Share

Chapter Three

Penulis: Mitz Pascual
last update Terakhir Diperbarui: 2023-07-01 14:59:31

Pagdating ko sa parlor ay para na akong lutang na gulay dahil sa pagod sa hugasin at muntik pang hindi sumahod ng buo. May pakinabang din talaga ang mga chismosa sa lugar namin nagamit ko pa tuloy kay Gina. Bakit naman kasi pumayag na maging sugar mommy? Pero bahala sila sa mga buhay nila at busy rin ako sa buhay ko. Pera ang kailangan ko at hindi chismis mula sa kanila. Wala akong panahon sa ibang bagay. Pero kung may sahod lang sa pagiging chismosa ay baka pinasok ko na rin.

Uupo pa sana ako pero nagkataon naman na absent ang isang bakla kaya naman sa akin muna binigay ang isang bagong pasok na customer. Dahil busy rin si Marjorie sa kanyang customer.

Wala akong choice, kaya agad kong inasikaso ang lalaking customer ko. Hindi naman siya mukhang may lahi, pero ang lakas ng amoy. Mahihiya ang sibuyas bombay!

Kaagad ko na siyang tinanong kung anong gusto niyang gupit na hindi bagay sa mukha niya. Magsisinungaling pa ako kung tatanungin ko siya kung anong gusto niyang gupit na bagay sa mukha niya, wala naman babagayan kahit saang angulo tingnan Hindi naman pwera lait lang naman.

"Gusto ko maging kamukha ako ni Jericho Rosales!" agad-agad na sagot nito kaya naman napangiwi pa ako dahil gugupitan ko lang naman siya at hindi ooperahan sa mukha. Si Vicki Belo ang kailangan niya at hindi si Gelay De Castro.

Ibang klase rin magbiro si Sir, sa loob-loob ko pa. Napatawa niya talaga ako ng sobra! Eh, kahit yata ubusin ko lahat ng buhok niya ay malabong maging kamukha siya ng crush ko. Kahit pa paliguan ko siya ng maraming tubig ay hindi pa rin.

Kahit ka pa pumurol lahat ng gunting namin ay malabong magkaroon ng himala sa mukha niya. Kahit pa magdamag ko siyang gupitan ay hindi mangyayari ang pangarap niya. Wala talagang pag-asa! Tumango-tango na lang ako para matapos na lang ang pantasya niya. Libre naman din mangarap kung minsan kaya, push and pull lang! Pero hindi pangarap ang gusto niya, himala! Hindi gunting ang kailangan niya, kundi dasal at pera, samahan mo na rin ng pahinga.

Nagsimula na ako akong basain ang buhok niya at suklay-suklayin. Pero grabe naman ang tigas ng buhok nito! Parang alambre.

"Sir, anong gamit mong glue sa buhok mo? Ang tigas eh!" palatak ko pa. Hindi naman ito umimik at nanatiling lang nakapikit. Mukhang nakatulog na yata. Kaya naman kinuha ko na ang razor sa tabi ko bago pa mag-resign ang gunting at suklay namin sa tigas ng buhok ng customer ko. Parang gusto na rin magwelga ng rasor unang sabak pa lang. Parang sampung taon yata na walang ligo at shampoo, sa tigas ng buhok niya.

Habang ginugupitan ko siya ay hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatulala sa kawalan. Parang madalas na lang akong tulala talaga. Iniisip ko kasi kung paano ba ang dapat kong gawin upang mabilis kong mabayaran lahat ng utang namin. Wala naman akong ibang paraan na alam. Saka una pa ay hindi naman mataas ang natapos ko kaya ang hirap maghanap ng trabaho na medyo mataas sana ang sahod.

Nagulat pa ako nang kalabitin ako ni Marjorie na nasa tabi ko rin. Sa dami kasi ng isipin ko ay pakiramdam ko, naubos na ang lahat ng laman ng utak ko. Bayarin dito, gastos doon. Kailan pa kaya kami lalaya sa hirap? Parang paulit-ulit na lang ang takbo ng buhay namin.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko siya nilingon.

"Hoy, Gelaylay! Ano na? Tuleley na naman ang feslak mo dyan! Anong problema mo?"usisa niya pa.

"Kailangan ko pa ng trabaho, Marjorie, ang daming bayarin. Minsan tuloy ay naiisip kong maging bayaran, hays," reklamo ko pa habang patuloy ako sa paggugupit sa customer Pinandilatan pa ako ng mata ni Marjorie dahil sa aking mga sinambit sa kanya. "Kaloko ka, Gelalay! Baka naman bigla ka namin paglamayan ng wala sa oras o pagkapihan ka namin, dyan! Look, mo ang feslak mo, Hagardo Versoza na!" pagalitan niya pa sa akin. Alam niya kasi na marami na akong raket sa buhay. At kung minsan pa nga ay inaabutan niya ako kapag malaki ang tip mula sa mga customer niya. Maswerte pa rin ako kahit na ganito, may mga taong handa akong tulungan. Malaki na rin ang utang na loob ko kay Marjorie sa lahat ng tulong niya sa akin. At maging sa mga kapatid ko.

"Wala, eh, kailangan ko talaga, Marjorie."

Muling kong ibinalik ang atensyon ko sa ginugupitan ko at muntik na ako mapasigaw, mapatalon sa gulat. At mabilis kong binalingan si Marjorie. Kahit maging siya ay namilog ang mga mata at gustong tumili ngunit hindi niya magawa. Hindi ko napansin na kalbo na pala at puro ukab-ukab ang buhok ng customer ko. Mahabaging langit! Anong gagawin ko?

Hindi ko malaman ang gagawin upang ayusin pa ito. Nag-mukha tuloy siyang sisiw na hindi pa kumpleto ang balahibo. "Bakla ka talaga…" mahinang sambit ni Marjorie. Patay talaga ako nito. Paano ko ito aayusin? Pangarap pa naman niya na maging kamukha ni Jericho Rosales pero mukhang malabo pa talaga sa sabaw ng pusit!

Nag-iisip ako ng paraan upang masolusyunan ang problema ko ngunit wala akong maisip. Nang makita kong mumulat na ang kanyang mga mata ay mabilis kong tinakpan ng kamay ko. Hindi pa siya pwedeng magising at talagang mayayari ako nito. Hays, bakit kasi isip ako nang isip? Mabuti na lang talaga at mukhang nakatulog siya ulit. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Kitang-kita ko pa ang kaba sa mukha ni Marjorie at tiyak kong naiihi na rin siya ngayon sa takot.

Mabilis kong dinampot ang mga buhok niya at nagkatinginan pa kami ni Marjorie. Paano ba ito?

"Anong ginawa mo?! Bakit ganitoooooo?!" sigaw ng customer ko nang makita niya na ang buhok niya. Halos maiyak pa ito habang nakatitig sa salamin. Wala kasing paraan upang maibalik ko pa ito.

"S-Sir, ang gwapo m-mo naman—"

"Hindi! Ipapakulong kita!" Sigaw nito sa akin saka nagmamadaling lumabas ng parlor.

Patay ka talaga, Gelay!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
hahahahaha jusko Gelay...
goodnovel comment avatar
Leslie agapito
paktay ka gelay.........
goodnovel comment avatar
Vee Sajonia
Yung jericho rosales naging bembol rocco.........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • CINDERELLA FOR RENT!   Disney Princess

    Napitlag pa ako nang biglang tumunog ang phone ko at dito ko napagtanto na kaya pala hawak nito ang kanyang cellphone at tinapat sa tenga niya. Bakit kailangan pang tumawag kesa pumasok dito sa loob? Sabog ba siya? Mas gusto niyang magsayang ng load kesa maglakad. May sapak talaga ang utak nito!Wala akong choice kundi sagutin ang tawag niya. At baka masisante tayo ng ferson!"Let's go," bungad niya sa akin. At tila may halong inis pa sa boses niya."Anong let's go? Bakit ba ayaw mo munang pumasok?" tanong ko pa. Para kasi siyang gago na naghihintay sa labas."Ms. De Castro, lumabas ka na at umuwi na tayo," sabi niya pa.Umikot pa ang aking mga mata. Bahala nga siya dyan. At mabilis ko siyang pinagpatayan ng tawag. Kakain muna ako. Maghintay siya sa labas kung gusto niya!"Ano raw, Gelay?" usisa ni Vienna ng ibaba ko ang tawag ni busangot. "Pinapauwi na ako ng boss ko. Hayaan mo siya!" At maas lalo kong pinagpatuloy ang pagkain ko. Hinayaan ko muna si busangot sa labas. Bahala siya

  • CINDERELLA FOR RENT!   Mothering

    "Vaklaaaaaaa!" Malakas na sigaw ni Vienna nang makita niya ako. Nag-text kasi ako sa kanya na samahan niya ako na mamalengke at para na rin magkausap kami ng masinsinan.Tumakbo pa siya at napapikit na lang ako ng madapa pa siya. Yung kaibigan ko na ito, kahit kailan ay may katangahan din minsan. Kaagad akong lumapit sa kanya."Ano ka ba? Hindi ka naman kasi nag-iingat." Tinulungan ko pa siyang tumayo. Mabuti na lang at sa damuhan siya nadapa."Ayos lang ako. Mahal mo talaga ako!" sambit niya pa. At ang buong akala niya ay papagpagan ko ang tuhod niya kaya naman todo saway pa siya akin habang nakaluhod ako. "Hindi ka na naawa sa damo—arayyyy!" daing ko nang hilahin niya ang buhok ko habang hinahaplos ko ang damo kung saan siya nadapa."Akala ko naman ay nag-aalala ka sa akin! At talagang ang damo pa ang inalala mo!" galit niyang sambit kaya naman natawa na lang ako."Iwan mo kasi ang kambal mo sa bahay," sabi ko at muli akong tumawa."Bwisit ka! Pero maiba muna tayo. Anong ibig sab

  • CINDERELLA FOR RENT!   Panty

    Buong gabi akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ako dalawin ng antok. Mukhang namamahay ako kaya ganito. Lahat na yata ng pwede kong pwestuhan ay sinubukan ko na pero bigo pa rin akong mahanap ang aking antok. Sa dami naman ng tatakas sa akin ay antok pa talaga. Bumangon ako upang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Napahinto muna ako saglit upang silipin si busangot sa kabilang silid. Mukha naman siyang payapa. Mukhang lasing nga. Mabuti naman at nakatulog siya. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya tungkol sa nanay niya. Kaya naman pala siya nag-inom, birthday pala ng nanay niya. Pero saan kaya ginanap? Oh, di ba ito talaga ang naisip ko.Ang daya naman ng busangot na ito, hindi man lang ako sinama. Sana, nakikilala ko rin ang nanay niya. Ilang sandali pa akong nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto niya bago ako nagtungo sa ng kusina habang nasa isip ko pa rin ang sinabi ni busangot kanina.Ang hirap maging chismosa yung hindi mo nasagap ng buo ang chismis kaya h

  • CINDERELLA FOR RENT!   Attachment

    "Hey! Wake up!" Naramdaman ko pa ang pa ang mahinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. At kulang na lang ay magwala ako nang makita ko ang pagmumukha ni busangot. Isang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya dahil sa pagnakaw niya ng halik sa akin kanina. "Ouch! Why?" maang-maangan niya pa. Mabilis ako umayos ng upo at dinuro-duro ko pa siya. Anong akala niya, ganun lang 'yon? "Bakit mo ako hinalikan?! Bastos ka! Manyak!" Sigaw ko pa. At tila wala siyang alam sa mga nangyari. Ano basta na lang niyang nakalimutan ang lahat? Ganun lang 'yon? Saka bakit nasa sasakyan na kami?"Me? Are you kidding me, huh?" kunot-noo niya pang tanong at mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero alam ko na hinalikan niya ako! Hindi ako nagkakakamali! Pero bakit parang wala siyang alam? Niloloko niya ba ako? Tiningnan ko pa siya nang masama pero hindi man lang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Pero panaginip lang ba 'yon? Hindi maaari ang lahat ng it

  • CINDERELLA FOR RENT!   First kiss

    "Hindi ko yata kaya. Natatakot ako. Wag na kaya natin ituloy?" maya-maya pa ay sambit ko nang tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang gate. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang aking mga palad at talampakan kahit pa hindi mainit sa loob ng kanyang sasakyan. Tiningnan niya lang ako. "Just be yourself, hindi kita pababayaan…" tanging nasabi niya lang bago bumaba ng sasakyan. Sino ka dyan? Sana all, hindi pababayaan, yung iba kasi dyan, iniwan!Huminga ako saglit at saka ako bumaba. Gelay, kaya mo yan! Para sa ekonomiya at dahil mukha kang pera! Pikit-mata na lang. Saka easy lang 'yan! Inayos ko muna ang damit ko at ngumiti ako. Handa na ako!Mabilis akong bumaba at sumunod kay busangot sa loob. "What are you doing?" tanong niya pa nang pinulupot ko ang aking braso sa kanya. "Ang hina mo naman. Kailangan sweet tayo! Saka wag kang feeling dyan! Tandaan mo na hindi natin type ang isa't-isa. Palabas lang lahat ng ito kaya makisama ka, okay?" nakangisi kong saad. Wala siyang nagawa

  • CINDERELLA FOR RENT!   Chapter thirty-five

    Buong biyahe ata akong tahimik sa tabi niya dahil sa lintik na panty ko! Ang dami ng pwedeng madampot ay yung panty ko pa talaga mygod! Puro kahihiyan na lang ang inabot ko sa buhay kapag kasama ang lalaking ito. Wala naman akong magagawa dahil siya na ang boss ko mula ngayon. Kailangan ko na lang isipin ang malaking sahod na makukuha ko kapag natapos ko na ang anim na buwan. Makakalaya na rin ako sa wakas. Pero sa ngayon ay magtiis muna kami sa isa't-isa. Dahan-dahan ko pa siyang nilingon habang abala sa pagmamaneho at namilog pa ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Imbes na mag-paapekto ay inirapan ko na lang siya. Pero mabilis ko naman binawi ang irap ko namg maalala ko na siya nga pala ang aking boss. Umayos ako nang upo at itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Parang hindi rin ako makahinga kapag magkasama kami. Masyadong masikip ang mundo naming dalawa. Siguro dahil hindi naging maganda ang mga unang pagtatagpo namin kaya ganito. Saka nakaka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status