Share

Chapter Five

"Hoy, Vienna! Anong raket na naman ba ito? Bakit ganito ang suot natin? Mukha tayong white lady sa may Balete Drive. Clown ba tayo?" takang tanong ko pa sa kanya habang nasa byahe kami. Pati kasi make-up namin ay palong-palo sa puti! Hindi naman siguro kami magbebenta ng aliw sa kanto? Hindi pa ako ready na ibenta ang puri at dangal ko.

Sa ilang buwan ko na rin pamamalagi rito sa Maynila ay medyo naka-adjust na rin ako ng buhay ko. Kahit sobrang hirap sa kalooban ko na mag lihim kina Nanay, pero tiniis ko. Ayaw ko na mag-alala sila para sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na isipin nila na nasa Singapore na ako. Masakit man na lokohin ko sila pero sa ngayon ay ito lang ang alam ko na tama kong gawin. Mag-iipon lang ako at babalik din ako sa kanila. Pero ngayon ay kailangan ko munang mabayaran lahat ng utang namin para wala na akong isipin pa.

Lumipat na rin ako sa isang lumang apartment dahil medyo nahihiya na rin ako sa pamilya ni Vienna na manatili pa sa bahay nila. Kung anu-ano ng raket ang pinasukan namin ni Vienna para lang kumita ng pera. Katulad ko ay hirap din sila sa buhay. Ngayon nga ay may raket kami na hindi pa sinasabi ni Vienna kung anong raket, basta sabi niya ay kailangan kong ilabas ang pagiging best actress ko raw. Hindi kaya mag-audition kami sa Pbb? O kaya naman sa Star Magic?

"Hoy, Vienna! Kanina pa ako tanong ng tanong sa'yo!" singhal ko pa sa kanya na busy pa rin sa paglalagay ng lipstick sa labi. Minsan ang hirap din kasing kausap ng babae na ito eh, madalas kasing lutang o kaya ay busy sa kung anu-ano sa buhay. Kaagad naman niya akong nilingon at tiningnan ng masama. "Kung makatanong ka naman dyan! Basta, Gelay, galingan mong umiyak, kasi mas pang best actress, mas malaki ang bayad," sabi niya pa. Kanina niya pang sinasabi na kailangan ay magaling daw umiyak.

"Saan ba talaga ang raket natin? Ako ay kinakabahan na sa mga pinapasok mo. Vienna, baka naman kung ano na namang raket ito, huh!"reklamo ko pa. Muli niya akong tinapunan ng tingin. At mabilis hinila ang buhok ko at saka tumawa. "Gelay, wala kang karapatan na tumanggi sa raket natin. Manong, dyan na lang po sa tabi," sabi niya pa sa driver.

"Vienna, b-bakit tayo nasa patay? Kilala mo ba sila? Makikilamay ba tayo?" mahinang usisa ko pa sa kanya nang makapasok kami sa isang lamayan ata ng mga Chinese ito. Hindi ko naman alam na may lahi pa lang Chinese si Vienna dahil medyo may kalakihan naman ang mga mata niya pero para makisiguro ay tinanong ko na rin siya. Ngunit isang pinong kurot ang natanggap ko mula sa kanya. "Naliliitan ka pa ba sa mga mata ko, huh, Gelay? Lakas mo rin mang-asar, ano? Hilahin ko kaya ang tinggil mo dyan?" banta niya pa sa akin na ikinatawa ko naman. Sana kasi ay hindi ko na tinanong ang tungkol dito. "Eh, ano ngang gagawin natin dito?" muli kong tanong sa kanya habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid.

"Ganito kasi 'yon, Gelay, yung mga Chinese ay may paniniwala sila na mas mabilis na makakarating ang mga kamag-anak nilang namatay kung mas malakas ang iyakan sa lamay. Kaya naman kumukuha sila ng crying lady, at tayo yon," paliwanag pa ni Vienna. Napanganga na lang ako dahil kahit taga-iyak pala ngayon ay binabayaran din nila. Sobrang yaman naman nila. Mapapa sana all ka na lang talaga. Ibang-iba sa kultura natin.

"T-talaga ba, Vienna? Wow! Grabe naman pala sila!" bulalas ko pa habang nakaawang ang bibig. Sa probinsya kasi namin ay hindi kailangan ng taga-iyak. Pero taga-kain at taga-sugal ay kailangan sa lamay. Iba talaga ang mga rich people.

"Gelay, 5k ang bayad sa atin, per head dito. Kaya ibigay mo ang best mo, okay?" paalala pa ni Vienna sa akin. Nang umupo na kami sa tabi ng patay. Huminga ako nang malalim at nagsimula ko nang isipin ang lahat ng mga masasakit na pangyayari sa buhay ko. At nagsimula na akong humagulgol nang malakas. At halos ang iyak ko ang nangibabaw sa aming apat na crying lady. Sabi kasi ni Vienna yung pang best actress daw ang iyak, kaya pang famas ang ginawa ko. Iyak kung iyak ang beshy niyo. Kulang na nga lang ay mag-flooring pa ako habang naiyak, wala kasing wall kaya sa floor lang.

Ilang oras kaming umiyak nang umiyak kaya naman tumigil muna ako saglit. At baka maubusan na ako ng tubig sa katawan. Pasimple kong kinalabit si Vienna at muntik pa akong napasigaw ng humarap siya sa akin, nagmukha na siyang palaka. Magang-maga ang kanyang mga mata. At nang mapatingin naman ako sa dalawang crying lady ay nag mukha naman silang mga panda dahil kumalat na ang eyeliner sa mga mata nila. Ang hirap kumita ng pera kaya naman muli na lang akong umiyak dahil sa sitwasyon namin ngayon. Kahit magmukha kaming tipaklong, palaka at panda, laban lang!

At makalipas ang ilang saglit ay tapos na rin kaming umiyak. Halos maubusan na rin kami ng oxygen sa baga dahil sa labis na pag-iyak namin pero nagawa pa rin namin ng maayos ang pagiging crying lady.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. Dahil hinang-hina kami at pakiramdam ko ay naubos na lahat ng tubig sa buong katawan namin dahil sa labis na pag-iyak. Walanghiyang buhay ito! Aba, pati luha ngayon ay binibili na rin. Nagmukha tuloy kaming na-dehydrate na palaka. Kung tutuusin ay kulang pa ang 5k sa pagpapa-ospital ko kung nagkataon.

"Vienna, okay ka lang ba? Nakikita mo pa ba ako?" biro ko pa sa kanya. "Gelay, hindi ako bulag. At saka babalik pa rin sa dati ang malaki kong mga mata, so, happy ka na?" sagot niya pa habang umiinom ng tubig. Kaya naman naibuga ko pa ang tubig na nasa bibig ko buhat sa sinabi niya. Pero masaya na rin ako dahil may 5k na kaming maliwanag ngayon. Malaki rin ito para sa ilang oras lang na raket namin.

Matapos namin kumain ay binayaran naman agad kami ng anak ng namatay. "Mr. Paki Kho, kapag may namatay ulit sa kamag-anak niyo ay kami ulit ang kunin niyo," sabi ko pa at nagulat pa ako nang pasimpleng hilahin ni Vienna ang buhok ko. At bahagyang umisod upang may ibulong. "Kamamatay pa lang ng kamag-anak, may papatayin ka na naman?" mahinang bulong niya. At bago pa magalit si Mr. Paki Kho ay nagmamadali na kaming lumabas. Nagpaalam na rin kami sa dalawang crying lady at dahil maaga pa ay naisip na rin namin maghanap ng ibang raket dahil mamayang gabi pa ang pasok namin sa spa. "Vienna, nag take-out nga pala ako ng pagkain. Hati tayo para hindi na tayo magluluto pa," sabi ko habang isa-isa kong inilalabas mula sa bag ko ang lahat ng pagkain na kinuha ko. "Vakla ka talaga! Masamang mag-uwi ng pagkain galing sa patay diba? Ayaw ko, Gelay, natatakot ako, paano kung sundan tayo?" nahihintakutan pang saad ni Vienna. Anong taon na ngayon ay naniniwala pa rin siya sa mga ganito. "Vienna, hindi ka susundan ng patay, una ay hindi niya alam ang address natin. Saka narinig ko na pilay pala yung namatay, kaya wag kang matakot kasi hindi na siya makakalakad," paliwanag ko pa habang pinapasok ko sa bag niya ang fried chicken, chopsuey at sweet and sour pork. Nanlaki pa ang mga mata ni Vienna at tinanong niya kung saan galing ang plastic na pinaglagayan ko. Ngumiti lang ako at inilabas ko ang marami kong plastic labo. Iba ang handa sa lahat ng handaan. At saka hindi naman pagnanakaw ang ginawa ko, panghihinayang lang. "Vakla, ibang klase ka talaga! Pati patay ay hindi mo pinaligtas sa pagsha-sharon mo!" palatak niya pa.

Mindset ba!

Nagsimula na kaming maglakad at tumingin-tingin sa mga nakapaskil sa mga establishment, nagbabakasakali na baka max matisod kaming raket ulit. Napansin ko pang nakatingala si Vienna at tila kinikilig pa ang loka. "Tama nga sila Gelay, na dapat ay mataas ang pangarap mo,"

'Huh? Bakit?" kunot-noo kong tanong.

"Tumingala ka, dali!"utos niya pa sa akin. At kaagad ko rin naman siyang sinunod. Isang lalaki ang nagkakabit ng kawad ng kuryente sa isang posted ang nakita ko.

"Gwapo kasi ni Kuya! Parang ang haba rin ng ano niya!" tili niya pa kaya naman dali-dali ko siyang hinila bago pa siya gumawa ng eksena rito. Nakakahiya talaga ang kaibigan kong ito!

"Ano ba? Grabe ang hila, huh! Dahan-dahan naman, vakla ka!" reklamo niya pa sabay tulak sa akin. Napatili pa ako nang bigla akong makarinig nang malakas ba business mula sa aking likuran. Bigla akong napayakap sa sarili ko para masiguro na buhay pa ako. At nang maramdaman ko pa ang sarili ko na matigas at may buhay ay mabilis akong humarap upang pagsabihan ang walang modo na driver. Paano kung napatay niya ako? Paano na ang pamilya ko? Paano na ang mga pangarap ko?

"Hoy! Bumaba ka dyan!" Dinuro-duro ko pa ang harapan ng sasakyan na muntik nang kumitil sa buhay ko. At nang mapansin kong hindi pa rin bumababa ay malakas kong hinampas ng bag ko ang harapan ng sasakyan. At dito na bumaba ang may edad na matanda na nakasuot ng gray na uniform. Siguro ay driver.

"Hija, nasaktan ka ba? Pasensya na at mainit ang ulo ng amo ko. Kapag daw hindi ka umalis sa harap ay…" hindi niya matapos ang sasabihin niya at napapakamot pa siya sa ulo. "Sasagasan ka raw namin," mahinang sambit niya pa. Kaya naman pati ako ay nakaramdam ng takot. Aba, walanghiya pala ang amo ni Manong driver!

"Pakisabi ho, Manong Driver, sa pangit mong amo na, wag sana silang magtagal ng jowa niya!" sigaw ko. At kahit alam kong impossible na marinig niya ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Naku, walang kasintahan 'yan, Hija," natatawa pang pahayag ni Manong driver sa akin.

"Mabuti naman po. At walang nagbalak. Saka sure po ako na pangit at mabaho ang paa ng amo niyo po! Pakisabi na lang po. Salamat. Vienna, tara na!" Sigaw ko pa at saka ako nag-dirty finger sa harap ng sasakyan.

Wag ka sanang magka-jowa!

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
YNM
hahahaha ka Loka k tlg marz pinasasaya mo tlg Ako s mga story mo nku d best k tlg s gnito mga story ...
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
haha dami ko twa s inyo Gelay ui
goodnovel comment avatar
Leslie agapito
bawal mag uwi gelay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status