Maaga pa lang ay gising na kaming lahat dito sa bahay. Ganito talaga sa probinsya, hindi uso ang tanghaling gising at tiyak na bunganga ang gigising sayo sa ingay. Kaya mamili ka, maaga kang gigising o maaga kang sesermonan? Nasa sayo ang kapalaran ng umaga mo kaya sumunod ka na lang ng matiwasay at reklamo. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng munting silid ko. Hindi ko na nga magawang mag-inat dahil maaga rin magsisimula ang araw ko ngayon. Dahil unang araw ko sa karinderya sa may bayan. Umaga hanggang tanghali lang ang pasok ko roon at pagkatapos ay tutuloy ako sa parlor na pinapasukan ko rin bilang isang manicurist, taga kulot, tag -straight, taga-alis ng kuto o taga- awat ng mag-jowang nag-aaway-away sa loob ng parlor. At marami pang iba. At sa gabi naman ay sa spa ang trabaho ko. Hindi regular ang pasok ko sa spa at parlor. Kung may mag-day-off lang ang isang tauhan ay saka lang ako papasok. Kaya sobrang dami kong raket sa buhay. Nagtitinda rin ako ng balot sa gabi o kaya pandesal sa umaga. Lahat na yata ay pinasukan ko na para lang makaipon kami nang pambayad sa mga utang namin. Hindi naman na makapagtrabaho si Nanay dahil may deperensya na ang isa niyang paa kaya dito na lang siya sa bahay nagtatanim-tanim ng kung anu-anong pwede namin kainin o di kaya ay itinda.
Bilang panganay ay ako lang talaga ang inaasahan nila at walang iba. Hindi ko rin pwedeng pahintuin sa pag-aaral ang dalawa kong kapatid dahil sila lang ang pag-asa namin para makaahon man lang sa buhay. At para na rin magkaroon sila ng magandang buhay. Isa pa ay matalinong mga bata ang mga kapatid ko kaya push lang sa pag-aaral nila. Hanggang kaya ko pa. Pasasaan ba at aahon din kami sa hirap. At mararanasan din namin na kumain ng masarap, gumala o kaya bumili ng mga bagay na gusto namin. Hays, ang sarap mangarap, Gelay De Castro!Pero sa ngayon ay sa reyalidad muna na tayo dahil sa totoo lang ay kulang na kulang pa ang bente kwatro oras para sa trabaho ko. Nakakapagod pero laban lang para sa pamilya ko. Wala rin naman akong pagpipilian kundi tanggapin ang katotohanan na ganito ang aking kapalaran. Pero bago ako tuluyang umiyak ay nagtimpla na ako nang kape. Ito lang ay sapat na para sa almusal namin. Habang abala naman ang dalawa kong kapatid sa pagbabasa ng libro nila. Maaga pa naman para gumayak patungo sa paaralan."Jeremy, wag na wag kong mababalitaan na nakikipagbasag-ulo ka, huh! Maliwanag na naman siguro sa'yo ang mga sinabi ko," paalala ko pa sa kanya."Yes na yes!" sagot pa nito na may kasama pang pilantik ng daliri. Juskoooo!"Anak, may nilagang mais dyan sa kaldero, kumain ka muna bago umalis!" Sigaw pa ni Nanay na abala sa pagdidilig ng mga halaman niya sa labas."Ate, maupo ka na lang po dyan, ako na ang kukuha ng mais," prisinta pa ni Divine. At dali-dali pang tumayo upang maghain ng mais. Napatingin pa ako sa kanya na parang hindi ako makapaniwala. May nakain sigurong kakaiba kaya maganda ang gising. "Ate Gelay, I think pinansin na siya ng crushie niya na si Benjamin. Na-saw ko ang kakaibang sparks sa mga eyes ng seswa kong ito!" palatak niya pa."Tigilan mo ako, Jeremy, sa mga seswa-seswa mong yan! Saan mo ba nakukuha 'yan? Ayusin mo yang dila mo, baka gusto mong ako ang umunat niyan gamit ang plantsa sa buhok!" banta ko pa sa kanya at mukha naman siyang nahintakutan mula sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba at may lambot na tinatago ang kapatid kong ito. Mabuti na lang at wala na si Tatay dito sa mundo. At kung hindi ay baka nayari na itong si Jeremy. Wala rin naman akong magagawa kung ganito na talaga ang kapatid ko. Kundi tanggapin ko siya ng buo. Sino ba ang tatanggap sa kanya? Diba una kaming mga pamilya niya. Kailangan pa rin niya ng full support ko kahit sa ganitong bagay. Kapatid ko siya kaya mahal ko. At tanggap siya kahit ano pa siya."Pero, Jeremy, wag na wag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Tanggap ko kung ano ka, pero pangako mo sa akin na magtatapos ka. Kahit yan lang ang ibigay mo sa akin, masaya na ako," seryosong sabi ko pa. Ito lang naman ang gusto ko sa kanilang dalawa ni Divine, eh. Tumayo naman siya at yumakap sa leeg ko nang mahigpit, aba lokong bata ito, ah! May balak atang patayin ako! Natatawa pa siya ng bitawan ako."Papatayin mo ba ako?" tanong ko pa. Tumawa lang naman siya."Promises, Ate Gelay! Magiging nurse akes, someday. And fly, fly, butterfly to the moon and river!" Natawa pa ako sa mga salita niya. At kumpirmadong, bading nga ang kapatid ko!Sabay-sabay na kaming kumain tatlo at mamaya na raw si Nanay. Masaya rin naman ako na kahit sa simpleng almusal ay nakikita ko kung gaano kagalak ang mga kapatid ko. Mabuti na lang at kahit papaano ay may nagbibigay kay Nanay ng kung anu-anong gulay. Libre na rin ito. At malaking bawas sa gastos ko.'Divine, Jeremy, oh, heto ang baon niyo, mag-aral kayong mabuti!" Ginulo ko pa ang buhok ni Jeremy na pak na pak sa ayos. Bakla nga!"Salamat, seswa!" sambit pa ni Jeremy. At b****o pa sa akin bago kumembot palabas. Maglalakad lang kasi sila patungo sa paaralan.Matapos kong mag-almusal ay lumarga na rin ako at baka ma-late pa ako sa karinderya sa bayan.Pagdating ko nga sa lugawan ay tamang kakabukas lang nito."Gelay, alam mo na ang gagawin mo. Wag na wag kang makakabasag ng kahit ano dahil ibabawas ko yan sa sahod mo," paalala pa ni Ate Gina ang may-ari ng lugawan. Tango lang ang naging sagot ko at mabilis kong isinuot ang apron. At nagmamadaling pumasok sa kusina. Maya-maya kasi ay dudumugin na kami ng mga tao . Kaya naman ay handa na akong maghugas ng kung anu-ano lang.At nagsimula na ngang dumagsa ang mga tao. Kaya naman halos matabunan na ako ng mga hugasin sa lababo. "Gelay, kaya mo 'yan! Plato lang 'yan!" kausap ko pa sa self ko. At muli akong nag-concentrate sa paghuhugas. Di ko na alintana ang ngalay ng mga kamay at binti ko.Ilang oras pa ang lumipas ay matatapos na rin ang trabaho ko. Pero pakiramdam ko ay tumakas na ang kaluluwa ko sa ngalay. At sa huling plato na huhugasan ko ay dumulas pa sa kamay ko. "Anak ng tinapa!" palatak ko pa sa gulat. At saktong pasok pa ni Ate Gina. "Naku, Gelay! Sinabi ko naman sayo na ibabawas ang nabasag mo sa sasahurin mo. Linisin mo na 'yan at nang maka-alis ka na!" At mabilis niya akong iniwan. Kapag tinamaan ka nga naman ng malas! Pero hindi pwede ito. Kailangan buo ang sahod na makuha ko.Mabilis kong nilinis ang nabasag na plato. At saka ako lumabas bitbit ang ipinagbabawal na teknik!"Ate Gina, may kilala ka bang Danilo?" kaagad kong tanong sa kanya.Bigla naman siyang namutla at nagdiwang naman ng palihim ang masamang ugali ko. Hindi ko naman kasi sinasadya na marinig ang chismis tungkol sa kanila. Pero magagamit ko rin pala siya sa buhay."H-hindi ko na b-babawasan ang sahod mo, G-Gelay. Basta tumahimik ka lang," halos pabulong niyang sambit. Ang tapang niya kanina ay biglang nawala na. Pati kulay ng labi niyang pulang-pula ay biglang namutla."Mabilis naman akong kausap, Ate Gina. Sige, salamat ulit. Basta kapag kailangan mo ng extra tao, narito lang ako. Tawag ka lang sa akin." Tinapik ko pa siya sa balikat at dali-dali akong lumabas. Baka bawiin pa niya ang bayad sa akin."Pasensya na Lord, umiral na naman ang kasamaan ko. Hindi naman po araw-araw," hingi ko pa ng tawad.At saka ako naglakad upang puntahan ang sunod kong trabaho.Napitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya
"Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab
Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h
"Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it
"Hindi ko yata kaya. Natatakot ako. Wag na kaya natin ituloy?" maya-maya pa ay sambit ko nang tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang gate. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang aking mga palad at talampakan kahit pa hindi mainit sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya lang ako. "Just be yourself, hindi kita pababayaan…" tanging nasabi niya lang bago bumaba ng sasakyan. Sino ka dyan? Sana all, hindi pababayaan, yung iba kasi dyan, iniwan!Huminga ako saglit at saka ako bumaba. Gelay, kaya mo yan! Para sa ekonomiya at dahil mukha kang pera! Pikit-mata na lang. Saka easy lang 'yan! Inayos ko muna ang damit ko at ngumiti ako. Handa na ako!Mabilis akong bumaba at sumunod kay busangot sa loob. "What are you doing?" tanong niya pa nang pinulupot ko ang aking braso sa kanya. "Ang hina mo naman. Kailangan sweet tayo! Saka wag kang feeling dyan! Tandaan mo na hindi natin type ang isa't-isa. Palabas lang lahat ng ito kaya makisama ka, okay?" nakangisi kong saad. Wala siyang nagawa
Buong biyahe ata akong tahimik sa tabi niya dahil sa lintik na panty ko! Ang dami ng pwedeng madampot ay yung panty ko pa talaga mygod! Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa buhay kapag kasama ang lalaking ito. Wala naman akong magagawa dahil siya na ang boss ko mula ngayon. Kailangan ko na lang isipin ang malaking sahod na makukuha ko kapag natapos ko na ang anim na buwan. Makakalaya na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon ay magtiis muna kami sa isa't-isa. Dahan-dahan ko pa siyang nilingon habang abala sa pagmamaneho at namilog pa ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Imbes na mag-paapekto ay inirapan ko na lang siya. Pero mabilis ko naman binawi ang irap ko namg maalala ko na siya nga pala ang aking boss. Umayos ako nang upo at itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Parang hindi rin ako makahinga kapag magkasama kami. Masyadong masikip ang mundo naming dalawa. Siguro dahil hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo namin kaya ganito. Saka nakaka