"Ate, malayo pa ba tayo? Pagod na po ako kasi. Tapos ang bigat-bigat pa nito, oh! Feeling ko tuloy ay pasan niya ang mundo, tsssk!" reklamo ni Divine sa akin habang naglalakad kami papunta ng bayan. Sayang kasi kung mamamasahe pa kami at maibabawas pa sa magiging benta. Kailangan ko pa naman magtipid kasi wala naman kaming wawaldasin talaga. Hay buhay! Kung magaling lang sana akong gumiling ay baka umekstra na ako sa beer house sa bayan. Pero minalas tayo dahil wala man lang akong talent kundi ganda lang ang meron ako.
"Malapit na tayo, Divine Saka hindi mabigat ang bitbit mo, reklamador ka lang," singhal ko pa sa kanya.Madalas kasi na si Jeremy ang kasa-kasama ko kaya hindi sanay si Diane na maglakad papunta ng bayan. Dito kasi namin dadalhin ang mga saging at kamote na nakuha namin. Kapag wala kasi akong raket ay naiisipan ko na umakyat ng bundok upang manguha ng mga maaari naming ibenta. Halos ganito kasi ang gawain dito sa Mindoro. Swerte nga kami ngayon at dalawang buwig ng saging at ilang kilo ng kamoteng kahoy ang nakuha namin ngayon. Mabait naman ang may-ari ng lupa at pumapayag naman na kumuha kami. Si Tatay kasi ang nangangasiwa noon ng lupain nila noong nabubuhay pa ito.Pero masyadong mareklamo itong kapatid ko. Akala niya ata ay anak siya ng haciendero rito sa bayan namin. Tiningnan ko pa siya nang masama at parang gusto ko pa siyang kutusan at hilahin ang mahaba niyang buhok dahil sa pagiging maarte niya. Hindi pwede sa akin ang babaeng maarte.Mabait at masipag naman siya pero siguro dahil sa dalaga na ay medyo nahihiya na rin kung minsan. Pero hindi uubra sa akin ang ganong rason. Mahirap kami at hindi mayaman para mag-inarte siya ng ganito. Para lang sa may mga pera ang pag-iinarte at hindi sa amin na mahirap pa sa daga. Tumigil ako saglit upang sermonan siya. Ngunit ibubuka ko pa lang ang bibig ko ay nagmamadali na siyang naglakad palayo. Alam na niya na makakatikim siya ng masarap na sermon mula sa akin. Napapa-iling na lang ako habang pinagmamasdan siya sa malayo, mabilis naman pala maglakad, eh.At nang makarating kami sa Bayan ay kaagad kong ibenta ang aming kalakal kay Aling Cristy. Tuwang-tuwa pa siya ng makita ang mga dala namin dahil marami raw ang naghahanap ngayon ng saging."Gelay, ang gaganda naman ng saging mo, mataba at malaki, huh! Naalala ko tuloy ang yumaong asawa ko sa tuwing nakakakita ako ng saging! Oh, kay sarap ng saging ng asawa ko!" Mabilis ko naman tinakpan ang magkabilang tenga ni Diane. Kahit kailan talaga ay kirengkeng itong si Aling Cristy! Ayaw na lang magbayad at talagang nauna pang isipin ang saging ng asawa niya. Ano nga bang itsura ng saging ng asawa niya?"Ah, eh, Aling Cristy, kukunin ko na po ang bayad at maglalakad pa po kami pauwi ng kapatid ko. Baka gabihin pa kami sa daan." Kakamot-kamot pa ako sa ulo at baka kung anong saging pa ang mapag-usapan namin nito, delikado!Kaagad naman siyang tumalima at dumukot ng pera mula sa suot nitong palda."Oh, basta, Gelay, sa akin ka pa rin magdadala ng kalakal mo, huh! Lalo na yung ganitong klaseng saging." Tumango-tango naman ako sa kanya. Umabot din sa apat na daan at tatlumpung piso ang naging halaga ng kalakal naming dala. Kaya naman ng balingan ko si Diane ay tuwang-tuwa pa siya. Alam ko kasi na may kailangan pa siyang bayaran sa kanyang paaralan. At kung natatandaan ko ay noong nakaraang linggo pa niya ito sinasabi sa akin ngunit wala naman akong pera. At hanggang ngayon kasi ay may binabayaran pa kaming naging utang namin noong mga panahon na ospital si Tatay. Hindi naman namin maaaring takasan na lang basta. Tunay na mahirap pa sa mahirap ang buhay namin, pero fighting lang at matatapos din ito, ika nga nila, 'habang may buhay, may hininga'Tama, mali?Inabutan din ako ng isang tray ng itlog ni Aling Cristy. Galing daw ito sa manliligaw niya.Sana all, lahat! Ako kasi ay ligawin din, lalo na at hindi ko alam ang address.Tuwang-tuwa pa si Divine dahil may uulamin na raw sila ni Jeremy sa eskwelahan. Parehong nasa high-school na silang dalawa at talaga naman na hindi ko lang sila ginagapang, pinapasan ko rin ang pag-aaral nila. Nang sa gayon ay maging maayos ang buhay nila at hindi matulad sa akin."Ate, diba…diba nasabi ko sa'yo na may kailangan akong bayaran na isang daan piso para sa school project namin? Ako na lang kasi ang hindi pa nakakabayad. Pero kung may paggagastusan tayo ng pera, hayaan mo na lang. Kakausapin ko na lang ulit ang aking maestra," ramdam ko pa ang lungkot sa boses ni Divibe habang naglalakad kami pauwi ng bahay bitbit ang ilang kilong bigas at tuyo at isang bote ng mantika.Dinukot ko sa bulsa ang isang daan piso at inabot sa kanya. "Ibayad mo muna ito, tutal may raket pa naman ako bukas. Basta galingan niyo ni Jeremy sa pag-aaral. Alam niyo naman na—""Hindi, pwedeng ganda lang ang meron tayo!" tuloy pa ni Diane sa sasabihin ko kaya naman natawa na lang ako sa kanya. At nag-apir pa kaming dalawa.Nagpatuloy kami sa paglalakad pauwi sa amin.Malapit na kami ni Divine sa aming bahay, humahangos pa akong sinalubong ni Badong. Isa sa mga kaibigan ni Jeremy."A-Ate Gelay, Ate Gelay, si…Jeremy, nakikipag-away!" balita niya pa sa akin."Ano?! Saan?! Divine, mauna ka nang umuwi at magsaing ka na rin. Pupuntahan ko muna ang kapatid mo!" taboy ko sa kanya at nagmamadali akong sumama kay Badong kung nasaan si Jeremy. Lintek na bata talaga ito! Makakatikim pa siya lalo sa akin! Wala na nga kaming makain ay ang lakas pa ng loob makipga-away.Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita ko na hawak-hawak sa may kwelyo ng isang may edad na lalaki ang kapatid ko. Talo pa ako ng loko! "Hoyyyyyyyyy! Bitawan mo ang kapatid mo!" Malakas kong sigaw habang naglalakad ako papalapit sa kanila. Ni hindi ko nga pinalo ang mga kapatid ko pero ang kumag na ito ay walang pakundangan sa buhay!Agad naman nitong binitawan si Jeremy."Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko, huh!" Dinuro-duro ko pa siya at gusto ko na siyang bigwasan sa tagiliran. "Ang pangit mo na nga ay pati ugali mo ay pangit din!" Nagtawanan pa ang ibang tao dahil sa sinabi ko. "Ate, tara na…Ate." Pilit pa akong hinihila ni Jeremy sa kamay. Pero hindi ako aalis nang hindi ko natuturuan ng leksyon ang pangit na ito! Hindi pwedeng inaapi niya ang kapatid ko nang ganito. Makakatikim muna siya sa akin!"Sinong pangit?! Ako ba?" galit na tanong ng lalaki sa akin. Kaya naman tumawa pa ako nang nakakainsulto. "Bakit tinatanong mo pa kung sinong pangit? Tumingin ka sa paligid, oh diba? Ikaw lang ang pangit! Ikaw sa susunod nahawakan mo sa kuwelyo ang kapatid ko, lalo kong papapangitin yang mukha mo! Ang lakas ng loob mong hawakan siya. Wag na wag mong kakantiin ang kapatid ko. Naiintindihan mo ba ako?!" singhal ko pa sa kanya. Natahimik naman ito bigla. At binalingan ko si Jeremy. "Ang sabi ko sa'yo diba, 'ang tapang ay ginagamit sa buhay, hindi sa pakikipag-away' tandaan mo 'yan," pangaral ko pa sa kanya. Akma na sana ako hahakbang ngunit biglang nagsalita ang lalaki sa harap ko."Kapatid mo ay bakla! Bakla! Bakla!" Sigaw ulit ng lalaki kaya naman bigla ng nagpantig ang pandinig ko. At mabilis umigkas ang kamao ko sa mukha niya.Napaupo pa ang lalaki sa lupa habang hawak nito ang nasaktang mukha."Ate, akala ko ba ay masamang makipag-away?" mahinang tanong ni Jeremy."Minsan naman ay pwede rin, tara na! Pero bakla ka ba talaga?" usisa ko pa sa kanya."I'm not, duh!" At mabilis akong iniwan ni Jeremy. Kulang na lang ay himatayin ako nang makita ko kung paano ito kumembot habang naglalakad.Tay, pasensya na! Malambot pa sa kakanin ang anak mong lalaki!Napitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya
"Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab
Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h
"Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it
"Hindi ko yata kaya. Natatakot ako. Wag na kaya natin ituloy?" maya-maya pa ay sambit ko nang tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang gate. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang aking mga palad at talampakan kahit pa hindi mainit sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya lang ako. "Just be yourself, hindi kita pababayaan…" tanging nasabi niya lang bago bumaba ng sasakyan. Sino ka dyan? Sana all, hindi pababayaan, yung iba kasi dyan, iniwan!Huminga ako saglit at saka ako bumaba. Gelay, kaya mo yan! Para sa ekonomiya at dahil mukha kang pera! Pikit-mata na lang. Saka easy lang 'yan! Inayos ko muna ang damit ko at ngumiti ako. Handa na ako!Mabilis akong bumaba at sumunod kay busangot sa loob. "What are you doing?" tanong niya pa nang pinulupot ko ang aking braso sa kanya. "Ang hina mo naman. Kailangan sweet tayo! Saka wag kang feeling dyan! Tandaan mo na hindi natin type ang isa't-isa. Palabas lang lahat ng ito kaya makisama ka, okay?" nakangisi kong saad. Wala siyang nagawa
Buong biyahe ata akong tahimik sa tabi niya dahil sa lintik na panty ko! Ang dami ng pwedeng madampot ay yung panty ko pa talaga mygod! Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa buhay kapag kasama ang lalaking ito. Wala naman akong magagawa dahil siya na ang boss ko mula ngayon. Kailangan ko na lang isipin ang malaking sahod na makukuha ko kapag natapos ko na ang anim na buwan. Makakalaya na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon ay magtiis muna kami sa isa't-isa. Dahan-dahan ko pa siyang nilingon habang abala sa pagmamaneho at namilog pa ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Imbes na mag-paapekto ay inirapan ko na lang siya. Pero mabilis ko naman binawi ang irap ko namg maalala ko na siya nga pala ang aking boss. Umayos ako nang upo at itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Parang hindi rin ako makahinga kapag magkasama kami. Masyadong masikip ang mundo naming dalawa. Siguro dahil hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo namin kaya ganito. Saka nakaka