan kami bumili ng damit kanina ni Jules and it made me stopped on my track. Lumingon naman siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Wait lang. Naiwan ko si Jules doon. We have to go back." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan lang niya lalo ang hawak doon. "Si Jules nandoon."

"We have to go now." He said in a commanding tone. I ignored him and I used all my strength para mabawi ang kamay ko at nang magawa ko yun ay agad akong tumakbo pabalik sa shop na itinuro kanina ni Julian but I don't see her. Ang usapan namin doon lang kami maghihintayan. Kinabahan ako, what if may mga lalaki din ang lumapit sa kanya at kinuha siya?

"Did a lady with a straight and long black hair went here? She's wearing a yellow dress." The sales lady look like a Filipino and when recognition was all over the lady's face, medyo nakahinga ako ng maluwang. Baka wala namang nangyari sa kanya dahil mukhang okay naman ang itsura ng ateng sales lady.

"Ah yes maam. Si miss Julian po? May lumapit po sa kanyang lalaki. Ang sabi po niya babalik nalang siya para kunin ang binili niya."

"Hindi parin ba bumabalik?" Umiling yung ate. "Anong itsura ng lalaki?" Maybe Kuya Demitri met her? But he's in a meeting. Or baka naman si kuya Ric na pinagbilinan sa amin ni kuya?

"Gwapo po na matangkad at naka leather jacket. Mukha naman pong kilala niya dahil sumama po siya." Napakunot ang noo ko. Naka coat si kuya Demitri ngayong araw. Imposible din namang si kuya Ric yon kasi ang sabi niya gwapo eh matanda na yun.

"Hindi po ba ito ang kasama niya?" I showed her a picture of kuya Demitri from my phone.

"Hindi po maam eh.. pero parang narinig ko po na tinawag niya ng Leo yung lalaki."

"That fucker." Lumingon ako kay Enrique na halos nag aalab na ang mata sa galit. "I knew something was up when I saw that guy a while ago."

"Who?" Nagtatakang tanong ko.

"Leo Guerrero." Kumunot ang noo ko. Anong kinalaman ng pinsan namin dito? Bago pa man ako makapag salita ay hinawakan na ako ulit ni Enrique sa kamay. "We really have to go now."

"Teka.. miss nandiyan pa ba yung binili ni Julian? Can I have it? I'll show you my ID." I showed them my ID at nagpakilala akong sister-in-law ni Julian. Good thing kilala ako ng manager nila na nandoon kaya pumayag na siya and I got the paper-bag na naglalaman ng binili ni Julian. I'll keep it until makita ko siya. I really hope she's fine. Leo is a good guy, we're not that close pero I've been with him a number of times and he's cool to be with. She'll be alright. I hope.

***

We took the plane back to the Philippines. Sa sobrang pagod ko nakatulog na din ako. I woke up when we landed, ang akala ko sa Manila ang balik namin pero mali ako dahil hindi familiar sa akin ang lugar.

"Where are we?" I said as I walked behind him at tumitingin sa paligid. He raised an eyebrow at me.

"You traveled the world but you don't know this place?" I was a little bit shocked that he knows that I travel a lot. Akala ko hindi niya alam na nag eexist ako.

"I travel the world, pero hindi pa ang Pilipinas." I've been away from the Philippines for 3 years and I did travel half of the world. Paminsan minsan kasi tumitira ako ng ilang buwan or weeks sa isang lugar kapag nagustuhan ko doon, I study their different cultures.

"Then you're travelling in the wrong place." Sabi niya ng nakatalikod pa rin sa akin dahil na uuna siyang maglakad.

"Why? Have you travelled the country? Napuntahan mo na ba ang bawat sulok ng Pilipinas? Can you tour me? I've always wanted to travel alone but I won't mind traveling with you though. It's a new experience for me."

"You seem to have gained your energy." I smiled.

"Oo eh. I'm not really used to being quiet so I talk a lot."

"Figures." He said in a blunt tone.

"Ayoko kasi ng boring kaya nagkukweno nalang ako ng kung ano. Bakit? Ayaw mo ba sa mga taong makwento?" He sighed in frustration. Ayaw nga yata talaga niya sa maingay. Well, masasanay nalang siya dahil magkakasama kami habang buhay. I giggled and It made him look at me and I made a peace sign pero wala lang siyang reaction.

Sinalubong kami ng isang middle aged na lalaki. Pinakilala ako ni Enrique at bumati naman ako kay manong na napag alaman kong Lito ang pangalan. They seemed close, mukhang matagal na silang magkakilala kahit pa seryoso lang palagi ang mukha ni Enrique. All the time tahimik lang siya, hindi siya nagsasalita at hindi din naman ako umiimik. There's something about the silence, hindi yung awkward na ambiance. It's so comfortable at nakakapanibago, kasi usually kapag ganito na tahimik ang paligid ko magdadaldal ako dahil gusto ko lively palagi ang aura. Sumusilyap lang ako sa kanya paminsan minsan for the satisfaction of my eyes and my heart.

Sumakay kami sa isang van hanggang sa makarating kami sa isang resort. The sand is white at maraming tourists sa paligid.

"Are we on a honeymoon?" I jokingly asked as I roam my eyes around the place. Ngumiti lang ako ng malapad nang tumingin siya sa akin, but he didn't said anything.

Then we walked until we approached an area kung saan may naghihintay sa amin na motor boat. I keep on glancing at him habang nakikipag usap siya kay mang Lito tungkol sa pupuntahan namin. Kinakamusta niya kung ano ang mga kaganapan sa lugar. I just smile at him kapag sunusulyap siya sa akin. Pagkakataon ko na din na mabighani siya sa smile at ganda ko.

A car brought us to a white mediterranean styled house. Simple lang ito at hindi gaano kalaki, but it looks so elegant. As expected, the interior of the house was as beautiful as the outside. It has a very relaxing ambiance.

"You will stay here in my villa for the time being. Alam na ito ng kuya mo, sinabihan niya ako na dito ka muna habang hindi pa naaayos ang gulo."

"Yes sir." Nag thumbs up ako sa kanya and I winked. He raised an eyebrow at me.

"Aren't you going to ask me what's happening?" Umiling ako.

"If I'm supposed to know, you'll tell me voluntarily right? I'm just hoping that everything will turn out fine. I really hope Julian's fine too. Kung ano man ang pinagdaraanan nila ni kuya alam kong makakaya nila yun and if Kuya Demitri wants me to be here, then hindi na ako magiging makulit." At isa pa, kuya is actually doing me a favor for leaving me here with Enrique. It's my chance to sweep him off his feet.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status